KONTI NALANG TALAGA bibinggo na itong tatay ko sakin. Kainis, ilang araw ko ng hindi nakikita si Dimitri. Sukat ba namang pinabanned ng tatay ko sa subdivision, school at opisina. Buti nalang pupunta ng Palawan ang tatay kong Panot. Makakatakas ako, kayang kaya ko naman ng lusutan sila Merideth at Thunder. "I know what you're thinking Thalia"sabi ng tatay ko. Mula sa pagkakatalungko ko sa labas ng bintana napatingin ako sa kanya. Nasa biyahe na kami papuntang airport. Sosyal ang pudra ko, nagpahatid pa talaga ng airport daig pa ang mangingibang bansa sa Palawan lang naman ang punta. "Sige nga po Tatay kong---" "Don't ever say it Thalia. I'm warning you. Bala pati cell phone banned na din sa bahay"banta niya. Bigla naman akong kambiyo. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis sabay hilig sa

