Bituin
"Kaya naman pala walang ginawa sa'yo kase nakikipaglandian. Ano, iba na naman?"
Si Violet, may kahalikang lalaki habang nagpupursiging maglakad patungog ikalawang palapag mula sa hagdan. Animo'y hindi na makapaghinatay kaya't kahit maraming tao ay walang pakealam. Na kung hindi man makaabot ay paniguradong sa hagdanan na gagawa ng milagro.
Hindi ko 'yan buhay at mas lalong hindi ko ito ka ano-ano. Kung ano man ang gawin niya ay wala na sa'kin. Wala akong karapatang manghimasok sa buhay nya't kaya mas minabuti kong iniwas ang tingin sa dalawa. It's a sus, madami naman na akong nakikitang mas malala pa sa ginagawa ng dalawa kaya ay nasanay na.
"It's her life, it's a good thing she's occupied. Baka kung may gawin man ito ngayon ay bumaliktad pa at siya ang mapasama, she won't like it."
I won't judge her, dahil katulad niya.. marami akong secretong tinatago. Ang kaibahan lang ay lantad ang mga maruming bagay na kagagawan.. habang ang akin ay mananatili na lamang sa hukay.
"Is Tita Samaria even aware of Violet's doing? Lalo na si Tito Lucio? Sa bahay pa naman nila mismo ginanap ang kasiyahan." Pagtatakang tanong ni Sasha na kahit ako ay walang masagot.
Sasha's family is close with Violet's. Hindi ko nga lang alam kumg bakit ang dalawa ay hindi magkasundo.
Nakilala ko sila dahil sa isang pagdiriwang kung saan ang pamilya namin ay inanyayahan. Ang alam ko lamang ay parehong may pinagkakaabalahan sa trabaho ang mga magulang nito kaya't napapabayan dahil nasa ibang bansa na halos nakatira. Maaaring isa ito sa dahilan kung bakit bulag ang mga ito sa katotohan.
"I heard she's failing, Lucianna. She was always competitive, lalo na't sa tuwing nalalamangan mo. I wonder why.." Dagdag pa nito.
Nitong nakaraang buwan ay napansin ko ngang parang may nagbago rito. I just shrugged my thoughts off.. impossible naman. Baka hindi.
"We shouldn't be talking about her, Sash. Hayaan na natin at wala rin naman tayong magagawa."
Lumilinga linga ako sa paligid at nakitang wala na ang dalawa, nasisiguro kong nasa itaas na. Dumadagsa ang tao sa loob, marahil ay napagod kakasayaw sa labas kaya't napag desisyonang magpahinga muna. Kasabay no'n ang pagpasok ni Cheska, ang isa ko pang kaibigan na hindi ko alam ba't naririto.
Nakasuot ito ng puting tube at fitted jeans. Palapit sa'min ng makitang nakaupo kami ni Sasha sa isang mesa sa sala.
"You're here!" Maligayang bati nito at marahang niyakap kaming magkaibigan.
"Why shouldn't we? Alam mo namang, we can't turn down her invite.." Makahulogang wika ni Sasha sa kakarating lamang na kaibigan.
"Oh.. so far, still good?" Baling sa'kin ni Cheska.
"She's busy with other things."
Her lips formed "O" and with that, alam na nito ang ipinapahiwatig ko.
"Nga pala, have you seen my brothers?" Tanong ko nagbabakasakaling nakita man. Impossibleng wala dahil kanina ay nakita namin si Kierr.
"They're on the pool, naglalaro. Pinapasali nga ako pero wala akong dalang extrang damit kaya umayaw. Saka, Kierr Elthon's there.. Lucianna."
I rolled my eyes at her, "What has he got to do with me?"
"Wala lang, baka.. siya talaga ang hinahanap mo?" Magpaglaro itong ngumiti sa'kin na siyang ikanasulobong ng dalawang kilay ko.
I groaned, "You know I care nothing about him except his achievements."
Sumabat naman si Sasha na mas ikinasama ng timpla ko.
"So now, you're going to deny it. Really, Lucianna?" She teased.
Nagtawanan ang dalawa ng makita ang reaksyon ko.
Hindi ko alam kung bakit pinipilit nila ako kay Kierr gayoong wala naman akong ibang plano pa sakanya. He's given me inspiration and that's it. Hanggang doon lang kaya't palaisipan kung bakit tinutukso sakin na alam naman nilang lahat na hindi na lalagpas pa.
"I don't like him, okay. I just admire his skills and achievements. That's it. Pwede ba?" Mahinahon ngunit may diin kong wika para sa dalawa, para magtigil.
Ayokong nadadawit ang pangalan sa lalaking iyon. Kung para sa iba ay kaluguran ito, ngunit sa'kin hindi. No man should be involved with me. No man, hindi pwede.
Ngunit mas lalo lang natawa ang dalawa ng makita ang pagtitimpi ko. Nagkatingin pa sila habang nasisiyahan sa estado ko ngayon.
"Sino ang hinahangaan mo, huh? Lucianna?"
Naestatwa ako ng marinig ang boses saking tagiliran. Bumilis ang t***k ng aking puso dahil sa kaba. Walang iba kundi ang panganay na kapatid, si Kuya Constantine. Hindi pwede, bakit ba at ngayon ito nagpakita.. sa ganitong pag-uusap pa talaga?
"It's just an artist, Kuya." Tumingin ako sa kapatid. I remained calmed and collected my thoughts. Hindi, hindi dapat ako magpatinag. Hindi dapat nila malaman dahil ibig sabihin nito'y sa huli ay mapupunta rin sa tenga ni Kierr ang impormasyon.
Mabuti at hindi niya narinig ang buong usapan kaya ay makakalusot pa ako nito.
"Chill, Constantine. We're just teasing her for fun. No malice," Mapaklang tawa ni Sasha na sinabayan din ni Cheska.
"Oo nga, Cons. Ang kj mo, she's already old enough for that. Duh." Cheska rolled her eyes at my brother.
"I'm just asking who he is. Ang dami niyong rason. Am I missing something, girls?"
Hindi nasiyahan sila Cheska at Sasha sa kapatid kaya umalis ang dalawa ng may masamang tingin kay Kuya.
"Naku, we'll just have fun. Bahala na kayo diyan." Paalam ng dalawa bago mawala saking paningin.
Makalipas ang minuto ay nagsimula na naman sa pagttanong ang aking kapatid at mas lalo lamang akong nangatwiran. Hindi ito makonento saking sagot at parang nagdududa pa.
"Get over it, Kuya. I'm getting out of here, bahala ka." Iniwan ko ito doon habang tinatawag ang pangalan ko.
Hindi siguro ito nakontento sa pangbababae ngayon kaya't pati ako ay kinukulit. Hell, mas gusto ko pang okupado ito sa pagiging haliparot kesa naman makealam sa'kin.
Dinala ako ng aking mga paa sa isang parte ng mansion na kung saan ay may lagusan papuntang garden nila. Maganda at halatang inaalagaan ang lahat ng halaman roon. Kasing ganda rin nito ang
mga bituing kumukislap na kay gandang tingnan. Mula noon pa ay naging kasanayan ko nang tumingin sa mga milyon milyong bituin magmula sa'king kwarto. I even hve my own telescope na nakalagy sa veranda ng aking silid.
Hindi ko maiwasang mamangha na kahit ay gabi gabi ko naman itong nakikita. Sana.. sana katulad ko rin sila. Ang tahimik ng mga ito.. kalmado at naglalahad ng mapayapang mundo.
"How I wish.." Tanaw ko sa langit.
Ng ibinalik at ipinalibot ang buong mata sa harden ay nahagip ng aking paningin ang pigura ng isang lalaki na nakatalikod sakin at nakaupo sa malawak na bangko na matatgpuan sa ginta ng naggagandahang halaman. Katulad ko kanina ay nakatingala ito sa mga bituin.
"Kierr Elthon.." Mahinang usal ko ng mapagtanto kung sino ang lalaki.
I slowly made my way towards him and quitely stood at his side.
"Kuya Kierr, narito ka pala?" Baling ko sakanya na ngayon ay bumaba na ang tingin at napasakin ang atensyon.
Oo, eto ang tawag ko rito sa tuwing nag-uusap kami. It's the way how I put boundaries around us two. Hindi naman ito nagrereklamo ngunit nakikita ko palagi ang pagbabago ng lukha sa tuwing mababanggit ang salitang iyon. Maybe it's weird because I'm only a year younger than him?
"Lucianna, how did you get here?" Sinuklian nya ako ng puro na ngiti.
"Uh, tahimik kase ritong parte sa pagkakapansin ko. Kaya.."
Tumingin lang ito sa'kin sandali bago ibinalik ang tingin sa itaas.
"Alam mo ba kung bakit sa kadiliman lang natin nakikita ang mga butuin?" Simula nito.
Nagulat ako sa pagsalita nito. Hindi ko inaasahan, akala ko'y tatahimik lang kami rito hanggang sa matapos ang gabi.
"Dahil pinapahiwatig ng kalangitan na.. kahit sakupin man tayo ng kadiliman ay may pag-asa parin, may kakaunting liwanag sa'tin na nagibigay ng kagandahan sa sariling mundong binalot na ng karimlan." Anito. "Ikaw, may tao bang nagbibigay liwanag sa'yo sa kabila ng problemang iniinda mo?" Dagdag nito.
Meron ba? Although he's given me the reasons to do my best in everything, to bw better.. hindi 'yon sapat na matawag siyang bituin saking mundo. Na kahit na magulang ko, o pamilya ay hindi kasama sa milyon milyong bituin na iyon.
"Wala.." Mahina kong wika habang pinapakiramdaman ang malaming na gabi. Napaka tahimik.. napaka..
"Balang araw, may taong papasok sa buhay mo na magbibigay liwanag sa madilim mong mundo. And in the end, it will all be worth it.."
Ngunit ano ba ang ibig sabihin nito? Bakit.. bakit parang alam niya. Sa mga salita nitong napaka..
"Ikaw, dumating na ba ang sa iyo?" Sa tanong na iyon ay napatigil ito. It was as if my question made him froze.
Nagtagal ng ilang minuto bago nito mapagdesisyonang sagotin ang kanina pa'y tanong na ikinabahala niya.
"Yes, Lucianna. But.. I'm not in hers. Wala ako sa mundo nito, sa mga bituin na pumapabalibot. And I will never be." Seryoso nitong sagot sabay baling sakin.
His eyes.. they were of souls. Pero bakit may dumaang lungkot sa mga mata nito?