Kabanata 21: Sa Kuwartel

1625 Words
Mayumi PoV "Señorita nais ko po sanang sumama sa inyo sa kuwartel," ani ni Deday kay Mayumi. Iniabot nito kay Mayumi ang isang damit na blusa dahil ito ang isusuot ng dalaga. Tumango-tango na lamang siya kay Deday. "Sige, ang mabuti pa'y magbihis ka na rin," sambit niya sa matanda. Napahakbang siya papalapit sa balkonahe ng kanilang bahay upang pagmasdan ang mga Guwardiya. "Nag-aalala na ako sa kalagayan ni Itang 'pagkat kagabi pa siya hindi nakakauwi," nag-aalalang ani niya habang pinagmamasdan ang paligid sa labas ng kanilang bahay. Humakbang naman si Deday papalapit sa kaniyang kinatatayuan at hinawakan nito ang kaniyang balikat. "Huwag kang mag-alala sa Itang mo señorita, tiyak nasa mabuti naman siyang kalagayan ngayon," ani pa ni Deday, at tinapik-tapik nito ang kaniyang balikat. "Sino ang magmamaneho ng sasakyan natin ngayon?" usisa niya't muli niyang tinapunan ng tingin ang matanda. "Kay santiago ho tayo sasakay. Maingat naman siya magmaneho ng kalesa," sagot naman ng matanda habang nakadungaw ito sa labas. "Ang mabuti pa siguro señorita ay magbihis na kayo. Kakain pa ho tayo ng almusal baka lumamig na iyon sa mesa," wika ni Deday. "Sige, mauna ka na sa kusina susunod na lamang ako." Dahan-dahan nang lumabas ang matanda sa kaniyang silid at nagtungo na ito sa kanilang kusina upang maghain pa ng kanilang kakainin. Tiningnan niyang mabuti ang ibinigay sa kaniyang blusa ng matanda. Napalilibutan ang blusang iyon ng mga desinyong bulaklakan. Magara ang kasuotang iyon dahil tanging sa España lamang ito mabibili. Pero bago niya iyon sinuot lumapit muna siya sa isang salaming kahoy upang tingnan ang kaniyang sarili. "Mas nanaisin ko na lamang maging isang ordinaryong mamamayan. Tahimik at may kalayaan," aniya sabay suklay sa mahahaba niyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri. Kumuha din siya ng ilang gamit na pampaganda tulad ng pampamula ng kaniyang labi na nabili pa niya sa España nang minsan silang bumisita roon. Inilapat niya iyon sa malambot niyang mga labi kaya namula na nang tuluyan. Kaunting pulbos lamang ang inilagay niya sa kaniyang mukha upang hindi siya magmukhang multo. Bumalik na muli siya sa kaniyang kama upang kunin ang blusa. Isinuot na niya ito at saktong-sakto lamang sa kaniyang katawan ang blusang iyon. "Se-señorita matagal pa ho ba iyan?" usisa ni deday. Nasa labas ito ng kaniyang silid. "Palabas na ako," tugon naman niya, at binuksan na niya ang pinto ng kaniyang kuwarto. "Halika na kumain na ho tayo," anyaya ng matanda sa kaniya. Bumaba na sila sa hagdan at tumungo na sila sa kusina. Kasalukuyang nakaupo ang tatlong Guwardiya nang makita nila ang mga ito. "Se-señorita ang mabuti pa'y isabay na rin natin sila sa pagkain," sambit ng matanda. "Buenos dias señorita." Napatayo ang mga Guwardiya bilang pagalang nito sa kaniya. Tumango-tango na lamang siya. "Kumain na ho tayo," dagdag niya. Iniabot na sa kaniya ni Deday ang isang hita ng inihaw na manok na inilagay sa balat ng saging. Mga ilang sandali pa ay kumain na sila nang tahimik sa mesa. ---------------------------------------------------------------- "Dalian na natin kumain nang makapunta na tayo ng maaga sa kuwartel," wika ni Deday at pinagmasdan ang mga kasama. Tumingin na lamang ang mga Guwardiya sa kanila at nagmadali na ang mga itong kumain. Mga ilang saglit pa ay natapos na rin sila sa pagkain. Naghanda na ang tatlong Guwardiya upang makaalis na rin sila kaagad. Inihanda na ng mga ito ang kalesang sasakyan nina Mayumi at Deday. "Señorita mauna na po kayo sumakay," ani ni Santiago. "Maayos na po itong kalesa." Sabay tingin nito sa loob ng Mansyon. Napalingon na lamang si Mayumi sa Guwardiya. "Mabuti kung ganoon, makararating tayo sa kuwartel ng maaga." Muli rin niyang tinapunan ng tingin si Deday. "Magmadali na tayo." "Oho Señorita humayo na tayo," tugon naman ng matanda sa kaniya at hinawakan nito ang kaniyang mga kamay. "Ang Deday naman hanggang ngayon ginagawa pa rin akong musmos," aniya sa matanda. "Mula pagkabata mo'y ibinilin ka na sa akin ng namayapa mong Ina," wika ni Deday sabay halik nito sa kaniyang nuo. "Kaya ganoon na lamang kita ka-mahal Señorita." Biglang nangilid ang mga luha sa mga mata ni Mayumi nang marinig niya sinabi sa kaniya ni Deday. Itinuturing na rin kasi niyang pangalawang Ina ang matanda kahit hindi sila magkaano-ano nito. "Maraming salamat." Niyakap niya nang mahigpit ang matanda. "Salamat sapagkat ganoon na lamang ang pagmamahal mo sa akin." "Tahan na Señorita." Pinunasan ni Deday ang mga luhang gumuhit sa kaniyang mukha. "Kailangan na nating magmadali." Mga ilang sandali lamang ay naglakad na sila papalapit sa kinatatayuan ng mga Guwardiya. "Sumakay na kayo Señorita," wika ni santiago, sabay turo nito sa loob ng kalesa. Sumakay na sina Mayumi at Deday sa loob ng karwahe kaya sumakay na rin si Santiago sa kabayo nito. Si Santiago ang nagmamaneho dahil ito ang kabilin-bilinan ni Heneral Cuenco ang pangalagaan ang dalaga. Sumakay na rin ang dalawang Guwardiya sa mga kabayo nito at sila ang pinauna dahil sila ang nagsisilbing bantay kina Mayumi. "Humayo na ho tayo," ani pa ni Santiago at hinampas na nito ang kabayo dahilan upang na ang kalesa. Nakaalis na sila sa lugar kung saan nakatirik ang Mansyon nina Mayumi. Iniwan na lamang nila ito sa tagapagbantay nila na si Tandang Sinso na isang Indio. Malayo-layo ang kuwartel kaya nagkukwentuhan si Mayumi at Deday para malibang sila sa paglalakbay. "Napakaganda mo Señorita sa iyong kasuotan," ani Deday habang pinagmamasdan nito ang dalaga. "Bagay na bagay sa iyo ang magarang kasuotang iyan." "Maraming salamat ngunit lagi naman akong maganda sa iyong paningin," napapangiti na lamang siya dahil batid niyang binubola nanaman siyang ng matanda. Umusog pa si Deday sa tabi niya at maya-maya pa'y hinimas nito ang mahahaba niyang buhok. "Nagsasabi ako ng totoo, hindi ba't hindi tayo mga sinungaling?" tanong pa ni Deday sa kaniya. "Maraming salamat sapagkat lagi mo na lang pinatataba ang aking puso," tugon niya. "Nais ko sanang pumasok tayo sa kumbento sa oras na makita ko na si Itang." "Oo naman Señorita. Matagal-tagal na rin noong huli nating makita si Padre Lusyo." "Nais ko na rin siyang makita. Nais ko na rin na muling marinig ang mga sermon niya sa kumbento," napapangiti na lamang siya dahil naalala nanaman niya ang prayleng nakakasama ng kaniyang Ama. Ang padreng tinutukoy ni Mayumi ay si Padre Lusyo. Ang mabangis na padre ng bayan ng San Sebastian. "Santiago matagal pa ba tayo?" usisa ni Deday kay Santiago. "Malapit-lapit na tayo." Napatingin si Santiago kay Deday. "Natatanaw ko na ang kuwartel," dagdag pa nito. Pinatakbo pa ni Santiago nang mabilis ang kalesa para makarating na sila sa kuwartel. Mga ilang saglit pa'y narating na rin nila ang kuwartel kung nasaan naroroon ang Ama ni mayumi. Naunang bumaba si Deday upang alalayan nito si Mayumi kung bababa na ito. "Narito na ho tayo Señorita," ani Deday. Hinawakan nito ang kamay ng dalaga. "Aalalayan ko na ho kayong bumaba kaya dahan-dahan lang po." "Maraming salamat." Iginala ni Mayumi ang kaniyang mga mata sa paligid. Tiningnan niya ang kumbento, magkatabi lamang ang kumbento at ang kuwartel kaya hindi na sila mahihirapang maglakad kung sila ay magsisimba. "Nasaan na kaya si Itang?" Napatingin siya kay Santiago. "Tiyak nariyan po siya sa loob ng kuwartel," tugon ni Santiago, sabay turo nito sa loob ng kuwartel. "Ang mabuti pa siguro'y pumasok na tayo sa loob," ani Deday. Pumasok na sila sa loob ng kuwartel kasama si Santiago. Nasalubong ang dalawang Guwardiya sa pinto kaya napahinto muna sila saglit. "Ang Heneral nariyan ba?" tanong ni Santiago sa dalawang Guwardiyang nagbabantay. "Nariyan ho siya sa loob, tenyente," tugon ng mga ito. Binuksan kaagad ng mga ito ang pinto ng kuwartel kaya tumuloy na sila. Tumungo na sila sa loob sa himpilan ng Gobernador-Heneral dahil alam nilang dito madalas namamalagi ang Ama ni Mayumi. Binuksan kaagad ng mga Guwardiya ang pinto sa himpilan kaya pumasok na sila sa loob. "Ma-mayumi...?" "Itang!" bigla siyang tumakbo nang makita niya ang kaniyang Ama. Agad niya itong nilapitan at niyakap ng mahigpit. Kasalukuyang nag-uusap ang Ama ni mayumi at ang Gobernador Temotheo nang makita nila ito. "Buenos dias senyor," wika ni Santiago at bigla itong napayuko sa tapat ng ama ni mayumi at ng Gobernador. Mga ilang sandali pa'y lumapit na si Heneral Cuenco kay Santiago. "Marami salamat dahil binantayan mo si Mayumi tulad ng aking bilin sa iyo." Tinapik-tapik ni Heneral Cuenco ang balikat ni Santiago. "Walang anuman ho senyor," ngumiti si santiago sa Ama ni Mayumi. "Tungkulin ko hong pangalagaan ang iyong anak," dagdag pa nito. Maya-maya pa'y tumalikod na ito at humakbang palabas ng himpilan ng Gobernador. Niyakap muli ni Mayumi ang kaniyang ama. "Bakit hindi po kayo umuwi kagabi Itang? Nag-alala ako sa iyo ng lubusan." "Paumanhin." Hinalikan ni Heneral Cuenco ang nuo ni Mayumi at niyakap din nito ng mahigpit ang dalaga. "May inayos lang kaming unting problema," dagdag pa nito. "Senyor, Heneral?" wika naman ni Gobernado temotheo na kasalukuyang nakaupo sa isang silya. Lumingon naman kaagad si Heneral Cuenco. "Nalalapit na ang kapistahan. Sa ikalawang araw na," ani pa ni Gobernador Temotheo. Tumingin naman sina Mayumi sa mukha ni Gobernador temotheo at tiningnan din sila nito. "Maupo kayo senyor. Ikaw rin señorita Mayumi." Itinuro ng gobernador ang tatlong silya sa tapat nito. Maya-maya pa ay umupo na rin sina Mayumi kasama ang kaniyang Ama sa tapat ng Gobernador. "Nalimutan ko sabihin sa iyo anak na kailangan nating maghanda sa nalalapit na kapistahan," ani kaniyang Ama habang pinagmamasdan siya nito. Ngumiti naman siya sa kaniyang Ama. "Huwag ho kayong mag-alala. Makapaghahanda tayo kaagad," sambit niya sabay tapon ng tingin kay Deday. Tumango-tango naman si Dedag sa kaniya. "Oo nga ho senyor," mabilis na wika ni Deday.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD