Amethyst Kahit madaling araw na akong naka tulog ay maaga pa din akong nagising dahil nakaramdam ako ang mainit na hininga sa aking leeg. Nang imulat ko ng bahagya ang aking mata ay nakita ko si Dylan na nakayakap sa akin at mahimbing na natutulog. Pumihit ako paharap sa kanya at saka hinaplos ang kanyang mukha, marahan ko ding dinampian ng halik ang kanyang labi ngunit nagulat ako ng bigla niya akong siilin ng halik. Binuhat niya ako paibabaw sa kanya at saka siya nag mulat ng mata at ngumiti sa akin. Sinuklay ko ang kanyang buhok gamit ang aking daliri, saka ngumiti sa kanya pabalik. " Galit ka pa ba babe?" tanong niya habang nakatitig sa akin. Umiling ako saka ngumiti at muli siyang hinalikan sa labi ng mabilis. " Okay na ko, sorry kagabi kung nasungitan kita "naka ngiting saad
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


