Amethyst
" Sino nagsabi sa iyo about sa penthouse na ito at kay manang?" nalilito kong tanong.
" Si Liam, siya ang tumutulong sa akin sa lahat" sagot nito.
" Sinabi niya na walang dapat maka alam na may naaalala na ako, sinabi niyang wag akong mag tiwala sa mga naka paligid sa akin " dugtong pa niya.
" Anong alam ni Liam? " tanong ko muli sa kanya.
" Madami pero ang sabi niya kailangan makausap kita, kailangan makausap ka namin. "Sagot niya.
" Sino pa ang kasama dito? Paano , bakit ka tinutulungan ni Liam?" tanong ko.
" Mabuti pa saka na natin iopen ang laptop na ito. Magbihis ka na may pupuntahan tayo " sabi nito at itinabi muli ang laptop.
" Saan tayo pupunta? Sandali Carl sino pa ang mga kausap mo about sa pagkawala ng alaala mo?" tanong ko na medyo kinakabahan.
" Relax love.. Si Liam, si Josh, si Ralph at si Mark ,sila lang ang kasama dito." sagot nito saka ako niyakap at hinaplos ang aking buhok.
" Magtiwala ka sa akin love.. Sa amin..ikaw lang ang nakaka alam ng nangyari sa akin " dugtong pa niya.
" Natatakot ako Carl, hindi ko alam baka may mangyari, baka mapahamak ka na naman hindi ko na kakayanin kapag tuluyang nawala ka sa akin " naluluha ko ng sabi sa kanya.
Iniharap niya ako sa kanya at saka tumitig sa aking mga mata.
" Love andito na ako hindi na ako mawawala sa tabi mo okay. Hindi ko man maalalla lahat ang importante ikaw.. Naaalala na kita... Naalala ko na kung gaano kita kamahal ... I will protect you love." Sambit nito.
" Just trust us.." dugtong pa niya.
" Pero paano si Natasha, ikakasal ka na sa kanya " tanong ko.
" Kakausapin ko siya.. At alam kong maiintindihan niya ang lahat. Just trust me okay. Ako ng bahala dun. Ag importante ngayon. Maka usap natin sila Liam at ang iba pa nag hihintay na sila sa atin." Sagot niya sabay halik sa noo ko.
Nagtungo kami sa isang private resort na pag aari ni Josh. Nagimpake kami ni Carl ng mga damit namin ng pang ilang araw.
Isang tinted black Range Rover na sasakyan ang ginamit namin ng umalis kami dahil kailangan daw baka may makakita na magkasama kami.
Nang makarating kami sa private resort ay naroon na ang lahat ng mga kaibigan namin. Isang mini van ang ginamit nila, tulad rin sa amin hindi pwedeng malaman na magkakasama kaming lahat.
Ang nakangiting si Ava at Stef ang patakbong sumalubong sa amin.
" Haysst buti naman at safe kayong nakarating dito " si Ava na humalik sa aking pisngi at yumakap.
" Amz... Hmmm amoy bagong dilig na pechay " birong bulong ni Stef sa akin na ikinatawa niya pa.
Nginitian ko lang sila at niyakap saka kami sabay sabay na pumasok sa loob.
Naroon na ang lahat sa malaking sala na nasa gitna ng bahay at naka harap sa malawak na tanawin ng dagat.
" Akala namin bukas pa kayo makakabangon " biro ni Josh saka yumakap sa akin at kay Carl.
Pinamulahan ako ng mukha sa narinig ko at tumingin kay Carl na abot tenga ang ngiti.
Isa isang nagwelcome sa amin ang mga kaibigan namin. Itinuro nila kay Carl kung saan ang kwarto namin saka niya ipinasok ang dala naming gamit.
Nang makabalik agad ito ay naupo kami ni Carl sa double seater na sofa.
" Nagpahanda na ako ng early dinner natin siguradong pagod kayo sa biyahe " saad ni Josh.
" Kelan pa kayo dumating dito? " tanong ko kay Ava.
" Kami ni Stef at Kat kahapon lang "Si Trisha ang sumagot.
" Kami naman ni Josh nung nakaraang araw pa, nauna kami dito para mapalinis at maihandaang buong bahay." si Ralph.
" Kami naman ni Ava at Liam kaninang umaga lang dumating dadaanan sana namin kayo kaso sabi ni Liam baka busy pa kayo "naka ngising sabi ni Mark.
" Nasaan si Liam? " tanong ni Carl saka hinapit ako sa bewang at sinandal nito ang ulo sa balikat ko.
" Lumabas saglit may tumawag sa kanya importante daw" Sagot ni Kat.
Siyang pasok naman ni Liam galing sa labas. Ngumiti ito sa akin at lumakad palapit.
" Your here, kamusta ang biyahe? " tanong nito sabay halik sa aking ulo.
" Hey Liam I'm here stop doing that okay " nakangiting sabi ni Carl.
" Huh, she still my bestfriend " sagot ni Liam.
" I'm her boyfriend soon to be husband at ako ang bestfriend mo" saad naman ni Carl.
" What ever possessive ka masyado. Ibalik mo muna ang lahat ng memory mo...Hahaha " natawang sagot ni Liam.
Nagtawanan din ang iba sa simpleng sagutan ng mag kaibigan.
Tahimik lang akong nakinig sa mga usapan nila. Halos lumipad ang isip ko sa bilis ng mga pangyayari.
" Amz okay ka lang ba? " tanong ni Kat sa akin na ikinabigla ko ng bahagya.
" Ahh.. Okay lang ako " naka ngiti king sagot sa kanya.
" Kanina ka pa tinatanong ni Ralph " si Ava na nagaalalang naka tingin sa akin.
" Baka pagod lang si Amz hayaan na muna natin sila magpahinga " sabat ni Mark.
" Love dun ka muna sa room natin para maka relax ka " bulong ni Carl.
" Sige medyo pagod nga ako " sagot ko naman sa kanya.
Inalalayan niya akong tumayo at nagpaalam na muna ako sa mga kaibigan ko na tahimik lang na nakatingin sa akin lahat.
Isang malaking kwarto ang ipinagamit sa amin ni Carl. May queen size na bed at sariling bathroom. May malaking bintana din ito na gawa sa glass na natataw sa labas ang malawak na dagat.
" Matulog ka na muna dito gisingin na lang kita pagkakain na tayo okay." sambit ni Carl.
" Carl dito ka lang muna pwede, ayokong mapag isa" nakatitig na tanong ko sa kanya.
Tumango ito at hinila ako papunta sa kama at tinabihan ako sa paghiga.
" Love alam kong may gumugulo sa isip mo. Alam kong natatakot ka..Ramdam ko.. Love magtiwala ka sa akin at sa mga kaibigan natin sila lang ang makakatulong sa atin." Bulong nito habang yakap ako ng mahigpit.
Yumakap lang din ako nang mahigpit at saka pumikit.
Ginising ako ni Carl matapos ang isabg oras para kumain.
Nagtungo kami sa labas ng bahay kung saan naka handa ang isang mahabang lamesa na may mga iba't ibang klase ng seafood. May mga prutas din at may alak.
Naroon na lahat at nakaupo na.
" Wedding anniversary nila Ava at Mark "bulong ni Carl sa akin ng tumingin ako sa kanya.
" Oh gosh nakalimutan ko " saad ko dito.
Lumapit ako kay Mark at Ava para batiin ang mga ito,sa aming mag babarkada sila ang unang ikinasal matapos nilang magtapos nung college.
" Happy Anniv sa inyong dalawa pasensya na wala akong regalo " bati ko sa dalawa saka ko sila binigyan ng mahigpit na yakap.
" Amz ang mahalaga sa amin nagka ayos na kayo ni Carl at sana tuloy tuloy na maalala niya lahat." Sagot ni Mark.
" Best ikaw lang sapat na tsaka may announcement ako mamaya surprise ko sa inyong lahat "sagot din ni Ava na halatang excited.
Tumango ako at saka umupo sa tabi ni Carl.
Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko at saka kami maganang kumain.
Nakalimutan kong saglit lahat ng mga nangyari, masaya kaming nag kwentuhan ng kung ano anong topic.
Si Carl naman ay nakikisabay din sa kwento na parang may mga unti unti siyang naaalala.
Biglang tayo si Ava at nagpatunog ng baso.
" Ehem... May sasabihin ako sa inyong lahat. Super excited na ako nung nakaraan pa kaya lang hinintay ko talaga na makumpleto tayong lahat." Paguumpisa niya.
" Paano ko ba uumpisahan.. Uhmmm.." kunwaring napapaisip pa siya.
" Buntis ako. Magkaka baby na kami ni Mark at magiging ninong at ninang na kayong lahat " malakas at na sabi niya sa aming lahat.
" Talaga babe magiging tatay na ako? oh my... Yessss tatay na ako " sigaw naman ni Mark at sabay niyakap niya si Ava ng mahigpit.
Samantalang bigla akong nagulat at kinabahan Sa narinig kong sinabi ni Ava.
Nanlamig ang buong katawan ko at parang nanlambot akong bigla.
Naitakip ko ang kaliwang kamay ko sa aking bibig para pigilang maiyak.
" Amz.. Okay ka lang " nagtatakang tanong ni Trisha na nakatingin pala sa akin at nakita niya ang reaksiyon ko.
Hindi ko napigilan at nagbagsakan ang mga luha kong bigla at nanginig ang aking mga kamay.
Lumingon ang lahat sa akin kaya lalo akong nalito tumayo ako at patakbong pumasok sa loob ng bahay.
Nagtungo ako sa silid na pinagamit sa amin ni Josh.
Naglock ako ng pinto at saka umiyak ng umiyak habang nakasandal sa likod ng pinto.
Narinig kong kumakatok sina Carl at Liam mula sa labas ng silid pero hindi ko sila pinagbuksan.
Humiga ako sa kama at nagtakip ng unan sa mukha at patuloy na umiyak, hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako.
Naramdaman kong may humahaplos sa buhok ko kaya't minulat ko ang aking mga mata.
May liwanag na nakasilip sa kurtinang nakatakip sa bintana.
Nasa tabi ko si Carl at nakangiting nakatingin sa akin.
" Good morning love, kamusta ang pakiramdam mo" tanong nito sabay halik sa aking labi.
" Goodmorning love, okay na ako. Galit ba sila sa akin?" tanong ko naman sa kanya.
" Naiintindihan nila love wag kang mag alala, kapag ready ka na magsabi andito lang kaming lahat " sagot niya.
" Bangon na tayo nagugutom na ako" dugtong nito.
" Love handa na kong magsalita, sana lang kung ano mang marinig at malaman mo sana kayanin mo at sana mahal mo pa din ako pagkatapos ng lahat " seryosong sabi ko sa kanya.
Ngumiti ito at banayad akong hinalikan.
" Love kahit noong hindi pa kita naaalala mahal na mahal na kita hindi ko lang masabi sa iyo kasi sabi Mo friends lang tayo. Wag kang matakot love andito kaming lahat para sa iyo." sabi nito saka niyakap ako ng mahigpit.
" Si Liam gusto ko muna siyang makausap ng sarilinan love" mahinang sabi ko sa kanya.
Tumango ito at saka ngumiti.