Kyla POV
Kanina pa ako hindi makatulog dahil sa sikip ng sofa ni Zyne, hindi ko man lang maituwid ng maayos ang mga binti ko at isa pa, hindi ako masyadong kasya. Kanina ko pa tinitignan kung papaanong puwesto ba ang gagawin ko pero wala talaga hanggang sa naiinis na akong naupo..
"Hindi ako makatulog, Mygad!" sabay gulo ko ng buhok ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung ano'ng oras na at l*che 11:30 na. Kakamot-kamot ako ng d*de ko at napatingin ako sa may hagdan nang maisipan ko na makitulog sa kuwarto ni Zyne. Bakit ba? Nakatulog na nga ako doon eh.
Bitbit-bitbit ko ang unan kong spongebob at sinuot ko ang tsinelas ko bago ako umakyat ng hagdan. Hindi pa talaga ako tuluyang nakakapunta sa kuwarto ni Zyne ng may marinig akong boses. Boses ni langit.
"Zyne I want you back. Kaya nga ako bumalik dito para balikan ka."
"Sky, iniwan mo ako. Mas pinili mo ang pangarap mo kaysa sa akin. Bakit? Kayang kaya naman kitang buhayin ah?" tila malungkot at naninising tono ng boses ni Zyne.
"Zyne, hindi mo naiintindihan ang sitwasyon ng relasyon natin noon. Ayaw sa'yo nina mommy, pinilit nila ako na makipaghiwalay sa'yo--
"At pumayag ka naman!? Wow Sky! Ganon na ba ako kadaling bitawan?"
Napasandal ako sa pader habang yakap yakap ang unan ko dahil sa sigaw ni Zyne.
"Hindi naman sa gano'n Zyne, mahal kita please."
"Mahal mo ako? Tanginang pagmamahal ang meron ka Sky! Nakakasakit!" malakas at halos pasigaw nang sabi ni Zyne.
Naaawa ako sa kalagayan ni Zyne. Naaawa ako dahil hindi ko alam na gano'n pala ang nangyari sa kanila. Dahan-dahan akong naglakad papalayo at bumalik na lang sa sofa. Malaki ang utang na loob ko kay Zyne dahil kung hindi dahil sa kanya malamang ay nagnanakaw pa rin ako, ang malala baka patay na ako sa gutom.
Kinaumagahan, tahimik kaming tatlo na nandito sa loob ng kusina at tanging tunog lamang ng mga kutsara at tinidor ang maririnig.
"Ehem, Ah Zyne? Bibisita ba dito si Mine?" tanong ko kay Zyne para naman kahit paano ay mabawasan ang tensyon sa paligid.
"Hindi ko alam." sagot niya at tumahimik na naman.
"Ah Zyne, salamat nga pala doon sa cellphone ah?"
"Welcome."
Hindi ba siya makahalata na nagsisimula ako ng topic?
"Ah Zyne, alam mo ba na umutot ako kanina?"
Napatigil silang dalawa sa pagkain at napatingin sa akin. Ano ba namang katangahan iyan Kyla!? Ano naman kung umutot ka!?
"Hi Everyone!" saved by mine,
"Mine!" sigaw ko sabay tayo nagtatakbo ako papunta sa kaniya pero tumakbo sya palayo. Aba't---
"Seven." napatigil ako sa paghabol kay Mine ng tinawag sya ni Langit.
"Ikaw pala Sky. Long time no see.''
"Yah, long time no see. Kumusta?" tanong ni Langit.
"Okay lang. Ikaw kamusta? Bakit ka nandito?" pagtatanong ni Mine at lumapit kay Langit kaya naman lumapit na din ako.
"Okay lang din naman ako," tugon ni SKy. "And dito na ako pinatira ni Zyne for the meantime"
Napatingin si mine kay Zyne na walang kapake pakealam sa paligid niya.
"O? Nice." tila nang-aasar na wika ni Seven.
"Kilala mo din siya?" tanong ni Sky at tinuro ako.
"Ah? Yah?" hindi siguradong sagot ni Mine. Aba mukhang may balak pang itanggi ah.
"Girlfriend niya ako." sabay kapit ko kay Mine.
"What?" gulat na wika ni Sky. "Seriously Seven? Kelan pa bumaba ang taste mo sa babae?"
"Aba't-- Baka gusto mong mapunta sa langit babae ka?" naghahamong sabi ko.
"Wow, easy lang kayo girls." pag-aawat sa amin ni Mine. "And Sky, iyong about sa amin ni Kyla, we're friends"
"Hoy anong friends? Girlfriend mo ako g*go ka" sabay sinikmuraan ko si Mine.
Ipagkaila daw ba ako!? Sa ganda kong ito.
"Ouch," wika ni Mine kasabay ng paghawak niya sa kaniyang tiyan dahil sa pagsuntok ko. "O-oo G-girlfriend ko siya?"
"Kita mo na? Ha, Selos ka na nyan langit?" pang-aasar ko kay SKy..
"No, bakit naman ako magseselos sa pinsan ko?" nakangising sabi sa akin ni SKky.
Huwat!? P-pinsan?
"Mine! Pinsan mo yang maldita na iyan?" tanong ko.
"Hey!" sigaw ni Sky sa akin pero tinaas ko ang kamao ko. Hindi ako marunong umirap eh.
Sandaling napatawa si Seven sa sinabi ko bago sumagot. "Oo pinsan ko si Sky." pag-amin ni mine.
Gulat na gulat akong napatingin kina Mine at langit dahil doon. "Nakakapagtaka" sabi ko at napalingon sila sa akin. "May pinsan ka palang gaga mine?" inosente kong tanong.
"Aba't--- Excuse me? Hoy babaeng squatter, mag-ingat ka sa mga salita mo ah." pagbabanta niya pero siyempre, hindi ako nagpatalo.
"Hoy babaeng edukado na mukhang hindi naman, magingat ka din sa mga sinasabi mo ha."
"Sinusubukan mo ba ak--
"Enough." napatingin kaming tatlo kay Zyne ng bigla itong tumayo.
Oh? Nandiyanpa pala siya?
Tahimik na lumabas sa kusina si Zyne at wala ni isa sa aming tatlo nina Mine ang nakakilos.
"Zyne, wait" tawag sa kaniya ni langit at hinabol niya si Zyne.
"Hoy! hoy teka." tawag ko at sumunod sa kanila.
Pasensya na Mine, kailangan kong ilayo ang g*ga mong pinsan kay Zyne.
Sinundan ko sila hanggang sa napahinto kami sa may garden sa harapan ng bahay ni Zyne. Kita ko na nag-uusap silang dalawa at nang balak na hawakan ni Sky si Zyne ay kaagad akong lumapit at humarang sa pagitan nilang dalawa.
"Excuse me, tumabi ang panget, gigitna ang maganda." pagtataray ko kay Sky.
'' What the-- Hoy babae, kanina ka pa ha." sabi ni Sky na marahiol ay naiirita na sa akin.
"Pake mo? Edi gumaya ka."
"Ano ba ang problema mo? Puntahan mo na nga lang doon sa loob si Seven." pagtataboy sa akin ni Sky.
At ano? Magpapaawa ka na naman kay Zyne tapos sasaktan mo ulit siya? Utut mo.
"Mamaya na kami mag-uusap ng boyfriend ko"
"Eh bakit ka nandito?" tanong ni Sky
"May kailangan ako kay Zyne." sabay harap ko kay Zyne
"Problema mo?" tanong ni Zyne.
"Hindi ka puwedeng lumabas ng bahay kapag hindi mo ako kasama." sabi ko na ikinagulat niya.
''Hindi kita nanay at wala kang karapatan na utusan ako."
"Hindi kita inuutusan,sinasabihan lang kita at isa pa may sasabihin lang ako sa'yo." sabi ko at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Ano?"
"Kasi Zyne, Natatae ako." Sandaling katahimikan ang namayani sa aming tatlo ng.....
"What the f*ck, Kyla!? Eh ano naman? Gad! You're so gross, bakit hindi ka mag C.R!? Ano ang kinalaman ko riyan?" nandidiring sabi ni Zyne.
Oo nga, ano bang kinalaman ni Zyne? Gaaaad! Kyla think! think! think! Paganahin mo naman iyang kakapiraso mong utak!
"Ikaw maghuhugas puwet ko" biglang sabi ko at gaya kanina ay natahimik na naman ito pati na rin si Sky sa kaniyang narinig. Matapos magdaan nang ilang minutong katahimikan na iyon ay nakarinig kaming tatlo nang siang tawa mula kay Mine.
"Kyla dapat sakin mo na lang sinabi. Ako na maghuhugas ng puwet mo." halos mautas-utas na wika ni Seven dahil sa kakatawa nito.
Kung puwede lang e, pero next time na lang Mine..
"Talaga, Mine? Pero next time na lang ha, kasi baka hindi ako makapag pigil. Hindi pa naman behave ang kamay ko, baka matuklaw ako ng anaconda mo. Rawr!" Kinikilig kong sabi kay mine.
"Mga baliw" sabi ni Zyne sa likod ko at naglakad na palayo.
"Oy teka Zyne/ Zyne" sabay na sabi namin ni Sky. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na hinabol si Zyne.
Ito na dapat iyong oras na nag f-fifty shades na kami ni Mine eh. Nakakainis naman kasi itong langit na ito. Ayaw pang tantanan si Zyne. Eh ayaw na nga sa kaniya nang tao. Nakita ko na pumasok si Zyne sa kuwarto niya kaya nagtatakbo ako pero naka lock ang pinto.
"Naka lock ang pinto, no pets allowed daw." mataray kong sabi.
"Ah okay, so pet ka rin pala? Wala ka sa loob eh" at inirapan ako ni Sky bago umalis.
Aba't--- Naisahan ako ng g*gang iyon ah. Hindi bali, babawian ko iyon mamaya. Sa ngayon, mas may kailangan akong gawin.
"Mine. I'm ready na !My handsome Christian Grey, Come to your lovely Anastasia. Beybeh!" sabay takbo ko pababa para puntahan si Mine.