Amethyst
Nasa dalampasigan kami matapos mag almusal, nagsiligo ang mga kaibigan ko kasama si Carl.
Kami naman ni Liam ay nasa ilalim ng puno at nakatanaw sa kanila.
Panay ang lingon sa amin ni Carl marahil ay nagseselos siguro.
" Lokong Carl akala naman niya aagawin kita sa kanya " natatawang biro ni Liam.
" Liam hangang saan ang alam mo sa nangyari?" seryosong tanong ko.
Lumingon ito sa akin at bumuntong hininga.
" Nung nakaratay kayong pareho sa hospital nagduda ako sinabi kong may mali sa nangyayari..." Paguumpisa niya saka huminga ng malalim.
" Na makausap ko ang doctor na tumingin sa iyo nung muntikan ka ng malunod at ilang araw ka ding walang malay" pagpapatuloy niya.
Nanlaki ang mga mata kong lumingon sa kanya. Bigla akong kinabahan agad.
" Amz alam ko ang nangyari sa iyo at alam ko kung bakit ganun na lang ang reaksiyon mo ng magsabi si Ava na buntis siya" napalunok pa siya at nagpatuloy.
" Wag kang mag alala I keep it as a secret dahil alam ko wala naman akong karapatang magsabi kahit kanino ikaw lang." Seryoso niyang sabi sabay ngiti sa akin.
Nagpatuloy ito sa pagsasalita at ako naman ay nakinig lang.
" Nung nasa America si Carl sinundan ko siya dun, magisa lang siya sa hospital habang nagpapagaling, sabi niya si kuya Rhod daw umuwi ng Pilipinas at si Natasha daw ilang araw ng wala kasi busy din sa hospital. Nagtaka ako kasi dapat ikaw ang nandun diba nagulat na lang ako na si Natasha ang kasama niya. Nung tumawag ako kay Mark ang sabi niya hindi ka nagpapakita sa kanila palagi ka daw busy at hindi ka man lang makausap" saad nito saka lumingon sa akin.
" Sabi ni Josh opisina at bahay ka lang, kapag pinupuntahan ka nila hindi mo sila pinagbubuksan at isang araw binigay ko ang password mo sa kanila sa pinto naabutan ka sa bathtub mo na nakalubog at isang beses nagover dose ka ng gamot. Mabuti na lang palagi ka nilang naabutan tapos iiwan ka na nila kapag alam nilang ayos ka na. Di mo din namalayan na nagsalitan silang tumira sa yunit ko para mabantayan ka lang" dugtong pa nito.
" Hanggang ngayon hindi pa alam ni Carl ang nangyari sa parents niya. Sinasabi lang ng mga doctor na dumadalaw sila kapag tulog siya at saka aalis yun daw kasi ang bilin sa kanila ni Kuya Rhod. Nang gumaling na siya pinalabas lang na nasa ibang bansa at may inaasikaso. Amz ako ang kasama ni Carl sa America at ako din ang nag uwi sa kanya dito, pero inilihim muna namin kay kuya Rhod at kay Natasha" sabi pa din niya at saka lumingon muli sa akin.
" Yung proposal video paano un nangyari, kelan? " tanong ko.
" Dito na sa Pinas ginawa yun ako pa nga ang nagvideo nun" natatawang sabi ni Liam.
" Nagpropose si Carl kay Natasha dahil may plano kami , para mahawakan ni Carl si Natasha sa leeg at kapag dumating na yung araw na kailanganin natin siya sa atin siya papanig" saad niyang muli at nakatanaw lang sa mga kaibigan namin na naliligo pa din.
" Ilang araw akong nagstay sa hospital kasama si Carl, walang Natashang dumadating kaya nagduda na ako.. Tinawagan ko si Josh dito sa Pinas para icheck kung andito siya, ex kasi ni Josh yung close na pinsan ni Natasha kaya sa kanya ako nagtanong. Ayun na confirm ko na nasa Pinas pala siya at sabay silang dumating ni Kuya Rhod dito. Sakto naman ang email nang investigator about sa aksidente ni Carl. Sinadya siyang bangain para maaksidente at mamatay. Ilang oras bago yun, naaksidente na din ang mga magulang niya pero sa investigation patay na ang mga parents niya saka binangga ang sasakyan sa puno at pinasabog." nagiigting ang mga panga niya habang nag sasalita.
" Alam ko yan lahat Liam, narinig ko lahat yan " sagot ko na bigla niyang ikinalingon sa akin.
" Alam ko ang dahilan at kung sino ang gumawa at nagutos" dagdag ko pa.
" Maniwala ka Liam ang sakit sakit sa dibdib na may alam ako pero hindi ko masabi kahit kanino. Halos mabaliw ako kakaisip kung kanino ako lalapit para magsabi, ayaw kong may madamay pang iba. Doble dobleng sakit na gusto ko na lang mamatay at dalhin lahat sa hukay" napahagulgol kong sabi sa kanya.
Lumapit ito sa akin saka ako niyakap. Yumakap ako sa kanya at saka umiyak ng umiyak.
Maya maya ay nagsilapitan na ang mga kaibigan namin at si Carl sa amin.
" Love are you okay? " nagaalalang tanong nito pero hindi ko siya nilingon at yumakap pa din kay Liam.
" Pumasok na muna tayo sa loob. I think she is ready to tell us everything." saad ni Liam.
Humiwalay ako ng yakap at tumingin kay Carl, nakita kong nagtataka siya at nagtatanong ang mga mata.
" Yes. I will tell everything now kahit na ano pa man ang kalabasan nito tatanggapin ko." seryosong sabi ko at saka ko inabot ang kamay ni Carl.
Niyakap niya ako ng mahigpit at bumulong.
" I will love you no matter what ".
Pasok kaming lahat sa loob ng bahay napansin ko din na nagbago ang panahon tila may malakas na ulang darating.
Naghintay kami ni Liam sa sala habang ang mga kaibigan namin at si Carl ay naligo at nagbihis.
Nakatayo kami ni Liam sa malaking bintana.
Naguumpisa nang pumatak ang malakas na ulan
" Amz wag kang matakot sabihin ang lahat. Andito lang kami para sa inyo ni Carl." saad ni Liam na nakatingin lang sa labas ng bintana.
" Liam about sa parents ni Carl "tanong ko.
" You can tell him siguro nga ikaw dapat ang magsabi " sagot nito.
" Love.." Tawag ni Carl na ikinalingon ko. Lumapit ako sa kanya at saka yumakap.
Inalalayan niya akong makaupo sa sofa at saka tumabi sa akin.
Si Liam naman ay umupo sa tabi ni Carl, isa isang dumating ang mga kaibigan namin.
Nag dala ng juice at beer si Josh sa sala, pinahanda niya na din ang mga kasambahay niya ng hapunan.
Tahimik lang ang lahat at tanging malakas na ulan lang ang naririnig namin.
Si Liam ang unang nagsalita.
" Carl kung ano man ang maririnig mo galing kay Amethyst sana lawakan mo ang pagiisip mo. Isipin mo din na mahal na mahal niyo ang isa't isa. Hindi niya ginusto ang lahat." Seryosong saad nito.
" Tandaan niyo nandito lang kaming mga kaibigan niyo kahit ano pa mang mangyari" dugtong nito.
Hinawakan ni Carl ng mahigpit ang kamay ko saka hinalikan ako sa noo.
" I love you love" saad nito.