Kyla POV
Nagtatakbo akong lumabas sa kuwarto ni Zyne at nagpunta sa kwarto ko ng maalala ko na naman yung kagabi. Kung sino man ang nanakot sa akin ay p*kyu siya sagad hanggang biceps ni Zyne.
Naligo ako ng mabilisan iyong tipong nagbasa lang talaga ako at nagpunta sa aparador ko. Namili ako ng mga damit pero sa huli ay isang puting shirt at leggings lang ang isinuot ko. Iyon lang ang malinis eh. Hindi pa pala ako nakakabili mula sa doon sa pera na binigay sa akin ni Nikolas. Mukhang hindi ko din naman magagamit iyon kasi mayaman naman si Zyne. Hihingi na lang ako ng pera sa kaniya. Nagsuklay ako ng buhok at nagpulbo ng mukha, pati likod ko ay nilagyan ko na rin para hindi ako masyadong pagpawisan at viola! Ready na ako.
Kumatok ako sa kuwarto ni Zyne at tinanong kung tapos na ba siya at ang sabi niya ay hintayin ko na lang daw siya sa may sala.
"Aba, mukhang may lakad ka ah." sabi ni Manang sa akin nang makita niya ako.
Ngumiti ako sa kaniya bago sumagot. "Opo Manang, aalis kami ni Zyne kasi ibibili nya ako ng tatskrin na cellphone at hindi kayo kasama." sabi ko at napatawa siya.
"Ah iyong ganito ba?" sabay pakita sa akin ni Manang ng cellhone niyang malaki.
Hinablot ko iyon kay Manang para tignan ng mabuti nang bigla iyong umilaw. "Manang, umilaw siya!" namamangha kong sabi sa kaniya.
"Ganiyan talaga iyan, Ineng." sagot nito sa akin. "Napindot mo kasi yung bukasan."
Ibinalik ko na kay Manang ang cellphone niya at baka masira ko nang biglang dumating si Zyne.
"Tara na." napalingon ako kay Zyne na pababa ng hagdan.
"Aba, mag d-date ba kayo?" tanong ni Manang.
"Hindi po, Manang." sagot ni Zyne. "Ibibili ko lang ng cellphone iyang taong bundok na iyan." pagtukoy sa akin ni Zyne pero hindi na ako nagsalita kasi baka hindi na niya ako ibili.
Inihatid kami ni manang hanggang sa labas at nagpaalam na kami para umalis. Ilang minuto naming binagtas ang kahabaan ng kalsada bago kami nakarating sa isang napaka laking Mall.
"Wow Zyne, ang laki naman nitong mall!" namamangha sabi pagkakita ko sa loob ng mall.
"Tara na, mukha kang ignorante."
Sumunod ako kay Zyne habang nagtitingin sa paligid ko at halos mapasigaw ako dahil ang daming magandang bilhin!
"Hoy Kyla dito.'' tawag sa akin ni Zyne at tumakbo ako palapit sa kaniya. "Iyan ang mga cellphone. Touch screen ang tawag diyan. Ngayon mamili ka na."
Tumingin ako sa mga cellphone pero nahagip ng mata ko iyong presyo.
"50 thousand?" sigaw ko nang nakita ko na iyon ang pinaka mababang presyo. Eh mas mataas pa ang halaga nito kesa sa perang binigay sa akin ni Nikolas eh. "Zyne," tawag ko sa kaniya.
''Oh?"
"Wala bang tig lilimang daan dito?" tanong ko. Nakakunot itong lumingon sa akin at maya-maya ay tumawa siya.
''Kyla, Mall po ito. Wala kang makikitang ganiyang halaga ng presyo dito.'' sabi niya sa akin.
"Pero Zyne, wala akong pera."
"Okay lang, kumuha ka na at ako ang bahala. Akin itong mall kaya kumuha ka na ng gusto mong cellphone."
Mall naman pala nya eh. Tumingin ako sa mga cellphone na nakita ko at tutal sinabi naman nya na kaniya ito at kumuha lang ako, siyempre kinuha ko iyong pinakamahal.
"Ito Zyne" sabay pakita ko sa kaniya.
"Okay" tumawag sya ng isang sales lady para ibalot yung cellphone ko.
"Here's your new iphone maám. Enjoy" sabi nang sales lady at ibinigay sa akin iyong cellphone na naka paper bag.
"Tara na." pag-anyaya sa akin ni Zyne.
Habang naglalakad kami ay panay ang tingin ko sa bago kong cellphone. Napalingon ako sa isang tindahan ng mga pang kulay ng mukha at napatigil ako.
"Zyne!" sigaw ko at napatingin ang karamihan sa mga tao sa akin.
Wow, Zyne din siguro pangalan nila.
"Huwag ka nga sumigaw." sabi niya nang nakalapit na ako sa kaniya.
"Zyne bili mo ako ng pangkulay!" sabi ko sa kaniya.
"What? Kyla hindi ka na bata!"
"Eh, bakit yung mga babae ro'n? Bumibili sila ng pang kulay eh mas matanda sila sa akin." sabi ko.
Napabuntong hininga si Zyne at maya-maya ay pumayag na.
"Ano bang pangkulay? Oil pastel? o yung water color?" tanong niya.
Ay t*nga..
"Hindi iyon, Zyne!" sabi ko dahil sa kabobohan niya. Aanhin ko naman ang oil pastel at water color? "Iyong nilalagay sa mukha ang sinasabi ko." sigaw ko sa kaniya at sandali itong natigilan bago napatawa dahil sa sinabi ko.
"Kyla, make up ang tawag dun" sabi nya at ngumiti sa akin.
"Tara na nga." sabi niya kaya hinila ko siya papunta doon sa bilihan ng make up daw.
Pinuntahan ko iyong tinitignan nung babae at binasa ko iyong nakasulat. "Two tone lip bar." Bar?
"Ano na?" tanong ni Zyne na tila ba naiinip na.
"Zyne ito iyong binili noong mga babae kanina, gusto ko rin."
"Kumuha ka nga nang kumuha." bored niyang sabi kaya naman kumuha ako ng tatlo noon, at iba pa gaya ng foundation, cologne, mascara, eyeliner, mga brush, pang kilay at kung ano-ano pang pang pahid sa mukha na ang tatak ay mula sa isang kilalang brand.
Binigay ko sa cashier iyong mga pinamili ko at binalot niya tsaka nya binigay sa akin.
"Ang dami mo ng napamili ah. Grabe,magastos." parinig sa akin ni Zyne pero ngumiti lang ako.
"Ngayon lang kasi ako nakaranas ng ganito kaya sinusulit ko na."
"Edi tara, ibibili na din kita ng damit mo." sabi niya kaya napatalon ako sa sobrang tuwa.
"Talaga?" paniniguarado ko. "Sige!"sabi ko at ipinamili nga nya ako ng mga damit.
Hapon na nsng natapos kaming mamili ni Zyne at ang dami kong bitbit na paper bag.
"Zyne baka naman gusto mo akong tulungan dito?" pagtatanong ko pagtutukoy sa mga paper bags na bitbit ko.
"Akin ba iyan?"
''Sige na kasi, Zyne. Ang dami kasi." sabi ko sa kaniya.
''Ayoko." pagtanggi niya.
Kinulit ko siya nang kinulit pero ayaw niya talaga at paulit ulit na sinasabi na akin naman daw ito kaya ako raw ang magbuhat.
"Zyne?" napalingon naman ako sa babaeng tumawag sa lalakeng kasama ko at nakakita ako ng Dyosa. "Hey, ikaw nga. Nice to see you here." sabi noong babae.
Napalingon ako kay Zyne at nakita ko ang pagkatulala niya. Kahit naman ako natulala sa gandang ito.
''Sky." tawag ni Zyne.
Huh? So, siya yung Ex ni Zyne!?