bc

Loving Mr. Sungit

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
reincarnation/transmigration
HE
sweet
bxg
bold
witty
small town
like
intro-logo
Blurb

Simula nang makita ni Clarisse si Zach ay alam na niya sa sarili na ito ang lalaking para sa kaniya. Bukod kasi sa kakisigang taglay ng lalaki ay dito lang niya naramdaman ang kakaibang kaba at kilig na hindi niya naramdaman sa kahit kaninomang lalaki. Kaya lang kahit na anong gawing pagpapansin ni Clarisse ay tila ba bingi at bulag sa presensya niya ang lalaki. Sa twina ay palaging blangko ang ekspresyon nito kapag magkasama sila ng dalaga. Pakiramdam ni Clarisse palagi siyang sinusungitan ng binata. Ngunit bakit ganun kahit na patuloy ang pambabalewala ni Zach sa kaniya ay ito pa rin ang patuloy niyang minamahal? Hanggang sa matuklasan na lang ni Clarisse na may girlfriend na pala si Zach at nakatakda na pala silang ikasal... itutuloy pa ba niya ang pangako sa sarili na gagawin niya ang lahat makuha lang ang pag-ibig ni Zach, kahit ang kapalit pa nito ay ang pag-aalok ng kaniyang virginity o susuko na lang siya?

Ipaglalaban ba niya ang kaniyang pag-ibig kung sa una pa lang ay wala na siyang karapatan kay Zach?

Paano nga ba ipaglaban ang taong hindi naman s'yo sa una pa lang?

Sa huli mahalin na rin kaya ni Zach si Clarisse?

chap-preview
Free preview
Chapter One: Kilig
"Lyndsay...sissy...friend! Hay pakiramdam ko nakita ko na talaga yung lalaki para sa akin!" ani Clarisse habang nakatulala sa hangin at yakap- yakap pa ang unan. Minasdan ni Lyndsay ang kaibigan at napapangiti na lang siya nang lihim dahil yung mga mata ni Clarisse ay mistulang naghuhugis puso dahil halatang-halata na kilig na kilig ito. "Hmmmm...parang nahuhulaan ko na kung sino!" "T..talaga...sige nga sino?!" tanong naman ni Clarisse na namimilog ang mga mata at todo ang ngiti. "E di si Zach!" pilyang sagot naman ni Lyndsay. Ang totoo imposible naman na hindi niya mahalata na hinahangaan ni Clarisse si Zach dahil obvious na obvious naman sa kilos nito na may pagtingin talaga dito ang kaniyang matalik na kaibigan. Nahuhuli pa nga niya na nakatulala si Clarisse kay Zach kapag nagsasalita ang lalaki. Kaya lang hindi siya sigurado kung may spark ba sa dalawa dahil tahimik na tao si Zach compared kay Clarisse na kalog at ubod ng ingay. Nandito sila ngayon sa kwarto ni Trish. Isa-isang isinasalansan ni Lyndsay ang mga damit nito sa closet habang mahimbing naman na natutulog ang bata sa kama. "Wow..ang galing mo naman Lyndsay...paano mo nalaman?" gulat na tanong ni Clarisee. Sige ang pisil at yakap nito sa unan na animoy iyon ang pinanggigilan. "Anong paano ko nalaman... sis halatang-halata naman!" sinundan pa iyon ng banayad na halakhak ni Lyndsay. Namula naman ang magkabilang pisngi ni Clarisse. Hindi niya akalain na ganun na pala kahalata na may "crush" siya sa gwapong pinsan ni Tristan. "Ang gwapo niya ano? Grabe lahat ba ng kalahi ni Tristan ganun kagandang lalaki? Para siyang anghel sa lupa Lyndsay...hay sana pansinin niya ako! E kasi lagi siya tahimik...ganun ba talaga yun? Seryoso kasi siya lagi..alam mo yun parang bilang ang salita at hindi marunong ngumiti!" "E subukan mo kayang tanungin para malaman mo" ani Lyndsay na natatawa sa kadaldalan ni Clarisse. Napaisip si Clarisse sa sinabi ng kaibigan niya. "Hoy Clarisse kilala kita ha...baka nga itanong mo kay Zach kung ganun talaga siya .. hindi marunong ngumiti at palaging seryoso! H'wag mo gagawin yan...nakakahiya!" paalala naman ni Lyndsay. Minabuti na niyang sabihan si Clarisse at baka nga ganun ang gawin ng kaibigan niya ay medyo nakakahiya nga talaga. "Let's see kung hanggang kailan ako hindi papansinin ng lalaking iyan..talagang hinahamon niya itong ganda ko! Hindi ba niya alam na ako ang Miss Barangay sa amin nung high school pa ako?" ani Clarisse na tumayo pa sa pagkaka-upo at kunway nag model pa na akala mo ay rumarampa habang kumakaway. Sa totoo lang maganda naman talaga si Clarisse. Natural na ang ganda niya at hindi gaya ng ibang babae na kaya lang gumanda ay sa dami na ng pinaretoke. Morena si Clarisse pero makinis naman ang kaniyang balat. Matangos din ang kaniyang ilong na nakuha niya sa kaniyang ina. Mapungay rin ang kaniyang mga mata na tinernuhan ng kaakit-akit na kilay na hindi na kailangan na lagyan pa ng eyebrow pencil para maging maganda sa paningin. Maganda rin ang kaniyang labi at lagi iyon mamula-mula kahit wala pang lipstick. Kung katawan naman ang pagbabasehan ay hindi rin naman siya magpapahuli dahil biniyayaan siya ng malusog na dibdib na bumagay sa maliit niyang bewang pero malapad niyang balakang. Balinkintan ang kaniyang katawan kaya malimit na nakukuha siyang sagala tuwing Flores de Mayo at Mutya naman ng Barangay tuwing Fiesta. "Hay naku Clarisse...ikaw talaga napaka loka-loka mo talaga!" "Ito naman si Lyndsay... e di ba totoo naman na maganda ako at sexy ... o di ba edge ko na yan para makuha ko ang atensiyon ni Zach!" ani Clarisse na malapad ang ngiti. Sabay silang nagkatawanan na magkaibigan. Nakikita ni Lyndsay na nagsisimulang na magkaroon ng damdamin si Clarisse sa pinsan ng kaniyang mister. Hindi rin naman niya masisisi ang kaibigan niya dahil gaya ng asawa niya na si Tristan ay isang matinong lalaki rin naman itong si Zach or Zachary Jan Riego de Dios. Kilala rin ang pamilya ni Zach sa mundo ng negosyo dahil gaya ng pinsan nito na si Tristan ay isa rin itong haciendero. Kapatid ng ina ni Zach ang tatay ni Tristan. At noon pa man ay malapit na ang dalawa sa isa't-isa. Nakasisiguro si Lyndsay na kung sakali ay hindi mapapasama si Clarisse kay Zach dahil nakikita naman niya na mabuti itong tao. Nga lang....hindi siya sigurado kung magugustuhan ni Zach si Clarisse. Pagdating sa tipo ni Zach na babae...wala siyang alam! Nasa ganoong isipin si Lyndsay nang bigla na lang umirit nang ubod lakas si Clarisse. "Friend! Friend! Alam ko na!!!!!! May idea na ako!" ani Clarisse na nangungusap pa ang mga mata. "Hoy.. magigising naman sa'yo si Trish!" "I apply mo ako ng trabaho kay Zach! O di ba may hacienda rin sila?" "What?! E di ba may usapan na kayo ni Tristan..dito ka mag work?" "S...sige na please...please sissy...ngayon lang ako hihingi ng favor sa'yo...e gusto ko mapalapit kay Zach talaga! Alam mo yun?! Feeling ko may future kaming dalawa!!!!" "Hay naku Clarisse.. you're impossible! Gusto mo pa talaga na doon mag- work e dito mas madali buhay mo?" ani Lyndsay na tila nagtatampo. Tinapik-tapik pa ni Lyndsay ang hita ni Trish dahil sa lakas ng tili ni Clarisse muntik na iyong magising. Kinuha niya ang natitirang damit sa kama at saka isinalansan ulit iyon nang maayos sa closet ng bata. Nakasunod naman ang tingin ni Clarisse sa ginagawa ni Lyndsay at hinihintay ang sasabihin ng kaniyang kaibigan. "Please Lyndsay... please..." ani Clarisse na niyakap pa ang kaibigan nang mahigpit. Naalala naman ni Lyndsay ang lahat ng kabutihan na nagawa ni Clarisse para sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Simula pa lang si Clarisse na ang naging pamilya niya... ito rin ang laging naka-alalay sa kaniya sa lahat ng pinagdaanan nila ni Tristan noon! Paano nga ba siya kung walang isang Clarisse na nagmahal sa kaniya na parang isang kapatid? Matitiis ba niya na hindi ito tulungan ? Napaka childish naman kasi ng gusto ng kaibigan niya! Ayaw hintayin na lang na si Zach ang kusang lumapit at talagang para siya pa itong gustong manligaw! Hay!!!!! Nang kumalas sa pagkakayakap si Clarisse ay hinawakan naman nito ang magkabilang palad ni Lyndsay habang nakikiusap ang mga mata. "Okay! Sige na nga..tingnan ko kung paano kita matutulungan. I will try to convince my husband ... pero Clarisse sana naman mag-isip isip ka sa mga ginagawa mo! Ako ang kinakabahan sa'yo eh!" ani Lyndsay na halata na nag-aalala sa tono ng boses. "H'wag kang mag-alala sa akin Sissy.. kayang -kaya kong paibigin si Zachary Jan Riego de Dios! Kahit pa ialay ko ang pechay ko sa kaniya araw-araw ay gagawin ko makuha ko lang ang pag-ibig niya!" "Ha?! Napaka loka-loka mo talaga!" "Aba baka kala mo..sariwa ito tiyak na hinding-hindi ako mapapahiya!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.3K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.3K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook