Chapter 3

3065 Words
ALAS-OTSO na ng gabi pero hindi pa nakakauwi si Ella. Nag-overtime kasi siya dahil hindi dumating ang kareleyibo niya. Mabuti na lang may on-call employee sila. Kalalabas lang niya ng front office nang makita niya si Jero na kalalabas ng elevator. Nagkasabay pa silang nag-log out sa information. “You’re still here,” manghang sabi nito. “Pauwi ka na ba?” pagkuwa’y tanong ni Jero. “Oo. Nag-overtime kasi ako.” “Ah, okay. Hintayin mo na ako sa garahe, may kukunin lang ako sa opisina ni daddy,” anito. Bigla siya nabuhayan ng dugo. Nang naka-duty siya ay halos hindi na niya kayang ngumiti dahil sa pagod at stress dahil sa mga guest na maraming complain. Pagkatapos niyang mag-log out ay dumeretso na siya sa malawak na garahe ng hotel. Napakaswerte talaga ng unang araw niya sa trabaho. Si Jero talaga ang nagpasigla ng araw niya, kahit may kaunting pagkadismaya dahil sa pakialamerong si Devey. At speaking of Devey, nakikita na naman ng mga mata niya ang bulto nitong humahakbang patungo sa kinaroroonan niya. Itim na itim ang aura nito na parang namatayan. Suot pa nito ang mabalbong jacket nitong kulay itim din. Walang bahid ng ngiti sa mukha nito, pero ramdam ng katawan niya ang presensiya nitong sadyang papalapit sa kanya. “Hello, Ella! May balak ka atang tumira rito sa resort,” kaswal na sabi nito nang makalapit may isang dipa ang pagitan sa kanya. “Need lang mag-overtime,” tipid niyang sagot. “First duty overtime kaagad? Ano ba ang silbi ng milyones na kinikita ng resort kung hindi kukuha ng maraming tauhan?” komento nito. “Nagkataon lang naman.” “Paano mo nasabing nagkataon, eh bago ka pa lang dito?” “Normal lang ito.” “Hindi. Noong si Tito Erron ang namamahala ng resort, hindi napapasubo sa overtime ang mga tao.” Hindi siya nakasagot nang biglang sumulpot si Jero sa likuran ni Devey. “May problema ka ba sa pamamahala ko, Devey?” sabad ni Jero. Marahas na nilingon ni Devey si Jero. “As I always told you, you’re not a good manager. Mabuti pa si Erman, may malasakit sa mga tao,” matapang na buwelta ni Devey. “Then, it’s none of your business. Ano ba ang ipinaglalaban mo?” “I’m just concern.” “For Ella?” Humalukipkip si Jero at matalim ang titig kay Devey. “Don’t worry I’ll take care of her.” Kinakabahan si Ella sa daloy ng usapan ng dalawa. Hindi niya maintindihan bakit nagkaganoon ang mga ito. Noong high school sila ay parang magkapatid lang ang mga ito. Ni minsan ay hindi niya nakitang nag-away ang mga ito o kahit magbangayan. “Fine. Ihahatid na kita, Ella,” pagkuwa’y sabi ni Devey. Hindi pa man siya nakahuma ay inagaw na ni Jero sa kamay niya ang kanyang bag. “Ako ang maghahatid sa kanya,” anito. Umatras naman si Devey. “Sabi ko nga ikaw ang maghahatid,” nagpaparayang wika nito. Sumunod na lamang siya kay Jero patungo sa kotse nito. Habang nagmamaniobra si Jero ay nakatingin lang siya kay Devey na nakatayo pa rin sa puwesto nito kanina at tinatanaw sila. “Magkaaway ba kayo ni Devey, Jero?” hindi natimping tanong niya kay Jero, nang nakalabas na sila sa resort. “Hindi naman. Dumarating kasi ang pagkakataon na masyado siyang nagmamagaling kaya naiinis ako. Masyado siyang mayabang. Akala niya alam na niya lahat. He’s always underestimate my ability.” “Pero hindi naman kayo ganyan dati. Hindi ba pinsan mo siya?” “Second cousin ko na siya. Masyado na siyang liberated ngayon, siguro dahil sa lugar kung saan siya tumagal. Wala na siyang pakialam sa environment niya. Easy-go-lucky at mapagmataas na rin si Devey. Palibhasa maimpluwensiya ang tatay niya.” Para sa kanya, hindi naman nagbago si Devey. Sandayng may kayabangan na talaga ito dati pa, pilyo at antipatiko. Nasanay siya na ganoon ito kaya hindi na siya magtataka. Pagdating sa bahay nila ay umalis kaagad si Jero. Madilim pa ang kabahayan. Noo na ulit ginabi ang mama niya. Mabuti na lang may mga kaanak ang mama niya na ipinagkatiwala sa kanila ang bahay na iyon. Dalawang taon rin silang palipat-lipat ng tirahan noon. Nakapagtrabaho ulit sa ospital ang mama niya kaya unti-unti sila nakakaahon. Malaking tulong din na nakapagtrabaho siya. At least kahit papano ay nakakatulong siya at nakakabawi sa lahat ng sakripisyo ng mama niya. Pangako niya, kapag nagtuloy-tuloy na ang trabaho niya ay patitigilan na niya sa pagtatrabaho ang kanyang ina.   LUNES ng gabi… Nagtataka si Ella pagdating niya sa bahay ay may magarang kotse na nakaparada sa labas ng bakuran nila. Day off ngayon ng mama niya kaya inaasahan niya na hindi ito umalis ng bahay. Maaga pa sana siya nakauwi kung hindi lang siya dumaan sa salon ni Katrina. Nagpahatid pa siya ng kotse nito sa takot na mabiktima rin ng nababalitang halimaw na nangunguha umano ng mga tao. Pagdating niya sa sala ay nagulantang siya nang madatnan ang hindi inaasahang bisita. Saka lamang niya naalala ang sinabi ng mama niya na pupunta roon si Dr. Rivas. Pero bakit kasama ang asawa nito at si Devey? “Nako, nariyan ka na pala, anak. Salamat naman,” bungad ng kanyang ina. Kausap nito ang mag-anak na Rivas sa may sala at nakaluklok sa sofa. “Baka puwede mo muna kaming igawa ng meryenda? May loaf bread pa naman sa kusina at juice. Bahala ka na sa palaman,” pagkuwan ay utos sa kanya ng ginang. Tumalima naman siya. Nakalimutan niyang bumati sa mga bisita. Ang totoo kasi, pagod na siya at gusto na niyang magpahinga. Sa kusina na niya ibinagsak ang mga dala-dala niya. Binigyan siya ni Katrina ng sandals na kabibili niyon pero biglang hindi nagustuhan. Magka-size sila ng paa kaya okay lang. Habang nagtitimpla ng juice ay panay ang silip niya sa sala. Buhat doon ay naririnig niya ang pag-uusap ng mga panauhin at ng mama niya. Tungkol sa papa niya ang pinag-uusapan ng mga ito, as usual. Kahit matagal nang nawawala ang papa niya, umaasa siya na babalik din ito balang araw at makakasama nila. Paglabas niya dala ang tray ng meryenda ay napako ang mga paa niya sa likuran ng mama niya nang si Devey na ang kausap ng mama niya. “Nahihiya na po ako sa inyo, Doc. Marami nang naitulong sa akin si Devey,” sabi ng mama niya. Nag-iisa itong nakaupo sa bandang kaliwang sofa at kaharap ang mag-asawa. “Huwag n’yo sana akong limitahan sakaling gusto kong humingi naman ng pabor na ako naman ang tutulong sa iyo, Devey,” wika ni Emelia. “Wala pong problema, Tita. Kahit maliit na bagay lang, maa-appreciate ko,” nakangiting sabi naman ni Devey. Nakaupo ito katabi ng ama nito. “Nako, mabuti. Ano ba ang gusto mo? Kahit ano, pagsisikapan kong ibigay sa iyo.” “Simple lang po, gusto kong pakasalan ang anak n’yo,” seryosong sagot ni Devey. Kamuntik nang mabitawan ni Ella ang dala niyang tray ng meryenda. “H-Ha?” manghang reaksiyon ni Emelia. “Devey, are you kidding?” sabad naman ni Dario saka siniko ang tagiliran ni Devey. “No, Dad, I’m serious,” naninindigang sabi ni Devey. Si Martina naman na katabi ni Dario ay halatang balisa. “Anak, naman, masyado namang mabigat ang hinihiling mo,” sabi ng ginang. Gusto na sanang sumagot ni Ella, pero naunahan na siya ng mama niya. “Ah, kuwan, walang problema. Iyon lang pala, eh,” masiglang sabi ni Emelia. Kinikilabutan siya. Paanong ganoon na lang kadali sa kanyang ina na ipagkanulo siya? Nag-init ang bunbunan niya ngunit hindi naman niya magawang magprotesta. Nahihiya kasi siya kay Dr. Rivas. “Eh baka naman po may nobyo na si Ella, ang hirap naman iyon sa side niya,” naiilang na sabi ni Martina. “Ay, hindi naman. Hindi pa nagkakaroon ng nobyo ang anak ko mula pagkabata. Kaya nga gusto ko na siyang mag-asawa. Siya na nga lang ang naiwan sa akin tapos hindi pa niya ako mabibigyan ng apo. Malungkot ata ‘yon.” “Talaga po?” masiglang sabi ni Martina. Natuwa pa. “Hindi naman sa pagmamayabang, maaalagaan ni Devey si Ella. Mabait siya at mapagmahal na anak, kaya siguradong ganoon din siya sa magiging pamilya niya.” NAKO PO! Nagkakasundo na ang mga magulang nila! Gustong-gusto na talaga niyang kantiin si Devey kung hindi lang siya nahihiya sa magulang nito. Padabog na inilapag niya ang tray ng meryenda sa center table. “Saka na natin pag-uusapan ang tungkol sa kasal. Maari po ba naming makita ang mga naiwang alaala ng inyong asawa?” pagkuwa’y apela ni Dario sa usapan. “Oo nga pala. Tara po kayo sa study,” ani Emelia. Nagsitayuan na ang mga ito maliban kay Devey, na nauna nang nilantakan ang meryenda. Pagkakataon na niya iyon para masapak ito. Nang wala na ang mga magulang nila ay hidi siya nakapagpigil. Binawi niya ang baso ng juice sa kamay ni Devey na iinumin na sana nito. Hindi niya ito magawang sapakin, aywan niya kung bakit. “Bakit?” ‘takang tanong nito, habang may sandwich pa sa bibig na hindi nalulunok. “Anong bakit? Abnormal ka ba?” inis na tanong niya. Inagaw ulit nito ang baso ng juice sa kamay niya saka sinismsim. Humila ito ng tissue paper saka ipinahid sa bibig nito. Ang galing talaga nitong umarte. Kala naman inosente. “Ano ba ang problema?” namimilog ang mga matang tanong nito. “Anong akala mo sa akin, bagay na puwedeng ikulateral? Hindi lahat nabibili ng pera!” palatak niya. “Bakit sinabi ko bang bibilhin kita? Hinihingi kita sa mama mo, hindi kita ninanakaw, nagpapaalam ako,” katwiran nito. Lalong uminit ang ulo niya. “Marrying you without any reason? Huh! Ano ako, bale? Bakit ako magpapakasal sa iyo ni hindi kita gusto?” gigil na buwelta niya. “Sa ngayon, yeah, you’re not like me. Anong malay natin balang araw mapamahal ka sa akin.” “In your nightmare, Mr. Rivas! Pagkatapos ng mga pambu-bully mo sa akin noon? Akala mo ba nakalimutan ko ang pagpitik mo ng lastiko sa hita ko noon? Ang pagbunot mo ng ilang hibla ng buhok ko habang natutulog, ang pagtago mo sa isang pares ng sapatos ko, ang madalas mong pagpapahiya sa akin, ang ilang beses na pagkanti sa akin ng mga tagahanga mo?” Inungkat na niya ang mga atraso nito sa kanya. “Bakit hindi mo binanggit ang paghawak ko sa dede mo? Dahil hindi ka nasaktan? O dahil nagustuhan mo?” Bahagyang nanilim ang paningin niya. “Oo nga pala, sabi ni Katrina, biglang lumaki ang dibdib mo ilang buwan matapos kong hawakan,” simpatikong sabi pa nito. Tuluyang umakyat ang mainit na dugo sa ulo niya. Iyon pa pala ang nakakainis sa lahat. Hindi niya ikinukonsidera na aksidenteng nahawakan nito ang dibdib niya dahil naramdaman niya ang pagpisil nito sa mga iyon. May utang pa pala itong isang sampal sa kanya. Akmang sasampalin niya ito pero napigil siya nang bumalik ang mommy nito para kunin ang bag nito. “Mag-usap lang kayo, ha?” sabi lang ni Martina saka sila iniwan pagkakuha sa bag. Kung kalian itutuloy na niya ang pagsampal kay Devey ay saka naman ito tumayo at lumayo sa kanya. “You want justice? Marry me, Ella. Ibibigay ko sa iyo ang hustisyang gusto mo,” anito. “No way! Kinikilabutan ako sa ideya mo, Devey!” “Bakit naman? Guwapo naman ako, mayaman, at medyo matalino. Hindi ka magsisisi, Ella.” “Tse! Ang kapal talaga ng mukha mo!” “Come on, let’s move on. Kapag naikasal ka sa akin, maraming kapaki-pakinabang na mangyayari.” “Ano, ikaw lang ang makikinabang?” “Ano’ng ibig mong sabihing ako lang ang makikinabang?” kunot-noong tanong nito. “Ikaw lang ang liligaya. Hindi kita kayang mahalin, Devey, over my dead body.” “Sa ngayon hindi pa, Ella. Try lang natin kung magwo-work.” “Ano ba ang akala mo sa kasal, laro na kapag game over na tama na, puputulin na?” “Ang dami mong excuses. Deal or no deal lang ang isasagot mo tapos ang usapan.” “Saan naman patungo ang kasalang ito kung baga?” “Depende. Maraming nagaganap sa kasal. Siyempre doon na papasok ang pagbubuo ng pamilya.” “With you?” “Yeah. Or, if manhid ka talaga, kasal lang muna walang sex.” Nangilabot ang buong katawan niya. “Nonsense ito, Devey! Maraming option kung paano makakabawi si mama sa iyo. Kung tutuusin, wala siyang utang na dapat pagbayaran, kusang loob mo siyang tinulungan. Kung talagang bukal sa loob mo ang pagtulong, hindi mo tatanggapin ang pabuyang inaalok niya sa iyo. Kung magkaganoon lang naman, tigilan n’yo na ang pakikialam sa kaso ng papa ko.” Pumalatak na siya. Hindi kaagad nakapagsalita si Devey. Bahagyang nanilim ang anyo nito, panay ang buntong-hininga. “I’m sorry pero about sa kaso ng papa mo, ngayon mo kailangan ng tulong namin. Kailangan din ninyo ng proteksiyon. Magmasid ka sa paligid, Ella, hindi na normal ang mundong giganalawan natin. Ten years from now, wala nang taong mabubuhay, mga halimaw na. Isalba natin ang mundo,” anito pagkuwan. “So ang pagpapaksal sa iyo ang sulusyon?” sarkastikang sabi niya. “Hindi naman talaga ganoon. Seryoso talaga ako sa naisip ko’ng gusto kitang pakasalan. Wala itong kinalaman sa problema ng mundo. Gusto ko lang mag-asawa.” “At huwag mo akong idamay sa kagustuhan mong mag-asawa. Hindi ito ang pangarap kong love story.” “Ella, ang love hindi basta pinapangarap at hinihiling. Dumarating ito sa hindi inaasahang pagkakataon.” “Naniniwala akong tayo ang gumagawa ng kapalaran natin.” “Oo nga. Kaya ano man ang desisyon mo, irerespeto ko, pero huwag ka munang magsalita ng tapos. Makiramdam ka muna.” Inirapan lang niya si Devey. Iritang-irita na talaga siya rito. Mabuti na lang natapos na ang usapan ng mga magulang nila. Makakahinga na siya nang maluwag. Nagtago kaagad siya sa kuwarto niya. Gusto niyang mahalata ng mama niya na hindi siya nasiyahan sa desisyon nito. Hindi pa man siya nakakahiga sa kama ay may kumatok na sa pinto. Binuksan pa rin niya ang pinto at hinayaang pumasok ang mama niya. Bumalik siya sa kama at namaluktot nang higa. Tinabihan kaagad siya nito sa kama. “Magandang balita, anak, natutukoy na ng grupo ni Dr. Rivas ang grupong dumakip sa papa mo. Hindi na tayo parang tanga na umaasa sa wala. Bibigyan din nila tayo ng proteksiyon laban sa masasamang nilalang. Inaalok din ako ni Ma’am Martina ng trabaho na mas malaki ang kita. May offer ding safe houses si Dr. Rivas na puwede nating tirahan nang libre,” masiglang na pahayag ng ginang. Nakakahalata na siya sa gusto nitong mangyari. “Paano naman ang tungkol sa kasal na hinihiling ni Devey? Pumayag ba talaga kayo?” usig niya rito. “Ay bakit hindi?” mabilis nitong sagot. “Ito na ang pagkakataon natin para guminhawa ang buhay natin. Maimpluwensiya ang pamilya ng mga Rivas, matatalino pa at mayaman. Isa pa, pambihira itong pagkakataon na ito. Akalain mong si Devey Rivas ay nagkakainteres sa iyo?” “‘Ma, ayaw ko po kay Devey.” “Anong ayaw? Kung hitsura lang ang pagbabasehan, total package na siya. Matalino pa’t mayaman. Mabait at matulungin pa. Hindi ka makakapulot sa kung saan nng lalaking katulad niya.” “Bakit ba tiwalang-tiwala kayo sa kanya? Hindi n’yo pa nga siya gaanong kilala. Gusto n’yo bang magsisi ako sa huli?” “Anak, kailan ka mag-aasawa? Kung kinain na ng mga halimaw ang lahat na lalaki sa mundo? Huwag ka nang maarte. Maging pratikal ka na lang.” Bumalikwas siya nang upo. “Hindi ganoon kadali magdesisyon sa ganoong bagay, ‘Ma.” “O sige, pag-isipan mo ito. Pero kasi sayang kung tatanggihan mo pa ang pagkakataong ito. Hindi mo ba napansin kung paano natuwa ang mommy ni Devey?” “Hindi ba puwedeng tumanggi, ‘Ma?” “Ah, eh pag-isipan mo muna bago ka umayaw. Huwag ka nang maghinaty kung kailan darating si Mr. Right, hindi totoo ‘yon. Basta sigurado na ako kay Devey.” Hindi na siya kumibo. Humiga na lamang siya ulit at nagtalukbong ng kumot. Naramdaman niyang tumayo ang mama niya. “Good night, anak,” anito saka humalik sa braso niyang nakalabas sa kumot. Hindi siya tumugon hanggang sa marinig niya ang pagbukas ng pinto at kaagad ding nagsara. Nang hindi pa rin siya madalaw-dalaw ng antok ay bumangon siya at inihanda ang isusuot niya kinabukasan. Hindi pa kasi siya nabibigyan ng uniporme kaya plain white blouse ang isinusuot niya. Magulo ang mga damit niya sa aparador kaya napilitan siyang ayusin ang mga ito. Inilabas muna niya lahat maging ang mga nakatago sa maleta. Nakatago pa roon ang mga damit niya noong bata siya. Ugali talaga niya iyon, ang itago ang mga bagay na may sentimental value. Lahat ng mga damit at ibang gamit na ibinigay ng papa niya ay nakatago lang. Kahit mga bagay na ibinigay sa kanya ng ibang tao sa mabuting paraan ay itinatago niya. Inilabas niya lahat na laman ng maleta hanggang sa magsitalsikan ang mga abubot niya. Mahilig siyang mag-ipon ng mga perlas at bato na parang coin noon, kaya may isang kahon talaga siya niyon. Pagbukas niya sa kahon ng mga perlas ay tumambad kaagad sa kanya ang naiibang coin na antigo. Mabilis dumapo sa isipan niya ang tungkol sa kakaibang coin na iyon. Mahigit isang dekada na ring hindi niya iyon nahahawakan. Hindi kasi siya naniniwala na life saver iyon, katulad sa sinabi ng estrangherong nagbigay niyon sa kanya. Kung kailan ibabalik na niya sa kahon ang coin ay bigla naman itong kuminang. Naglikha ito ng kulay dilaw na spark na naulit ng tatlong beses. Hindi naman ito nasisikatan ng araw. Natukso siyang kunin ang coin at isinilid sa bag na ginagamit niya araw-araw. Inabot siya ng alas-onse sa pag-aayos ng gamit. Sa sahig na siya inabutan ng antok kung saan may nakalatag na carpet.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD