three

1875 Words
"OY! MAMAYA ha, kayo na bahala maghanap ng Bar. Pero hindi sky is the limit ha. Alam niyo naman limited ang budget"habilin niya sa mga kaibigan at katrabaho niya. "Happy Birthday nalang bakla, di ako makakasama mamaya at may sakit ang anak ko"si Niña. "Nalungkot naman ako, kala ko kompleto tayo" Ilan lang naman ang kaibigan ko, tapos wala pa ang best friend ko. "Sorry, alam mo naman di natin alam kung kailan magkakasakit ang mga bata" "Wag ka ng malungkot kasama naman ako"singit naman ni Cielo. "At ako din"ani Jobert. "Sasama din natin si Crush"bulong ni Cielo. Napailing nalang ako, wala naman akong gusto sa sinasabi ni Cielo. Pero kung makacrush wagas na kala mo talaga ako ang may gusto. If I know siya lang naman ang may gusto doon. "Crush mo"ganting bulong ko naman. Namula ang pisngi niya so confirm. Hay ako talaga ang pinagsangkalan niya. "Ingat ka sa pag-inom mamaya baka mabutas ang maria mo ni crush ikaw din"babala ko pa sa kanya. Magrereact pa sana siya sa bulong ko kaso lang dumating na si Crush niya. "Magtrabaho na tayo, para maaga tayong makapag-out"nakangiting bungad ni Luis. Tumingin ito sakin sabay ngiti ng pagkatamis tamis. "Hi Thalia. Happy birthday"bati niya sakin. Gwapo naman siya sa paningin ko. Kaso lang di ko type ang mga good boy image. Gusto ko ung mga bad boy ung tipong nangbubugbog sa kama. Pangiti ako sa naisip ko. "Salamat sir Luis, sama ka mamaya may konti happy happy lang sa bar. Si kuya Jobert ang taya"biro ko. "Anong ako, ikaw Tata kung ako naman pala sasagot ng birthday mo wag nalang akong sumama. Mas gustong sumisid sa ilalim ng palda ng asawa ko kaysa malunod sa alak na ako ang magbabayad"reklamo agad ni Jobert. Nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi niya. "Ikaw, hindi ka na mabiro kuya"natatawa ko pa ding sabi. "Lilinawin mo bunso"sarkastikong sagot niya "Sige, simulan na natin ang trabaho. Para matagal tagal ang happy happy natin. At oo Thalia sasama ako mamaya. Di ko palalampasin ang birthday mo"anito bago ngimiting muli. May iba sa ngiti niya pero di ko nalang pinansin. "KONTI NALANG maiinis na ako kay crush"gigil na turan ni Cielo. Nasa Bar na kami, ang sosyal ng lugar. Iba talaga mga taste ni Jobert. Parang mayaman kahit na dukha din naman gaya ko. O baka kasi libre lang kaya dito niya kami dinala. Libre siya dahil ako nagbayad ng entrance. Kasakit nga sa bulsa, entrance palang libo na binayaran ko. Lalagnatin ata ako bukas, tapos magkaka-cancer ang bulsa ko sa gastos. "Bakit kasi di ikaw ang pumorma, hinahayaan mo lang ung mga higad ang lumapit"sagot ko naman. Nasa dance floor na kasi sila Jobert, Luis at Nikka isa pang kaibigan ko. "Ayoko, dalagang pilipina ako"nakangusong sagot ni Cielo. Lihim naman akong natawa sa sinabi niya. "Okay, bahala ka ikaw din" Natahimik kaming dalawa kahit na maingay sa loob. Naisip ko bigla si Bebang. Mas masaya siguro kung kasama ko siya ngayon. 'Hey birthday girl, tara sumayaw"aya sakin ni Luis. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya. Paglingon ko nga nagulat pa akong siya na ang katabi ko at wala na si Cielo. At ayun ang dalagang pilipina kong kaibigan nasa gitnang dance floor kulang maghubad mukha ng agogo dancer sa isang patay sinding club. "Ayoko, parehas na kaliwa ang paa ko sir Luis."magalang na sagot ko. Mas lumapit siya sakin at halos kumandong na sakin "Wag mo ba akong tawaging Sir, Luis nalang o kung gusto mo babe nalang I don't mind"bulong niya. Kinilabutan akong bigla sa sinabi niya. Ngayon iba na pakiramdam ko sa kanya. At alam ko na ngayob kung bakit ganon siya makatingib sakin kanina. "Lasing ka na ata sir, pahinga ka na muna"sagot ko habang lumalayo sa kanya. Pero hindi ako nakalayo dahil bigla siyang umakbay sakin. "Sir ung kamay niyo, medyo naligaw ng landas"bulong kong alanganin. Nakangiwi na nga ako hindi nakangiti sa kanya. Tumawa siya, siguro nga kung ganito ang type kong lalaki baka naakit na ako sa tawa niya pero wala talaga. "Alam mo bang dahil aa mga banay mong ganyan kaya gusto kita. Wala ka namang boyfriend Thalia, baka pwedeng umiskor sayo"aniya na tumatawa. Kunwaring nakitawa naman ako sa kanya. Mas naturn off ako sa kanya. Isa siyabg goodboy na may tinatagong landi sa katawan. Ayoko ng ganon, parang nasa loob ang kulo. "CR lang ako sir, tuloy nalang natin kwentuhan mamaya"pag-iiba ko ng usapan. Kahit na hindi ako naiihi, nagpunta pa din ako ng banyo. Pagdating ko doon ang daming nakapila. Di ako pumila pumasok ako aa loob at nagretouch nalang. Pagbalik ko kompleto na sila sa lamesa namin. Masayang nag iinuman. "Oh nandyan na pala ang birthday girl natin. Tagay mo Tata"eksaheradang sigaw ni Jobert. Napailing naman ako. "Jobert, yuck! We're here kaya sa Classy bar then tagay like the"reklamo naman ni Nikka. Wala namang pumansin samin kaya okay lang. Naupo ako sa tabi ni Cielo. Katapat ko si Luis, tumabingi na naman ang mukha ko sa lagkit niyang tumingin. Ito namang katabi ko parang kitu-kiti. Akala siguro siya ang tinitignan ng ganon. "So, Thalia because it's your birthday wala namang problema kung iinumin mo ito brandy lang naman iyan makakapasok pa tayong lahat bukas ng maaga"ani Luis na nakatitig sakin. May inabot siyang baso ng alak. "C'mon drink it. Wag mo naman akong ipahiya"pang eengganyo pa ni Luis. Di talaga ako umiinom ng hard drinks. Puro ladies drink nga lang ang iniinom ko simula pa kanina. Pero dahil sa sinabi niya pikit mata kong ininom ang bigay niya. Ang pait na tapos para pang blade na gumuhit sa lalamunan ko. "Good girl"sabi pa ni Luis na pumalakpak pa. Nagkibit balikat nalang ako at nakipagkwentuhan na sa mga kasama namin. HILONG-HILO na ako, pakiramdam ko nga para akong nakasakay sa barko. Na ang lakas lakas ng alon kaya para akong dinuduyan. Birthday ko ngayon. At dahil ikadalawampung taon ko na ngayong araw galante ang lola niyo. Nilibre ko lang naman ang mga kaibigan ko sa isang bar. Na heto nga lasing na ata ako. O hindi ata, kasi lasibg na talaga ako. Wala na akong maintindihan sa paligid ko. Basta ingay, madilim, mausok at mas dagdag sa hilo ko ang patay sinding ilaw na iba iba ang kulay. "Thalia, okay ka lang ba?"naintindihan ko naman ang tanong ni Jobert kaibigan ko pero di ko alam kung nasagot ko ba siya ng maayos. Tumayo ako, alam kong nagsasalita ako pero bakit parang hindi ko maintindihan ang sarili ko mismo. Basta naglakad nalang ako, may pupuntahan ako na hindi ko alam. At habang naglalakad ako mas lalong pakiramdam ko umiikot ang paningin ko at mas lalong umaalon ang paligid ko. "Ops!" Napapikit nalang ako, may nabangga ako at alam ko mapapaupo ako sa sobrang lakas ng pagkakabangga ko dito. Pero wow, pagmulat ng mata ko nakakita ako ng angel. "Patay na ba ako?" Nakita kong ngumiti siya, and shocks ang gwapo niya. Sandali lang ung panty ko di ako sure kung bago ang naisuot ko. Parang biglang lumuwag ang garter nito at mahuhulog na yata sa sahig. "Are you okay miss?"tanong nito. Tinitigan ko siya, unknowingly napahawak ako sa pisngi niya. "Ang gwapo mo naman, nalaglag tuloy panty ko sayo" Timawa siya at s**t, di lang panty ko ang gusto akong iwanan. Pati na ata buong damitan ko ayaw na sakin. Ultimo ulirat ko papanawan na din ako ng dahil sa gwapong nilalang na ito. "You want to come with me, let us see if you really have your panty on"sabi nito na tinanguan ko lang. Bago niya ako buhatin hinalikan niya ako sa labi. Tumitirik ang mata ko, nagkakanda duling-duling ako sa pagsipat aa mukha niya habang magkalapat ang mga labi namin. "Hmmm taste like honey"bulong pa niya sakin bago niya ako buhat. Simula noon hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Para akong nakalutang sa ere habang kasama ko siya. Iyon nga para kasing angel ang mukha niya kaya feeling ko nasa cloud nine ako. Panay lang ang biling at halinghing ko habang kasama ko siya hanggang aa napagod ako at nakatulog. ANG ULO KO parang gusto ko ng alisin sa katawan ko sa sobrang sakit nito. Paggising ko iyon agad ang naramdaman ko, sunod ang lalamunan kong tuyong tuyo na parang hinihiwa ng blade kapag lulunok ako. Tatayo na sana ako para pumunta ng kusina para uminom ng tubig ng mapansin ko masakit si Maria. Hindi sakit na nireregla ako. Masakit siya na parang dinaanan ng pison tapos tinapak-tapakan pa na tinusok tinusok din. Nang sisilipin ko si Maria nanlaki ang mata ko ng makitang wala akong kahit na anong saplot sa katawan. At ang kawawang dibdib ko, pinaulanan ng tsikinini. As in tadtad ever. Nang igala ko ang paningin ko, hindi ko alam kung nasaan ako. Kung kaninong kwarto ito, sa takot ko naman tumayo na ako at nagbihis. Kahit panay ang daing ko dahil masakit si Maria minadali kong magbihis at umalis sa lugar na ito bago pa ako abutan ng kung sinong may ari ng kwartong ito. Paglabaa ko ng kwarto doon ko lang nalaman na hindi pala bahay ito, malamang hotel ito. Sa dami ng pinto na nadaanan ko pati elevator aigurado ako hotel ito. Pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang lugar na ito ang mahalaga makaalis ako dito. Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas na ako ng mapayapa at walang nakakita sakin. Paglabas na paglabas ko sa gate takbo ang ginawa ko para makalayo agad. Tsaka ko na iintindihin si Maria na nagrereklamo dahil sa pagtakbo ko. NAKATULALA lang ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Maiiyak ba ako o matatawa aa nangyari sa buhay ko. Tatlong buwan mula ng birthday ko. Nag-apply ako ng sales lady sa ibang bansa. Sa Dubai kung nasaan si Bebang. Pero medical pa lang ako sablay na. Buntis daw kasi ako. Ang masakit pa noon nagresign na ako sa trabaho ko kasi sigurado na nga ako na mag-abroad na. Tapoa ganito pa nangyari sakin. Ang saklap ng life ko. Saan ko ngayon hahanapin ang lintik na mukhang angel na bumasag sa katahimikan ni Maria ko. Nag-iwan pa ng souvenir sakin any walang hiya. "Kainis naman, mapapatay ko talaga ang Luis na iyon"gigil kong sabi. Naiiyak na din kasi ang pangit ng kinahantungan ko. Nang dahil sa lokong Luis na iyon ang biro ko kay Bebang nangyari. Nalaglag ang panty ko ng birthday ko. Hindi ako nalasing ng gabi ng birthday ko kundi nadrugs ako. Ang walang hiyang Luis na iyon umamin siya na kasalanan niya iyon. Nalasing na din daw kasi siya kagabi at nagtake din siya ng s*x drugs para daw saming first night. Langya nagkanda letse letse kami ng dahil doon. Ang natake-out niya si Cielo. Na ayun buntis din kaya pinakasal sila ng wala sa oras. Buti sundalo ang kapatid kaya nashot gun wedding ang loko. Buti sila maayos kahit papaano. Ako? Paano ako ngayon niya? Ni hindi ko alam kung saang lupalop ko hahanapin ang tatay ng anak ko. "Nay, binatukan mo nalang sana ako sa kagagahan ko para nagising ako. Kainis naman mana talaga ako sayo. Maluwag ang garter ng panty"kausap ko sa nanay ko. Nakatingala pa ako sa langit para bang nakikita ako ng nanay ko ngayon. ..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD