four

1661 Words
"PAANO KA NA niyan Tha?"nag-aalalang tanong ni Bebang. Kausap ko siya ngayon pagkagaling ko sa medical kong sablay tinawagan ko siya agad. "Hindi ko nga alam Bebs"naiiyak ako. Bakit ang malas ko sobra. "Ung tatay ng anak mo? Asan siya, sabihin mo nabuntis ka niya para may katuwang ka" Hindi ko alam ang isasagot ko. Kasi hindi ko naman alam kung sino ang tatay ng anak ko. "Thalia" Napatingin ako sa screen ng cell phone ko. Nakatitig sakin si Bebang. "Bebs, di ko kilala ang tatay nitong batang ito"nahihiya kong sagot. Napakalaking kagagahan ko naman kasi, bakit ako nagpagalaw sa isang lalaking di ko naman kilala. "Hay naku Tata, gumaya ka pa sakin, kaibahan lang natin ako kilala ko ang tatay ikaw naman hindi. Andyan na iyan, wala na tayong magagawa kundi ang buhayin ang bata. Magpapadala ako Tha, panggastos mo habang nagbubuntis ka" Agad akong napailing sa sinabi niya. "Bebs, ako na bahala sa sarili ko. Mag-ipon ka nalang dyan para pag-uwi mo dito donya ka na. Wag kang mag-alala sakin may ipon pa naman ako"tanggi ko sa sinabi niya. "Naku, Thalia Marquez ikaw na babae ka sakin ka pa nahiya. Samantalang kilalang kilala na natin ang isa't isa. Basta papadala ako para sa anak mo hindi sayo"natatawang sabi nalang ni Bebang. Madaming bilin si Bebang sakin. Mga bilin niya na galing sa sariling experience niya. Ingatan ko daw ang sarili ko para hindi mawala ang baby ko. Gagawin ko naman iyon sa abot ng makakaya ko. Nanditi na eh, anak ko na ito. Dugo at laman ko na ito kahit di ko kilala ang tatay niya. SA UNANG TATLONG buwan mula ng malaman kong buntis ako wala akong ibang ginawa kundi ang mahanap ng trabaho at maghanap din ng tatay ng anak ko. Pilit kong binalikan ang Bar kung saan kami nagpunta ng birthday ko. Pero di naman ako makapasok kasi wala akong pera. Isa pa masama para sa anak ko kung papasok ako sa loob. Tapos ung lugar kung saan kami nagstay ng magdamag. Di ko na maalala, alam ko hotel iyon kaya wala din akong mapapala kung sakaling bumalik ako doon. "Thalia, magbayad ka naman na ng renta mo utang na loob naman"pakiusap ng land lady ko. "Ate Cecil, wala pa kasi akong pera ngayon. Alam niyo naman na wala pa akong nahahanap na trabaho. Bigyan niyo pa po ako ng konting palugit"pakiusap ko naman. "Si Bebang bakit di na aiya nagpapadala sayo? Hingan mo siya ng pambayad ng renta mo habang wala kang trabaho. Hindi lang naman ikaw Thalia ang may kailangan ng pera. Kailangan ko din ng pera"sabi pa nito bago ako iwanan. Napahinga naman ako ng malalim. May hawak akong pera, pero nilalaan ko ito sa panganganak ko. At ai Bebang minsan lang siyang nagpadala, gaya ng sinabi niya. Nawalan din ako ng communication sa kanya. Biglang nagdiactivate ng social media account ang bruha. Wala namang kaso sakin iyon ang iniintindi ko lang baka kung napaano na siya doon sa ibang bansa. Hindi ko iniisip na iniwanan niya ako sa ere. Kasi hindi naman ako obligasyon ni Bebang. Nahimas ko naman ang malaki ko ng tyan ng bigla nalang itong humilab. "Gutom ka na ba anak?"kausap ko naman sa kanya. Kahit na hindi niya ako naiintindihan. Magpipitong buwan na ang tyan ko ngayon. Mahigit dalawang buwan nalang makikita ko na ang anak ko. Natatakot ako na excited. Natatakot kasi hindi ko alam kung papaano ko siya bubuhayin ngayon. Wala akong trabaho, paubos na ang ipon ko. Excited kasi gusto ko ng malaman kung sino kamukha ng baby ko. At hindi naman ako papayag na hindi ako ang kamukha ng anak ko. Ako naghirap sa kanya ng ilang buwan. Napahinga nalang ako ng malalim habang nakatitig sa pagkain na nakahain sa hapag kainin ko. Kanin at sardinas. "Anak, sorry ha kailangan ni nanay na magtipid tsaka ka na mag-ulam ng masarap kapag nakalabas ka na aa tyan ko" Para akong timang na palagi kong kinakausap ang tyan ko. Mabilis na lumipas ang buwan, kabuwanan ko na. Iyong ipon ko ipinang negosyo ko ng kaunti sa palengke malapit samin. Umaangkat ako ng gulay at kaunting prutas para ilako. Kahit maliit ang tubo at least kumita ako. Kahit papaano nakakapag-abot na ako sa land lady ko. Kahit malaki na ang tyan ko kailangan kong kumayod para sa anak ko. Kung wala akong gagawin mamatay lang din kami ng anak kong tirik ang mata sa gutom. "Tata, gabi na di ka pa uuwi?"tanong ni Aling Haneng. Kasama kong nagtitinda sa palengke. "Pauwi na din Ate Haneng" Nagliligpit na ako ng mga paninda ko. Iniuuwi ko pa kasi ang mga ito at wala naman akong pwesto dito. Nakikipwesto lang ako sa mga tindera dito. Habang bitbit ko ang dalawang supot ng paninda ko at nakaipit naman sa kilikili ko ang bilaong dala ko nakaramdam ako ng paghilab ng tyan. "Gutom ka na 'nak?"kausap ko na naman sa anak ko. Medyo malayo pa ang lalakarin ko. Madilim pa sa iskinitang nilalakaran ko kaai nagshort cut ako pauwi samin. Dahil sa pagtitipid ko nilalakad ko lang ang bahay ko kapag hapon o kaya gabi. "Aray, anak gutom lang. Makasipa ka naman wagas"reklamo ko ng muling humilab ang tyan ko. Nakadalawang hakbang pa ako mula ng humilad ang tyan ko ng maramdaman kong parang may tubig na umagos mula sa pwerta ko. Pagtingin ko sa paanan ko basa na nga. Kasunod noon ang hindi ko maipaliwanag na sakit. Para akong matatae na hindi. Feeling ko din mabibiyak ang p********e ko sa sobrang sakit. Tapos ung balakang ko parang pinagpapalo sa sakit. Puro nalang sakit ang nararamdaman ko. "Anak, wala ka namang piniling lugar. Bakit dito pa sa walang katao tao mo gustong lumabas"reklamo ko na naman. Naibaba ko ang mga paninda ko at napaupo ako sa sakit. Habang paulit ulit akong humihinga ng malalim inilabas ko ang cell phone ko mula sa bulsa ko. Tatawagan ko ang service kong tricycle kapag umaga. Siya nalang kasi ang aasahan kong magdadala sakin sa ospital ngayon. "Hello Amboy, pwede mo ba akong puntahan dito sa may iskinita na dinadaanan ko pag pauwi ako. Mangangak na kasi ako pakibilisan mo lang please"pakisuyo ko naman. Narinig kong nataranta ang binatilyong tricycle driver sa kabilang linya. Di ko na iyon pinansin pa, kasi humilab na naman ang tyan ko kasunod noon parang may gusto ng lumabas sakin. "Ahhh!"daing ko. Dali-dali kong hinubad ang pang-ibaba ko ng muli naramdaman kong may lalabas na sakin. Pagkatungo ko kita ko na ang ulo ng anak ko. Agad ko siyang sinapo at hinala palabas sakin. "Ang baby ko"umiiyak kong niyakap ito. Napatingala ako sa kadiliman ng gabi mga bituin sa langit lang ang naging saksi ng pangangak ko. "Nay, lalo ka na. Nakikita mo ba kami dyan?"umiiyak kong kausap sa nanay ko. FIVE YEARS LATER... "Dilim, asaan ka bang bata ka?"hiyaw ko sa anak ko. Gabi na naman, pauwi na kami sa bahay namin pero hindi ko makita ang magaling kong anak. "Dark Sky Marquez, kapag hindi ka pa nagpakita saking bata ka iiwanan kita dito."banta ko sa anak ko. Pero joke ko lang iyon, hindi ko naman kayang gawin iyon sa anak ko. Mahal na mahal ko kaya ang bubwit na iyon. "NAY!"sigaw niya. Nagpakita din sa wakas, may bitbit itong kumpol ng sampaguita. "Saan mo nakuha iyan?"takang tanong ko sa kanya. "Nay, may matandang ale na nagbigay sakin nito. Benta ko daw ng limang piso ang isa. Tapos sakin na daw po ung kita. Kapag naubos balik daw ako sa kanya"masayang paliwanag naman niya. Ako naman napakunot ang noo. Ang bait naman ng Ale na iyon, parang hindi naman totoo. "Ikaw na bata ka kung kani-kanino ka nakikipag usap. Sabi ko naman sayo wag kabg basta basta lalapit kahit kanino"sermon ko sa anak ko habang inaakay ko siyang pauwi. Nagtitinda pa din ako sa palengke. Pero dahil sa taas ng renta sa mga pwesto hindi ako makapagpalaki ng bentahin ko. Kaya sa bangketa lang kami nagtitinda ng anak ko. "Anak, sa susunod wag kang basta basta lalapit sa kung sino. Baka mamaya kunin ka nila ang gwapo mo pa naman baka gawin ka nilang artista paano na si nanay mo niyan"sermon ko pa din sa anak ko ng nakarating na kami sa bahay. Nakasimangot naman siyang nakatitig sa sampaguitang isinabit ko malapit sa bintana namin. "Eh nanay, mukha naman pong mabait ung Ale. Sabi niya po kapag naubos ko ubg sampaguita akin na daw po ung napagbilan. Tapos po kapag nakita ko po siya ulit po pwede po akong kumuha ulit sa po sa kanya po"ulit niya sa paliwanag niya kanina. Para pa akong nahilo kasi habang nagsasalita siya panay ang kumpas ng kamay niya. "Mamang maliit ko, kahit na mukhang mabait dapat tinawag niyo pa din po ako. Para naman po makilala ko po ang sinasamahan niyo po. Naiintindihan niyo po ba ai nanay, mamang maliit ko" Tumawa naman siya sabay talon papunta sakin. Buti nalang sanay na ako sa ugali niyang patalon na magpapakarga. Ang bigat pa naman ng anak ko at healthy siya, di siya mataba ha healthy lang ang anak ko. Kundi matigas ang tuhod ng magbubuhat sa anak ko naku malulumpo sa sobrang healthy niya. Natutuwa kasi ang anak ko kapag tinatawag ko siyang mamang maliit. Kapag natuwa naman ganito ang gagawin niya tatakbo sabay talon dapat masalo mo kundi magtatampo siya. Ang mahal pa naman niyang amuhin. Kailangan ko ng chocolate sangkaterba at kung papalarin dapat may jollibee din o kung anong pwedeng makain na hindi niya madalas kainin. "I love you po nanay kong sexy"sabi niya habang panay ang halik sa buong mukha ko. "Oo, alam ko mahal din kita mamang maliit ko, tama na sa halik baka wala ng mukha si nanay. Sayang ang ganda ko kung mapupudpud lang at mapupunta sa nguso mo anak"tumatawang saway ko naman. Kahit kami lang masaya naman kami. Naghihirap kasi walang matinong pinagkakakitaan pero kahit ganoon mukha naman napapalaki ko ng maayos ang anak ko. ..............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD