10 - Mine

3211 Words
            Dapat ay hindi na siya pumayag na makipagkita kay Maurice, hindi niya sinabi kay Mason ang magaganap dahi ayaw niyang mag-alala ito. They are already processing their papers, ilang araw mula ngayon ay susunod na siya sa Los Angeles at magpapakasal na sila. Kung siya ang tatanuningin ay masaya siya pero kulang ang sayang iyon pakiramdam kasi niya ay hindi tama sa gagawin niya. Pero alin ba ang mali sa pagpapakasal sa nobyo mo ng ilang taon?             Isang tikhim ang pumukaw sa kanyang pagmumuni-muni at natagpuan na naman niya ang sariling nakatitig sa mukha ng kapatid ng lalaking papakasalan niya. Their eyes met and good Lord knows she had this unknown feeling inside her heart just for him.             “A-anong gusto mong sabihin?” she kept it calm. She doesn’t want him to get into her nerves dahil pareho nilang ayaw patalo. Nagkibit-balikat lamang ito at nakatitig sa kanya. He had this different stare whenever his brother was around.             “Don’t marry my brother.”             “At sino ka para utusan ako ng ganyan?” balik niyang tanong but he just kept it cool as well. May dinukot ito sa loob ng suot nitong suit at inilapag sa kanyang harapan.             “Here.” Kinuha niya ang sobre dahil nacucurious siya. Tumaas lang ang kilay niya sa nakita laman ng sobre at muling ibinalik sa loob ang laman at ibinalik din kay Mau.             “Here.” Balik niya sa sobre dito. “I don’t need that.” Tumayo siya at kinuha ang kanyang mga gamit.             “Bakit? Kulang pa ba iyan para layuan mo ang kapatid ko?”             She snorted and sat back. “That’s too little mister, you may not know it but I am earning too. At sa tingin mo ba kaya mo akong bayaran?” she wanted to keep it cool but she just can’t handle his way of insults towards her.             “Oh I forgot, you are indeed earning more than my brother earned. Nakalimutan kong miyembro ka nga pala ng isang sindikato.” Humulas ang lahat ng tapang na meron siya kanina.             “What are you talking about?” she played innocent of course.             “K.E.G. 7.3.7, isn’t that you? Your specializations are machineries, you know how make weapons that can kill thousands of people. Isa ka rin sa mga taong nagpoprotekta sa sindikato na gumagawa ng masama at ng mga drogang sumisira sa buhay ng may buhay.” Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. Paano nitong nalaman ang mga bagay na iyon? Kapag may nakaalam na alam nito ang tungkol sa sekreto niya ay pwede itong mamatay.             “You can’t know those information!” she hissed.             “Why not?”             “Your life will be in danger.” Nag-aalalang ani niya. Kung pwede lang na hayaan itong mamatay ay ginawa na niya pero hindi kayang tanggapin ng utak niya na siya ang magiging dahilan ng pagkamatay nito. “You can never tell anyone about it, naiintindihan mo ba?”             “At sino ka para utusan ako?”             “Please Maurice don’t tell anybody about my secrets, kung alam mo ang lahat ng tungkol sa akin alam mong delikado ang ginawa mo. You can be in great danger.” Nag-aalala na talaga siya. Pwede niya itong patayin, pwede siyang gumawa ng paraan para manahimik ito.             “Do I look like someone who cares?”             “Mamamatay ka!”             “Dadalhin mo sa konsensya mo ang kamatayan ko.”             “Bullshit!” galit na mura niya sa sinabi nito.             “Huwag mong pakasalan ang kapatid ko, huwag kang sumama sa kanya sa Los Angeles. Stay here Keegan and your secret will be safe.”             “You know I can’t do that nakaplano na ang lahat.”             “Lahat ng planadong plano ay hindi matutuloy.” Tumayo ito at yumuko at hinawakan ang kanyang baba. “It’s your choice then, marry my brother or you forever suffer from your guilt—oh I forgot—sigurado ka bang papakasalan ka pa ni Mason kapag nalaman niya ang tungkol sa iyo? I know my brother Keegan he wants it safe, he can’t dance with danger and you sweetheart is danger.” Isang pagak na tawa lang ang pinakawalan nito bago ito umalis sa harap niya leaving her speechless.             Kung kanina ay natatakot siya sa pwedeng mangyari ditto parang ngayon ay gusto niyang ipain ito sa pating. Bago pa man nito masabi ang tungkol sa kanya kay Mason ay siya na ang magsasabi. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang fiancé niya.             “Babe?” halatang bagong gising pa ito, she forgot their time difference.             “Expect me in a week’s time Mason.” Hindi niya hahayaan na maging masaya si Mau, she’ll marry his brother and make him suffer   “ILANG araw ba silang ganyan? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagigising?” galit na tanong ni Riq kay Georgette, iyon ang naabutan niya. “Their bodies are coping up with the traumatic memories Riq please be patient.” Mahinahong paliwanag ni Georgette. Hindi lang si Riq ang restless nang mga oras na iyon maging siya ay ganoon din. Hindi normal na hindi magising ang mga ito sa loob ng ilang araw, they are only reviving their memories and nothing else. “Please do understand boys hindi madali ang pinagdaanan ng mga babaeng nakahiga diyan. They don’t have the normal childhood that you have, hindi sila lumaking normal. All their lives they were told to do the right thing, the right thing for the syndicate but the wrong thing for themselves. They suffered too much, they were hurt too much. Naging gunea pig nila ang sariling katawan nila, they thought themselves to be strong or else they’ll die. Noong nagpasya silang alisin ang alaala nila ibig sabihin niyon ay hinayaan na nila ang sarili nilang makalaya mula sa kulungan nila. Their traumatic experiences, their traumatic pain, the bad memories, those are the things these girls feared about. They don’t want to experience the same thing they had before.”             “Ang mga alaalang iyon ang pwedeng maging dahilan kung bakit ayaw nilang magising, natatakot silang kapag nagising sila ay muling bumalik ang kanilang kinatatakutan.” Dugtong pa nito. “What can we do then? I want to do something.” “Talk to her and assure her that she’ll be okay.”             He took a deep sigh and nod, he needs to assure her that everything will be okay. She will be okay with him.                         “ANONG ginagawa mo dito?” gulat na tanong niya kay Mau ng biglang pumasok ito sa loob ng silid niya. Mabuti nalang at katatapos lang niyang magbihis. She’s wearing a simple white maxi dress and a flower crown on her head. Today is her wedding day. Hindi siya nakinig kay Mau, wala na siyang pakialam kung sasabihin nito kay Mason ang totoo. Ilang beses na rin niyang sinubukan na sabihin sa kapatid nito ang totoo pero sa tuwina ay nakakalimot siya.             “Matigas talaga ang ulo mo Keegan.”             Marahas na humarap siya ditto at pinaningkitan ito ng mga mata. “Ano ba talaga ang gusto mo sa akin? Bakit ayaw mong makasama ko ang kapatid mo?” inis na tanong niya.             “Because I want you for myself.” She was expecting for another answer from him, it wasn’t the answer she was expecting for goodness sake. His words leave her speechless. “Don’t marry my brother, I’ll marry you.” Lumapit ito sa kanya at sa isang iglap lang ay natagpuan na niya ang sarilig nakatanga ditto. “I want you for myself.” Ulit pa nito.             “I- I—fiancé ako ng kapatid mo paano mong nasasabi ang mga iyan?” naguguluhang tanong niya. Mas naguguluhan siya dahil gusto ng puso niya ang kanyang mga naririnig.             “Runaway with me then.” Hinawakan ni Mau ang kanyang nanlalamig na mga palad. She bet he can already hear the fast beating of her heart. These are the feelings she can’t feel when she’s with Mason. Bakit sa kapatid pa nito siya nakakaramdam ng ganito? “Keegan-.”             Is he serious? Baka tinatrap lang siya nito. Hindi siya nito napigilan noong bayaran siya nito ng malaking halaga, hindi rin siya ntio napigilan noong takutin siya nitong ilabas ang sekreto niya, kaya ba nag-iba ito ng taktika? She underestimated him. He won’t be Maurice Magallanes for nothing! He had planned this for a long time and she wouldn’t ever let herself be caught on his trap.             “Tama na Maurice, hindi ko alam kung ano ang plano mo pero hindi ko ipagpapalit ang kapatid mo. I am marrying your brother whether you like it or not,” malakas niya itong itinulak at saka lumayo dito. Muntik na niya itong lapitan at haplusin sa pisngi ng makita niya ang sakit sa mga mata nito. The kind  of pain she wasn’t expecting to see. Pati ba iyon ay kasali sa acting ni Mau?             Bago pa man magbago ang isip niya ay agad siyang lumisan sa silid na iyon. She needs to face reality, si Mason, ito lang at wala ng iba.             At kung totoo man ang sinabi ni Mau ayaw niyang magulo ang pamilya ng mga ito. Magkapatid si Mau at si Mason, they are the only family each other have at nakakalungkot na masira iyon ng dahil lang sa kanya.               KUNOT-NOONG sinundan niya ng tingin si Ulysses na kausap ang asawa ng kaibigan ni Georgette Andres-Villaraga. Hindi niya inaasahan na nandoon si General Hendrix Anderson, isang high ranking official sa islang iyon at kausap si Uly. Kaya pala hindi ito natakot noong sinabi niyang baka maidemanda ito ng ama ni Sahara dahil mas malakas ang kapit nito.             “Natunton nila ang lokasyon? Pero impossible iyon matagal ng patay ang big boss ng sindikato.” Iyon ang narinig niyang sibi ni Ulysses. “He was killed.”             “Tama ka patay na nga siya pero hindi pa ang mga taong nakasuporta sa kanya. We don’t know yet pero isa-isang pinaghahanap ng taong ito ang mga natitirang miyembro ng sindikato na hindi namatay sa pagsabog sa compound at isa-isang pinapatay.”             Biglang nanlamig ang katawan niya sa narinig niyang impormasyon mula sa pulis. “Sino iyon?” galit. Iyon ang nararamdaman niyang nararamdaman ni Ulysses ng mga oras na iyon. Pumikit ito at pilit na inaalala kung sino ang pwedeng maging dahilan sa pagbangon ng sindikato. “Hindi pwedeng mabuong muli ang sindikato.”             “I agree with you. Hindi pwedeng mabuong muli ang sindikato dahil siguradong mas marami ang mapapahamak ngayon. Ang mga nakaligtas ay tahimik na namumuhay malayo dito, lahat sila, maging kayo ay nabigyan ng pardon at ang iba ay nakalaya para magkaroon kayo ng bagong buhay na malayo sa gulo. Hindi namin inaasahan ay ang ganitong sitwasyon.”             “Kailan ba matatapos ang lahat ng ito?” nanghihinang tanong ni Ulysses sa kausap nito. Iyon din ang gusto niyang itanong. Hanggang kalian matatapos ang sumpa ng sindikatong iyon?           “The island is protected for now. May mga surveillance team kaming nakatago sa buong isla kung sakaling totoo man ang hinala namin na may alam na ang taong iyon kung saan kayo nagtatago. Kailangan din na may nakabantay sa inyo at sa mga mahal niyo sa buhay na malapit sa inyo. They could be his or her target.”               Isang malutong na mura ang pinakawalan ni Ulysses at malakas na sinuntok ang sementadong pader. “Bakit ngayon pa? Hindi pa sila nagigising, hindi pa nahahanapan ng antidote ang viral infection kay Sahara. I need more time Hendrix.” Halatang pagod na pagod na rin si Ulysses pero bakas pa rin sa mukha nito na hindi ito susuko. Wala itong susukuan at hindi rin ito ang klase ng taong basta-basta nalang susuko.             “Everything will be okay Ulysses. Ang Mabuti pa ay magpahinga ka muna.”             “I can’t-.”             “Nagiging padalos-dalos ang mga tao sa desisyon nila kapag pagod sila. Mas Mabuti pang matulog ka muna babantayan ko muna si Sahara para sa iyo. Take a rest you need that.” Walang nagawa ang pobreng lalaki kundi ang sumunod. Hindi ito bobo kaya alam nitong may punto ang sinasabi ng pulis.             “May nagising na!” humahangos na lumapit sa kanila si Georgette. Agad siyang napatayo. “She’s awake.” She said no one in particular.             “Sino?”             “Si…..”               “Mga mga walang hiya kayo!” isang malakas na sigaw ang pumukaw sa kanyang mahimbing na pagtulog. She was with her husband last night and all she could remember was she was happy and contented. And when she opened her eyes she was confused to see her husband glaring angrily at her.             “Mason?” nagtatakang tanong niya habang pupungas-pungas na bumangon. “Anong oras na?” kusang kumilos ang mga braso niya at tuluyan siyang nagising ng may maramdaman siyang katabi. Humulas ang lahat ng dugo sa kanyang katawan at napalingon sa kanyang katabi.             “Anong ginawa ko Keegan upang gawin mo sa akin ito?” galit na tanong ng kanyang asawa.             “Wa- teyka--.” Kusang kumilos si Mason at hinawakan siya sa braso. Napangiwi siya sa sakit at napahawak sa kumot na siyang nakatakip sa kanyang katawan. Hubad siya, she remembered making love with her husband the whole night. It was their honeymoon for pete’s sake! “Mason nasasaktan ako.”             “How dare you?”             “Bitiwan mo si Keegan, Mason.” Utos ni Maurice na mukhang cool na cool sa mga nangyayari. Binitiwan siya ni Mason pero lumapit ito sa kapatid na nakaalis na sa kanyang tabi. Isang malakas na suntok ang pinakawalan nito sa mukha ni Maurice na siyang ikinabigla niya at bumaling sa kanya. Punong-puno ng hinanakit ang mga mata nito, ang mukha nito.             “Nagtiwala ako sa iyo Keegan, I married you because I know you’ll be the best for me. I shouldn’t have trusted you!”             “Magpapaliwanag ako Mason. Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin-.” Iwinaksi nito ang braso niya.             “Nakita ko ang lahat, huwag ka nang magsinungaling Keegan. You are naked and my brother was too. Huwag mong sabihin na naglalaro kayong dalawa sa loob ng silid nating dalawa? Hindi mo ba naisip iyon? Sa loob ng silid nating dalawa. I am your husband but you slept with my brother.” He looked disgustedly at her. “Are you having an affair with my brother behind my back?”             “No!” agad na sagot niya. Bumaling siya kay Maurice. “Please explain Maurice, walang nangyari sa atin hindi ba? Ang asawa ko ang kasama ko kagabi hindi ba?” she’s already pleading at him. Pleading to him to tell the truth.             Bumagsak ang balikat ni Mason. “I wasn’t here last night Keegan. Hindi ako dito natulog kung sinuman ang kasama mo kagabi hindi ako iyon.”             Nanlaki ang kanyang ulo sa sinabi nito, hindi siya pwedeng magkamali alam niyang may kasama siya kagabi. Batid niyang may nangyari sa kanila dahil ramdam pa rin niya iyon sa pagitan ng kanyang katawan. Her soreness was telling her that she was right.             “Baka nagkakamali ka Mason, it was you.”             “I shouldn’t have married you Keegan. Hindi pa nga kita kilala.”             “But it wasn’t me! I thought it was you.” She desperately said. “I thought it was you.” Kusang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata habang napagtanto ang pagkakamali niya. Gusto niyang lumubog sa kanyang kinauupuan ng mga oras na iyon. She was married but slept with her husband’s brother! Among all people sa kapatid pa ni Mason!             “If you love me enough Keegan you’ll know it wasn’t me.” Bumaling ito kay Maurice. “I don’t know your plans kuya but I guess it succeeded.” Tahimik pa rin si Mau ngayon na para bang okay lang ditto ang nangyayari. Did he plan everything? Did he plan this to happen? “I am filling a divorce.” Iyon lang at mabilis itong umalis sa silid nila--- niya. At nang tuluyan na itong nawala sa kanilang paningin ay kumilos na si Maurice.             “Did you plan this?” mahinang tanong niya habang nakatingin sa kawalan. “Plano mob a ito Maurice?” walang galit sa boses niya. Walang panunumbat. Walang emosyon ang boses niya.             “Yes.” Walang kagatol-gatol na sagot nito.             “Why?” she asked desperately allowing her tears to flow out from her eyes. “Wala naman akong ginagawang masama sa iyo? Inaamin kong hindi ako mabuting tao pero kahit kalian wala akong sinaktan na kung sino.” Isinubsob niya ang mukha sa kanyang palad habang umiiyak.             Naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya kaya napapiksi siya. She hates him! She hates him for ruining her marriage!             “Hihiwalayan ka ni Mason. It’s a good news we need to celebrate.” Naikuyom niya ang palad niya sa tindi ng emosyong nararamdaman niya para dito.             “I hate you Maurice I wish to hell you’ll never be happy for making my life miserable.” Inis na palki niya dahil wala na siyang masabi dito.             “Let’s be miserable together.” Pilit nitong hinahawakan ang pisngi niya pero umiiwas siya at hinahampas ito. “I’ll marry you after the divorce.”             “I will never marry you. You are crazy Maurice!”             “You might be carrying my child.”             “I can’t be pregnant with your child.” Agad na sagot niya. Kahit papaano ay malinaw pa ang isip niya. “I know my cycle.” And thanks God she’s safe. “I will never marry you. Si Mason lang ang gusto kong maging asawa at wala nang iba. I will fight my rights as his wife.”             Maurice just scoffed at her. “I know my brother. Alam kong kapag may tinapon na siya ay hindi na niya iyon babalikan at pupulutin. Itinapon ka na niya.”             His words sunk into her. Ganoon lang ba kadaling itapon siya? Itinapon siya ng kanyang tunay na mga magulang sa isang sindikato ng dahil lang sa pera. Tapos itatapon siya ng kanyang asawa sa pagkakamaling hindi naman nyiya ginustong mangyari. He could have seen her pain as he was just staring at her like a robot.             “Ganyan ba kayong mga klaseng tao? Ganoon lang ba kadali sa inyong itapon ang isang tao?” pagak siyang tumawa at saka pilit na inaalis ang luha sa kanyang mga mata. “Sabagay, sanay na rin naman ako.” She whispered pouring all her pain away. She’s really tired. “Sana masaya ka na. hindi mo ako matanggap para sa kapatid mo dahil miyembro ako ng isang sindikato. Iniiisip mong sisirain ko ang buhay niya kaya sinira mo ang akin?”                        “You are overthinking Keegan I want you separated with my brother because-.”             “Umalis ka na Maurice. I really don’t want to see you.”             “Sa simula pa lang pareho nating alam na hindi ka para sa kapatid ko Keegan. I told you to stay away from him but you never listened. I want you for myself.”             She glared at him showing him her pure hatred towards him.             “Over my dead body Maurice.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD