Ang pagsagot ni Micka kay Patrick

413 Words
Chapter 2 Sa makalipas ang mga araw simula noong sumabay si Patrick kay Micka, palage na niya itong sinasamahan pag uwi. Hindi sila sabay pagpasok sapagkat hinahatid si Micka ng kuya niya. Hapon Araw ng Martes..katatapos lang ng exam nila. Excited si Patrick sa araw na ito sapagkat ito na ang pinakahihintay niya, ang sagot ni Micka sa tanong niya nung nakaraan. Samantala si Micka sa kabilang banda ay di malaman ang gagawin. Pero sa loob niya alam na niya ang sasabihin. Palabas na siya sa gate ng makita niya sa Patrick sa guard house. "Hi Patrick" bati niya rito. "Micka.." nakangiting bati niya rito "Kumusta naman exam mo?" tanong niya kay Patrick. "Ito, ok lang sure ball na yun". sagot naman ni Patrick. "Parang di ko namamalayan na nag uusap kayo ng bff mo ah?" " Ahh, busy si Tere, tinapos yung project natin, diba absent siya ng ilang araw, malapit na clearance eh kaya ayon" paliwanag ni Micka. " Ganun ba kaya pala, nagmamadali kaba,? tara kain muna tayo, nagutom ako exam natin eh"saad nito kay Micka." Oh sige, di ba kasama si Glen?"." Hindi, alam niya ang araw na ito, hehe", nagblush tuloy sa Micka sa sinabi nito. Sa kabilang banda, panay ngisi nila Glen at Tere sa bandang hindi nakikita nila Patrick at Micka. Pagdating nila sa paresan na tambayan ni Patrick ay na order na sila ng tig isang order at sabay na tinapos ang pagkain. Maya maya pa ay nagsimula mg silang maglakad. Sa daan.. " Micka, baka naman pwedi malaman na sagot mo, pwede ba ako manligaw?". diretsang tanong ni Patrick. " Sige Patrick payag ako na manligaw ka" saad ni Micka. " Yes! salamat Micka" masayang sabi ni Patrick. napasuntok pa ito ng lihim sa hangin. Ilang araw pa ang lumipas palage na magkasama silang dalawa pagkain at pag uwi, alam na rin pamilya ni Micka ang panliligaw nito, nag iisang babae si Micka sa tatlong magkakapatid. Siya ang pangalawa. Makalipas ang tatlong buwan, araw ng linggo, pagkatapos ng simula nila sa 4th year, nasa parke ang dalawa. " Kelan mo ba ako sasagutin, Mick?, tanong nito kay Micka habang nakaupo sila sa upuan ng parke. " Alam mo Patric mabait ka at maalalahanin at nakita ko naman na hindi ka yung tipong nanakit ng damdamin" mahabang patlang bago nagpatuloy si Micka, " sinasagot na kita Pat", " Oo boyfriend na kita mula ngayon.". litanya ni Micka. Nasurpresa si Patrick sa narinig at hindi makapaniwala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD