Kyla POV Nagmamadali akong pumasok sa kuwarto ko at sinarado ang pinto. Sumandal ako sa may pintuan at kinakabahang napahawak sa dibdib ko. L*tche! Ano ba kasi ang nangyari? Hinalikan niya ang ilong ko? Nilandi niya ang leeg ko. Mygad! Hindi puwedeng malaman ni Uno ang nangyari! Magagalit si Uno sa akin. Ayaw na ayaw kong magagalit sa akin si Uno. Mahalaga siya sa akin. Mahalagang mahalaga. Napatalon ako sa gulat nang may biglang kumatok sa pinto na sinsandalan ko. "Kyla?" "B-Bakit?" Kinakabahan kong tanong. "Pagkatapos mong maligo bumaba ka na. Mamamasyal tayong dalawa." Maligo? K*ng*na oo nga pala. Iyon nga pala ang sinabi ko! Nakalimutan ko na dahil kay Zyne. "S-Sige" sigaw ko at narinig ko na lang ang yabag ng mga paa niya palayo. Pagkarinig ko na wala na siya ay kaagad akong tum

