two

1338 Words
NAKATUNGANGA LANG si Bebang habang ako naman nag-iisip ng pwede naming pagkakitaan ngayon. Natapos na kasi namin ang part time namin sa may karinderyang malapit sa bahay ampunan kung saan kami nakatira. Part time lang kasi ung mga totoo serbidora doon umuwi lang ng probinsya para magbakasyon. Halos dalawang linggo lang kaming pumasok. "Tha, ilan na ipon mo?"tanong sakin ni Bebang. Paglingon ko sa kanya nakita kong hawak niya ang dalawang wallet niya. Maging ako din naman dalawa ang wallet ko. Ang isa ay para sakin at ang isa ay para sa bahay ampunan. "Ung pero ko talaga parang nasa anim na libo na ata. Ikaw ba?" Huminga ito ng malalim. Bago nakatulala na namang tinignan ang wallet niya. "Wala na akong ipon, Tata. Nagastos ko noong isang araw"malungkot na sagot niya. Sa gulat ko napalapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. May usapan kaming kapag nakaabot na kami sa edad na eighteen magpapaalam na kami kay Madam Soledad. Ang namamahala ng bahay ampunan. Magpapaalam kaming aalis na sa lugar na ito at tatayo na sa sariling paa. Kaya nga kami nag-iipon para kapag umalis kami dito may pera kami kahit papaano. Ung para sa bahay ampunan kusang loob lang namin na ibibigay iyon kapalit ng pagtulong nila samin ng libre. Pinakain, dinamitan, pinag-aral at pinatuloy nila kami ng libre sa loob ng ilang taon. Wala naman kasing nagtangkang umapon samin noon. Karamihan ng mga naampon ay mga baby o kaya ung mga batang wala pang kamuwangmuwang sa mundo. "Bakit saan mo nagastos?"gulat kong tanong. Doon para siyang maiiyak na ewan. Hanggang sa umatungal na siya ng unatungal. "Wala akong maintindihan aa mga sinasabi mo. Magkwento ka nga muna bago ka umiyak. Bigwasan kita dyan ng mas maiyak ka eh"inis kong saway sa kanya. Paano nagsasalita hababg ang lakas ng atungal niya. May maiintindihan ba ako kung nag-alien talk siya. "Bigwasan agad, di ba pwedeng yakapin mo nalang ako"reklamo naman nito. Napailing nalang ako sa kanya ang daming arte. "Sige na sabihin mo na kasi, ang arte" Huminga ito ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. "Buntis ata ako, Tata. Tapos ung ama ng baby ko iniwanan ako tangay lahat ng ipon ko. Pati ung ibibigay sana natin kila Madam Soledad naibigay ko. Ang sabi kasi niya maghahanap na siya ng matutuluyan namin tapos aayusin niya ung mga papeles namin para makasal na kami kapag nakapagpaalam na tayo dito. Pero isang linggo ko na siyang hindi nakikita simula ng ibigay ko sa kanya ung pera ko"kwento niya sa pagitan ng paghikbi niya. Napahinga nalang ako ng malalim. Malaking halaga ang nakuha sa kaibigan ko. Kasi ung para sa ampunan nalabg nagkakahalaga na iyon na kulang kulang sampong libo. Dagdag pa ang sariling ipon niya. Niyakap ko siya, pampalubag loob lang. "Hayaan mo na, hati nalang tayo sa ipon ko. Tsaka may tatlong buwan pa tayo bago magpaalam kila Madam Soledad. Babawasan ko nalang din iyong iaabot ko kay Madam Soledad. Di naman siguro siya magagalit"pagpapatahan ko sa kanya. Iyon na nga ang nangyari, wala na talaga ang lalaking nakabuntis kay Bebang. At oo nga pala kompirmado, buntis ang kaibigan ko. Dumatibg ang araw na pwede na kaming magpaalam na aalis na sa poder ng ampunan. Noong una ayaw kaming payagan. Ang sabi iba na daw ang magiging takbo ng buhay namin kapag nasa labas na kami ng ampunan. Alam naman namin iyon kasi malaya din kaming nakakarating sa kung saan dahil hindi naman naghigpit samin si Madam Soledas. Hinahayaan niya kaming mag-explore para sa sarili namin. Kaya nga nakakaraket kami ng kung ano-anong trabaho. Pero ng sabihin namin na may ipon naman kami at bibisi-bisita kami sa ampunan pumayag na din si Madam Soledad. Nabigla pa nga siya sa inabot kong sobre. Maliit na halaga man iyon kumpara sa lahat ng naitulong niya samin. Alam ko madaming bata na ang makikinabang doon. Na tulad ko dati na kailangan ng kalinga ng isang pamilya. "Saan na tayo ngayon niya. Tata?"tanong ni Bebang. Nakalabas na kami ng ampunan. Dala na namin ang tig-isang bag pack namin na nandoon ang lahat ng gamit namin. "Sa Manila, Bebs doon madaming trabaho. Malamay mo doon tayo swertihin"masayang sagot ko sa kanya. Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mata niya pero agad din naman niya akong sinang-ayunan. Kaya ng araw ding iyon lumuwas kami ng Maynila. Dala ang pangarap na isang araw makaahon naman kami sa hirap. ANG BILIS NG panahon. Mantakin ko bang nakadalawang taon na kami agad sa Maynila. Di man swerteng matatawag pero okay na din kahit papaano. Nakakakain kami tatlong beses sa isang araw at nabibili naman namin ang mga kailangan namin. Si Bebang, nangibang bansa. Tatlong buwan palang siya ngayon sa Dubai bilang sales lady doon. Nga pala ang pinagbuntis niya noon hindi nagtuloy. Kasi sa sobrang hirap naming mag-adjust sa Manila nakunan siya. Lungkot na lungkot kami noon. Kasi halos apat na buwan nalang manganganak na sana siya kaso nakunan pa siya. Excited pa naman akong maging ninang noon. "Tata, pwede mo bang saluhin ung shift ko bukas ng gabi. Birthday kasi ng tatay uuwi ako sa probinsiya namin kahit isang araw lang ako doon."pakiusap ng kasama ko sa trabaho. Sales lady din ako sa isang kilalang Mall dito sa Maynila. Eto lang kasi ang pwede naming pasukin dito dahil high school lang ang natapos namin. Sales lady kami ng mga damit. "Sige ba, pero may kapalit"nakangisi kong tugon. Tinaas-taas ko pa ang kilay ko sa kanya. "Hay naku, oo na pasalubong ng paborito mong pagkain. Ano na nga ulit kalamay ba na maraming latik"natatawa namang sagot nito. Niyakap ko naman siya, sabay bingisngis. "Alam ko na talaga ang favorite ko. Salamat in advance. Pero hindi iyon ang hihingin kong kapalit. Birthday ko na kasi sa isang linggo. Sama ka sakin sa Bar ha. Libre ko"lambing ko sa kanya. "Iyon lang naman pala, sige sasama ako libre mo naman pala" Nagtawanan nalang kami, maliit na bagay lang iyon pero saming mga mahihirap para na din kasing suntok sa buwan ang maglakwatsa. Sayang ang pera. Tapos ipang-iinom lang namin ng isang gabi. Nag-ipon talaga ako para dito, tapos ai Bebang nagpadala siya sakin pangbirthday ko daw so lakasan ng loob. Di naman siguro ako makakagastos ng isang daang libo sa araw ng birthday ko kung sakali. "ALAM KO Bebs, basta asahan mo bago matapos ang taon na ito na dyan na din ako"kausap ko siya sa Skype. Dahil na din sa pagtatrabaho namin nakabili na din naman kami ng cellphone namin na smart phone. "Sabi ko kasi sayo sabay na tayong mag-apply"sermon na naman niya. Tumawa naman ako, malay ko bang legit ang nag-recruit sa kanya. Wala man lang kasing matinong opisana ng minsan kong sinamahan si Bebang sa pag-aapply. Mas matino pang tignan ang apartment namin ni Bebang sa opisina nila. "Malay ko bang legit. Para kasing illegal miners ang itsura ng boss Nick mo. Tapos kung makatingin sa susu ko kala mo lalamunan na niya"natatawa ko pang biro. Pero halos totoo naman ang sinabi ko. "Illegal miners talaga? Ikaw naman kasi panay lamas mo sa dibdib mo noong bata pa tayo ayan tuloy ang laki"nakitawa din siya. Mas natawa ako sa sinabi niya. "Bakit ba, sa namiss ko nanay ko ng makita kong magkakasusu na ako" Nagtawanan lang kaming dalawa sa mga pinagsasabi namin. "Pero seryoso Tha, sumunod ka na sakin dito. Makakaipon tayong dalawa kung parehas tayong nandito"pangungulit na naman nito sakin. Tinirikan ko siya ng mata, pang ilang ulit na niyang sinabi sakin iyan. "Oo na nga Bebs, ako ng bahala okay. Aayusin ko iyan lahat. Pero unahin ko muna ang birthday ko. First time kong papasok sa isang Bar, Bebs"excited kong kwento sa kanya. Siya naman ang nagtirik ng mata sakin. "Ingat ka don Tha, madaming manyak sa ganon. Sige ka mamolestya si Maria mo doon"banta naman niya sakin. Tumawa lang ako ng malakas. "Sige lang Bebs, basta gwapo ubg tipong kapag nakita ko malalaglag ung panty ko gorabels lang ako Bebs"sakayan ko naman aa biro niya. "Sira ulo ka talaga" ...............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD