Chapter 10 - Heart LUNCH BREAK. LUMILIPAD na parang ibon ang isip ni Heart, habang kumakain silang magkakaibigan. Walang humpay ang pagsubo niya pero ni kapiranggot man ng kanyang sistema at atensyon ay wala roon. Naaalala niya ang kagabi. Nag-iisip na kaagad siya kung kailan na naman babalik ang lalaking yun at paparausan siya. Ano na naman kaya ang gagawin niya? Ano naman kaya ang magiging reaksyon niya? Hihilingin na ba niya na sana ay magkasakit yun para hindi na siya mapuntahan pa? "Dahan-dahan, baka mabilaukan ka," sabi ni Gigi sa kanya kaya napatingin siya sa kaibigan, na nasa tabi niya rin na kumakain. Makahulugan ang titig nito sa kanya pero hindi siya makapag-kwento dahil naroon ang iba nilang mga kasama. Tumingin ito sa pasa niya sa braso at hinila nang kaunti ang manggas n

