Chapter 3

830 Words
Kinabukasan ay maaga siyang nagising dahil kailangan niya pang mag abang ng jeep at maglakad papasok ng trabaho. Isang mahabang palda ang suot niya na muntik ng umabot sa may sakong niya at isang long sleeve na close neck idagdag pa ang pabilog na salamin niya. Habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep ay sanay na siya sa mga nang uuyam na tingin ng mga tao sa kanya. Halos paalis na ang isang jeep ng makarating siya at kahit na punong puno na ito ay pinilit parin niyang umupo. Ilang minuto na ang nakakalipas ng maramdaman niyang may kamay na humahaplos sa may puwitan niya. Nung una ay hindi niya lang ito pinansin pero ng maramdamang pinisil nito iyon ay nanlaki ang mga mata niya. Agad niyang kinuha ang payong na hawak niya at ipinukpok sa ulo ng lalaki. "Manyak! Bastos!" Sigaw niya rito "Hoy tigilan mo yan ano ka ba!" At sinasalag nito ang mga palo niya. Huminto ang jeep at bumaba ang driver. Pag katapos ay bumaba rin siya at bumaba ang lalaki. "Bastos ka!" At pinagpapalo nanaman ito. "Hoy babaeng panahon pa ng kastila hindi kita pagnanasaan no!" Galit na sabi ng lalaki. "At gagawin mo pa akong sinungaling ha! Bastos ka walang modo!" "Ano miss sa police station nalang kayo mag usap naabala na kasi ang pamamasada ko, tatanghaliin ako ng biyahe" Singit ng driver habang napapakamot ng ulo Nang bigla siyang mapasinghap. Naku patay! Hindi siya pwedeng ma-late. "Ikaw" Duro niya sa lalaki. Pagkatapos ay nag sign of the cross "Diyos na ang bahalang magparusa sa mga manyak na tulad mo" At sumakay na ulit siya ng jeep. 8:10am na. Lagot na naman siya nito alas 8 ng umaga ang pasok niya. Dahan dahan siyang naglakad papuntang mesa niya. Akmang uupo na siya ng biglang may magsalita. "You're f*****g late for the second time around!" Galit na sabi ng boss niya. Agad siyang napatayo ng tuwid at lumapit dito. "Goodmorning po sir, pasensiya na po kayo may biglaan po kasing nangyari sa jeep ka--" "I don't f*****g care! You know what? this is bullshit! Puro kapalpakan nalang ba ang alam mo Miss Del Castillo?" Putol nito sa sasabihin niya. Napayuko nalang siya at nagsimulang umiyak ng palihim. "Don't f*****g use your tears in me!" Sigaw nito. "Sorry po talaga sir, ang totoo po kasi niyan may bastos na lalaking humipo sakin sa jeep kanina kaya na late ako" Habang umiiyak "Really?" Ngisi nito Nagulat siya rito. Bakit ito ngumisi. Napakunot ang noo niya. "Ikaw? Hihipuan? Wala ka na bang maisip na ibang excuse? Yung kapani-paniwala?" At tumawa ito Lalo siyang nanliit sa sarili. Ganoon na ba talaga siya kapangit para pagdudahan nito? "Okay this is my last and final warning to you, but for now pagbibigyan muna kita diyan sa ilusyon mo" At tumatawa itong bumalik ng opisina nito. Malungkot na bumalik na siya ng table niya. At nag focus nalang sa trabaho kahit ang totoo ay masama ang loob niya. Nang mga sumunod na araw ay sinikap niyang wag ma late kahit makipag habulan pa siya sa mga jeep. Madalas parin siyang sungitan at sigawan ng boss niya pero pinagwawalang bahala nalang niya ito. Kailangan niya ang trabaho na ito para sa mga kapatid niyang naiwan sa probinsiya. "Uy lara, pupunta ka ba?" Tanong ni Janice sa kanya isa ding sekretarya sa kompanya may inihatid lang ito sa kanyang mga papeles. "Ah? Saan?" "Sa party ng mga monterde, birthday ni Sir Darwin sa sabado taon taon imbitado ang mga empleyado ng kumpanya. "Baka hindi nalang janice, hindi naman ako sanay sa mga party party na yan magpapahinga nalang ako" Tanggi niya "Ikaw ang bahala pero masaya yun, maraming nag gwagwapuhan at mayayaman sa party na yun" Kinikilig na sabi nito. Naputol ang pag uusap nila ng tumunog ang intercom. "Come here, faster!" At pinatay narin niya ito "Sige janice tawag na ko ni boss" At iniwan na niya ito. Tumikhim muna siya bago kumatok "Come in!" "Yes sir, ano pong kailangan nila?" "Here!" At hinagis sa kanya ang isang gold envelop. "I want you to come. If not, you're fired! please be in formal attire. Hindi yan costume party understand?" Inis na sabi nito sa kanya. Wala sa sariling napatango siya. "Leave!" "Sige po sir" At dali dali na siyang lumabas. Pagkaupo ay agad niya itong binuksan. Invitation pala ito sa 30th Birthday ni Sir Darwin. Agad siyang napabuntong hininga. Sabado ng gabi. Hindi siya mapakali. Alas sais na ng gabi. Alas sieste ang party. Wala siyang dress na maisusuot. Dahil sa totoo lang ay wala siyang pambili. Bahala na. Dali dali siyang nagbihis at nagpunta sa address na nasa invitation. Halos mapanganga siya pagtapak sa gate ng lugar. Dinig na dinig na mula sa labas ang ingay ng musika sa loob. Papasok na sana siya ng harangan siya ng isang security. "Excuse me miss, this is a private party. Bawal po mag solicit ngayon" "Ho?" Gulat na tanong niya. Agad siyang napatingin sa sarili. Isang mahabang itim na palda ang suot niya at tinernuhan ng puting white polo na nakasara hanggang leeg. Naka tuck in pa ito sa palda niya. "Bawal po kayo dito miss" At hinawakan siya sa braso at hinihila papalayo sa gate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD