KIERAN'S POV "Kieran, here's my part. Tama na ba ito?" sambit ng isang ka grupo ko na si Sancho sa akin. Inilapag niya ang printed copy ng binigay kong part ng research namin. Mabilis na binasa ko iyon gamit ang mga mata at tinanguan siya. "Hayyyy! Sa wakas!" malakas niyang bulalas kaya masama kaming tiningnan ng librarian. "Silence." madiin niyang sambit sa amin at pinanlakihan pa kami ng mga mata. Tsk. Maingay kasi eh.. "Sorry ma'am. Masaya lang eh!" nakangising wika ni Sancho sabay baling sa akin. "Pwede na bang umuna, pare? May gagawin pa kasi ako eh. Tsaka tapos ko naman na ang parte ko kaya solve na diba?" saad niya habang bahagyang nakadukwang sa harapan ng mesa ko. Tinitigan ko siya at mahinang tumango. "Sige." tipid kong wika kaya agad niyang hinablot ang bag at nagpas

