Dire-diretso ang pagkumpas ng aming maestro habang kami ay umaawit.
"Bayang Magiliw
Perlas ng Silinganan
Alab ng Puso
Sa Dibdib mo'y buhay."
Biglang natigil ang paggalaw ng kamay nito, kaya't natigil din ang aming pagkanta.
"Kaninong boses yung nangingibabaw? Bakit napakasintunado?" Matalas ang mga matang isa-isa kaming nitong tiningnan. "Ayaw kong mapahiya sa Principal, kaya umayos kayo. Naturingan kayong higher grade pero Lupang Hinirang na lang hindi n'yo pa makuha ang tamang tono?" galit na asik ng aming guro.
Nakayuko ang ulo ko, kung kaya't hindi ako nakaandam sa mangyayari. Naramdaman ko na lamang ang sakit ng ulo ko dahil sa isang malakas na sampiga. Maluha-luha akong napatingin sa katabi kong lalaki na siyang sumampiga sa akin.
Ang sakit. Napakasakit ng ginawa niya. Napahawak na lamang ako sa pisngi ko, at napatingin sa aming guro. Nagpapahiwatig na nais kong galitan niya ang lalaking katabi ko dahil sa ginawa nito. Subalit umiling lang ito habang patuloy na nagtatawanan ang mga kaklase ko.
Wala akong ibang nagawa kundi ang tumakbo palabas ng silid na iyon upang takasan ang kahihiyan at sakit ng nangyari sa akin. Napadpad ako sa garden sa likod ng paaralan. Para bang nawalan ako ng lakas dahil bigla na lamang akong sumalampak sa lupa at unti-unting nagsi-agos ang mga luhang kanina pa gusting kumawala.
"B-bakit po?" tanong ko sa Panginoon.
"Ito po ba talaga ang dahilan kung bakit ako nabubuhay? Para pasakitan ng ganito?"
Umulan ng malakas at hindi ko na nagawang bumangon sa pagkakasalampak ko, kaya nabasa ako ng ulan. Para bang nakikiramay ang langit sa sakit na nararamdaman ko. Kahit papaano ay naramdaman kong may karamay ako.
I was just 12 years old at that time, at halos lahat ng klase ng pangbubully ay naranasan ko na.
..
Veronicas' POV
"If this is my last night with you
Hold me like I'm more than
Just a friend
Give me a memory
I can use
Take me by the hand
While we do what lovers do
It matters how this ends.
'Cause, what if I never love again?.."
Natapos ang pagtugtog ng violin kasabay nang pagkatapos ko sa pagkanta. I'm here at ASAP now, guesting. They called me, and invited me to sing there. So, I sang. At hindi ko alam kung bakit habang kumakanta ay mayroon nanamang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. Nakakapagtaka nga kung bakit hindi nauubos yung mga luha ko.
Agad ko itong pinunasan at malawak ang ngiting humarao sa camera at mga tao.
..
"So, Veronica. What is your plan for this coming summer?" tanong ng babaeng nasa harapan ko.
She is Hannah Aserin, ang babaeng former leading lady ng lalaking leading man ko ngayon. Halata naming galit at naiinis siya sa akin dahil naagaw ko ang spotlight niya, at mas pumatok ang love team namin ng ex niya.
"Wala ka bang balak mag out-of-town?" dagdag pa nito.
"Nothing. I don't have such plans. Ang balak ko is mag-stay lang sa condo." walang gana kong tugon sa kaniya.
"What? That was boring," she replied, with matching a patagong rolling eyes.
Arte mo, dukutin ko kaya yang eyeballs mo. Sa tingin mo 'di ko makikita yun? Kaka-imbyerna ka.
I fake my smile and reply, "I preferred it more."
"Wahh! Veronica!" isang nakabibinging sigaw ang pumutol sa pag-uusap namin ni Hannah. It's Kelly Lonta, claiming that she's my number 1 fan/supporter.
"Fans are so noisy." matigas na sambit ni Hannah.
"Excuse me Ms. Hannah, I'm not just a fan of Veronica. I'm also her friend." malawak ang ngiting tugon ni Kelly. Habang inismiran lang siya ni Hannah.
*FLASHBACK
I'm 15 years old, and in the fourth year of high school at that time. Walang pagbabago, center of attention pa rin ako in not a good way, dahil palaging binubully. They keep on telling me na bukod sa wala akonng talent ay napakapangit ko rin dahil sa kulay ko. Maitim kasi ako. And halos lahat ng kaklase kong babae ay mayroong boyfriend, samantalang ako wala ni-isang magkacrush sa akin. Mataba rin ako at walang kurba ang katawan. Kung bakit ba naman kasi ako tinuruang magluto ni Mama. Ayan tuloy, sa kusina ako nagstay ng buong bakasyon.
Nandito ako ngayon sa Canteen, nakaupo at nag-iisa sa lamesa. Kumakain ako ng spaghetti na niluto ni Aling Susan. Mayroon din akong katabing palamig at may isa pang tinapay na monay.
Nagulat na lamang ako nang maramdaman kong may malamig na likidong tumutulo galing sa ulo ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay laking gulat ko nang mapagtanto kong sinasadya akong buhusan sa ulo ng palamig. Si Kelly Lonta, at ang grupo niya. Magaganda, mapuputi, mababango, mayayaman, at higit sa lahat talentado.
Wala akong magawa kundi ang tumakbo. Hindi ko sila kayang harapin kahit na hindi na ako bata. Hanggang ngayon ay natatakot pa din ako sa kanila.
*END OF FLASHBACK
"Ms. Veronica?" tanong ni Kelly while snapping her fingers in front of my face.
"What?" blangko kong tanong sa kaniya.
"Ang ganda-ganda mo talaga, napakakinis ng balat mo at ang pusyaw." sabi nito habang mariing tinititigan ang mukha ko. Napansin kong wala na si Hannah kaya't tinanong ko siya, "Where's Hannah?"
"Ah kanina pa umalis, pupunta na raw siya sa manager niya." sagot nito, kaya tumango na lang ako. Kanina ko pa balak umalis kaya naman akmang aalis na ako nang bigla niya akong pinigilan.
"Wait lang, Veronica! Pa-picture naman!" sabi nito at saka niya kinuha sa bag ang kaniyang cellphone. Nang iharap niya sa akin yung camera ay hindi ko magawang ngumiti. Ilang segundo na ang lumipas na hindi ko pa rin magawang ngumiti kaya napatitig siya sa akin. Awtomatiko naman akong napangiti nang bigla siyang tumingin kaya ngumiti na rin siya kasabay nang pagpindot sa cellphone.
Hindi na ako nagpaalam sa kaniya. Sumakay na ako sa sasakyan ko na kanina pa nakaparada sa harap ng building.
"Bye, Veronica!" sigaw nito. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag nang makapasok ako sa sasakyan nang hindi nito hinahabol.
Kapag ba nalaman niyang ako si Vivian, will she still do what she's doing right now? Will she continue idolizing me? Well, I don't want to f*****g care. They hurt me once and I won't let them make it twice.
-
VERSATILE
ms.engineering