Amethyst Nakarating kami sa condo ng walang kibuan ni Liam. Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko si Dylan na naka upo sa sofa at may hawak na wine glass. Halata sa mukha niya ang pagod at mukhang walang tulog ng ilang araw. " Salamat sa pag hatid sa kanya Liam " saad nito habang nakatingin sa likod ko. " Walang anuman, mauna na ako para makapag usap kayo " sagot ni Liam. Lumapit ito sa akin saka yumakap at bumulong " You should tell him now" sabay halik sa pisngi ko. Nilapitan ako ni Dylan nang maka alis si Liam. Yumakap ito bewang ko mula sa likod. " I missed you " bulong nito saka ako hinalikan sa buhok. " Bakit nandito ka? Baka hanapin ka ni Elise " mataray kong sabi sabay kinalas ko ang kamay niya saka nag tungo sa sofa. " I'm sorry about that. It's nothing kailangan ko

