MIA'S POV Tapos na silang mag breakfast nang makababa ako. They're just talking about business kaya agad silang napatingin sa akin pagkadating ko. "What take you so long?" nakangusong salubong ni Rio sa akin. Matamis akong ngumiti at ibinuka ang dalawang braso para mayakap siya. "Punyeta ka, paimportante ka talagang babaita ka ako tuloy ang ginigisa nilang lahat dito." mabilis na bulong ni Rio sa kaniyang pangbabaeng boses. Natawa ako at pasimpleng kinurot ang gilid niya. "Sorry, hindi ako makapili ng susuotin eh." Sambit ko at bumulong din sa kaniya. "Deserve." bulong ko at natawa. "Hi tita Angeline! Tito Leon!" pagbati ko at nakipag beso kay tita habang nagmano naman ako sa daddy ni Rio. "Oh myy! Look at you, Mia my dear! You're so pretty!" bulalas ni tita Angeline na ikinangi

