Chapter 1- Charlene Shyne V. Hernandez

1303 Words
Chapter 1 Teka....Nasan ako?? Napaupo ako bigla at pinagmasdan ang lugar kung nasan ako ngayon. Kaininong kwarto to?? Bakit ako nandito?? Nakidnap ba ako? Tatayo na sana ako pero nakaramdam ako ng hilo kaya napaupo ako ulit. Hanggang sa unti unting bumukas ang pinto. Natatakot na ako. "Oh! Gising kana pala!" "S-sino ka??" "Teka. Wag kang matakot. Ayst nasan ba kasi sila Kuya Cheol." Isang lalaki na may singkit na mga mata ang nakita ko. Naka-uniform pa siya katulad ng------ teka. "KUYA CHEOL!!! GISING NA SI SHYNE!!!!" Tapos may narinig akong mga yabag papunta dito at bigla nalang silang pumasok at lumapit sakin. 1......2...3..4...5...6..7. 8..9....10...11...12..13 "Shyne. Kamusta pakiramdam mo?" "S-sino kayo?? Nasan ako?? Anong nangyari??"-ako "Kuya Jeonghan tinatakot mo si Shyne e." "Nakalimutan niya ba tayo?" "Hindi. Baka dala lang ng sinaksak na anesthesia sa kanya kanina." Tapos yung isang lalaki na mahaba ang buhok na nagtanong kanina kung kamusta ang pakiramdam ko ang tumabi sakin. "Mga kaibigan mo kami Shyne. Nahimatay ka kanina dahil sa pagod kaya dinala ka muna namin dito sa kwarto mo." Napahawak naman ako agad sa ulo ko. Ano bang nangyayari sakin? Kung kanina wala akong maalala,bigla bigla namang pumasok sa utak ko yung mga pangalan nila. Nabaaliw naba ako?? "Ayos ka lang Shyne??"-Cheol "Dalin na kasi natin siya sa doktor."-Vernon "W-wag na. Okay na ako." Tiningnan ko naman sila isa isa. Kitang kita sa mga mukha nila ang pag aalala. Hay naku Shyne kase. Madalas hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Bigla bigla nalang akong nahihimatay. "Sabi ko kasi sayo ate Shyne wag kang nagpapakapagod e."-Dino Tapos ginulo naman ni Jeonghan yung buhok ko. "Jeonghan naman!!" "Tama si Dino. Magpahinga kana muna. Wag munang matigas ang ulo."-Jeonghan "Pwede kana talagang tumayong tatay ko Jeonghan." Tapos nagtawanan naman sila. Pero si Jeonghan sinimangutan lang ako. "Joke lang! Hahahaha." "Tara na tara na kumain na tayo!"-Mingyu Inalalayan naman nila akong tumayo. Haay. Buti nalang nandito silang lahat para alagaan ako. Bata palang kasi ulila na ako. Lumaki ako sa mga tita ko pero hindi rin naging maganda ang samahan namin kaya nag ipon ako at nagpunta ako dito sa siyudad. Huminto ako ng pag aaral para tuparin kung ano talaga ang gusto ko. Ang maging parte ng isang grupo at maipakita ang talento ko. Tong 13 mga lalaking to ang kasama ko sa grupo. Oo,ako lang ang nag iisang babae sa grupo namin. Nung una hindi ko rin inaasahan na sa kanila ako isasama pero laking pasasalamat ko ngayon dahil sila ang mga naging kasama ko. Nung una medyo naiilang pa sila sakin, pero ako na mismo ang gumawa ng way para maging ka close ko silang lahat. Si Cheol ang leader namin. Siya ang pinakamatanda. Siya ang pinaka stress sa aming lahat. Hahahaa "Ate Shyne, gusto mo bang sumama samin nila Seungkwan bukas? Pupunta kami sa mall."-DK "Sige sige." "Hoy. Nagpaalam naba kayo kay Manager Joel?"-Cheol "Yes boss."-Seungkwan "At ikaw Shyne, baka naman kung mapano ka na naman. "-Cheol "Okay na ako promise." Hmmm. Ang bango naman. Nakita kong nakaready na yung mga pagkain sa lamesa. "Gano pala ako katagal nakatulog?" bulong ko kay DK "Hmm. Mga limang oras din ate."-DK "Grabe kanina pa kumakalam tiyan ko e."-Woozi Tiningnan ko naman sila isa isa. Hinintay ba nila akong magising bago sila kumain? 11:30 na ng gabi?? Grabeeee. "Pasensya na kayo. Nalipasan tuloy kayo ng gutom." Napahinto naman sila. "Hay nako Shyne wag kang mag alala ayos lang kami. Ang mahalaga okay kana ngayon."-Joshua "Oo nga ate Shyne. No worries."-Woozi "No worries pero kanina kapa nagrereklamo----Aray! Masakit yun ha!"-Hoshi "Basta ingatan mo lang sarili mo. Lagot ako kela Manager kapag naulit yan. "-Cheol "Ipapaalala ko palagi sayo yung vitamins mo ate."-Seungkwan Ngumiti naman ako sa kanila. Wag kanang masyadong mag-isip Shyne. ---- Araw araw, sabay sabay kaming nagpupunta sa company para na rin magpractice at magrecord para sa ilalabas naming susunod na album. Nakalimutan kong sabihin na medyo kilala na kami sa bansa. Naging patok ang unang album namin dahil na rin sa cheorography at mga kanta. Sobrang thankful kami sa fans dahil talagang sinusuportahan nila kami. Pero syempre meron parin talagang mga tao na kahit anong gawin mo,hinding hindi ka nila magugustuhan.. Nagbabasa lang ako ng mga comments tungkol sa ig post ko. Ayoko mang pansinin pero hindi ko rin naman maiwasan na basahin. Hindi siya bagay sa grupo. Hinayaan talaga nila na makasali siya dyan? Mukha namang ewan kapag sumasayaw. Napabuntong hininga nalang ako. "Ate."-Dino Napatingin naman ako kay Dino. Nagpapahinga lang kami saglit para sa ipeperform namin next month. "Bakit bunso?" "Wag mong pansinin yung mga comments na yan. Magaling ka ate okay?"-Dino Ngumiti naman ako sa kanya. Si Dino ang pinabata sa aming lahat. Pero pagdating sa skills, masasabi kong hindi pang karaniwan ang taglay niya. "Sanay na ako sa mga ganyan. Haha." "Pag nalaman ko lang talaga sino yang mga nagcocomment na yan,pasasayawin ko para malaman natin galing nila."-Dino "O bakit nagagalit ka dyan Dino?"-Hoshi Tumabi na rin sakin si Hoshi. "Nakakainis lang kasi mga nambabash kay ate Shyne."-Dino "Wag kanang ma highblood bunso. hahahaha. Pero maiba tayo,may part talaga dun sa sayaw natin ngayon na hindi ko makuha e." "Saang part?"-Hoshi "Yung sa part ni Wonwoo. Nalilito ako sa paa kung paano." Tumayo naman si Hoshi at sinayaw yung part na sinasabi ko. " 2 seconds lang bago mo palitan yung sa kabila. Medyo mabilis kasi talaga yung part na yun."-Hoshi "Ahh sige. Papractice ako mamaya after nito." "Mapapagod kana naman ate."-Dino "Sasamahan na kita. Baka kung ano na naman mangyari sayo. "-Hoshi "Sure ka?" Si Hoshi naman ang leader pagdating sa sayaw. Kaya kapag may mga tanong ako at hindi ko nakuha sa tinuturo ng choreographer namin, sa kanya ako tumatakbo. Tumango naman si Hoshi. "Basta libre mo akong pagkain mamaya. Hahaha."-Hoshi "Sigeeee." ---- "Kuha mo na?"-Hoshi Tinry ko pabulit yung part na hindi ko makuha kanina. "Yan! Yan tama yan!"-Hoshi "Videohan mo nga ako." binigay ko naman sa kanya yung cellphone ko. Kinuha naman ni Hoshi ang cellphobe ko tapos pumwesto siya sa harapan. Pinindot niya na rin yung remote para magstart ang music. Inalala ko lahat ng mga tinuro ni Hoshi sakin. Mabuti nalang talaga at sinamahan niya ako ngayon. Tinuruan niya ako sa bawat step na nahihirapan ako. Inimagine ko na nasa stage ako. Pakiramdam ko nga parang may kung anong pumapasok sa katawan ko kapag nagpeperform ako. Binibigay ko lahat ng makakaya ko. Nung natapos na yung kanta,nagpunta ako agad sa tabi ni Hoshi. Hingal na hingal pa ako at nanginginig na yung mga binti ko dala na rin siguro ng pagod. Maghapon ba naman akong sumasayaw. "Kamusta?" Nag thumbs up siya sakin at binigay ang cellphone ko. "Okay na. Nakuha mo na lahat ng mga tinuro ko. "-Hoshi "Salamat. Mamaya ko nalang siguro papanoorin to. Ano nga pala gusto mong kainin?" "Hmm. Kahit ano nalang siguro. Ikaw na bahala."-Hoshi "Okay na isang pirasong lollipop?" "Ehhhh."-Hoshi "Sabi mo kasi kahit ano e. " Pero sa totoo lang, kanina pa ako umorder ng chicken at ramyeon. At sakto namang nagtext na yung nagdedeliver. "Okay. Nandito na yung lollipop mo." "Seryoso ka Shyne??"-Hoshi Tumayo na ako at tinawanan ko lang siya. Yung mukha niya parang nagsisisi na sinamahan niya ako dito hanggang hatinggabi. Pagkakuha ko ng orders,bumalik na ako sa pwesto namin kanina. "Hay akala ko lollipop lang talaga inorder mo."-Hoshi "Oo nga. Lollipop sayo. Sakin tong mga to." Tiningnan niya lang ako. Nakakatawa talagang inisin to e. "Joke lang. Hahaha. Eto yung sayo. Salamat ha." "Bwisit ka talaga. Hahaha."-Hoshi Kumain nalang kami at nagpahinga bago kami bumalik sa dorm. Dahan dahan pa kami dahil kapag nagising si Cheol lagot kaming dalawa. Paalam ko kasi hanggang 9pm lang kami, e anong oras na. Nagpalit nalang ako ng damit at nahiga na ako hanggang sa nakatulog na ako agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD