Kabanata 1: Ang Kasal
THE WEDDING OF THE CENTURY...
Sa ilalim ng naglalakihang crystal chandeliers ng Grand Ballroom ng Ibarra Estate, nagtipon ang mga pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang tao sa bansa. Lahat sila ay nakangiti. Lahat sila ay mukhang masaya.
Pero sa likod ng mga mamahaling ngiti at magagarang kasuotan, iisa lang ang pinag-uusapan ng karamihan.
Ang kasalang ito.
Ang kasal ng CEO ng Ibarra Group na si Kaisel Knoxx Ibarra and the one and only heiress ng Herrera Empire na si Emilia Sophia Herrera. Para sa media, isa itong fairy tale. Para sa mga bisita, isa itong business alliance.
At para sa dalawang taong ikakasal?
Isa lamang itong obligasyon.
*-*-*-*-*-*
Sa private suite ng mansyon, tahimik na nakatayo si Kai sa harap ng malaking bintana. Nakatanaw siya sa mga sasakyang sunod-sunod na dumarating sa estate. Maya-maya ay may kinuha siyang maliit na bagay mula sa bulsa ng kanyang tuxedo. Isang lumang gintong pendant.
Heart-shaped.
Matiim niya itong pinagmasdan.
"Sir."
Napalingon siya nang marinig ang boses ng kanyang sekretaryo.
"Ready na po ang lahat. Hinihintay na po kayo sa altar."
Tumango siya.
"Okay."
Hindi agad umalis ang sekretaryo.
"Sir... are you alright?"
Napatingin si Kai rito.
"Why?"
"Parang hindi po kayo masaya."
Bahagyang natawa si Kai.
Masaya? Ano ba ang dapat kong ikatuwa? Na ikakasal ako sa babaeng hindi ko mahal?
"Just do your job."
"Sorry, sir."
Pagkaalis ng sekretaryo ay muling napatingin si Kai sa pendant. Sa isip niya, isang mukha lamang ang lumitaw.
Sofia.
Ang babaeng mahal niya. Ang babaeng dapat sana ay nasa tabi niya ngayon.
Hindi si Emma. Hindi ang babaeng ipinilit ng kanilang mga lolo. Mabigat siyang bumuntong-hininga bago ibinalik ang pendant sa kanyang bulsa.
"Konting tiis na lang."
Pagkatapos ay lumabas na siya ng silid.
*-*-*-*
Samantala...
Sa bridal suite.
"Miss Emma, ang ganda niyo po talaga."
Napangiti si Emma habang inaayos ng stylist ang kanyang belo.
"Thank you."
"Tiyak pong mababaliw si Mr. Ibarra kapag nakita kayo."
Kung alam mo lang.
Ngunit ngumiti lamang siya. Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ang mga stylist.
"Pwede ba akong maiwang mag-isa sandali?"
"Of course, Miss Emma."
Pagkasara ng pinto, agad na nagbago ang ekspresyon niya. Nawala ang mahinhin at maamong bride. Kinuha niya ang isang encrypted phone mula sa drawer.
At agad na tumawag. Makalipas ang isang ring ay sumagot na ang nasa kabilang linya.
"Boss."
"Report."
"Everything's under control," sagot ni Kevin.
"Nailipat na ang funds. Stable ang operations ng law firm. At naka-alert na rin ang Black Market Clinic."
"Good."
"May kailangan pa ba kayo?"
Saglit siyang natahimik.
"Wala."
Ngunit hindi agad nagsalita si Kevin. Alam niya ang ibig sabihin noon.
"Emma."
"Hm?"
"Last chance na para umatras."
Napangiti siya.
"Kevin."
"I'm serious."
"Ako rin."
"You're marrying a man who doesn't love you."
Tahimik siya.
"Alam ko."
"Hindi ka ba napapagod?"
"Sa alin?"
"Sa paghihintay."
Bahagyang bumigat ang katahimikan. Napatingin si Emma sa sarili niyang repleksyon sa salamin.
Labinlimang taon.
Labinlimang taon na niyang mahal si Kai.
Labinlimang taon na niyang tinatago ang katotohanan.
"Dahil mahal ko siya."
Napabuntong-hininga si Kevin.
"At ayan na naman tayo."
Mahina siyang natawa.
"I'll give him three years."
"Three years?"
"Yes."
"At kapag wala pa ring nagbago?"
Naging seryoso ang mukha ni Emma.
"Then I'll leave."
Tuluyang natahimik si Kevin. Kilalang-kilala niya ang kanyang boss at kaibigan. Kapag sinabi ni Emma na aalis siya, aalis talaga ito.
Walang balikan.
Walang second chances.
"Fine."
Napailing siya.
"But if he hurts you, sasampalin ko talaga siya."
Napatawa si Emma.
"Good luck."
*-*-*-*
Mabilis na lumipas ang seremonya. Habang naglalakad si Emma sa aisle, si Kai lang ang tinitingnan niya.
Sobrang gwapo naman ng hubby ko. My prince charming, matangkad pa. For sure mamanahin ng magiging anak namin ang kapogian at tindig nya.
Pero si Kaisel ay parang walang pakealam. Dahil ni minsan ay hindi siya nito tiningnan.
Parang wala si Emma roon. Parang hindi siya ang babaeng pakakasalan nito.
Masakit.
Pero tiniis niya.
Nang matapos ang vows at palitan ng singsing, nagsimula ang reception. At kasabay nito ang mga bulungan.
"Hindi ba si Sofia talaga ang mahal ni Kai?"
"Oo naman."
"Poor Emma."
"Kung hindi lang umalis si Sofia, wala naman siya rito."
"Tingnan mo nga. Mukhang napakaboring."
Nagtawanan ang grupo ng mga tsismosa. Narinig ni Emma ang lahat. At alam niyang narinig din iyon ni Kai. Ngunit wala itong ginawa.
Hindi siya ipinagtanggol. Hindi ito nagsalita. Patuloy lamang itong nakikipag-usap sa ibang tao. Parang wala itong narinig. Parang wala itong pakialam.
May kung anong kumirot sa dibdib ni Emma.
Ngunit agad niya iyong nilunok. Hindi ako iiyak. Hindi ngayong gabi. Hindi sa harap ng mga taong gustong makita akong bumagsak.
*-*-*-*
Bandang hatinggabi ay natapos din ang reception. Tahimik ang biyahe papuntang Ibarra Manor. Nasa magkabilang dulo sila ng sasakyan. Parehong walang imik.
Pagdating nila sa mansyon ay agad na bumaba si Kai. Hindi man lang siya nito tinulungan. Tahimik namang sumunod si Emma. Napakalaki ng mansyon.
Napakaganda.
Pero kakaiba ang pakiramdam nito.
Malamig.
Tahimik.
At parang walang buhay.
Pagpasok nila sa loob ay huminto si Kai sa paanan ng hagdan.
"Emma."
Tumingin siya rito. "Nakikinig ako."
Humarap nang tuluyan si Kai sa kanya. "I need to make things clear."
"Sige."
"Ang kasal na ito ay para lang sa mga lolo natin."
Tumango siya. "Alam ko."
"Good."
Nagbulsa si Kai. "Huwag kang mag-expect ng kahit ano mula sa akin."
"Katulad ng ano?"
Bahagyang nagsalubong ang kilay nito.
"Love." Diretso ang sagot.
"Wala akong maibibigay na ganoon sa'yo."
Tahimik siyang tumango. "Okay."
Napakunot-noo si Kai. "Okay lang?"
"Ano bang gusto mong marinig?"
Natahimik ito. Nagpatuloy si Emma.
"Gusto mo bang umiyak ako?"
"That's not what I mean."
"O magmakaawa?"
"Emma."
"O magtanong kung bakit hindi mo ako mamahalin?"
Tumikom ang lalaki.
"Stop."
Ngumiti nang bahagya si Emma. "Don't worry. Hindi kita pipilitin."
Tahimik silang dalawa. Pagkatapos ay muling nagsalita si Kai.
"Huwag kang makialam sa buhay ko."
"Sige."
"Huwag mo akong susundan."
"Okay."
"Huwag mo akong tatanungin kung saan ako pupunta."
"Fine."
"Huwag kang papasok sa opisina ko."
"Noted."
Lalong kumunot ang noo ni Kai. Parang siya pa ang naiinis sa pagiging kalmado ng babae.
"May problema ba?" tanong ni Emma.
"Wala."
"Mukha kasing disappointed ka."
"What?"
"Parang may inaasahan kang drama."
Hindi agad nakasagot si Kai. Napangiti siya nang bahagya.
"Sorry to disappoint you."
Muling bumigat ang katahimikan. Pagkatapos ay nagsalita ulit si Kai.
"May isa pa."
Tumingin siya rito.
"Wala akong balak na maging tunay mong asawa."
Kumirot ang puso ni Emma. Pero hindi iyon makikita sa mukha niya.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"I mean exactly what I said."
Tahimik siyang tumango. "Okay."
"Yan lang?" tanong ni Kai.
"Ano pa ba dapat?"
"Hindi ka ba nagagalit?"
Napatingin siya rito. Pagkatapos ay mahina siyang natawa.
"May magbabago ba kung magalit ako?"
"May magbabago ba kung umiyak ako?"
Walang sagot.
"May magbabago ba kung magmakaawa ako?"
Hindi muli ito nakapagsalita. Kaya tumango na lamang siya.
"Yun na ang sagot."
Nagtagpo ang kanilang mga mata. At sa unang pagkakataon, may kakaibang pakiramdam na dumaan kay Kai. Parang may hindi siya maintindihan. Parang may itinatago ang babaeng nasa harapan niya. Ngunit mabilis din iyong nawala.
"Your room is in the East Wing."
Tumango si Emma. "At ang sa'yo?"
Napatigil ito.
"Wala kang pakialam."
"Fair enough."
Tumalikod na ang lalaki. Ngunit bago ito makalakad ay muli siyang nagsalita.
"Kai."
Huminto ito. Hindi lumingon.
"Yes?"
Mahina siyang ngumiti.
"Congratulations."
Napakunot-noo ito.
"For what?"
"Surviving your own wedding."
Ilang segundo itong natahimik. Pagkatapos ay tuluyan nang umakyat sa hagdan. Habang pinagmamasdan siya ni Emma, hindi niya napigilang mapabuntong-hininga.
"Still the same..."
Mahina niyang bulong.
"Matigas pa rin ang ulo mo."
Dahan-dahan niyang hinawakan ang kanyang leeg. Ang leeg na minsang sinuotan ng pendant ng isang batang lalaking iniligtas niya noon.
At ang batang lalaking iyon...
Ay ang lalaking katatapos lang siyang tanggihan. Napangiti siya nang mapait.
"Three years."
Mahina niyang bulong sa sarili.
"Tatlong taon lang."
Pagkatapos noon ay naglakad siya patungo sa kanyang silid. Hindi alam ni Kai na ang babaeng itinuring niyang ordinaryo ay isa sa pinakamagagaling na abogado sa bansa. Hindi rin nito alam na ang misteryosong Legendary Doctor na hinahanap ng maraming tao ay natutulog lamang sa kabilang bahagi ng mansyon. At lalong hindi nito alam...
Na darating ang araw na siya mismo ang hahabol sa babaeng pilit niyang binabalewala ngayon.