Kabanata 1: Panaginip

1251 Words
"Mayumi, mayro'n akong ibibigay sa'yong liham na isinulat ko pa noong nakaraang araw. Ipagpaumanhin mo kung hindi ako nakapunta sa kaarawan mo. Si Inang kasi e, hindi ako pinayagang lumabas ng aking silid. May mga Guwardiya-Sibil daw kasing nagbabantay sa buong bayan ng San Ebastian," wika niya. Noo'y lulan sila ng isang bangkang de sagwan. Kasalukuyan nilang binabagtas ang makipot na ilog ng Salvation. Tanging ilaw lamang ng lampara ang nagbibigay liwanag dahil kinakain na ng dilim ang buong paligid na kanilang nadaraanan. Noo'y nagsimulang umihip ang malamig at malakas na hangin dahilan upang magbungguan ang mga sanga ng mga punong kahoy sa tabi ng ilog. "Ito ba ang liham mo sa akin? Naik'wento nga sa akin ng iyong Ina na may isinulat ka nga raw na liham para sa akin. Huwag kang mag-aalala, naiintindihan ko naman ang hindi mo paggawi sa aking kaarawan. Batid ko namang nag-aaral ka rin sa iyong silid para na rin sa darating na pasukan ngayon taon. Maiba tayo. Saan mo nga pala ipagpapatuloy ang iyong pag-aaral?" nagtatakang tanong ni Mayumi sa kaniya. "Ang sabi ni Ama, sa San Juan de Letran ko raw ipagpapatuloy ang aking pag-aaral. Ang sabi naman sa akin ni Ina, magtatrabaho raw siya sa Kumbento, subalit hindi naman pumayag si Ama. Sapagkat hindi raw niya alam ang mga nasa isip ng mga Dominiko sa Kumbento. Baka mapahamak lamang daw siya. Batid naman nating kung ano ang karahasang ginagawa nila sa mga nagpapaalipin sa Kumbento," tugon naman niya sa babae. "Kumusta naman ang kinikita n'yo sa pagsasaka?" nag-aalalang tanong pa ng babae. "Sa ngayon? Sapat naman ang kinikita namin sa pagsasaka e. Ngunit malaki ang kinakamkam na tributo ng mga Guwardiya-Sibil mula sa amin. Hindi rin sasapat ang ayuda na ibinibigay nila," mahinahong sagot niya. "Ngunit paano 'yon? Kung kukulangin nga kayo sa panustos na pera para sa iyong pag-aaral? Natatakot ako na baka tumigil ka sa pag-aaral mo. Paano na ang kinabukasan mo kung mangyayari 'yon? Nakahanda naman kaming tulungan ka. Maari kong sabihin sa mga magulang ko na tulungan ka rin. Nais mo bang sumama sa amin sa Europa?" nag-aalalang tanong pa ng babae. "Hindi ko alam. Hindi natin alam kung papayag ang mga magulang mo. Batid nilang mahirap lamang kami't mayaman naman kayo. Isusubo n'yo na lang ibibigay n'yo pa sa amin? Tiyak hindi papayag ang mga magulang mo. Ngunit natatakot din ako na baka mawalay ka sa akin. Baka gabi-gabi lamang akong malunod sa lumbay. Pero hindi ko rin p'wedeng suwayin ang utos ng mga magulang ko. Kung ano'ng nasa isip nilang nakabubuti sa akin, marapat ko lamang na sundin 'yon," sagaot naman niya. "Paano ka na ngayon? Natitiyak ko kung hindi ka makapagtatapos ng iyong pag-aaral aalipustahin lamang kayo ng mga nasa itaas. Tatapak-tapakan lamang kayo ng mga Guwardiya-Sibil. Ikaw at ang pamilya mo. Iniisip ko lamang ang kinabukasan mo," nag-aalalang wika ng babae. "Huwag kang mag-aalala. Magsusumikap ako. Sisikapin kong makapagtapos ng pag-aaral. Nang matulungan ko naman ang mga magulang ko't mga kababayan natin. Para maging bukas ang kanilang mga mata sa mga nangyayari. Maari mo bang ibigay sa akin ang sagwan? Sapagkat kailangan nating magmadali," aniya. Mabilis namang ibinigay ng babae sa kaniya ang sagwan ngunit hindi pa man sila nakararating sa kanilang patutunguhan ng maaninag nila ang ningas ng isang ilaw ng lampara sa tabi ng ilog. Sa hindi kalayuan, nadinig nila ang mga yabag. Sunod-sunod na tapak ng mga kabayo at ang pag-ikot ng gulong ng mga karitela. Isang putok din ng rebolber ang kanilang nadinig kasabay naman ng paglitaw ng isang lalaki sa tabi ng ilog at mabilis naman itong lumusong sa malamig na tubig. "Hanapin n'yo ang tulisang 'yon! Tiyak hindi pa man siya nakalalayo!" pasigaw na wika ng isang Kapitan-Heneral sa kasamahan niyang mga Guwardiya-Sibil. "Mayumi, kailangan mong tumago sa aking likod. May mga Guwardiya-Sibil, kailangan nating makalayo agad dito," nag-aalalang wika niya. Mabilis naman na ibinigay ng babae ang sagwan sa kaniya kaya dali-dali na siyang nagsagwan. Ngunit hindi nila napansin na may mga Guwardiya-Sibil na pa lang nagmamatyag sa unahan ng ilog. Napansin sila ng mga ito, kaya inakala nilang siya ang tulisang kanilang hinahabol. Agad sila nitong pinaulanan ng putok. Kaya nagmadali si Juan sa pagsagwan ngunit tinamaan na agad siya ng bala sa kaliwa niyang braso. "Juan, may tama ka!" nag-aalalang wika ng babae habang nakahawak sa sugat niya. Duguan na noon siya. Bagamat nagpatuloy pa rin siya sa pagsagwan. Ngunit maya-maya pa'y si Mayumi naman ang tinamaan ng bala. Dahilan upang mahulog siya sa malamig na tubig ng ilog na kaagad namang inanod. Napalingon si Juan sa kaniyang likuran upang tingnan ang kalagayan ng babae ngunit wala na ito roon. "Mayumiiiiii nasaan ka naaaaa!?" nag-aalalang sigaw niya at patuloy na hinahanap ang babae. "Mayumii!? Mayumiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!?" paulit-ulit pa niyang usal. "Juan! gising!" sunod-sunod na pagtapik ang kaniyang naramdaman. "Juan nanaginip ka nanaman," isang boses ang kaniyang nadinig. "Huh!?" kusot nuong tanong niya at agad niyang nakita ang mukha ni Leo ang kaklase niyang lalaki. Kasalukuyan silang nasa loob ng Classroom. Hindi niya namalayan na nakatulog siya sa oras ng klase ni Miss. Garcia. Natapos na ang huli nilang period nang siya'y makagising. "Yan, lagot ka nanaman kay Ma'am! Tinulugan mo nanaman ang klase niya. Lagi mo na lang ginagawa 'yan e porket bobo ka sa Math," saad ng kaklase niya na tuloy-tuloy pa rin ang pang-aasar sa kaniya. "Anong bobo?" inis na tanong niya. "Bobo ka naman talaga! Pero maiba tayo. Sino si Mayumi ha? Kasi habang tulog ka puro ka mayumi. Sino s'ya? Jowa mo siguro 'nooo?" tanong pa ni Leo na panay ang pangungulit sa kaniya. "Tuloks! Hindi ko s'ya kilala. Pero bakit gano'n? lagi ko na lang siya napapanaginipan? Halos ilang gabi na rin no'ng simula ko s'yang mapanaginipan. May nangyaring masama sa kan'ya sa panaginip ko. Gusto ko siyang iligtas, e kaso nakakabwesit ka rin e! Ginising mo pa ako!" saad niya. "Baliw! malamang uwian na. Ano 'yan? habang buhay ka na lang matutulog dito? Maganda ba s'ya Juan? Anong itsura n'ya?" nakangiting tanong ni Leo na patuloy pa rin siyang tinatapik-tapik. "Oo. Maganda s'ya. Basta hindi ko maipaliwanag ang mukha n'ya. Pero kung magkikita lang sana kami... "Walang kita-kita panaginip lang 'yan Juan! Hindi kayo magkitata dzuh! Tara na nga! Umuwi na tayo alas-kwatro na baka abutan pa tayo ng gabi rito." Saad ni Leo at dali-daling hinila si Juan palabas ng Classroom. Magtatakipsilim na nang makauwi siya sa kanilang bahay. Ngunit hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang kaniyang napanaginipan. Gumuguhit pa rin sa kaniyang imahenasyon ang imahe ng dalagang nagngangalang Mayumi. Nag-aalala pa rin siya sa nangyari sa babae. Iniisip niya kung tunay nga iyon tiyak nasa masamang kalagayan ang babae at kailangan niyang iligtas ito. Nakapasok na siya sa kanilang bahay. Dali-dali siyang pumasok sa loob ng kaniyang kuwarto upang makapagpalit agad ng pangbahay na damit. Ngunit bumugad agad sa kaniya ang napakarumi niyang kuwarto. Tambak ang nagkukumpulan niyang damit sa kaniyang kama. Kalat-kalat din ang mga libro niya sa maliit niyang mesa. Sumasakit nanaman ang kaniyang ulo dahil sa kaniyang mga nakita. Napahiga muna siya saglit sa kaniyang kama't nagmumuni-muni ng mga nangyari sa buong maghapon. Ngunit bigla niyang naalala na may proyekto pala siyang kailangan tapusin dahil ipapasa na niya ito bukas na bukas din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD