Chapter 4

3198 Words
SINASADYA ni Ella na gabi nang umuwi para hindi niya madatnan si Devey sa bahay nila. Halos gabi-gabi na itong pumupunta sa bahay nila at nagdadala ng kung anong regalo. Tuwang-tuwa naman ang mama niya. Alas-nuwebe na’y nakatambay pa rin siya sa resort. Nakailang tawag na rin ang mama niya pero hindi niya sinasagot. Nang makadama siya ng gutom ay lumabas na siya ng hotel at nag-abang ng masasakyan sa labas ng gate. Halos isang oras din siyang nakatayo at namumula na ang binti niya sa kakahampas niya sa lamok na dumadapo roon. Makalipas ang ilang sandali ay may itim na kotseng huminto sa tabi niya. Pamilyar ang kotse na kalalabas ng gate ng resort. Bumukas ang bintana sa driver side. Nagulat siya nang makita si Jero na siyang nagmamaneho. Ang akala niya ay nakauwi na ito. “Bakit palagi kang ginagabi rito?” seryosong tanong nito. “Ah, w-wala, ayaw ko lang umuwi nang maaga sa bahay,” aniya. “Baka isipin ng mama mo palagi kang nag-o-overtime.” Iyon na nga ang palagi niyang dahilan. “Hindi, sanay na siya sa akin,” sabi na lang niya. “Sumakay ka na rito, ihahatid na kita,” pagkuwa’y sabi nito. “Okay lang ba?” Tumango lang ito. Nagmamadali naman siya sa pagsakay. Kung kalian lulan na siya ng kotse ay saka naman ulit tumawag ang mama niya. Ika-limangtawag na iyon na binalewala niya. “Bakit hindi mo sinasagot? Baka importante,” ani Jero. “Si mama lang naman.” “Bakit ayaw mong sagutin?” Naputol na ulit ang tawag. Mamaya ay may mensahe mula sa mama niya. Napilitan siyang basahin ito. Mama: ‘Nak, umuwi ka na. Hinihintay ka ni Devey sa bahay. ‘Di pa me uwi.  Hindi niya alam ang isasagot niya. Hindi rin siya makapagdesisyon. Huminto na lang ang sasakyan. Kinabahan siya sa akalang nasa bahay na sila. Pagtingin niya sa labas ay nagulat siya nang makita ang salon ni Katrina. Bakit sila naroon? “Sandali lang, may kukunin lang ako sa loob,” ani Jero saka nagmamadaling bumaba. Nawindang siya nang makitang pumasok ito sa salon. Makalipas ang ilang sandali ay lumabas na si Jero kasunod si Katrina. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Akala ba niya isinumpa na ni Katrina si Jero? Bakit tila kaswal na nag-uusap ang mga ito? Nasaan ang hustisya? Hindi kaya natauhan na si Jero at na-realize nito na gusto naman talaga nito si Katrina? Paano na ang pangarap niyang love story? Gumuhit ang sakit sa kanyang puso. Gusto pa rin talaga niya si Jero. Kahit ramdam niya na wala itong interes sa kanya ay hindi nagbago ang pagtingin niya. Sa halip ay lalong nahuhulog ang loob niya rito. Nasasaktan siya sa isiping nagkamabutiha na ito at ang kaibigan niya. Panay ang sipat ni Katrina sa sasakyan pero hindi na siya sumilip para kunin ang atensiyon nito. Naiinis na naman siya rito. Wala itong isang salita. Ito ang palaging nag-uudyok sa kanya na layuan si Jero, pero ito naman pala ang lumalapit. Okay na nga siya na galit ito kay Jero. Matagal na siyang insecure sa kaibigan niya. Masama na naman ang loob niya rito pero hindi niya kayang kamuhian si Katrina. Ito lang ang kaibigan niya since high school na hindi siya kinalimutan kahit umasenso ito at gumagawa ng pangalan sa larangan ng pagsusulat ng nobela. Kunwari hindi siya apektado. Binuksan niya ang bintana sa driver side. “Hey, Katrina! Bukas pa pala salon mo?” aniya kahit obvious naman ang sagot. Wala na talaga sa huwisyo ang isip niya. Gulat na napatingin sa kanya si Katrina, ganoon din si Jero. Hindi ito kaagad nakapagsalita. “Ah, E-Ella, nandiyan ka pala? Bakit hindi ka bumaba?” balisang sabi nito. “Ang sabi kasi ni Jero sandali lang siya kaya hindi na ako bumaba.” “Ah, ganoon ba?” Tumabang ang ngiti nito. Pagkuwa’y nagpaalam na rito si Jero. Kinawayan lang niya ang kaibigan. Hindi siya umiimik habang matulin ang takbo ng sasakyan. Tahimik lang din si Jero. Pagdating sa tapat ng bahay nila ay nagulat siya nang naunang bumaba si Jero. Bumaba na rin siya. Napamataan niya ito sa likuran ng kotse at may kinukuha sa compartment. Lalapitan sana niya ito ngunit napahinto siya sa paghakbang nang mapansin niya si Devey na nakaupo sa harapan ng kotse nito, habang nakamasid sa kanila. May kadiliman sa puwesto nito kaya hindi niya maaninag ang ekspresyon ng mukha nito. Nakahalukipkip ito. Naibaling niya ang tingin kay Jero nang mamataan ito sa harapan niya. May bitbit na itong maliit na kahon ng kung anong pagkain. “Sa ‘yo na ito. Binigay ito ng guest kanina kaso hindi ako kumakain nito,” anito, habang inaalok sa kanya ang pagkain. May litrato ng garlic chicken sa labas ng kahon. Walang pag-aatubiling tinanggap naman niya ito. “Masarap ito, bakit ayaw mo? Baka gusto ng parents mo,” aniya. “Hindi rin sila kumakain niyan.” “Ah. Salamat. Ito na lang ang uulamin namin ni mama mamaya.” Malapad siyang ngumiti. “Sige na, pumasok ka na. Sa susunod huwag ka nang magpaabot ng gabi sa resort. Kung gagabihin ka man, doon ka na matulog.” “Sige. Salamat ulit.” Ngumiti lang si Jero. Pagkuwa’y sumakay na ito sa kotse at nagmaniobra. Hindi niya alam kung hindi nito napansin si Devey, o sadyang hindi nito pinansin. Lumapit na siya sa gate at dagling binuksan. “How’s your date?” Kumislot siya nang biglang sumulpot sa tabi niya si Devey. Kulay pula pala ang jacket nito. Itim ang paningin niya noong una. “Anong date? Nanggaling ako sa resort.” “Palagi ka raw may overtime? O baka naman ang overtime mo na iyon ay kasama si Jero?” “Ano naman ang pakialam mo?” “Iniiwasan mo ba ako?” “Hindi ba obvious?” mataray na tugon niya. Nagulat siya nang agawin nito sa kamay niya ang bitbit niyang kahon. Hirap na kasi siyang magtanggal ng kandado sa tarangkahan. Pagkabukas nang tuluyan ng gate ay pumasok kaagad siya. Hinayaan niyang bumuntot sa kanya si Devey hanggang sa loob ng bahay. “Dalawang oras na akong naghihintay sa labas ng bahay n’yo,” anito. “Sino ba kasi ang nagsabing maghintay ka?” “Alam kong darating ka kaya naghintay ako.” “Nagsasayang ka lang ng oras.” “I don’t care.” Inilapag nito ang kahon ng pagkain sa ibabaw ng center table. “Sinabi ko na kay mama na huwag ka nang paghintayin dito,” aniya. “Siya ang nagsabing hintayin lang kita. Gusto niya itong ginagawa ko.” “Siya ‘yon. Bakit hindi na lang siya ang alukin mo ng kasal?” namumurong sabi niya. Nang harapin niya si Devey ay natigilan siya nang mapansin ang matalim nitong titig sa kanya. “You know, you’re savage sometimes, Ella. Nakakasakit ka ng damdmain. Nagtitiyaga ka sa lalaking walang pakialam sa damdamin mo, samantalang maraming gustong mahalin ka. Napaka-unfair ‘di ba?” anito, pumalatak na. “Sino ang tinutukoy mong gustong mahalin ako, ikaw? Nagpapatawa ka ba?” “Palibhasa puro negative lang ang pinupuna mo sa akin. Well, that’s reality. If you hate someone, no matter how good they are, even they do such a good thing to you, you couldn’t appreciate it because of the hate,” seryosong sabi nito. May point ito pero ayaw niyang isaksak sa sistema niya dahil totoong ayaw niya rito ever since they met. “Alam mong hate kita pero heto ka at pinipilit ang paglapit sa akin,” aniya. “Gusto kong makabawi, Ella. Habang nag-aaral ako sa ibang bansa, naalala ko ang mga ginawa ko sa ‘yo noong high school days natin, na-realize ko na masyado na pala kitang nasaktan, na ang sama ko pala talaga. Wala na ba iyong kapatawaran?” Lumamlam ang mga mata nito. “Kinalimutan ko na ‘yon. Ipinasa-Diyos ko na lahat ng kasalanan mo sa akin.” “But I want to apologize personally. I know sorry wasn’t enough.” “But marrying me wasn’t enough too, Devey.” “Walang kinalaman ang kasal sa paghingi ko ng sorry.” “Then, what?” “I just want to marry you.” “For what reason?” “Kailangan ba may dahilan?” “Natural. Sino ba naman ang matinong tao na gusto maikasal na walang dahilan?” “Fine. Kasi kilala na kita, eh. Hindi importante sa akin kung mahal ko ba talaga o mahal ako ng babae. Gusto ko kilala ko siya.” Umiling-iling siya. “Hindi ako makukumbinsi ng dahilan mo,” giit niya. “Anyway, alam ko gutom kana, pero wala akong maipapakain sa iyo kundi ito lang,” aniya sabay binuksan niya ang kahon ng garlic chicken. Nagulat siya nang biglang lumayo si Devey. “No, thanks. Hindi naman ako nagugutom. Itago mo na ‘yan para may ulam kayo,” anito, habang nakatakip ang kanang palad sa ilong. Hindi niya pinansin si Devey. Natakam siya nang maamoy ang pagkain. Kumuha siya ng kaperasong hiwa ng manok at akmang isusubo nang biglang namatay ang ilaw. Nabitawan niya ang hawak at nangangapa. Sobrang dilim sa paligid at nagsisimula nang umatake ang trauma niya sa dilim. Nagsisimula nang manginig ang katawan niya. Hindi siya umalis sa puwesto niya, sa halip sumiksik siya sa sulok ng sofa. “Huwag po! Huwag po kayong lalapit! Papa!” sigaw niya nang maaninag na naman niya ang bulto ng lalaki na papalapit sa kanya. “Ella?” Nang marinig niya ang boses ni Devey ay biglang naglaho sa paningin niya ang bulto ng kung anong nilalang. It’s just her hallucination because of her trauma. Saka lamang niya naramdaman ang presensiya ni Devey. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakakulong sa matipunong bisig ng binata. “Anong nangyari? Bakit ka nanginginig?” nag-aalalang tanong nito. “Nagpakita na naman siya,” humihikbing sumbong niya. “Sino?” “Ang lalaki.” “Sinong lalaki?” “Hindi ko siya kilala.” “Relax ka lang. Hindi ka mapapahamak. Tumayo ka na.” “Ayaw ko.” Mariing nakapikit pa rin ang mga mata niya habang nagpapalaya ng maninipis na luha.. “Ella?!” narining niyang tawag ng mama niya. Nang may liwanag na tumama sa kanina ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na dumilat. Pagkakita niya sa mama niya ay kumalas siya kay Devey at tumakbo sa kanyang ina. Mayamaya rin ay bumalik na ang ilaw. Mahigpit ang yakap niya sa kanyang ina. NASURPRESA si Devey sa reaksiyon ni Ella nang mamatay ang ilaw. Pero hindi na bago sa kanya ang ganoong trauma nito, dahil ganoon ang mommy niya noon. May trauma ito sa dilim. Hindi na niya nakausap si Ella dahil hindi na ito lumabas ng kuwarto. Si Emelia na lamang ang nagpaliwanag sa kanya. “Mabuti nandito ka nang mamatay ang ilaw,” wika ng ginang nang samahan siya nito sa sala. Magkaharap silang nakaupo sa sofa. “Bakit po ganoon si Ella?” curious na tanong niya. He knows every trauma has a reason. “Hindi ko rin maintindihan. Magmula noong limang taong gilang siya ay palagi na lang siya nagkakaganoon sa tuwing namamatay ang ilaw at sobrang dilim sa paligid niya. Okay lang ‘yong madilim na may kaunting liwanag at may nakikita siyang ibang tao, pero ‘yong katulad kanina na biglang dumilim, inaatake siya ng trauma niya.” “Pinatingin n’yo na po ba siya sa doktor?” “Oo, pero ang sabi ng doktor, epekto raw iyon ng trauma niya. Maaring may karanasan siyang labis na nagpatakot sa kanya. Noong five years old kasi siya, naroon pa kami sa Korea, may lalaki raw na pumasok sa kuwarto niya at gusto siyang patayin. Magmula noon, ayaw na niyang matulog na walang ilaw. Takot na siya sa dilim. Ang papa lang niya ang nakakapagpakalma sa kanya,” kuwento ng ginang. Naalala niya bigla noong nakulong sa banyo si Ella, noong gabi ng prom nila sa school. Sinira pa niya ang pinto para lang mailabas kaagad si Ella, pero laking dismaya niya nang tawagin siya nito’ng  si Jero. Madilim kasi noon dahil matagal na nawalan ng ilaw. Akala niya normal lang na takot sa dilim si Ella, katulad ng karamihan, pero iba pala ang epekto niyon sa dalaga. Nanginig ito, takot na takot at umiiyaw at ayaw magmula ng mga mata. Bigla tuloy siya nakonsensiya matapos malaman na ang nagkulong kay Ella  sa banyo ay ang mga babaeng baliw sa kanya. Napapahamak si Ella dahil sa kanya, ‘tapos palagi pa niyang inaasar. “Kaya nga gusto ko nang mag-asawa si Ella. Sabi kasi ng doktor, makakatulong para mawala ang trauma ni Ella kapag nag-asawa na siya. Marami kasing mababago lalo sa lifestyle niya at dapat siguraduhin na maaalagaan siya ng lalaki at maiintindihan. Hirap na hirap ako sa pagpapalaki sa kanya magmula noong mawala ang papa niya. Kaya hindi ako nakapagtrabaho noon dahil hindi ko siya maiwan mag-isa sa bahay. Palagi siyang nagkakasakit.” patuloy ng kuwento ni Emelia. “Ahm, ano po ba ang trabaho ng asawa niyo noon, Tita?’ pagkuwa’y usisa niya. “Simpleng negosyante ang asawa. Nagti-trade siya ng mga Korean herbal product. Nagtapos kasi siya sa kursong medisina kaso mas gusto niyang magnegosyo. Marami rin siyang side line, katulad ng pagtulong sa mga may sakit sa mga isolated places.” “Noong nasa Korea po kayo, may iba pa po ba siyang trabaho?” “After niyang mag-take ng medicine, mandatory na pumasok siya sa army, ganoon kasi sa Korea. Pero ilang taon lang siya sa serbisyo. At saka meron siyang binanggit noon na may sinasamahan siyang organisasyon noon ng mga ex-army. Ang iniisip ko ay medical mission or parte lang ng pagtulong niya sa mga indigenous people. Palagi siyang umaalis noon kaya nagdesisyon ako na umuwi na kami rito sa Pilipinas para naman mag-fucos na siya sa amin. Naibenta rin niya ang maliit niyang negosyo na namana niya sa parents niya. Sobrang sipag kasi ang asawa ko. Kaya lang eh, nasimulan kasi ng bisyo kaya kinakapos kami ng pera pambayad sa utang. Nawala lahat ng naipundar niya para sa amin. Nakaka-disappoint pero hindi ko naman masisi ang asawa ko. Ginawa naman niya ang lahat para sa ikagiginhawa namin.” Nalungkot ang ginang matapos magkuwento. Hindi na siya nagtanong ukol sa asawa nito. Nabaling na naman kay Ella ang isip niya. Hindi pa rin siya maka-get over sa nangyari sa dalaga. But her condition wasn’t bothering him the way that he would change his mind. Instead, he’s willing to deal with Ella’s condition and trying to fix it. Dahil doon ay lalo siyang nagkainteres na mahimasukan sa buhay ni Ella. “Ah, babalik na lang po ako next week, Tita. Magiging busy kasi ako nitong Linggo na ito,” pagkuwa’y paalam niya. Tumayo na siya. Tumayo na rin ang ginang. Hinatid lamang siya nito sa labas ng gate. Hindi kaagad umalis si Devey. Lulan lang siya ng kotse habang tinatanaw ang kuwarto ni Ella na nakabukas ang ilaw. Habang tumatagal na nakatingin lang siya sa bintana ay unti-unti niyang naaaninag ang bulto ng lalaki na nakasilip sa bintana. Tumalilis siya sa sasakyan. Nang tumingin siya ulit sa bintana ay wala na ang anino ng lalaki. Kakaiba ang ipinapahiwatig ng puso niya. Nakadama siya ng banta ng panganib. Lumapit siya sa gate at pinindot ang pulang button doon para makuha ang atensiyon ng tao sa loob. Mamaya ay lumabas ulit si Emelia. Nakabihis na ito ng pantulog na bulaklakin. “Oh, Devey, akala ko nakaalis ka na. May nakalimutan ka ba?” tanong ng ginang habang humahakbang palapit sa kanya. “Wala po. Gusto ko lang po malaman kung tulog na si Ella,” sabi lang niya. “Tulog na siya.” “Hindi po ba kayo magkasama sa kuwarto?” “Hindi, eh. Ayaw kasi niya akong katabi.” “Baka po puwedeng samahan n’yo muna siya. Baka ho kasi may trauma pa siya.” “Naku, wala ‘yon. Minsan lang naman siya atakehin. Nito lang naman siya ulit inaatake. Huwag kang mag-alala, ligtas si Ella.” Hindi na siya nito pinagbuksan ng gate. Hindi na lamang siya kumibo. “Sige na. Umuwi ka na, baka mapano ka pa sa daan,” anito, saka siya tinalikuran. Hindi siya mapakali. Pinalipas muna niya ang isang oras bago nagdesisyon na pasukin ang kuwarto ni Ella. Dumaan siya sa likod ng bahay at tiniyak na walang negative energy roon. Nag-teleport siya papasok ng bahay. Kahit pala tulog na ang mga tao ay bukas pa rin ang ilaw sa sala at kusina. Tinungo kaagad niya ang kuwarto ni Ella. Nag-teleport na rin siya papasok sa kuwarto para hindi siya maglikha ng ingay. Pag-apak pa niya sa sahig ng kuwarto ni Ella ay uminit na kaagad ang pakiramdam niya. Senyales iyon na may negative force sa loob ng kuwartong iyon, o presensiya ng kakaibang nilalang. Tuwid ang pagkakahiga ni Ella, habang ga-leeg ang kumot nito. Stand fan lang ang meron sa kuwarto kaya hindi gaanong malamig. Wala rin masyadong kagamitan maliban sa closet at mga belt-in cabinet. Wala siyang makitang kahit anong stuff toys sa kuwarto. Puro libro ang laman ng shelves ng divider.  The walls are painted cream. The room has enough size for a single bed, it has a personalize bathroom and toilet, one window with sliding glass and steel grills outside. The pink curtain was tied with a red ribbon in the middle so he could see the view outside directly. Kaya nakita kaagad niya ang anino noong nasa labas siya.  Papasok sana siya sa palikuran nang may masipat siyang bola ng baseball sa paanan ni Ella. Mamaya’y bigla iyong gumulong palapit sa kanya. Nang tumigil ito sa paanan niya ay pinagninilayan niya ang paligid. Tumitindi pa ang init na nararamdaman niya. Nang magsimulang tumalbog-talbog ang bola ay dagli niya itong hinuli. Awtomatikong may lumitaw na bulto ng lalaki sa harapan niya ngunit napakabilis ng pangyayari kaya hindi niya naaninag ang mukha. Kasabay niyon ay umungol si Ella. Umihip ang malakas na hangin sa buong kuwarto, namatay ang ilaw. Lumapit kaagad siya kay Ella at sinubukang kontrolin ang emosyong nagigising sa katauhan nito. May nakita siyang malaking kandila na nakatulos sa flower vase. Sinindihan niya ito sa pamamgitan ng simpleng sulyap. He was blessed because he can use fire as his special power. Namana niya iyon sa kanyang ninuno. Ginamit niya ng bughaw na apoy na siyang may pinakamainit na temparatura. “Papa…” bigkas ni Ella, habang nanatiling nakapikit. Nabuo ang ideya sa kanyang utak. Mukhang hindi basta halimaw ang kalaban niya rito. Kasabay sa paghupa ng malakas na hangin ay bumalik ang ilaw. Parang walang nangyari. Normal na rin ang temparatura ng katawan niya. Hinintay muna niyang mahimbing ang tulog ni Ella bago nagpasyang iwan ito. Tiniyak naman niya na wala na ang negative force na nasagap niya sa kuwarto.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD