9 - Selfish

3204 Words
            “Hi!” Masayang bati niya sa kasintahan ng makita ito sa restaurant kung saan sila magkikita. Ngumiti ito pabalik sa kanya at tumayo. “Kanina ka pa?”             “Hindi masyado.” Humalik siya sa pisngi ni Mason. Matagal na silang magkasintahan ni Mason, hindi nito alam ang tunay na pagkatao niya dahil ayaw rin niyang malaman nito. Confident siyang pwede niyang itago ang pagkatao niya hanggang sa tuluyan na siyang makalaya sa sindikatong kinabibilangan niya. At ayaw din niyang mapahamak ang kasintahan kapag nalaman nito ang tungkol sa kanya. “Did you drive?”             “Nagpahatid ako kay Clime.”             “That’s good.” Kinuha nito ang bouquet of flowers na nasa ibabaw ng mesa at ibinigay sa kanya. She doesn’t really like flowers in particular, but she appreciate receiving them especially from her long time boyfriend. Nagkakilala sila ni Mason sa Los Angeles kung saan siya nag-aaral ng kolehiyo, classmates sila sa isang major at dahil parehong pinoy kaya agad na nagkapalagayan silang dalawa ng loob at naging magkasintahan. Sa LA ito nakabase, isa itong manager sa isang banko. May kaya ang pamilya ni Mason, hindi masyadong mayaman, hindi rin mahirap. Ang sabi nito ay mas mayaman ang kapatid nitong si Maurice dahil bata palang ay naturuan na ng lolo nila ng business. Walang ka-amor-amor ang kasintahan sa negosyo sadyang iba lang talaga ang hilig nito. At siya naman ay naging isang furniture designer, she loves her job dahil hindi na niya kailangan pang pumunta sa opisina araw-araw maliban nalang kung may client meeting.             “Thank you.” Pinaghila din siya nito ng upuan. Isa ito sa dahilan kung bakit minahal niya ang nobyo, sobrang gentleman ni Mau. Kahit na sa Los Angeles ito lumaki ay hindi ito katulad ng iba na kapag masyado ng pamilyar sa isa’t isa ay agad na humihingi ng kapalit. They’ve been dating for so long now to the point na siya na mismo ang nafrufrustrate ditto. She tried seducing him so many times but his control is too tight for her to loosen. He wanted to take her after their wedding and yes they have plans. They don’t have that super grand wedding proposal she saw in movies and televisions. There’s no need for that, usapan lang talaga. When he asked her if she wanted to marry her over the phone she gave him a yes and that’s it.             Ayaw din niya ng sobrang garang kasal, civil wedding would do. Balak nilang magpakasal dalawang buwan mula ngayon and by that time they are going to settle in Los Angeles. Pwede din siyang doon maghanap ng trabaho. Gusto lang niya ng simpleng pamumuhay kasama si Mason and nothing else. She wanted to start a family with him as soon as possible.             “Umorder ka na ba?” tanong niya.             “Hinintay kita.”             “Let’s order then.” They called the waiter and gave their orders.             “Gusto kong makilala mo si kuya Mau.” Biglang sabi nito. “I want to tell them we are getting married.” Excited nitong wika.             “Will he like me?” nag-alalang tanong niya. Base kasi sa mga kwento ni Mason ay may kasungitan ang kapatid nito. Kung ayaw nito sa isang tao ay talagang ayaw nito, mahirap i-please. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita kahit sa picture ang kapatid nito.             “Sino bang hindi magkakagusto sa iyo? He will like you for me babe.” Hinawakan ni Mason ang palad niya at marahang pinisil.             “Paano kung ayaw niya sa akin?”             “Magugustuhan ka niya sigurado ako diyan.” Natatawang ani nito. Hawak niya ang palad ni Mason, ayaw man niyang aminin sa sarili niya ay wala siyang maramdamang kakaiba sa hawak nito. Ayaw niyang ipahalata dito ang tungkol doon, she loves Mason, pero pakiramdam niya ay may kulang at may kakaiba hindi lang niya matukoy kung ano iyon. “And I remembered your friend Clime, she was running an event company right?”             “Yeah.”             “That would be great. Sa birthday ni lola gusto kong sila ang mag-ayos ng lahat. Doon din kita ipapakilala sa lahat ng mga kaibigan at pamilya ko pati na rin sa kapatid ko. Maliban kay lolo at lola wala na kaming mga magulang and my brother is the only family that I’ll have when my grandparents die. I want to announce our engagement in the party.”             “There’s no need for a grand announcement Mason a normal one would do.” Ani niya dito.               “THANK you very much Keegan at tinutulungan mo ako dito. Alam kong dapat guest ka pero heto ka at kasama ko dito.” Pasalamat ni Ainsley sa kanya, biglang nakasakit si Clime at kahit na gusto nitong pumunta ay hindi nito magawa dahil nagkaroon ito ng mga pulang pantal sa katawan dulot ng viral infection kaya siya na ang nagpresentang tumulong.             Tama ang sinabi ni Ainsley dapat ay guest siya, kanina ay kausap niya ang mga kaibigan ni Mason. Nasabi na rin niya ang tungkol sa nangyari kay Clime sa fiancée at naiintindihan naman nito iyon. Mamaya sa free time niya ay saka siya nito ipapakilala sa lahat bilang fiancé niya kahit na alam niyang may ideya na ang lahat kung sino siya dahil kanina pa ito panay lapit sa kanya.             “Okay lang talaga Ainsley.” Aniya dito. Sa iilang tao na kakilala niya ay isa ito sa hindi niya magawang sungitan. Anak mayaman si Ainsley at galing talaga sa Buena familia pero hindi ito kagaya ng ibang mayayaman na sobrang over-acting sa pagiging sosyalera. She’s down to earth with a weird sense of fashion which she likes the most. Inayos niya ang walky-talky sa kanyang beywang at ang sleeve ng kanyang itom na longsleeve top. Nakalimutan niyang may dress code sa party Mabuti nalang at katulong siya ni Ainsley ngayon kaya nakaligtas siya.             “I need to answer this call.” She excused herself and found a place to answer Clime’s call.             “Kee, salamat talaga sa paghalili mo sa akin. Paano nalang ako kung wala ka.” Pambungad ng kaibigan.             “Clime, I told you hindi ba everything is fine here. I am helping Ainsley with the preparations and its going so well kaya ikaw magpahinga ka nalang diyan. Don’t do anything else that would stress you.” Aniya. Ilang beses na itong tumawag sa kanya para lang magpasalamat. Clime needs rest and she can’t do that if she’s thinking about her job here. Bigla siyang napalingon dahil pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya.             And she was correct, her intuition never fails her. Kunot-noong tiningnan ang matangkad na lalaki na nakatayo ilang hakbang mula sa kanya. Hawak pa rin niya ang kanyang clipboard at sa kabila naman ay ang cellphone niya dahil kausap pa niya si Clime. Tiningnan niya ang lalaki, mas matangkad ito kay Mason, mas Malaki ang built ng katawan nito keysa sa fiancé niya, and he is giving off this weird aura around him telling everyone that he’s the boss and no one should messed up with him. She’s already glaring at him because of this weird look on his face, he was staring at her weirdly.             “Is there any problem mister?” hindi nakatiis na tanong niya. It doesn’t mean that he is more good-looking than her fiancé she’ll entertain him. Mabait lang siya sa mga taong gusto niya pero masungit at mataray siya sa mga taong hindi niya kakilala.             He smirks making her feel a little bit uncomfortable, kakaiba sa kanya ang naging reaksyon niya sa ginawa nito. “Problem? I think I don’t have.” And he said using his suave voice. Bullshit Keegan, may fiancé ka na! Pinagalitan niya ang sarili niya, she’s praising him for goodness sake. Tumikhim siya at saka mas lalong tumalim ang tingin niya ditto.             “Then stop staring at me, it creeps me.” Iritadong ani niya. May sasabihin pa sana siya pero biglang tumawag si Ainsley gamit ang walky-talky, she’s staring at him though.             “Ains is everything okay?” at ang hudyo hindi rin siya nito nilubayan ng tingin.             “Yes, Keegan. Everything is fine please meet me here in the front yard.”             “Copy.” Still glaring at him she turned her heels away from him and decided not to mind the creep anymore. Hindi na rin siya lumingon, hindi naman mukhang bobo ang lalaking iyon alam na rin siguro nitong wala siyang interes dito. Ilang taon siyang nakatira sa states kaya alam na rin niya ang mga galawan ng mga lalaki, hindi siya tanga at mas lalong hindi siya bobo. Agad niyang nahanap si Ainsley sa front yard.             “The party is great, thank you very much for your help Keegan. Alam mo naman na kasisimula lang ng business naming ni Clime.”             “Clime is my friend and besides I’m not too busy. Katatapos ko lang isubmit ang mga designs ko sa boss ko.”             “Kaya nga kapag nakabili na ako ng sarili kong condo ikaw ang kukunin kong designer sa mga furnitures na gusto ko sa interior ng magiging bahay ko.” They talked about houses and condominiums.             “There you are.” Napalingon siya kay Mason na biglang humawak sa beywang niya at niyakap siya patalikod. “Hi Miss Ainsley, thank you for making my grandmother’s party a success.”             “Binayaran mo ako ng tama kaya tama lang din na gawin kong successful ang party at saka mas naging successful yata ito dahil si Keegan ang assistant ko.” Tudyo nito sa kanya. She should have blushed and feel something weird but she can’t… she can’t feel anything. What’s wrong with her? Kahit na ang yakap ni Mason sa kanya ay hindi niya mahanapan ng kilig. When was the last time she felt the sparks? She can’t rememeber… or was there a time?             “Nandito na si kuya gusto kong ipakilala ka sa kanya.”             “I need to excuse.” Si Ainsley na umalis na upang asikasuhin ang mga naiwan nitong trabaho. Medyo kabado pa rin siya dahil hindi niya alam kung ano ang hitsura ng kapatid nito at kung ano ang magiging reaksyon nito sa kanya. Kung hitsura lang ang pag-uusapan hindi naman siya pangit, hindi rin siya palamunin dahil may trabaho naman siya. Wala na siyang pamilya pero marami siyang mga kapatid sa papel at sa gawa.             “Let’s go, nasa loob na siya ng bahay.”             Noong sinabi ni Mason na nasa middle class family ito ay hindi na siya naniwala at ngayon niya napatunayan na tamang hindi siya naniwala dito.             “Nasaan na siya kuya Mau? Kanina nandito lang siya.” Pinaupo siya nito sa sofa. “Dito ka lang muna babe hahanpin ko muna si kuya baka umalis na naman iyon.” Nailing na wika nito. Gusto niyang sabihin na pwede namang sa ibang araw pero nagpaiwan na rin siya. Tumingin-tingin siya sa buong paligid ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang pamilyar na pigura na naging dahilan kung bakit sumikdo ang puso niya. Ang lalaki kanina!             “What are you doing here?” tanong niya.             Pero hindi katulad kanina walang ngiti o kung anumang emosyon sa mukha nito, he’s glaring at her intently, para bang may ginawa siyang mali.             “Nandiyan ka na pala kuya.” Pakiramdam niya ay sasabog ang ulo niya ng pumasok si Mason at batiin ang lalaking iyon. Her heart is pounding too loudly inside her chest she can’t even imagine it. Pakiramdam niya ay may mali sa nangyayari, para bang hindi dapat ganito, hindi rin niya alam dahil nalilito na siya. Paanong naging kapatid ni Mason ang lalaking iyan? “Hindi na ako mahihirapan sa paghahanap sa iyo, may ipapakilala pala ako.” Itinulak ni Mason ang kapatid nito palapit sa kanya.             “Who is she?” malamig na tanong ng lalaki.             “Meet my fiancée kuya, her name is Keegan.” Nakatingin lang siya dito, maging ito ay nakatingin sa kanya pero may kakaibang ibig ipahiwatig ang mga tingin nito sa kanya. “Babe, this is my kuya Maurice.” Masayang pakilala ni Mason sa kanya. Matiim ang bawat titig ni Maurice sa kanya na para bang binabasa ang bawat himaymay ng kanyang pagkatao.             “Paanong hindi ko nalaman na may fiancée ka na pala?”             “We both decided to settle down two months from now sa Los Angeles. We also want to live there for good.” Hindi siya nilubayan ng tingin ni Mau.             “Ilang taon na kayong magkakilala?”             “Six-seven years.”             “That long?” there’s a hint of sarcasm on his voice. “Gaano mo naman siya kakilala? Paano kayo nagkita? Saan kayo nagkita? Your parents? Your family background? Your financial status-.” Hindi na niya nagustuhan ang tono ng boses nito kaya mabilis siyang tumayo at humarap dito.             “Excuse me lang Mr. Magallanes.” Singit niya.             “Hindi ikaw ang kausap ko.” Galit na turan nito sa kanya.             “At ako ang pinag-uusapan ninyo.” Batid niyang ayaw nito sa kanya.             “Kuya-.”             “I don’t trust your choice of a woman Mason. You can choose someone else, someone with a good family background.” May kung anong kumurot sa puso niya sa sinabi nito. Halatang ayaw nito sa kanya para sa kapatid nito but the hell with him hindi ito ang pakakasalan niya. Mukhang nagulat si Mason sa inasta ng kapatid nito bakas iyon sa mukha ng fiancé habang siya ay hindi alam kung anong gagawing tingin dito. She wants bury him and kill him with her bare hands. She wanted to shoot him in the heart but she won’t do that.             “Kuya mahal ko si Keegan.”             “But you don’t know her!” sigaw na nito. Kung may tao sa labas siguradong maririnig ang sigaw na iyon ng lalaki.             “Kilala ko siya sa loob ng mahigit anim na taon kilalang-kilala ko na siya.” Natigilan siya sa sinabi ni Mason. Hindi pa siya nito kilala may mga bagay na hindi niya masabi ditto dahil natatakot siya sa magiging reaksyon nito sa kanya. Agad siyang napatingin kay Mau, alam ba nito ang mga lihim niya? Alam ba nito kung ano ang tunay niyang pagkatao.             “I can’t accept her.” Mau said.             “Pakakasalan ko si Keegan sa ayaw at sa gusto mo.”             Mau sneered at his brother. “Go ahead marry someone who will make your life miserable.” Nanikip ang dibdib niya sa sinabi nito. Lumapit sa kanya si Mason at hinawakan siya sa braso.             “Let’s go Keegan huwag kang making kay kuya, kahit anong mangyari magpapakasal tayo.” Nagpahila siya kay Mason pero batid niyang nasa kanya pa rin ang tingin ni Maurice. At nang nasa tapat na siya nito ay agad siyang huminto at isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa pisngi ng kapatid ng lalaking papakasalan niya. Mukhang nagulat din ito sa ginawa niya.             “You don’t know me mister, you don’t have the rights to judge me.”             Sa halip na magalit ay muling umangat ang gilid ng labi nito, it was a creepy and knowing smile. Para bang may alam ito tungkol sa kanya.             “Don’t I?” his last words rung inside her ears. She doesn’t want to listen to him but she can’t stop herself. He knew something and she’ll bet her life to that.               