Chapter 4

894 Words
"Teka lang po kuya, imbitado po ako dito sa party" Hila niya sa kamay niya "Miss wag mo na kaming lokohin mang hihingi ka lang ng solicit sa mga mayayaman na tao sa loob" Ngisi sa kanya ng gwardiya "Pero kuya, imbitado talaga ako" "Asan ang invitation mo aber?" "Sandali lang" At hinanap niya ang invitation card sa bag niya pero hindi niya ito makita. "Oh ano miss? Akala ko ba invited ka?" Ngisi nito "Naiwan ko yata doon sa bahay" Kailangan niyang makapasok kung hindi baka masisante siya ng boss niya. "Nako miss lumang style na yan, ang mabuti pa umuwi ka na" At bumalik na ito sa tabi ng gate at iniwan siya Umupo siya sa gilid ng kalsada ng subdivision. Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano siya makakapasok sa party. Nang makitang may kausap sa phone ang security ay bigla siyang tumakbo papasok. Isang hakbang nalang at makakapasok na siya ng makita siya ng security "Hep hep! Ang kulit mo talaga!" At hinila siya paalis "Kuya promise saglit lang ako, kailangan lang akong makita ng boss ko kung hindi mawawalan ako ng trabaho. Promise mabilis na mabilis lang" At parang nanunumpang itinaas niya pa ang kanyang isang kamay. "Wag---" Nabitin ang pagsasalit ng security ng may magsalita "What's goin on?" Paglingon niya ay parang malalaglag ang kanyang panga, isang gwapong nilalang ang kanyang nakita. "Eh sir dave, eto po kasi napakakulit. Nagpupumilit pumasok wala naman siyang invitation card" Sagot ng security Agad napabaling sa kanya ang lalaki. "Ah eh, kailangan na kailangan ko lang po talagang makapasok sa loob kung hindi ay lagot ako sa boss ko" "Who's your boss?" "Si sir Darwin po" Agad napangisi ang lalaki. "You are?" "I am Lara Del Castillo po, Sir Darwin Monterde's new secretary" "Really?" Ngiti nito sa kanya habang nakataas ang isang kilay "So iba na pala ang taste niya ngayon?" Agad siyang napayuko. Nagulat siya ng bigla siya nitong hilain papasok ng party habang hawak ang isang kamay "Akong bahala sayo miss" Halos matulala siya ng makapasok sa loob. Para siyang nasa isang pelikula. Napaka rangya ng party na iyon. "There" Sabi nito sabay turo sa boss niya at hinila nanaman siya nito papalapit dito. Sabay sabay napatigil sina Darwin at mga kausap nito ng huminto silang dalawa sa harap ng mga ito. Bumaba ang mga tingin ng mga ito sa mga kamay nila na tila magkaholding hands. Nang mapansin niya kung saan nakatingin ang mga ito ay dahan dahan niyang inalis ang pagkakahawak nito sa kamay niya at dahan dahang yumuko dahil narin sa hiya. "Hey there Darwin, Happy Birthday bro!" Bati ng lalaking katabi niya "Thanks, but why are you with Miss Del Castillo?" Kunot noong tanong ng boss niya at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Nakikita niya ang disgusto sa mukha nito. "Ah siya ba?" Sabay turo nito sa kanya. "Ayaw kasi siyang papasukin ng security dahil naiwan niya ata yung invitation card niya. So I helped her" "Is that true?" Baling ng boss niya sa kanya. Nahihiya siyang tumango. "By the way, Nice meeting you I'm Dave Monterde Ismael, Darwin's cousin" Sabay lahad ng kamay na agad niyang tinaggap. "Thank you po sa pagtulong sakin kanina" "Not a problem, Okay I'll just see you around" At nagpaalam na ito sa kanya. Nang akmang babatiin na niya ang boss niya ay biglang may kumausap dito at hinila ito sa kung saan. Inikot niya ang paningin sa paligid pero tila siya lang ang nag iisang taong hindi nababagay rito. Nakikita niya ang mga may pandidiring tingin ng mga tao sa itsura niya. Naglakad lakad siya papunta sa madilim na parte ng party at napag alamang nasa may bar area siya. "Hoy lara here!" Kaway ng isang babae sa kanya Nang agad na mapagmasdan ay nakilala niya na si janice pala ito. Lumapit siya dito at nakita ang mga pamilyar na tao na kasama nito. Mga kapwa niya empleyado din sa kumpanya. "Bakit ngayon ka lang? Here drink this" Sabay abot sa kanya ng maliit na baso at manipis na hiwa ng lemon. "Sorry Janice pero hindi kasi ako umiinom e" Tanggi niya dito sabay wagwag ng kamay "Hoy lara bawal ang KJ dito" At kinuha ang kamay niya at ibinigay ang tequila sa kanya Wala siyang nagawa at ininom ito. Hinila siya nito at pinaupo sa tabi nito. Nakaka ilang shots na siya ng makaramdam ng pagkahilo. "Teka lang Janice ah pupunta lang ako ng restroom" At dahang dahan tumayo parang umiikot na rin ang paligid niya. Dahil sa pagkahilo ay hindi niya namalayan na nakasalubong niya ang isang babaeng may dalang pagkain at nabangga ito. Dahilan para matumba siya at tumilapon sa kanya ang laman ng platong dala nito. "Ano ba?!" Sigaw ng babae sa kanya. Dahan dahan siyang tumayo at humingi ng tawad "Pasensiya na miss hindi ko sinasadya" Halos wala naman dumi ang babae. Habang siya ay parang isang pulubing tinapunan ng pagkain. Sobrang dumi ng puting damit niya. Napangisi ang babae sa kanya "Idiot nerd! Pangit na nga lalo pang pumangit! Look what you did dinumihan mo ang limited edition sandals ko. Clean it!" Nang tignan niya ang suot nito sa paa ay halos wala naman siyang makitang dumi. "Hey! Hindi mo ba ako naririnig?!" Inis na sabi nito Halos lumikha na sila ng eksena. Pinagtitinginan na sila ng mga tao. Dahil narin sa hiyang nararamdaman ay dahan dahan siyang lumuhod at pinunasan ang suot nitong sandals gamit ang suot niyang palda. "What are you doing?!" Sigaw ng kung sino Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang madilim na anyo ng boss niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD