"EI! BABA mo na ako"napapatili pa ako habang buhat buhat ako ni Dimitri. Sa wakas nakauwi na din kami sa bahay namin talaga. Kaso lang naiwanan namin si Dark sa bahay ng tatay ko dahil iyon ang kondisyon niya ngayong araw lang naman para payagan na akong umuwi sa bahay ng asawa ko. Halla siya, heto na naman ang kilig ko kapag babanggitin ko ang salitang asawa ko. "Later sa kwarto na natin"mapang-akit namang sagot ni Dimitri. Nahampas ko siya sa balikat niya pero hindi naman malakas na hampas, iyon maharot na hampas lang. "Ang harot mo talaga"sabi ko pa habang iniihit ako ng kilig. Tumawa naman ng malakas si Dimitri. "Mas haharutin kita mamaya sa kama natin. Humanda ka Mrs. Yummy ko"sagot niya habang tumatawa. "Ngayon na ba, Sexy Yummy kong Asawa?"mapang-akit ko ding tanong sa kanya