NAG-AALALANG tinititigan niya mula sa malayo si Keegan, nakahiga ito sa gurney ng isang laboratory at may nakakabit na mga tubo sa katawan nito. Nang mapagdesisyunan nilang bumalik kahit labag sa loob niya ay alam niyang pagkatapos nito ay isang matinding paghihirap ang sasalubungin niya. Kapag naalala na ni Keegan ang lahat ay alam niyang magagalit ito sa kanya. Ayaw na niyang magalit sa kanya si Keegan.             “Are you okay?” tanong ni Ulysses sa kanya.             “You are selfish.” He hissed. Nalaman niya ang dahilan kung bakit gusto nitong ibalik ang ala-ala ni Keegan. Sa isang silid ay nandoon din ang mga kaibigan nito at ibinabalik ang mga ala-alang inalis na nila.             “Ako lang ba?” tumatawang tanong nito. “Kinuha mo si Keegan para sa pansarili mong kapakanan, hindi ba selfish ang tawag doon? Inagaw mo siya sa kapatid mo sa mismong gabi ng kasal nila, ikaw ang dahilan kung bakit ilang taon na nahirapan si Keegan dahil ayaw mong mapunta siya sa iba. Sino ba sa ating dalawa ang selfish?” balik na tanong nito sa kanya.             “I did that because I love her.”             “And I am doing this because I have my own reasons.” Sumulyap ito sa silid na nasa pinakadulo ng hallway. Hindi katulad ng iba ay hindi ibinabalik ang alaala ng babaeng nakahiga doon, sa halip ay buhay ang ibinabalik ng mga ito. That woman who was inflected by a deadly virus was good as dead. “Pwede mo pang suyuin si Keegan kapag naibalik na ang alaala niya, pero hindi ko na pwedeng maibalik ang buhay niya.”             He had known Ulysses for years, they still have bad blood with each other. Isa ito sa pinagselosan niya dati bago niya nalaman ang tunay na pagkatao ni Keegan. Akala nga niya ay mawawala ang pagmamahal niya para sa babae pero nagkamali siya dahil hindi iyon nabawasan sa halip ay mas lalong tumindi ang pagmamahal niya dito. Keegan is different, she’s the type of woman who looks so strong in the outside but fragile in the inside.             “You stole her from her family.” The place is isolated, he heard it was Uly’s island.             “They wanted to kill her.”             “Hindi nila papatayin si Sahara gusto lang nilang tapusin ang paghihirap ng anak nila.” Sabi niya pero mukhang hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi.             “Keegan, Yvette, Clime, Sydney, isa sa kanila ang gumawa ng virus na iyon. Alam kong isa sa kanila ang pwedeng magpagaling kay Sahara hindi ako pwedeng sumuko.” Ikinuyom nito ang kamao nito habang nakatitig sa babaeng nakahiga at walang malay hanggang ngayon. Gusto niyang maawa dito pero hindi muna niya iyon iisipin dahil pare-pareho lang ang magiging kalagayan nila pagkatapos ng lahat ng ito.             “Her father was a lawyer right?” gusto niyang matawa sa naging reaksyon nito. “Alam mong pwede kang ipakulong ng taong iyon sa ginawa mo. Alam mo rin na kapag nalaman ng ama ni Sahara na miyembro ka nang Generation Syndicate ay pwede ka rin niyang maikulong. Alam kong matalino ka Ulysses pero hindi mo ba naisip na maling babae ang napili mong mahalin?”             Walang reaksyon ang mukha nito at bumaling sa kanya. “Alam mo fiancé ng kapatid mo si Keegan pero inagaw mo pa rin siya at ginawa mo ang lahat para magkasira silang dalawa. Alam mong miyembro si Keegan ng isang sindikato pero minahal mo pa rin siya. Anong pinagkaiba natin dalawa?” balik nitong tanong sa kanya.             Gusto niyang matawa sa naging takbo ng kanilang usapan. Oo nga pala, kapag nagmahal ka nawawala ka sa sarili mo. Kahit na ang matalinong tao ay nagiging bobo. Kahit na ang pinakamasamang nilalang sa mundo ay nagiging santo. At kahit na ang santo ay pwedeng maging demonyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD