Chapter 8

1119 Words
Kyla POV Nagtataka akong napatingin kay Zyne at doon sa Ex niya na hanggang ngayon ay nagtititigan pa din. So ano? Titigan forever na lang kayo? "K-Kumusta?" tanong ni Zyne.  "Okay lang." sagot naman ni Sky. "Maganda doon sa Paris and luckily, designer na ako. May shop na nga ako ro'n eh." nakangiting dugtong pa  ni Sky. "G-Great."  Napatingin sa akin si Sky at tinaasan ako nang isang kilay. Sinubukan ko ding taasan siya nang isang kilay ang kaso nakalimutan ko nga hindi pala ako marunong kaya naman tinaas ko nalang ang kamao ko at napa-atras siya. "Who is she?" tanong ni Sky kay Zyne. Napalingon sa akin si Zyne at naalala niya yata na may kasama pala siya.  "H-ha? Ano," "I'm Kyla Suzzane Bright, and you are?" ako na ang sumagot at wala pa yatang balak sabihin ni Zyne ang pangalan ko. "I'm Sky Alora," pagpapakilala nito. "Zyne girlfriend mo?" "No!"sigaw ni Zyne kaya naman napalingon kaming dalawa ni Sky sa kaniya. OA ah. Swerte mo nga at napagkamalan kang boyfriend ko. "I-I mean, kakilala ko lang" Kakilala lang? Hindi kami friends? "Hindi ba tayo friends?" pagtatanong ko. "Pero bakit mo ako pinatira sa bahay mo?"  "What? Nakatira sya sa bahay mo?" gulat na tanong ni Sky. "Oo nakatira ako sa bahay nya, Any problem?" sagot ko. "Wala naman, it's just, kumukupkop na pala ng mga tao? si Zyne." Aba't-- Hindi ko gusto ang tono ng g*gang 'to. "Ah ano, Sky," tawga pansin ni Zyne. "Kailan ka pa nga pala nakabalik? " "Kahapon lang, na miss ko kasi ang Pilipinas kaya naman bumalik ako." Pabebe. "Saan ka naman tumuloy kagabi?" Bakit ba ang daming tanong ni Zyne? "Kay Maezie ako nakituloy kagabi, " sagot ni Sky. "Iyong friend ko. Pero mamaya lilipat na ako ng hotel." "Kung gusto mo hangga't nandito ka sa Pilipinas, doon ka na lang muna mag stay sa bahay ko" "Ano!?" gulat na sigaw ko. "Bakit? Bahay ko iyon." sagot ni Zyne. "Pero--" "Mukhang ayaw ni Kyla" nakangiting sabi ni Sky pero alam ko namang plastic siya. "No, gusto niya." pamimilit ni Zyne. "Hindi ba Kyla?" tumingin ako kay Zyne at nakita ko na palihim niya ako nilalakihan ng mata na para bang sinasabi na hindi ko mahahawakan ang mga pandesal niya kapag hindi ako pumayag. "Okay lang." badtrip kong sabi. "Good. Mamaya ay kukunin ko na ang mga gamit ko sa bahay ni Maezie at pupunta na ako sa bahay mo, dating address pa din ba?" "Oo naman." Nagpaalam na si Sky na kukunin na daw niya ang maleta niya para daw makapunta siya kaagad. Halata bang atat na atat ang babaeng iyon? Sumakay kami ng kotse ni Zyne at nagmaneho na siya pauwi. "Hoy Zyne.'' tawag ko sa kaniya pagka-uwi namin. "Ano?" "At saan mo naman patutulugin iyong kabit mo ha?" "Ano'ng kabit ang pinagsasasabi mo diyan? At malamang, sa kuwarto ko siya papatulugin." sagot niya "Duh!? Nakalimutan mo ba na wala nang available na kuwarto?" "Problema ba iyon? Edi doon ko siya patutulugin sa kuwarto mo at ikaw naman, doon ka sa sofa." "Good ide--- Ano!?" gulat na wika ko. AKo ang lilipat sa sofa? "Hoy, teka Zyne!"tawag ko sa kaniya pero umakyat na sya ng hagdan.. Makalipas ng ilang oras ay nakaupo ako ngayon sa sofa at katabi ko ang mga gamit ko. G*gong Zyne iyon.  Napalingon ako sa pintuan nang lumabas si Manang at maya-maya pa ay noong pagpasok niya ay may dala na siyang maleta at ang sumunod na pumasok ay si Sky na naka salamin pa. Wow fre, taas ng sikat ng araw ah. Napatingin sa akin si Sky at tinanggal ang suot niyang salamin. '' Where's Zyne?" tanong niya sa akin. "Bakit ko naman sasabihin sa'yo?" bored kong sabi kaya naman napairap siya. "Sky,nandiyan ka na pala."  Biglang sulpot ni Zyne sa kung saan at pinaupo si Sky sa upuan na nasa harap ko. "Maupo ka mun. Iniakyat na ni Manang ang mga gamit mo sa kuwarto."sabi ni Zyne. Oo iniakyat na sa kuwarto ko. P*nyeta kayong dalawa. "Salamat ha? Buti na lang pinatuloy mo ako dito sa bahay mo"  "Walang kaso sa akin iyon, hindi ka na naman iba sa akin"  Blah blah blah blah... "Oh by the way, nagpahanda ako kay Manang ng makakain mo. Tara na sa kusina." paanyaya ni Zyne. "Talaga Zyne? May pagkain sa kusina?" Excited kong tanong at hindi man lang niya ako sinagot. Aba't p*ta!  Naglakad na papunta sa kusina ang dalawa pero inunahan ko sila at wala akong hiya-hiyang kumuha ng plato at sumandok ng kanin at ulam. "Kyla!"  suway sa akin ni Zyne pero anong pake ko? Patuloy lang ako sa pagkain ko at tumayo para kumuha ng baso pero napatigil ako nung nagsalita si Sky. ''Okay lang Zyne, ganiyan nga siguro talaga ang mga taong galing sa squatters area. Walang manners."  tsaka niya ako ni head to foot. Pero yung head naman ni Sky ay mukhang Foot. " Alam mo langit," sabi ko at inasar siya gamit ang pangalan niya. "Mas okay na magmukhang galing sa squatters area atleast totoo naman na galing talaga ako doon. Kaysa naman sa'yo na edukado nga ang kaso mukha namang hindi."  tsaka ko kinuha ang plato ko at nagtungo sa sofa. Zyne POV Napatahimik kaming dalawa ni Sky sa sinabi ni Kyla bago umalis dito sa kusina. "Zyne, Bakit mo ba kasi pinatira ang squatter na iyon dito sa bahay mo?" naiinis na sabi ni Sky. Syempre maiinis siya, para ba namang nasampal sya ni Kyla dahil doon sa sinabi ni Kyla kanina. "May kailangan lang ako sa kaniya." sabi ko. "Pero bakit kailangan mo pa siyang patirahin dito? Mygad Zyne!'' Teka, ano bang problema niya? "Please lang Sky, huwag na tayong magtalo. Kumain na tayo."   Huminga muna ng malalim si Sky bago umupo sa upuan at kumain. Kyla POV Natapos nang kumain ang dalawa at nakita ko na sabay pa silang lumabas mula sa kusina. "Zyne, kailangan ko ng matulog. Saan ang kuwarto ko?"  tanong ni langit. Maldita. "Sige tara, ihahatid na kita."  at umakyat na nga sila. Hinintay ko si Zyne na makababa ng hagdan at tinawag ko sya. "Hoy Zyne, maldita pala yang ex mo."  sabi ko pero hindi siya sumagot. "Hoy Zyne!!" tawag ko sa kaniya at lumingon naman siya. "Masyadong masikip dito sa sofa, hindi ako makakatulog ng ayos" sabi ko. "So? Problema ko? Pasalamat ka nga at hindi kita pinatulog sa sahig."  tsaka niya ako inirapan. Bakla yata 'to. Napatingin ako sa mahabang sofa na tutulugan ko at dahil inaantok na ako, no choice. Boset na langit iyan. Huag na huwag niya lang talaga ulit ako masusubukan at talagang idadaretso ko siya sa langit! Kung kelan naman nasanay na ako sa malaking kama. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD