Five

1521 Words
"HI THALIA"nakangising bati sakin ni Gardo. Isang retired teacher na tumandang binata dahil sa pagkahumaling niya sa pagtuturo noon. Huli na ng napansin niya 65 na pala ito at wala pa ding asawa. Pero ngayon 76 na siya, matandang hukluban na. Nakangiwi ko naman siyang nginitian. "Naligaw kayo ng landas...ay napadaan po kayo dito Manang Gardo"aniko naman. Tumawa siya ng malakas, ung kita ang gilagid niya pati ngala-ngala. Hay wala pa naman siyabg ngipin. "Manang Gardo, bakit po wala kayong ngipin? Baby pa po ba kayo?"ibosenteng tanong naman ng anak ko. Nagpipigil lang ako ng tawa, kasi nakakahiya naman sa kaharap. Huminto naman sa pagtawa ai Mang Gardo at pinakatitigan ang anak ko. "Alam mo bata, gusto na kita. Tawagin mo nalang akong papa Gardo...Thalia itong anak mo matalino ano, alam niya ang mga baby face"sabi pa ng matanda. Hindi naman ako makapaniwalang tinitigan siya. Kapal ng mukha. Baby face? Eh isang uod nalang hinihintay nito lalarga na siya. "Hay, Manong Gardo hindi naman po kayo mukhang baby. Wala lang po kayong ngipin pero mukha na po kayong kulubot po na naging tao po"sabi ng anak ko bago tumakbo palayo samin. "Dark!"tawag ko dito. "Magbebenta lang po ako ng sampaguita nay"hiyaw nito. Nakita kong sumama siya sa mga kakilala ko ng mga kabataan dito sa palengke. "Hoy, Susi pakitignan si DS ha"habilin ko pa sa isang batang kasama ni Dark. "Opo ate Tata" Pagharap ko naman sa kausap ko hindi na maipinti ang mukha niya. "Pagpasyensiyahan niyo na po si Dark mang Gardo. Mukhang nahahawa sa mga kalaro niya nagiging mauyaw"alanganin kong turan. Huminga ito ng malalim. "Hayaan mo na, bata pa naman. Kapag pumayag ka bg magsama tayo ay pangangaralan ko nalang ang anak mo" Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Kung utak lang ang paiiralin ko malamang pinatos ko na ito. Walang maghahabol na kamag-anak kapag nadedo na. May pera pa sa bangko magiging bahay ko pa ang bahay niya na may kalakihan ang tapos. "Mang Gardo kasi..." "Hindi ako magsasawang ayain kang makisama sakin. Unang kita ko palang sayo minahal na kita. Wag mong isipin ang sasabihin ng mga tao sayo. Aalagaan ko kayong mag-ina"pigil pa nito sa ibang sasabihin ko. Natahimik nalang ako. "Hindi naman na importante sakin ang estado sa buhay. At kung ano ang nakaraan mo, ang mahalaga ung pagsasamahan nating dalawa"dagdag pa nito. Mas napangiwi ako, so ang lagay eh hindi ako bagay sa kanya kasi dalagang ina ako ganon ba. Tapos siya may kaya at may natapos. Wow naman itong matandang ito. Lakas mantrip. Buti nalang biglang dumagsa ang mga mamimili naitaboy ko din siya. "Ang lakas ng tama sayo bg matandang iyon, Tata"sabi pa ng katabi kong tindera din. "Feeling masyado"sabi naman ng isa pa. "Hayaan niyo na, matanda na kasi"sabi ko nalang. Buong maghapon akong nagtinda, pabalik balik naman ang anak ko sa tabi ko kapag namimiss ako. "Nay, ilan na po ang ipon ko?"tanong niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maawa. Kasi ang bata pa ng anak ko pero mulat na sa hirap. Sa ngayon hirap akong makahanap ng matinong trabaho. Kasi ang gusto na sa mga mall ay ung dalaga. Dalaga pa naman ako pero dahil sa hirap ng buhay wala akong pangporma na pandalaga. Mas uunahin ko na ang kailangan ng anak ko kaysa sa luho ko. Tapos kapag sinabing dalaga iyong walang sabit talaga. Ako kasi may anak na, pero dalaga pa din. Kaya ayon wala akong mapasukan. Wala naman akong ibang makitang trabaho na pwede sakin bukod sa saleslady. "Mamaya bilangin natin pagkauwi natin sa bahay"sabi ko lang sa kanya. "Tsaka mamang maliit ko, wag ka ng umalis sa tabi ko at uuwi na tayo"bilin ko pa. "Pero nanau, ngayon ko po makikita ulit ung matandang Ale na nagbigay ng mga sampaguita sakin" Paglingon ko sa kanya nakakunot ang noo niya. Kapag ganito na itsura ng anak ko masasabi kong di ko talaga siya kamukha. Sa tatay siguro. "Sige, pero sasamahan kita" Magkatulong kami na nagligpit ng mga paninda namin. Paalis na kami ng biglang nagkaroon ng raid o yong parang clearing operation. Buti nalang nakapagligpit pa kami ng anak ko kaya mukhang namalengke lang kaming mag-ina kaya di kami nakuhanan ng mga paninda. Kaso nga lang iyong pinupwestuhan namin giniba na. At bawal na kaming bumalik doon. Pagdating naman sa bahay namin walang kuryente. Naalala ko hindi pa nga pala ako nakapagbayad ng kuryente namin. Kulang kasi ang pera ko na pambayad. "Nay, wala pong ilaw po?"tanong pa ni Dark. "Dinner with candle light tayo ngayon anak. Sosyal ano anak"biro ko nalang sa kanya. Tumawa naman ito sabay angat ng kamay na nagpapabuhat na naman. "Nak, may bitbit pa po akong mga paninda" Napakamot naman sa ulo ang anak ko. "Nay, paano na tayo magtitinda?"tanong anak ko ng nasa bahay na kami. Hindi ko din alam kung paano. "Bukas anak maghahanap ako ng bago mapupwestuhan"sagot ko nalang. Naghahanda na kami para kumain ng biglang may naalala ang anak ko. "Nay, hindi natin napuntahan po ung matandang Ale"sabi ng anak ko habang nanlalaki ang mata at ilong niya. Ginulo ko naman ang buhok niya. "Hayaan mo bukas hahanapin natin siya. Mamang maliit ko ang haba na ng buhok mo papagupitan kita bukaa ha"puno ko naman dito. Umiling siya habang sumusubo ng pagkain. "Wag po muna nanay, kapag papasok nalang po ako ng school. Di ba po papasok na ako ng school po"sahi nito. Kitang kita ko kung paano kuminang ang mata niya habang sinasabi ang pagpasok niya sa school. "Oo naman po mamang maliit ko. Papasok ka na school sa pasukan"sang-ayon ko. Pumapalakpak pa siya habang tumatawa. Kinaumagahan hindi muna namin dala ang mga paninda namin. Wala kasi akong siguradong mapupwestuhan. Magtitingin muna kami. "Naku Tata, wala ng kabuhayan natin. Nagpadala pa sila ng mga magbabantay kung may babalik sa bangketa, at magtitinda"reklamo ng isang kasamahan. "Maanong inilipat nalang nila tayo ng maayos hindi iyong basta nalang silang pupunta dito at gagawin iyan pagpapalayas satin"ani pa ng isa. "Nay, paano na po tayo magtitinda po?"nakatingala pa siya sakin habang nagtatanong. Ano ba iyan malas. "Bahala na anak" Umuwi nalang kami wala din naman kasi kaming mapapala, pero ganoon nalang ang gulat ko ng makitang nagkaroon ng gulo sa amin. "Aling Tekla anong nangyari dito?"takang tanong ko sa kapitbahay ko. Madaming tao sa labas, karamihan mga lalaki at mukhang nasabak sa gera ang mga itsura. "Pinapalayas na tayo dito Tata" Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. Ang tagal na naming nangungupahab dito. Simula ng magawi kami dito sa Manila dito na kami nakatira. Dali-dali kong pinuntahan ang land lady ko para tanungin. Pero pagdating namin ng anak ko sa bahay nito, laking panlulumo ko ng makitang nagsisimula ng maggayak ang nga ito ng gamit. "Ate Cecil" "Oh, Thalia. Nabalitaan mo na siguro"malungkot siya habang nagsasalita. Hindi ko na kailangan na magtanong pa. Sapat na ang sinabi niya para maintindihan ko ang sitwasyon namin. Bagsak ang balikat na umuwi kaming mag-ina. Binigyan lang kami ng dalawang araw para umalis sa mga bahay bahay namin. "Nay tubig po"inabot sakin ni Dark ang isang basong tubig. Ay hindi pala isa kalahati lang. "Nak bakit kalahati lang?"taka ko namang tanong. "Eh kasi po nay, wala na din po tayong tubig na pang-inom po. Nauhaw po ako kaya ininom ko ung pong kalahati po"paliwanag nito. Naawa ako sa kalagayan namin. Paano nalang kapag umulis na kami sa bahay na ito saan kami pupuluting mag-ina. "Sige anak, inumin mo na ito hindi naman nauuhaw si nanay"balik ko sa kanya ng baso. "Salamat po nay"sabi nito sabay tunga ng baso. Kinuha ko ang wallet ko at sinilip ang laman. Malalim lang akong napahinga. Meron lang akong kulang kulang walong daan sa wallet ko. Saan kami pupulutin ng anak ko nito. Kung bakit naman kasi nagkasabay sabay ang lahat ng problema ko. "Nay iyong ipon ko po. Gastusin na po natin" Nang tignan ko ang anak ko nakatitig din siya sa wallet ko. Tangan-tangan na niya abg alkansya niya na matagal na niyang hinuhulugan. "Hindi anak, pambili mo iyan nung sasakyan na de remote di ba? Kaya ka bga nag-iipon para doon. Wag mo bg intindihin ang nanay ha." Ibinaba niyaa ng hawak na alkansya at nagpakandong sakin. Agad niya akong niyakap. "Nanay kong sexy, hanggat wala po akong tatay na pogi ako na po muna bahala sayo nay. Dapat po talaga lumaki na po ako para makatrabaho po ako para bibigyan po kita ng madaming pera po nanay kong sexy"lambing pa niya. Naiiyak naman ako habang sinasabi niya iyon. Hindi naman lihim sa anak ko ang nangyari kung paano ko siya ginawa. Kaya alam niyang malabong makilala niya ang tatay niya. Kaya iyong ainasabi niyang tatay na pogi iyon ang lalaking tatanggap sakin, samin ng anak ko kung meron man. "Naku itong mamang maliit ko talaga kaya mahal na mahal kita eh. Hindi ko na kailangan humanap ng tatay mong pogi, ikaw lang okay na sakin"pinaghahalikan ko siya na ikinahagikgik naman niya. Nagkulitan nalang kaming mag-ina sa buong maghapon. Bakas nalang namin poproblemahin ang malilipatan namin. Pero malamang wala kaming malilipatan kundi sa bangketa lang. ...............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD