Ang nalaman ni Micka tungkol sa nagustuhan niyang binata
Chapter 1
Third year high school lamang si Micka Angela Peñalez aka Micka ng una siyang magkagusto sa isang lalaki at di lang gusto pero gustong gusto. Dahil sa sadyang mahiyain talaga siya ay mas pinili niyang itago ang pagkagusto sa kanyang kamag.aral na si Patrick Gibson, ngunit di niya ito naitago kay Tere Milona na kanyang bff simula first year. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana at gusto din pala siya nito dahil sa sinabi ng kanyang bff na narining nito nung nag usap sila ni Glen at Patrick at andun siya sa likod ng pinto.
"Micka, alam mo ba na may gusto sayo si Patrick?" untag ni Tere ng minsan silang kumain sa canteen.
Lah," namumula niyang turan. Pero napasana siya sa sarili niya, dahil talagang pinana siya ni kupido kay Patrick.
ehh".. nagblush siya", ito na yun prenny Micka, magkatotoo na yung dream mo,haha" pambubuska ng bff niya.
Pangarap kasi niyang sana gusto din siya ni Patrick na alam naman ng bff niya.
Maya maya pa ay may narinig silang nagkantyawan, yun pala ay pumasok sila Patrick at Glen na close friend din nito sa canteen. Tinaguriang hearthrob kono ito c Patrick sapagkat makinis ang balat na parang anak mayaman pero tama lang naman ang estado sa buhay, matangos ang ilong at malantik ang pilikmata talo pa ang babae. Ika nga, mala Grey ang dating. Di rin naman pahuhuli sa kisig ang ating Glen Rio Madiz.
Samantala...Patrick pov
Papasok sila sa canteen kung saan din kumakain sina Micka.
Pre"... si Micka ohh..oiiii." pang aasar ni Glen. Crush mo Pre".
"Tumahimik ka nga jan Glen, ang ingay mo!", saway niya rito. Hindi tuloy siya mapakali.
"Dun tayo upo pre sa mesa nila", hila sa kanya ni Glen. wala na siya nagawa kundi sumama rito.
"Hi Patrick," si Tere.. "Hello, Tere," si Patrick. " Hi Mick", saad niya kay Micka na hindi mapakali sa upuan din.
"Hoy bff, tahimik ka jan?." untag ni Tere sa bff niya
" Ahh, helow", hilaw niyang bati.
"Hi sa inyong dalawang dilag, hehe" pahabol ni Glen.
"Micka, sabay daw si Patrick sayo mamaya pag uwi, haha" biglang saad ni Glen na hindi napaghandaan ni Patrick.
"Loko, pinagsasabi mo jan?", busalan ko bibig mo eh", nainis na turan ni Patrick. nahiya siya sa sinabi ni Glen.
"Okay lang naman, Patrick".saad ni Micka, hindi na nagpapakipot pa.
"Oo naman, Patrick, para naman may kasama bff ko pag uwi kasi may madilim na parte pa naman doon banda sa inyo". dugtong ni Tere.
"Yun oh!, pwedi pala pre". buska ni Glen.
"Ikaw, kasi, ingay mo". Patrick
At nagkwentuhan na din sila ng ibat ibang bagay.
Maya maya pa'y sabay na din silang nagsipasok pagkatapos ng break time.
Pagsiuwian ay talagang tinotoo ni Patrick na sabayan si Micka sa pag.uwi.
"Micka!" tawag Patrick dito ng makita niya itong palabas na ng gate.
"Oh?!, Patrick, ikaw pala." sagot ni Micka.
"Pwedi bang makisabay? hehe." medyo nahiya pang saad nito.
"Ha? aah, ehh.. cge Patrick, wala ka bang gala kasama si Glen?". tanong ni Micka kasi madalas niya itong nakikita na magtatambay muna sa paresan bago umuwi.
"Wala, sinabihan ko na si Glen na sasabay ako sayo, hehe". natatawa pa itong nagkomento.
"Ahh, sige." "Lika na para di tayo gabihin", naglalakad lang si Micka pauwi kasi nalalakad lang naman ang bahay nila. Ganun din si Patrick.
Nasa kalagitnaan na sila ng daan, tumatakbo ang isip ni Patrick habang kasabay niya ito sa paglalakad.
Patrick Pov
Sana hindi magalit si Micka sa sasabihin ko. Anang ng isip niya.
Maya maya pa ay...
"Micka?, pwede magtanong?", kunwaring saad ni Patrick.
"Oo, anu naman yan?" sagot nito.
" May boyfriend kana?"
"Hehe, bakit mo naman natanong yan?, liligawan mo ako ano?" nagbibirong tanong ni Micka pero sa loob loob niya ay kinikilig siya. ehhh
"ahh, kung ok lang sayu eh, hehe, sana.. haha," natatawa pero seryosong saad ni Patrick.
"Liligaw ligaw ka tas malalaman ko bukas iba naman kasabay mo!" sambit naman bigla ni Micka. Minsan kasi nakikita niya itong may kasabay na babae pauwi.
"Friend ko lang yun, minsan si Fiona, minsan si Say, minsan naman c Cathy. Mga daberks ko yun, alam mo yun?" mahabang paliwanag ni Patrick.
"Ahh, di naman kasi tinatanong pa kung dami magkagusto sayo, hearthrob ka sa school eh, hehe", natatawang turan ni Micka.
"Isa kana ron diba,?" biglang tanong nito kay Micka.
Namula bigla si Micka sa sinabi ni Patrick. Talaga namang hindi niya inaasahan yun. Hindi tuloy siya makatingin dito. Dahil dun nawalan siya ng sasabihin.
"Micka? natahimik ka ata?".si Patrick.
"Alam mo crush kita di na nga crush eh, gusto kita simula nung second year". saad ni Patrick.
Nabigla si Micka. Hindi niya mawari na ang gusto niyang binata ay may pagtingin din sa kanya hindi lang ngayong third year sila kundi nung second year pa lamang sila. ayyy.. kinilig ang puwet ni Micka sa narinig. haha.
" Hehe, talaga ba?", nahihiya pang saad ni Micka.
" Oo Micka, kaya nga din ako nakisabay sayo ngayon kasi gusto kita makausap, nahihiya kasi ako sayo dati kasi baka supladahan mo ako, hehe" paliwanag ni Patrick.
"Lah, ganun ba ako? grabe ka naman" sabi nito.
" Hindi naman sa ganun, pwede ba Micka? manligaw sayo?" prangkang tanong ni Patrick kay Micka habang patuloy sila sa paglalakad.
Malapit na si Micka sa bahay nila bago siya sumagot.
"Pag iisapan ko Patrick, alam mo namang pokus ako sa skwela natin" untag ni Micka. "Kelan ko pwede malaman?" tanong naman ni Patrick.
"Ahhhmm, pagkatos siguro ng 4th grading exam natin sa sunod na linggo", sagot naman ni Micka. " Ahh sige, aasahan ko yan ha" natutuwang sabi naman ni Patrick.
Samantala biglang lumabas ang Mama ni Micka, "Sino yang kasama mo anak?",
"Mama, mano po, si Patrick po, kamag.aral ko, kasabay ko sa paglalakad at hinatid na din po ako, doon po siya nakatira sa kabilang kanto"
" Magandang hapon po", bati ni Patrick sa ginang.
" Magandang hapon din iho" ganti naman nito.
" Sige Micka, Mam, Mauna na po siguro ako baka gabihin ako."
" Sige Patrick, salamat at engat ka" Micka
" Mag ingat ka iho"
" Sige po mam" Patrick.
At tumuloy na din ito sa pag uwi.