KIERAN'S POV "I love you, nay.." sambit ko at napangiti. "Tigilan mo ako! Gusto kong makausap si Mia. Baka mamaya pinipikot mo lang ang batang iyon eh!"bulalas ni nanay sabay tampal sa aking braso. "Grabe ka naman sa akin, nay. Ang bait ko kaya!" reklamo ko at humilata sa kama niya. "Uy! Uy! Anong ginagawa mo. May kwarto ka diba? Doon ka humiga aba!" giit nito kaya natawa ako. "Sungit mo nay! Kaya ka hindi nagkakaboyfriend eh!" nakangisi kong tukso na inirapan niya lang. Bumangon ako sa kama at umupo na lang sa dulo dahil humiga sa gitna si nanay. "Paglabas mo, ilock mo ang pintuan." utos nito sabay pikit. "Nay, kumusta kayo ni mang Gustavo?" tukso ko kaya napamulat siya agad. Inis niya akong tinapunan ng unan kaya natawa na lamang ako. "Bwesit kang bata ka talaga! Lumabas

