Amethyst 15
Episode 15
Carl's POV
Sa Italian Restaurant ko na piling dalhin si Amz.
Ginamit namin ang sports car niya hinayaan niya akong mag drive ng sasakyan niya.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang kabisadong kabisado kong idrive iyon.
Nang makarating kami sa lugar na kakainan namin ay ipinagbukas ko siya ng pinto at inalalayan patungo sa pintuan ng restaurant.
Umaga pa lang ay nag pareseve na ako dun kahit na hindi ako sigurado kung papayag siya.
Kaya laking ginhawa ko ng mag yes siya kanina.
Sa isang private room kami dinala ng isang staff
at umorder kami ng pagkain namin.
Habang naghihintay ay napatitig ako sa kanyang mukha. Nakita ko ang pagkagat niya sa kanyang labi na nagdulot ng init sa aking katawan kaya napa buntong hininga ako.
" Uhmm may problema ba? May dumi ba ako sa mukha? " tanong niya ng maramdaman niya siguro ang sunod sunod kong buntong hininga.
" Ahh wala naman. You look beautiful " sagot ko na nakatingin sa mata niya.
Tumango siya ng bahagya.
" Bakit pala hindi ka na nagpakita noon sa hospital?" tanong ko sa kanya.
" Uhm.. I get busy.. Madami akong work na naiwan at isa pa andun naman na si Natasha, kaya di mo na ko kailangan " paliwanag niya.
" Hmmm.. Sabagay sabi ng nurse noon ikaw lang palagi ang naroon para bantayan ako kahit nasa comma ako " kwento ko sa kanya.
" Kamusta na pala ang operasyon mo? " tanong niya.
" Ayun okay naman nawala na ung blood clot sa utak ko pero kailangan pa din mag ingat kasi di pa fully recover " sagot ko.
" Good to hear that your okay " sabi niya sabay ngiti.
" Amz can I ask something personal?" tanong ko.
Nakita kong bahagyang nagulat siya at saka huminga ng malalim saka pilit na ngumiti.
" Depende kung gaano ka personal? " sagot nito.
" Just basic about you and about us " ani ko na nakatingin sa kanya ng tuwid.
" Okay I just answer what I can maybe? " sabi niya.
" Tell me what are we before? I mean what are you to me before " derechong tanong ko.
" Before... Uhmmm friends... Yeah we we're friends"
sagot niya.
" Is Liam your boyfriend? " tanong ko.
Tumahimik lang siya at tumingin sa akin.
" Can you be honest to me? " tanong ko.
" Bakit? "tanong naman niya.
" Hindi ko alam pero gusto kong tulungan mo akong maka alala ng nakaraan ko " sagot ko sa kanya.
" Natasha is there, you can ask her to help you " sabi niya.
" But I see a lot of you... I dream about you... I see memories from the past na ikaw ang kasama ko hindi siya " sabi ko sa kanya.
" Carl... Ikakasal ka na.." maiksing sabi niya.
" I know pero ayokong maikasal na alam kong may mga nararamdaman akong iba, alam kong may kulang sa akin " ani ko sa kanya.
" Hindi ko naman alam paano kita tutulungan " sagot niya.
" Just be with me maybe." derecho kong sagot.
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
" In what way?" tanong niya.
" I don't know" mahinang sagot ko.
Naputol ang usapan namin ng pumasok ang waiter na dala ang mga pagkain.
Napatingin ako sa kanya habang kumakain kami, nabasa kong malungkot ang kanyang mga mata at may mga takot na hindi maipaliwanag.
Nang matapos kami ay nagbalik kami sa office, hinatid ko siya at saka nagtungo sa sarili kong opisina.
Natapos ang maghapon na hindi ko na ulit nakausap si Amethyst. Dumaan ako sa opisina niya ngunit ang sekretarya nya lang ang naka usap ko,maaga daw sinundo ni Liam.
Nang makauwi ako ay naisipan kong mag message kay Mark.
Carl : pare busy ka ba?
Mark : Hindi naman masyado bakit?
Carl : Nasaan ka?
Mark : Dito lang sa bar nag aayos ng mga stock.
Carl : punta ako jan okay lang ba?
Mark : oo naman.
Carl : okay.See you.
Mag aalas syete na ng gabi nang makarating ako sa PIC. Pinapasok agad ako ng bouncer, hindi masyadong matao ngayon marahil maaga pa at weekdays kaya hindi punuan.
Lumapit ako sa bar counter kung saan nakita ko si Mark na naghahalo ng alak.
" Oh andito ka na pala, anong gusto mong inumin "tanong ni Mark.
" Ano bang masarap inumin? " sagot ko.
" Alam ko na, gagawin ko na lang yung ginawa mo noon dito na paborito mo " sagot naman niya.
Pinanuod ko siyang maghalo ng kung ano anong alak at nang matapos ay kulay pula iyon saka niya inabot sa akin.
" Anong tawag dito? " tanong ko sa kanya.
" With Love " naka smile niyang sabi sa akin.
" With Love? bakit? " tanong ko.
" Ginawa mo yan para sa isang babaeng mahal na mahal mo " sabi niya.
" Talaga? hmmm... Hindi ko maalala na ginawa ko yun " sabi ko habang iniinom ko ang alak.
" Marami ka talagang hindi maalala pero sana maalala mo yung mga importanteng tao at pangyayari sa buhay mo " sabi niya sa akin na seryoso ang tono.
Matamis at mild lang ang lasa ng alak na ginawa niya, hindi ko alam kung bakit si Amethyst ang iniisip ko ng inumin ko yun.
"Mark si Amethyst ba importanteng tao sa buhay ko? " tanong ko sa kanya na naka tingin lang sa baso.
" Bakit hindi mo siya tanungin? " sagot niya saka tumalikod at kumuha ng beer.
Sumenyas siya sa isang bartender at saka umikot sa harap ng bar counter at tumabi sa akin.
" Carl its been a year ng maaksidente ka wala ka pa din bang maalala kahit ano tungkol kay Amz ? " seryosong sabi niya habang nakatingin sa dance floor na madami dami na ding tao ang pumapasok.
" Naka usap ko siya kanina. Sabi niya friends daw kami... Pero bakit parang ayaw kong maniwala " sabi ko saka ininom lahat ng alak na hinalo niya.
Tinawag niya ang bartenter at sumenyas na abutan ako ng beer.
" Your driving kaya mag beer ka na lang muna " sabi niya sa akin sabay abot ng bote ng beer.
" Carl ano bang nararamdaman mo? I mean ikakasal ka na in a few months di ba? " tanong ni Carl.
" Oo in a few months pero ayaw kong maitali ng wala akong maalala "sagot ko.
" Maybe you should talk to Liam, siya ang may alam ng lahat before ka maaksidente " saad niya saka lumagok ng beer.
" About sa aksidente alam mo ba kung paano at bakit ako naaksidente? " tanong ko muli.
" About sa aksidente... si Amz lang ang nakaka alam ng totoong nangyari bago ka maaksidente.. She use to tell everything to her besties but not until that happened " sagot niya.
" Dating masayahin yang si Amz, palagi nga yang kumakanta dito every weekends or kapag napapadpad siya bigla dito pinapakanta ko yan jan sa stage game na game naman siya " dugtong nito saka lumagok muli ng beer.
" She use to be the sweet and caring girl of our group... malayo na ang Amz na meron ngayon sa noon. Naging malungkutin siya at gusto laging magisa. That night you came with your fiance is the first time after almost two years na hindi siya umapak dito." pagpapatuloy niya.
" She distance her self to us kahit sa matalik na mga kaibigan niya. The day you had the accident me and Ava found her floating in the swimming pool kung nalate pa siguro kami baka wala na siya ngayon. Buti na lang tumawag ang staff ko na galing siya dito at uminom ng uminom." dagdag pa niya saka umabot muli ng beer.
" What happened to her? " nagtatakangbtanong ko.
" Nung naaksidente ka tinawagan namin siya ng tinawagan hindi siya sumasagot. Then ayang bartender ko pinipigilan siyang umalis kasi nga sobrang lasing na niya kaso mapilit pa din siya. Then Ava told me to go to Amz mansion alam namin na walang tao dun kundi mga care taker lang that time. I think she was trying to kill herself that night kasi tumalon siya sa swimming pool kahit na lasing siya. She is not like that kapag alam niyang lasing na siya she stop drinking." Mahabang kwento niya.
" Where is Liam that time" tanong ko.
" Si Liam... Its like months ago nang naka alis bago mangyari lahat" sagot niya.
" About sa aksidente mo naman... Ang sabi sa investigation may nakitang humahabol daw sa iyo then you over speed at tumama ka sa barrier then tumaob ang car mo " kwento nitong muli.
" Yang car mo na gamit mo ngayon si Amz ang gumawa ng paraan para maibalik yan sa dati" dagdag pa niya.
" Where is Natasha in that time? " tanong ko sa kanya.
" Natasha? She's no where wala naman nakaka alam kung nasaan yun ilang taon na bago nagpakita muli un." Sagot nito.
" Pero siya ang girlfriend ko di ba?" tanong kong naka kunot noo muli.
" Sino ba nagpaikot sa ulo mo at siya ang naalala mong girlfriend mo?" napipikon na niyang sagot.
" Pag gising ko siya ang naalala ko na girlfriend ko " sagot ko sa kanya.
" Hindi ko alam kung dapat ba sa akin mang galing lahat Carl , talk to Liam and Amz para malaman mo lahat " sagot nito saka tumayo at bumalik sa likod ng bar counter.
Inubos ko ang laman ng bote ng beer, saka nagpaalam na sa kanya.
Gusto kong puntahan si Amz pero biglang tumawag so Natasha at nagpapasundo.