Chapter 11 - Heart NABAWI ni Heart ang kanyang kamay nang bigla silang magkasabay ni Lux na humawak sa handle ng pintuan ng sasakyan. She looked up at him. Hindi naman niya akalain na ipagbubukas pa siya nito ng pinto, sa passenger's side ng mamahalin nitong forward. Kung mahal ang sasakyan ni Vandros, kumusta naman kaya ang sasakyan nito? Iba ito sa dalang kotse nito kanina sa restaurant. Iba talaga ang mga bilyonaryo. Tahimik na sumakay ang dalaga nang mabuksan nito ang pinto, "Salamat po." Ang bango na naman. Kasing amoy ni Lux ang loob ng sasakyan. Sumakay ito sa driver's seat at tahimik na pinaandar ang sasakyan. Kung si Heart ang masusunod ay sa likod sana siya sasakay, kaya lang ay nahihiya siya. Baka sabihin nito ay pinagmumukha niya itong driver. Hindi sila nag-iimikan. Naii

