Unang kabanata
Ever since bata pa lang ako mahilig na ako sa extraterrestrial . Pinangarap ko noon na maging isang austronout, Halos lahat na ata nang videos at kung ano ano ang inipon ko tungkol sa universe. Ang problema lang ay masyadong imposible ang pangarap ko, Di naman ako mayaman at Di ako ganon katalino pero Di rin naman ako bobo. Sakto lang naman Ako nga pala si althea amethyst martinez 23 years old, nagtratrabaho bilang isang factory worker sa isang company dito sa cavite. Yes as you read I'm working as a production operator. Mahirap pero okey naman, Wag lang talaga kaming pag initan nang dragon naming manager. Anyway kaya ko pala nasabi yung tungkol sa pangarap ko dahil sa nalaman ko na magkaka solar eclipse daw at visible daw ngayon hahahah na excite na ako dahil minsan lang mangyari to.
'Thea wala dw ot ngayon sabi ni dragon Tara maginasal~'na patingin naman ako kay Natalie dahil sa sinabi niya
'milagro ata at walang ot. Anong meron at pinakawalan ata tayo ngayon naka target ba? '
tanong ko naman sa kanya habang nagtratrabaho
'mamaya na kayo magkwentuhan output muna tayo nang matuloy yang inasal natin'
sabi naman nag regular namin na si ate jen. Ganyan lang yan pero mabait yan
'ay wala panga mamaya fake news nanaman yan at umasa kayo'
Sagot ko naman sa kanya nang bigla akong kalbitin ni Nat sa balikat
'mamaya na nandiyan yung dragon'
Sabi nito tapos dali dali itong bumalik sa pwesto. Habang dumadaan yung dragon este yung manager namin kinalbit niya yung mga regular sabay sabing ot sila. Palihim kaming nagkatingingan ni Nat at sabing inasal. Mukhang pagkain talaga to, tinignan ko si ate jen ayon nakabusangot ang mukha nang umalis yung dragon este manager.
'sakit diba' sabi ko sabay nang mahinang tawa
'Che Di sana kayo makarami nang kain' sabi nito habang umirap na dahilan para matawa kaming lahat na nasa mesa.
Nang matapos na ang trabaho namin ay kumain na kami sa mang inasal. Naging masaya ang pagkain namin dahil halos lahat nang nasa department namin ay kumain. Nang matapos na kaming kumain ay nagsi pagyayan pa magininom dahilan para tumangi ako. Malapit nang mag simula ang eclipse kailangan ko nang umuwi pero sa minamalas ka naman ay Di pa man ako na kakauwi ay nagsimula na ito kaya huminto muna ako sa park at malapit sa fountain ako pumorma. Habang pagseselfie ako kasama annnng eclipse ay sa Di inaasahang pagkakataon ay may dalawang bata ang naglalaro dahilan para ma out of balance ako at ma hulog sa fountain.
Ang nakakapagtaka lang ay nalulunod ako diba dapat ay hindi kasi mababaw lang ito? Pilit Kong inaaangat ang sarili pero the more na pilit Kong inaangat ang sarili ko ay lalo akong pumapailalim.hangang sa mawalan ako nang hininga.
'~%%#$#@#@#@$@!!!!!!!'
Na gising ako sa ingay. Para silang nagkakagulo na ewan.
Nang mamulat ko ang mga mata ko ay tumambad sakin ang isang binata
'anong nangyari? ' tanong ko dito sa namamaos Kong boses dahil siguro to sa pagkalunod ko, siguro sila ang nagligtas sakin
'@#!$@$$#%#@$@@'
Napatingin naman ako sa kanya at sa mga ttttttttaong nakapalibot sakin. Halata ang pagka bigla sa itsura nila, mmmmay sinasabi sila pero Di ko maintindihan.
Anong nangyayari? nilibot ko ang mata ko
'nasaan ako? Sino kayo' tanong ko sa kanila pero Di ko parin sila maintindihan. Hangang sa nang labas ito nang maliit na patalim dahilan kaya nagpanic ako nang malala, lord katapusan ko na ba ni hindi ko maintindihan kung anong nangyari. Nagulat ako nang bigla nitong nilaslas ang kamay nito at until until siyang lumapit sakin, nag panic ako at akmang tatalon sa dagat sa likod ko ngunit madali nito akong nahawakan at biglaang nilagay ang nilaslas nitong kamay sa aking bibig. Dahil doon ay wala akong nagawa kundi ang malasahan ang dugo sa aking bibig.
"##£#£££#! ('(! /##" sabi nito napara bang nagrarasyon. Kasabay nang pagkaramdam ko nang kakaiba sa sa sarili ko unti unti Kong nararamdaman ang pag sakit nang buong katawan ko na tila ba akoy sinusunog
"ahhhhhhhhhhh" Diko mapigilang maiyak at mapasigaw sa sakit hanggang sa mawalan ako nang malay