Chapter 3

1218 Words
(Condo) I am lying in bed while hugging my pillow. As usual, I feel so empty and tired even though it's early morning. To be honest, I envy those people who are happy romanticizing their life. While here am I, still drawn in the past. I'm Vivian Santillan and there are only two people who know who I am. *Cellphone Ringing Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag. "Vivian, I miss you!" sabi ng babae sa kabilang linya. "I miss you too, Ate Shan!", I replied. Nag-iisa na lang siyang pamilya ko, and I love her so much. *FLASHBACK Pauwi ako ng bahay galing sa school, and as usual. "Oh, diba nakapag english ako." sabi ko sa sarili ko. "May alam din naman akong english kahit na bobo ako." Biro lang nakinig ko yan kay Kelly kanina nung kausap niya yung boyfriend niyang si Jerard. So ayun nga as usual, hindi pwedeng matapos ang araw nang hindi ako nabubully. Siguro kung may makakasalubong akong tao at maririnig na nagsasalita akong mag-isa, iisipin nilang baliw ako. Natawa na lang ako sa mga iniisip ko. Uuwi nanaman akong may pasa sa braso dahil sa higpit ng paghawak ng teacher ko sa akin kanina, pinasagot niya kasi ako sa Math kaya lang hindi ko naman alam kung paano sagutan kaya hindi ako tumayo sa kinauupuan ko. Ayun hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso at kinaladkad palabas ng room. Wala nanaman akong natutunan sa araw na ito dahil hindi na ako nakapasok, pagtapos ng nangyari. Pauwi na ako sa bahay dala-dala ang pandecocong binili ko, pasalubong ko kila Mama at Papa. Wala akong kapatid, nag-iisang anak ako ng mga magulang ko. Si Mama ay walang trabaho, sabi niya sa akin housewife daw ang tawag sa ganun. Samantalang si Papa naman ay isang construction worker. Hinigit ko ang manggas ng uniporme ko para matakluban ang pasa ko sa braso upang hindi makita ng mga magulang ko. Papasok na ako sa makipot na eskinita patungo sa bahay nang marinig ko ang mga taong nagsisigawan. "May sunog!" "Tulong!" Hindi ko namalayang nabitawan ko ang supot na dala-dala ko na may lamang pasalubong, at napatakbo ng mabilis. Humagulgol ako sa nakita ko, natutupok ng malakas na apoy ang bahay namin. Wala na ang bahay na ilang taong pinundar ng aking mga magulang. Akmang tatakbo ako papasok sa loob ng bahay dahil gusto kong makita ang mga magulang ko pero may yumapos at pumigil sa akin. "Vivian, huwag!" nakilala ko ang boses ng nagsalita. Si Tita, kapatid siya ni Mama. "Tita nasaan po sila Mama?" humahagulgol kong tanong. "Vivian wala na sila! Kanina pa ang sunog at hanggang ngayon ay wala pang lumalabas sa bahay niyo." umiiyak na rin si Tita. "Hindi Tita, baka naman wala sila sa loob. Baka may binili sila, o di kaya ay namasyal, o di kaya naman.." Pinutol ako ni Tita sa pagsasalita at lumuhod ito sa harap ko. "Vivian, nasa loob sila at natupok na sila ng apoy." niyakap ako ni Tita ng mahigpit at umiyak siya ng umiyak sa balikat ko. "Paano mo nasasabi yan Tita? Hindi ka ba naniniwalang buhay sila?" mariin kong sabi sa kaniya. Kumawala ako sa pagkakayakap ni Tita at tumakbo ng mabilis papunta sa b****a ng bahay namin. Natutop ko ang bibig ko nang makita kong lumabas ang mga Bumbero na may kargang katawan. Ang Papa ko. "Papa! Hindi! Hindi pupwede, hindi si Papa yan. Nasan ang Papa ko? Buhay pa ang Papa ko!" nagwawala ako dito at hindi ko na napigilan ang sarili ko na maglupasay sa sahig. "Tita, hindi si Papa yan." sabi ko kay Tita nang makalapit siya sa akin. "Tita, hindi pwede! Bibigyan ko pa sila ng magandang buhay! Ititira ko pa sila sa mansyon, bibilhan ko pa si Papa ng kotseng pinapangarap niya. Ihahatid pa ako ni Papa sa altar, Tita! Hindi maaari Tita!" Muli akong niyakap ni Tita at sinabayan ako sa paghagulgol habang nasa harapan namin ang katawan ng walang buhay kong Ama. Muling pumasok ang mga Bumbero sa loob ng bahay namin at hinihiniling ko na sana paglabas nila ay kasama nila ang buhay kong Ina. Matapos ang ilang minuto ay muling lumabas ang mga Bumbero, at kagaya ng pangyayari kanina ay lumabas din itong dala-dala ang walang buhay na katawan ng aking Ina. "Panginoon." Umiyak ako ng umiyak. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung bakit kailangang kunin sila sa akin. Sila lang ang mayroon ako kaya bakit kailangan pa niyang kunin? *END OF FLASHBACK "Vivian? Are you still there?" nabalik naman ako sa ulirat nang magsalita si Ate Shan. "I'm still here, Ate Shan." "Vivian, stop reminiscing past." malamig namang tugon ng babae sa kabilang linya. */sigh "Ang hirap Ate. Ang hirap" "You're so strong Vivian. Kinaya mo lahat ng nangyari sa'yo. Nakarating sa kinatatayuan mo ngayon. Kinaya mo, at kakayanin mo pa." sagot niya sa akin. "Bakit kaya hindi na lang ako ang kinuha ng Diyos, Ate? Bakit kailangang pahirapan niya ako ng ganito? Ano bang kasalanan ko sa kaniya, Ate? Bakit ang hirap ng buhay ko dito sa mundo?" I said while crying. "Sssh, stop crying, Vivian. Alam kong gasgas na ito, pero lahat ng nangyayari may dahilan. I'm sure na marami kang purposes dito sa mundo." sabi niya sa kabilang linya na nagpakunot ng noo ko. "I have p-purpose, Ate Shan? Ano? Ang pasakitan ng ganito? Iyon ba, Ate? Pwes ayoko na! Ang sakit-sakit na, Ate!" Natahimik ang kabilang linya. Alam ko namang hindi masasagot ni Ate Shan lahat ng mga tanong ko. Pero wala akong ibang masabihan ng mga sama ng loob ko. She's the only person na nakakaalam ng mga nangyari sa akin. "I feel so sorry, Vivian. I don't know what to say." maya-maya'y sambit niya hanngang sa narinig ko ang paghikbi nito. "No, Ate Shan. I feel guilty, palagi mo na lang akong tinutulungan, kayo ni Tita. Hindi mo 'ko iniwan, kahit na iniwan na tayo ni Tita. Thank you, Ate Shan. Hindi n'yo ako pinabayaan ni Tita." "Mahal na mahal kita, Vivian. Nandito lang ako palagi." she replied. "You're really strong." bulong pa nito. The moment I hang up, I know that I have enough energy to continue this day. She is Ate Shan, Shannon Prosecco my cousin. She is the daughter of Tita Jean, the one who helped me noong masunog yung bahay namin at mawala ang mga magulang ko. Tita Jean bring me to America after what happened, doon ko nakilala si Ate Shan. She is Tita's daughter and she's one year older than me. Nakapangasawa si Tita ng matandang Amerikano kaya naging citizen na rin sila sa doon. Noong mamatay ito ay naiwan sa kanila lahat ng properties nito. Utang ko sa kanila ang buhay ko. Si Tita Jean naman, noong naraang taon ay pumanaw na rin ito dahil sa sakit niya. Lahat ng ari-arian nila ay naiwan sa amin ni Ate Shan. Tinuring na akong anak ni Tita Jean kaya lahat ng properties nila at mga naiwan niya, ay may shares ako. Sa America ako nanirahan ng anim na taon. Pero umuwi rin ako dito sa Pilipinas dahil gusto kong ipakita sa lahat ang mga narating ko sa buhay. Two years na ako dito sa Pilipinas and kuntento na ako dahil sa pamumuhay ko dito. - VERSATILE ms.engineering
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD