Kyla POV "Guys wag kayong malikot baka magising." "Ano na naman ba ang problema mo Uno?" "Umurong ka nga, naba badtrip ako sa'yo." "Gisingin niyo na kasi si Mom." "Sh*t! Ang guwapo mo talaga Nikolas." "Oo nga, gisingin niyo na kesa naman sa nakasandal pa rin siya sa'yo Seven." Ilan lang iyan sa mga ingay na naririnig ko bago ko minulat ang mata ko. Una ay nasisilaw pa ako pero kinalaunan ay ayos na. "Ayan gising na si Mom." narinig kong sabi ng anak ko. "Hala! Lagot kayo sino ang gumising sa kaniya?" pananakot ni Nikolas. "Nasaan na tayo?" tanong ko sa kanila. Unang napansin ko si Seven na katabi ko at malawak ang ngiti sa akin. Sunod akong tumingin sa paligid ko at ganoon na lamang ang pagtataka ko dahil nakatingin silang lahat sa akin. "A-Ano ang mayroon?" kinakabahan kong tano

