Chapter 3

1490 Words
Avoid Hindi ko na muli itong tinanong. I respect his privacy.. hirap na hirap nga itong umamin kanina. Wala naman akong karapatang umusisa dahil kapatid lang ako ng kaibigan niya. "Hindi ka pa babalik, Kuya?" Pangbabasag ko sa katagimikan. "Pinapaalis mo na ako?" Halakhak nito. It was nice to him so laughing, ito ang unang pagkakataon na nakita ko itong ganoon saking harapan. Palagi ay sa malayo lamang kasama ang aking mga kapatid. His eyes were shining, shining like the stars.. "Hindi naman po sa ganoon, I'm just curious. Pasensya na, Kuya Kierr." Pormal na paumanhin ko. Nirerespeto ko ang mga nakakatanda sakin na kahit isang taon lamang ang agwat sa'kin. Tama naman ako diba? "Parang ang tanda tanda ko na sa mga salitaan mo. Come on, I'm just twenty." He said amusingly as he shook his head. "And you're probably.. nineteen, right? Drop the 'po' and 'kuya', Lucianna." He wants me drop it? At bakit? Isn't it more comfortable to call him kuya since he's my brother's bestfriend? Hindi ba ito komportable sakanya? "Uh, I think it's just right to address you this way.. You're my brother's friend after all, it'll be weird if I don't call you that, Kuya." Mas lumakas ang tawa nito, "You're too formal. Hmm.." Kanina pa ako nakatayo rito sa tabi niya, hindi ko naman naisipang tumabi rito at baka hindi ito maging komportable. "I guess we should change it. What should you call me then, huh?" Marahan nitong tanong. Hindi ko alam pero pakiramdam ko nag-iba ang tungo niya sakin simula noong pag-uusapan namin kanina. "Tell me, ano ba dapat ang itawag mo sa'kin? Just not the 'Kuya' please, Lucianna." Hinapit nito ang aking bewang hanggang sa magka-lebel ang aming paningin. Nagulat ako roon, it's very.. very impossible for Kierr to do that moves. Baka, baka nasapian ito? Nakaramdam ako ng kakaiba gayoong magkalapit kami. Parang may elektrisidad sa kamay nitong humawak saking bewang. Hindi ko maipaliwanag ang tambol ng puso, tila mamaya't masisira dahil sa lakas ng t***k. Bakit umabot sa ganito? "K-kierr.." Nauutal kong tawag sa pangalan niya. "That, that's what it should be.." Mahinang wika nito, almost like a whisper. "Hmmm, I like it." "Kailangan pa pala kitang makausap ng malapitan para makumbinsi." He smirked. Namula ako doon. Akala ko ba hanngang paghanga lang Lucianna pero bakit iba ang naging epekto ng salita niya sa'yo? Why are you even shy for goodness sake! "Ah, h-hindi naman.." Hindi ko na alam ano ang lumalabas sa bibig ko dahil sa kahiyaan. Bakit iba ito sa Kierr na kilala ko? Ang mga kilos nito ngayon.. just who are you, Kierr Elthon Fuente? He's not even a playboy, how was he so good with words? O baka akala ko lang iyon? At bakit nauutal ako? Get a grip, Lucianna. This is so not you! Bakit sa iba ay kaya mong kontrolahin ang sarili mo ngunit pagdating sa lalaking ito ay nauulol ka? They say, I am too intimidating na kahit na mga lalaki ay napapalayo sakin. But.. why am I acting like a pup right now, slaved to his master? O dahil siguro mas nakakatanda sakin si Kierr ng isang taon. Pero.. napaisip ako. Kasama rin ba siya? Kasama rin ba siya sa tinutukoy kong tao na may dalawang mukha? Ngunit, bakit? Hindi ako interesado ngunit kataka-taka na ibang iba ang Kierr Elthon sa pribado. Rinig na rinig ko ang paghinga nitong mas nakakapagpanghina sa sariling kalooban. Siguro ay dahil ito ang unang pagkakataon na may kalapit akong lalaki bukod sa kapatid. Siguro ay naninibago lamang ako ngunit bakit pati paghinga ko ay bumigat na rin na may pinagbabagayan katulad ng sakanya? "Uh, pwede bang lumayo ka?" Alinlangan kong pakiusap dito dahil naiilang na. Hindi ko gusto ang paraan ng pagtitig sakin. Baka ito pa ang maging dahilan para masira ang pinanghahawakan kong salita. Natatakot akong malaman niya ang pagka nerbyos ko dahil sa mga binibigay na titig nito sapagkat magkalapit. Hindi ko rin magawang umalis sa pagkawak dahil mahigpit ang mga ito sa bewang. Ayoko namang maging bastos kung bigla bigla na lamang aalis. "Bakit kita bibitawan gayoong ito lamang ang pagkakataon ko?" He laughed with no humor. "Ngayon lang pi-pwede, malayo sa mga mapagmatyag na mata." Lalomg humigpit ang hawak nito sa bewang. Pakiramdam ay hindi na ako makakawala pang muli. "Why would I let this f*****g chance go?" Mariing salita nito. "No.." Hindi ko maproseso ang mga salitang lumabas mula sa bibig nito. Hindi ko maintindihan. Anong ngayon lang? Anong.. bakit? Ngunit mas nakakabahala itong nararamdaman ko ngayon. Bakit ito ang epekto niya? Akala ko ba hanggang paghanga lang, Lucianna? Alam mong bawal. Alam mong hindi pwede. Hanggang sa kalayoan lang dapat. 'Wag mong kalimutan. Napabalikwas ako ng marinig ang malakas tunog ng alarm clock na nakakabingi. Naiinis na pinatay ko iyon sa side table habang pikit pa ang dalawang mata dahil sa kakulangan ng tulog. "What the heck," It's already 7:30 in the morning, nakalimutan kong Sabado pala ngayon at hindi naalis ang alarma. Tuloy ay ang sakit sa mata dagdagan pa ang sinag ng araw na tumatama sa'king mata. Wala naman akong gagawin buong araw ngayon, I'm still tired for breakfast. Hindi naman ako uminom ngunit ang sakit ng ulo ko. Hinilot ko ito ng maibsan. "This s**t hurts.." Mahinang usal ko. Tulala pa ako't nakatitig sa mayapang tanawin magmula sa bintana. Nakaupo na ngunit ang magulo pa ang buhok. Dapat sa mga oras na ito ay maligo na ako dahil maya maya ay kakain na kya ginawa ko ang mga dapat gawin. Naligo at magbihis ng komportableng suotin para sa hapag mamaya. "How was your school, Lucianna?" Tanong ni Mama sa hapag-kainan. Kompleto kami ngayon kasama sina Papa at ang dalawang kapatid. Tahimik lang ang dalawa habang nakikinig at si Papa naman ay hinihiwa ang longganisa sa sariling plato. "Fine, Ma. Nothing's new." Tipid kong tugon dahil ayaw ko nang pahabain pa ang usapan. Tumango lang ito at binaling ang atensyon kina Kuya. At alam ko na ang patutunguhan rito. They'll be scolded again dahil sa mga bagay na mali para saming magulang. Hindi na bago dahil ito naman palagi ang senaryo tuwing umaga kapag nariyan sila Mama. Hindi naman sila mahigpit samin, may bagay lang talagang ayaw nito na siyang parte na ng buhay ni Kuya. "Balita ko kasama mo na naman ang Fuente na iyon?" Pagsisimula ni Mama. "Achileas, Constanine.. how many times did I tell you to avoid that guy! Hindi ko kayo pinalaking matigas ang ulo." Tumaas ang boses nito. At heto't nagsisimula na. Ngunit kahit anong pagtutol ng aking ina sa pagkakaibigan ng tatlo ay sa huli hindi parin nakikinig ang aking mga kapatid. Ang alam ko lamang ay may iringan ang pamilya namin sa mga Fuente. A Graciano and Fuente could not be in the same table. Ang buong angkan ng dalawang panig ay may alitan kaya't ang mga estudyante ng unibersidad ay nagulat sa pagkakaibigan nina Kuya kay Kierr. "Ma, just let me eat peacefully. Please," Mariing wika ni Kuya Constantine at pnandaliang tumgil sa pag kain. Ang isang kapatid naman ay tahimik ngunit alam kong nagpipigil lang sa sarili na sumagot sa ina. Kahit na ganoon man ito ay alam kong hinding hindi mawawala ang pagmamahal ng dalawa sa babaeng nagsilang samin. "Florencia," Tawag ni Papa at nakitang hinawakan ang kamay ni Mama upang pakalmahin. Simula palang pagkabata ay binalaan na kami tungkol sa mga Fuente. I tried to hate Kierr, believe me. But then I realized, mali ang pagkakilala ko sakanya.. na ang impormasyon nilahad sakin ng mga kadugo ay pawang paninira lamang. I couldn't. Not when he's likeable, ni wala akong makitang mali. Sigurado akong maririnig na naman ito ni Lolo at mapapagalitan na naman ang kambal. In the whole Graciano, my grandfather's hate towards Fuente's are beyond infinity. Siya ang may pinakamalaking galit sakanila. "Mabuti at hindi nalaman ng Lolo niyo. Kung dumating man ang panahon ay hindi ko na alam kung paano kayo ipagtatanggol," Pumilit ng Mariin ito at hinilot ang sintido. "I'm done." Anunsyo ni Kuya Achileas at walang ganang umalis sa habag patungo sakanyang silid. Sinundan ko ito ng tingin. I feel sorry for them. Pati ay pagkakaibigan sa tao ay pinagbabawalan. Mabuti at natiis pa ni Kuya Constantine na mantili rito sa hapag. "Achileas!" Galit na tawag ni Mama kay Kuya ngunit hindi pinansin. Nagsalita si Papa dahil kung bakit napunta sa kaniya ang aking mata. "Let him, Florencia. Malaki na sila." Hindi ganoon si Kuya Achi. Kailanman ay napaka masiyahin nito, playful we call it. Ngunit pag ito ang pinag-uusapan ay nawawala ang pasensya at nagbabago ang ugali. "Mag-ingat kayo. Lalo ka na Lucianna," Ito ang huling salita ni Mama bago huminahon at ipinagpatuloy ang naudlot na pag kain. Nanatili nang tagimik si Kuya Constantine. Bigla ay napaisip ako sa salita ni Mama. Oo, alam ko. Matagal ko nang alam kaya't hindi na kailangan balaan pa. Gusto kong matawa. I'm so pathetic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD