Amethyst
Halos dalawang oras na akong nakahiga pero hindi ako dalawin ng antok.
Naka tingin lang ako sa kisame at panay ang buntong hininga, iniisip ko ang sinabi ni Carl
' TULUNGAN MO AKONG MAKA ALALA NG NAKARAAN KO '
Handa na ba akong ipaalam sa lahat ang totoong ngyari.
Kaya ko na ba talaga, kaya ko na bang sabihin lahat.
Sa nakalipas na taon ibihuhos ko ang lahat ng atensiyon ko sa trabaho.
Isinalin sa akin ni daddy ang share niya sa kumpanya bago sila lumipad para manirahan na sa Canada kasama ang ate ko.
Pinilit kong makalimot pero may mga gabing iiyak na lang ako bigla hangang maka tulog.
Palihim din akong nag patingin sa doctor dahil nakakaramdamn ako ng depression.
Lahat nalagpasan ko sa tulong ng ibang tao na hindi nila kilala, sinanay ko na kaya ko lahat kahit alam kong may mga kaibigan akong nag aalala sa akin.
Ilang beses ko na bang pinagtangkaan tapusin ang buhay ko pero sa bandang huli ay iiyak lang ako ng iiyak hangang makatulog.
Nasa malalim akong pag iisip nang maka tanggap ako ng messages.
Ang isa galing kay Mark at ang isa ay galing kay Carl.
Mark : nagpunta dito si Carl kanina, sorry Amz may mga nasabi ako sa kanya pero hindi lahat kasi alam ko hindi dapat sa akin mang galing. Amz open up nakaka alala na ng konti si Carl.
Amz : Alam ko.. Nasabi na niya sa akin na may mga naalala siya about sa akin pero di maliwanag. I don't know Mark kung kaya ko ba mag sabi?
Mark : Ikaw lang makakasagot niyan Amz. Bago makasal yung tao dapat malaman na niya hindi man niya maalala ng tuluyan atleast for the last time sumubok ka.
Hindi na ako nag reply kay Mark at saka inopen ang message ni Carl.
Carl : Amz pwede bang dumaan sa opisina mo sa umaga I just need some help with something.
Amz : tungkol saan ba? may breakfast meeting ako with Liam bukas ng maaga. We will meet some client.
Carl: ganun ba so what time ka ba free?
Amz : after office hour na siguro.
Carl : okay sounds good dito na lang sa condo ko kung okay lang sa iyo?
Amz : bakit jan? baka ano isipin ni Natasha.
Carl : wala siya dito sa Pilipinas hinatid ko siya kanina sa airport.
Napakagat labi ako.Di ko alam parang bigla akong kinabahan at naexcite na hindi ko malaman.
Carl : I will cook dinner for us. So okay na ba dito na lang? Friends naman tayo di ba kaya wala naman sigurong masama dun.
Amz: okay sige. 7Pm okay lang ba?
Carl : okay. I see you tomorrow night. Goodnight Amz.
Amz : goodnight Carl.
Kinabukasan mabilis na lumipas ang mag hapon, alas singko pa lang ay umuwi na ako sa condo ko.
Nag text si Liam sa akin at nag aaya ng dinner ngunit sinabi ko na may lakad ako pero di ko pinaalam na kay Carl ako pupunta.
Nag suot lang ako ng pulang top at black na short na medyo maiksi at puting slip on na sapatos ko.
Fifteen minutes before seven nakarating ako sa condo ni Carl. Nagtungo ako sa elevator at saka pinidot ang pinaka top floor, sa kanya ang buong pent house na yun.
Nang makarating ako ay andun na siya sa may bar counter si Carl at naghihintay habang nagtitipa sa kanyang laptop.
Lihim akong napangiti at naalala ko noon na dito kaming dalawa palagi nakatambay after ng class ko at minsan tambayan naming magkakaibigan.
Tumikhim ako na dahilan ng paglingon niya.
" Hi! " maising bati ko.
" Sorry anjan ka na pala come in please " sabi nito sabay lapit sa akin.
Hinawakan niya ako sa kamay at saka inalalayan maka upo sa sofa.
Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng sala niya na may naglalakihang salamin na tanaw ang mga maliliit na gusali at bahay sa baba.
Tulad pa din ng dati napakagandang tanawin sa gabi maging sa umaga.
Ganun pa din ang mga decoration nito, ang simpleng ayos ng sofa at mga appliances na hindi pinalitan.
" Do you want to drink first? Wine or beer? " tanong niya.
" Wine na lang muna " sagot ko.
Umalis ito at nag tungo sa bar counter saka nagsalin ng wine sa dalawang glass wine.
" Red wine, some one told me you like this brand. I'm just surprise na madami pala akong ganito dito." Sabi niya habang inaabot sa akin ang baso.
Sumimsim ako ng kaunti at saka napakagat sa labi at ngumiti.
" Still the same, the way I used to like it " sagot ko.
Matagal na din akong hindi uminom ng alak matapos ang aksidente namin ni Carl.
Kaya nalasing ako agad ng huli kaming magkita kita ng mga kaibigan ko sa PIC.
" Gusto mo na bang kumain? " tanong niya sa akin.
" Sure.." naka smile kong sagot.
Inalalayan niya akong tumayo at sabay kaming nagtungo sa kusina kung nasaan ang dinning area.
Naka set ang table for two, at naka handa na ang pagkain sa lamesa.
Pinaupo niya ako at saka siya umupo sa katabi ko.
Nilagyan niya ang plato ko ng mga pagkain bago ang sa kanya.
" Kain ka na, sana magustuhan mo ang luto ko" naka ngiting sabi nito.
" Nagluluto ka na? Dati kasi kahit magprito ng itlog ayaw mo" biro kong sagot sa kanya.
" Hmmm.. Ganun ba? Nung nasa America kasi ako palagi akong nagluluto kasi magisa lang ako sa bahay dun" kwento niya.
" Bakit magisa kalang di ba mag kasama kayo ni Natasha?" takang tanong ko saka sinimulan ang pag kain.
"Hmmm.. Masarap ha infairness" dugtong ko pa at pinagpatuloy ang pagkain.
" Hindi kami magkasama sa bahay. Madalas din siyang wala noon kasi busy daw siya sa kanyang negosyo" sagot nito at saka din niya sinimulan ang pagkain.
" Sa internet at sa mga vlog lang ako natutong magluto." pagkwe-kwento pa nito.
" Actually ikaw pa lang ang pinagluto ko, kaya thank you at pumayag ka" dagdag pa niya.
Napatigil ako sa pagkain at lumingon sa kanya.
" Talaga... ganun ba? bakit si Natasha hindi mo pa ba siya pinagluto?" tanong ko sa kanya at saka nagpatuloy kumain.
" Hindi eh.. Mas gusto niya kumain sa labas minsan sinabi ko na magluluto ako kaso pinagawayan pa namin" sagot niya.
Nang matapos kami sa pagkain ay ako na ang nag prisingtang mag hugas ng plato pumayag na naman ito.
Naka upo lang siya habang ako ay nakatalikod sa may lababo at sinimulan kong mag hugas.
Patapos na ako sa pag huhugas ng maramdaman kong nakatayo siya sa likod ko at saka ako biglang niyakap sa bewang.
" Sorry Amz please kahit one minute lang.." Bulong niya sa tenga ko.
Tumango lang ako at saka pumikit, ni namnam ko ang yakap niya sa akin.
" Thank you Amz " sabi niya ng bumitiw siya sa pag yakap sa akin .
" Dun na tayo sa sala" aya niya sa akin.
Sumunod ako sa kanya at saka naupo muli sa mahabang sofa.
" Alam mo ba Amz kahapon lang ako nag balik dito, matagal ding walang tumao dito simula ng maaksidente ako pero na alagaan naman may naglilinis daw dito isang beses isang linggo.
At yung password dito sa elevator siya lang din nagbigay sa akin nun may nag sabi kasing kontakin ko yung naglilinis kaya nakaakyat ako dito." kwento niya.
Natahimik ako at nagisip, ako lang at siya ang may password ng penthouse na ito at yung inutusan kong maglinis dito.
Napangiti ako ng bahagya at saka lumingon sa kanya.
Nakatitig siya sa akin at saka nagtanong.
" Ang sabi pa ni manang dalawa lang daw may alam ng password dito pangatlo na ako " seryoso pa din siyang nakatingin.
" Amz ikaw ba yung isa? Paano mo nalaman na dito ako pupunta hindi ko naman sinabi sa iyo kung saan ang meeting place natin at paano mo nagamit ang elevator kung may password" Tanong niya sa akin.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko saka ngumiti.
Nakalimutan kong kami lang pala ang nakaka alam sa password ng elevator.
Inabot ko ang beer na naka patong sa lamesa saka uminom.
" Amz yung master bedroom nakita ko. Bakit may mga picture tayo doon. Bakit ang daming mga gamit na palagay ko sa iyo at sa akin." Tanong niyang muli.
Tahimik lang akong nakikinig sa mga tanong niya at nagiisip.
' Eto na ba yung tamang panahon para sabihin sa kanya lahat'
Huminga ako ng malalim at saka umupo ng maayos at tumitig sa kanya.
" Carl... Si manang nora siya yung tagalinis dito at sa condo ko, oo siya ang inutusan kong maglinis dito."paguumpisa ko.
" Yung password... It's our birthday combination... Tama ka ikaw at ako lang nakaka alam ng lugar na ito kaya siguro nung ayain mo ko sa ito unang pumasok sa isip ko wala ka naman ibang sinabi kung saan diba? " natatawa ko pang sabi.
" Yung mga gamit... Oo sa akin yan at sa iyo.. You prepare this penthouse for us way back then. Yung iba hindi ko pa nga nagagamit kasi binili mo yata lahat ng damit sa mall " pagpapatuloy ko.
Napatingin ako sa kanya at nakatitig lang itong nakikinig sa akin saka ako napakagat sa labi at ngumiti.
Nagulat na lang ako ng bigla siyang lumapit at siilin ako ng halik, halik na para bang nagugutom at nasasabik.
Naitulak ko siya ng bahagya at saka tumingin sa kanyang mga mata.
" Its you Amz... Its you tama ba ako?" tanong niya.
Lumandas bigla ang mga luha ko ng hindi ko namamlayan.
Pinunasan niya ang mga luha ko at saka yumakap ng mahigpit sa akin.