KIERAN'S POV Nanghihina akong napahawak sa gilid ng mesa na punong puno ng pagkain. Alam kong si Clarisita ang nagluto ng lahat ng ito. Madiin akong napapikit at hindi na napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata. Nasaktan ko siya... Fuck! Gusto kong iuntog ang sariling ulo sa pader. Ilang oras ako sa bahay na iyon eh! Kahit ano pang valid na rason ko, nasaktan ko parin siya. Nanghihina ang tuhod ko kanina nang makita sa mga mata niya ang sakit, pagod at disappointment. But she still manage to smile at me. Kahit namamaga ang mga mata niya kakaiyak. Gustong gusto ko siyang sundan papunta sa kwarto niya. Pero bigla akong tinamaan ng hiya. Ang kapal ko naman.. Naibagsak ko na lamang ang aking bag sa sahig at naupo sa upuan kaharap ng inuupuan ni Clarisita kanina. "I'm sorry, ba

