Chapter 6

1202 Words
Kyla POV  Gabi na at naka uwi na din si Mine. Ang sabi niya ay dumalaw lang daw sya para sabihin kay Zyne ang nangyaring pagbabalik nung Sky Alora eklavu na iyon. Bumaba ako ng hagdan para manuod ng T.V ng makita ko si Manang. "Manang ano po ang ulam?" tanong ko.   "May natira pang manok dito, Ineng. Sandali at iiinit ko."   "Ay, ano ba iyan, Manang" wika ko. "So poor naman. Tira lang? Walang bago?" tanong ko.  "Wala eh, sayang naman kung hindi kakainin puwede pa naman."  "Kung ayaw mo ng natirang pagkain, makakalayas ka na." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Zyne. "Mabuti naman at lumabas ka na sa lungga mo?" sabi ko pero inismiran lang ako. "Manang," tawag ni Zyne. "Sige po paki-init na nung natirang ulam at kakain ako."  Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko sa sofa at napatayo nang marinig ko iyon. "Uy, sandali lang. Manang kakain din po ako. Sanay ako sa mga tira tirang pagkain." sabi ko. "Kakain din pala. Umarte pa." parinig sa akin ni Zyne pero hindi ako tinamaan. Promise hindi talaga. "O sige sandali at iinitin ko na." sagot sa amin ni Manang. "Tatawagin ko na lang kayo kapag okay na." Bumalik ako sa pagkakahilata ko sa sofa na iyong tipong sakop ko na ang buong sala ng humarang si Zyne sa harap ng TV.  "Hoy1 suway ko. "Ano ba Zyne? Umalis ka nga, nanunuod ako ng Ed Edd at Eddy." sita ko sa kanya pero ang mokong iniinis talaga ako at ayaw umalis.. "Zyne naman eh, last episode na iyan!" sabi ko sa kaniya. "Pambata naman iyang pinapanood mo. Nasan ang remote at ililipat ko." Sa sinabi niyang iyon ay kaagad kong hinagilap ang remote at isinuksok ko iyon sa bra ko. "Oh ano? Sige kunin mo." naghahamon na sabi ko sa kaniya at pinapakita ang d*de ko kung saan nandoon ang remote. "Flat." bored niyang sabi kaya napatingin ako sa d*de ko. Oo nga, flat. Nahuhulog na nga yung remote eh. Walang makapitan, "Hoy Zyne huwag kang mamersonal!" sabi ko sa kaniya "Urong." sabi niya sa akin at pinapatabi ako sa sofa. Umurong naman ako para maka-upo siya. "Akin na ang remote."  "Ayoko" pagmamatigas  ko. "Isa" bilang niya.  "Dalawa" sunod ko. "Kyla. Ako ang bumili niyan" sabi niya. "Oh bakit? Sinabi ko bang ako?"  "Just give me that damn remote! Manuod ka na lang sa cellphone mo."  "Wala akong cellphone" sabi ko. "What? Seryoso ka? Ikaw na lang yata ang hindi pa nakakahawak ng cellphone. Wag mo sabihing hindi mo alam ang touch screen na cellphone?" tanong niya. Nanliit naman ako sa tanong niya. Eh ano naman kung hindi ko alam iyong tatskrin na sinasabi nila?  "My gad. Nakakaawa ka pala." pang-iinsulto sa akin ng g*gong 'to noong hindi ako sumagot sa tanong niya. "Eh ano naman?" mahina kong sabi at hindi na naintindihan ang pinapanood ko. Napatingin ako sa baba at pinagpatuloy ang sasabihin ko. "Palibhasa kasi mayaman ka, hindi mo nararanasan kumapit sa patalim. Iyong tipong kinakailangan mo pang gumawa ng masama kagaya ng magnakaw para lang may makain ka. Yung tipong makakain ka lang ng tatlong subo sa isang araw masaya na. Hindi mo kasi naranasan iyon dahil may gintong kutsara ka noong pinanganak ka." sabi ko sa kaniya at inalis ang remote mula sa pagkakasuksok sa d*de ko at inilapag iyon sa sofa tsaka ako umalis doon. "Wait," pigil sa akin ni Zyne. "Ano? Iinsultuhin mo na naman ako?" sabi ko "I'm sorry. Bukas na bukas aalis tayo. Ibibili kita ng cellphone mo." sabi niya. Sa sobrang tuwa ko ay napatakbo ako sa kaniya tsaka siya niyakap. Walang halong malisya. "Salamat Zyne, sa wakas magkaka cellphone na ako" natutuwang sabi ko. "Oo na oo na, bumitaw ka na." sabi  niya kaya naman bumitaw na ako at saktong nakapag hayin na si Manang. Tahimik kaming kumain ni Zyne tapos ay umakyat na ako sa kwarto ko para mag bihis ng pantulog. Sanay ako na naka t-shirt lang ako na malaki at hindi ako nagsusuot ng bra kapag natutulog ako. "Magkaka cellphone na ako bukas." excited kong sabi. Nakapag tooth brush na ako at nakapaglinis nang katawan kaya naman oras na para matulog. Tinignan ko ang orasan at 10pm na pala. Ang tagal ko pala sa banyo. Humiga ako sa kama ko pero nakailang minuto pa ay hindi pa ako dinadalaw ng antok. Tumingin ako sa may bintana at nakitang sobrang dilim na. Ipinikit ko ang mata ko pero napamulat ako ng may narinig akong kaluskos mula sa labas. "M-manang?" sabi ko pero wala akong narinig na sagot. Binalot ko ang sarili ko sa kumot at nanginginig na napatingin sa pinto nang bigla iyong lumagabog dahilan para mapasigaw ako.  " Zyne!"sigaw ko at tumakbo palabas ng pinto tsaka ako dumaretso sa kiwarto ni Zyne. Mabilis kong binuksan iyon at pasalamat ako kasi hindi yun naka lock at nakita ko si Zyne na natutulog. Kaagad akong nahiga sa kama ni Zyne at sumiksik sa kaniya. Sigurado akong magagalit nito si Zyne kapag nalaman nyang tumabi ako sa kaniya. Di bale gigising na lang ako mamayang five.   Zyne POV Bakit parang ang sikip? Bakit parang ang bigat? H-hindi ako makakilos. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at napatingin ako sa kamay na dumapo sa kaibigan ko doon sa baba.Nakakita ako ng isang maliit na kamay na dakmang dakma ang alaga kong nakatayo. T-teka--? K-kamay?  Lumingon ako sa tabi ko at nakita ko si Kyla dahilan para malakas akong napasigaw dahil sa sobrang gulat at nahulog ako sa kama ko. "Bakit ba ang ingay?" tanong ni Kyla habang naka upo na sa kama ko at halos mapalunok ako ng laway sunod-sunod nang nakikita ko na ang undies niya at bakit wala siyang suot na bra? Napaiwas ako ng tingin dahil lalong sumasaludo ang kaibigan ko. "Zyne?" tawag sa akin ni Kyla. "Ano ba ang ginagawa mo dito sa kuwarto ko?" tanong ko habang nandito  pa rin sa lapag at nakaupo. Tila natauhan si Kyla at tsaka siya lumapit sa akin kaya naman napaurong ako. "Zyne, may multo dito sa bahay mo. Kagabi doon sa kuwarto ko may lumagabog sa pinto kaya ako tumakbo palabas." pagku-kuwento niya. "Kung ganoon ang nangyari, bakit dito ka nagpunta?" naiinis na sigaw ko sa kaniya.  Napakamot siya ng batok tsaka nahihiyang tumawa. "Eh Zyne nataranta ako eh, kaya dito ako naka diretso." "Umalis ka na nga," pagtataboy ko. "Umaga na. Bumalik ka na sa kuwarto mo." sabi ko "Pero sandali Zyne" sabi niya. Tumayo ako at pinagpag ang suot ko "Ano?" tanong ko at tumingin sa kaniya. "K-kanina, itong kamay ko parang may nahawakan na matigas." sabi niya at namula ang mukha ko. T*ngna! Malamang. Dinakot mo ang alaga ko eh. "P-panaginip mo lang iyon." sabi ko. "Ewan pero ang tigas talaga eh."  "Ano ba naman iyang pinagsasabi mo?" namumula ang mukha kong sabi. "Umalis ka na nga.. Magbihis ka na at aalis na tayo para bumili ng cellphone mo." sabi ko sa kaniya at nakita ko naman na na excite siya.. "Okay." natutuwang sabi niya at tumakbo palabas. Napaliling na lang ako sa naging reaksyon ni Kyla. T*ngina bakit-----bakit ang sexy nya? F*ck! Kailangan kong mag C.R at ilabas ang dapat ilabas. Sh*t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD