MIA'S POV "What do you mean, Lara? Ano bang nangyari diyan sa braso mo? Bakit ganiyan na lang—" Natigil ako sa pagsasalita nang bigla na lang niyang inilagay sa labi ko ang kaniyang hintuturo. "Shhhh... Stop asking questions, Mia." malumanay niyang sambit at ngumiti pa. Natahimik na lamang ako at hindi na nagsalita. Muli niya akong pinagbuksan ng pintuan at sabay kaming naglakad papasok ng school. Dumiretso kami sa library at pagdating namin doon ay agad kong nakita si Raine na kinakausap ng leader namin na si Amanda. "Here's my part, Amanda." seryosong singit ni Lara sabay lahad ng isang puting folder. "Hayys! Sa wakas naman may isa pala akong ka grupo na may ambag! Hindi kagaya ng iba diyan! Pabigat na nga, palagi pang late!" pagpaparinig ni Amanda sa akin sabay tanggap sa fold

