prologue
"Diba sinabi ko sayong magkang sumama? Hindi moba maintindihan yon?! O naintindihan mo naman kaso ayaw mong sundin dahil nandoon yung kabit mo?!" galit na galit na saad ni Ethan habang nakatayo sa harap ko.
"B-birthday kasi ni S-shianna kaya k-kailangan kong p-pumu--" Pinutol nito ang sasabihin ko sa pamamagitan ng pagsampal nya. Ang sakit! Sigurado akong namumula na ang pisngi ko ngayon.
"Aba talaga namang sumasagot kapa?!" nakakatakot ang mata ni Ethan. Punong puno ito ng galit,galit na pwedeng gawing miserable ang buhay ko. Teka? Miserable? Hindi ba't miserable na talaga ang buhay mo simula nang maging kayo ni Ethan?
Nanatili akong nakayuko at hindi sumasagot. Narinig ko naman ang sunod sunod na pagmumura nito. Iniangat ko ang aking tingin at nakita ko si Ethan na sabunot ang buhok nya habang iniuuntog sa pader.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa balikat dahil baka masaktan sya sa ginagawa nya.
"Ethan tama na ya--ARAY!" Napaka aray nalang ako ng bigla itong humarap at tinulak ako dahilan para tumama ang likod ko sa gilid ng kama. Naramdaman kong may namumuong luha sa mata ko dahil sa hapdi.
"SIMULA NGAYON SA CONDO KO NA IKAW TITIRA!" Galit na sigaw ni Ethan habang pinapanuod akong magdusa sa hapdi.
"H-hindi pwede" umiiyak kong saad dahil sobrang sakit na talaga ang likod ko. Ngunit tila nagalit pa lalo si Ethan sa sagot ko kaya sumigaw nanaman ito. Yung sigaw nya ay nakakatakot pero mas nakakatakot ang sinabi nya.
"SASAMA KA SAKIN O BAKA GUSTO MONG MAWALAN NG KAIBIGAN! ALAM MONG ANONG KAYA KONG GAWIN SA MGA WALANG KWENTA MONG KAIBIGAN!" Galit na galit na sigaw nya bago ako iwang namamalipit sa sakit pero para namanhid yung katawan ko sa narinig ko. Mawalan ng kaibigan? Eto na ang ikinatatakot ko.