Chapter 5

1055 Words
Zyne POV Kaliligo ko lang at pababa na ako ng hagdan habang nagpupunas ng buhok ko at dadaretso na sana ako sa kusina para kumuha ng tubig pero may malas akong nakita na prenteng-prenteng nakaupo sa sala habang nanunuod ng TV at nakataas pa talaga ang paa. "Sino ang may sabing lumabas ka? Pinayagan ba kita?" tanong ko sa babaeng to. Napalingon siya sa akin at dali-daling tumayo bago lumapit sa akin nang bigla siyang lumuhod at kumapit sa paa ko. "Zyne, Sorry na. Hindi ko na kayang tumagal do'n sa kwarto.Masyadong boring do'n. Promise, hindi na ako tatakas basta hayaan mo lang ako na magpalaboy laboy dito sa mansion mo." . Palaboy-laboy? Kung sabagay, mukha naman s'yang pulubi. Kahit na natatawa na ako sa itsura n'ya ay pilit ko pa rin pinapanatili ang seryoso kong mukha. "Ayoko. Tumayo ka na jan at ikulong mo ang sarili mo sa kuwarto" sabi ko. "Pero Zyne!" maktol n'ya. Maniniwala na sana ako na seryoso s'ya na ayaw na nya do'n sa kwarto pero mukhang hindi. "At pwede ba, paki-pirmi naman 'yang kamay mo na nasa hita ko na? Baka kung saan umabot 'yan at matuklaw ka." bored kong sabi. Nanlaki ang mata n'ya at dali-daling tumayo mula sa pagkakaluhod. Nalaman na n'ya siguro na alam ko na hinihipuan n'ya ako. Bastos. "E, Zyne naman kasi, ayoko na doon sa k'warto. Ang boring doon. Wala na akong magawa kung hindi ang makipag jak en'poy sa harap ng salamin, hindi naman ako manalo-nalo " sabi niya. Sino naman ang t*ngang tao ang makikipaglaro sa sarili n'ya at sa harap pa talaga ng salamin? Siguro nga ito lang t*ngang babae na 'to. "Paano naman ako makakasiguro na hindi ka nga tatakas?" Nakita ko na nag isip sya at wow. May isip pala sya. Very nice "Alam ko na! Para maniwala ka na hindi na ako tatakas, itali mo na lang ako sa'yo tapos kung gusto mo mag fifty shades na lang tayo. Sorry nga pala kung nasuntok kita noon, that time kasi kami pa ni Mine pero ngayon ay break na kami kaya okay lang kung lalandiin mo ako. Pramis mabilis ako bumigay." tsaka sya tumawa nang tumawa. Kung naging sila nga ni Pito, grabe, iba rin pala ang bituka ng isang 'yon. "No thanks." sabi ko at nilagpasan s'ya. "Manang pakihanda naman po ako ng makakain." sigaw ko nang makapunta ako sa kusina. "Ay teka, Manang." Awat ni Kyla. "Ako na po ang gagawa n'yan para kay Zyne" awat ni Kyla kay Manang ng makita n'ya ito na naghahanda na ng pagkain ko. Napakunot ako ng noo dahil sa ginagawa n'ya. Sinusuhulan nya ba ako para payagan ko s'ya? "Zyne eto oh" abot n'ya sa akin no'ng pagkain. "Sinusuhulan mo ba ako?" tanong ko sa kan'ya. "Huh? Bakit naman kita susuhulan?" painosente n'yang tanong. "Mukha ka kasing sugarol," daretsong sagot ko. "Baka sinusuhulan mo ako para payagan ka na magpalaboy-laboy dito sa bahay ko." tsaka ko kinuha iyong pagkain at dumaretso sa living area para doon kumain pero sinundan n'ya ako. "Hoy Zyne, akyat bahay ako dati, pero hindi ako nagsusugal!" sabi n'ya ng makaupo na sya sa tabi ko. Sasagot na sana ako ng biglang dumating si Pito. "Kyla? Zyne? P-pinagtataksilan mo ba ako Kyla? At talagang sa kaibigan ko pa? Sabihin mo nga, Panget ba ako? Kapalit palit ba ako? Then Why?" madramang sabi ni Seven. Ang drama. At dahil nga dakila ang pagka-t*nga nitong si Kyla, "You don't understand my pain! You are the one who left me hanging there and now you are asking me if you're ugly and kapalit palit? Are you st*pid?"   Nakita ko na nagulat si Seven pero ang loko hindi nagpatalo. "I didn't left you hanging there because hanging is wind and i am not stupid because I am Seven." Mga G*go. "You liar!" wika ni Kyla at dinuro-duro pa si Seven. "You are not Seven because Seven is a number! A number!" sigaw ni Kyla habang pinapakita pa sa daliri nya ang Seven at hindi ko na napigilan at napatawa na ako. "What the--'' sasagot pa sana si Seven ng tignan ko sya ng mapang asar na paraan. "Ano nga palang ginagawa mo dito Seven?" tanong ko. "Zyne, tungkol 'to kay Sky,. Pare nakabalik na s'ya." sabi n'ya na nakapagpalaglag sa hawak kong plato na naging dahilan ng pagkabasag nito. "N-nasaan s'ya?" Sky Alora, ang babaeng mahal na mahal ko pero iniwan nya ako noon dahil nakakita s'ya ng opportunity para maging sikat na designer sa Paris. Ngayon bumalik na s'ya. "'Tol, sigurado ka ba? H-hindi na ba masakit?" tanong niya pagtukoy sa pakikipaghiwalay sa akin ni Sky dati dahil nga sa kagustuhan nyang pumunta ng Paris.. "Okay na ako Seven, gusto ko s'yang makita."  "Teka nga, sino ba yang Sky na yan? Hoy ikaw Zyne, kasasagot ko palang sa panliligaw mo may babae ka kaagad?'' sabat ni Kyla. "Teka, kayo?" sabay turo pa ni Seven sa amin. "No/Yes." sabay naming sagot at siyempre ako iyong No. "Huh?" "Huwag ka nga maniwala sa baliw na 'to. Iyong iyo na 'to." sabi ko at iniwan ko na sila do'n. Mga baliw.. Pumasok ako sa kuwarto ko at binuksan ang cabinet ko kung saan nandoon iyong nag-iisang picture ko na kasama si Sky habang naka-akbay ako sa kan'ya. Kuha 'to non'g Fourth monthsary naming dalawa. Makikita na ulit kita Sky. Kamusta ka na nga ba matapos ang dalawang taon? Kyla POV Umakyat sa kuwarto nya si Zyne kaya naman hinarap ko si Seven. "Hoy Ex Boyfriend!" tawag ko. "Alam ko na hanggang ngayon ay mahal mo pa rin ako kaya mo sinisiraan si Zyne sa akin. Sino yung Sky ha? Ano Sagot!" "Easyhan mo lang Kyla, unang-una hindi kita mahal 'no, pangalawa ex ni Zyne si Sky" sabi nya "Sus hindi mo ako mahal? Imposible samantalang akala mo hindi ko alam na pinagnanasaan mo ako palagi. Tatanggi ka pa ha. Alam mo Ex Boyfriend, ready naman akong balikan ka, basta pa pahawak lang ng abs mo tapos mag fifty shades tayo." sabi ko at natawa lang s'ya. "P*rvert" sabi n'ya sa akin at tumalikod na para maglakad palayo pero bago pa s'ya makatakbo ay sinugod ko na s'ya at tinaas ko ang shirt tsaka ko dinakma ang abs n'ya gamit ang palad ko. March 02, 20** Officially back. Taken na ulit ako 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD