Sa totoo lang, napapangiti pa ako habang inaalala na naman ang lahat. Hindi ko kasi alam kung papaano ba nagsimula matapos ko nuon malaman na nasa ospital si Itay, hindi ko alam kung papaano ba ako nagkalakas ng loob nuon na tumungo at tunguhin ang bahay nito.
Bumuntong hininga ako habang habang naisip ng muli ay magpakwento si Bea sa mga nangyari.
Limitado lang ang mga nai-kwento ko sa kanya. Hindi lahat ng kaganapan ng araw na yon ay nakwento ko sa kanya.
Maliban sa mga alam niya at nabuntis ako ng lalakeng nakasagasa sa aking ama. Walang alam si Bea, sa huli ay ginusto ko rin lahat ng mga nangyari.
Sa huli ay nahulog rin ako sa lahat ng mga nangyari ng gabing magkasama kami ni Harry.
“Napapangiti ka na naman." anito ng may ngiti na kanyang tukso.
Kung kangina naiinis siya sa akin ng ipaalala ang ilan sa mga bagay na hindi ko makalimutan. Maging ang pagsasabi at paglalabas sa aking kambal na hanggang ngayon ay itinatago ko pa sa aking pamilya
“Elise, di ba ang sabi mo sinampal mo siya?" muli ay naitanong habang nakatukod pa ang kanyang magkabilang kamay sa mesa.
“Oo, binastos niya kasi ako."
“Di ba, ang sabi mo nagalit siya nuon?" mausisa na tanong.
Napailing ako natawa nalang sa may kakulitan na tanong ni Bea.
“Pero, Elise ang sabi mo gwapo si Harry?"
“Oo, siguro..." sabay tawa ako.
“Kinikilig ang putik, hoy. Ubos na ba ang luha mo sa kakaiyak mo nuon?" anito na sabi at tinanong.
Naalala pa pala niya ang mga panahon na wala akong ginawa kundi ang mag-iiyak ng dahil sa mga alaala ng nakaraan na siyang sumira sa aking mga pangarap.
FLASH BACK
“Babae, are you a virgin?" ang maangas na tanong. “Nagpapatawa ka, sa tingin ko naman ay hindi naman. Sa mga tulad at gaya mo lang, mukhang kung isasagot mo ay Yes. Tiyak na tuluyan ka ng nahihibang." napailing na tumatawa na sinabayan ko ng isang malakas na sampal.
Huminga ako ng pagkalalim habang nakatingin lang rito at galit na galit ito na nakatingin rin sa akin na sinamaan pa ako.
Nanlilisik ang mga mata nito, na pilit akong pinalalabas ng kwarto. “Lumabas ka, get out." sigaw na utos. Ngunit ayaw umusad ng mga paa ko.
Maliban sa mga kuha na natulo at umaagos.
“Crazy!" sambit na sabi pa at binalibag ako ng unan.
Gusto ko man tumakbo palabas ng kwarto. Hindi ko magawa ng dahil sa ama ko. Nakailang paghugot ako ng aking hininga. Subalit ayaw pa rin gumalaw ng aking mga paa habang pinakikinggan lang ang mga galit na sinisigaw nito.
Hindi ko akalain na may taong uuri ng sobra sa pagkatao ko. Kaya naman hindi ko na napigilan ang aking sarili at hinayaan nalang na ibaubaya sa palad kong nais lumipad sa mukha niya.
Ang lakas ng kaba ko, ang dagundong ng dibdib ko ay sobra sa mga nauna pa.
Talagang galit na galit siya at halos kaladkarin niya nga ako sa mga salita pa lang.
END OF FLASH BACK
“Elise, ano nangyari?" anito ng muli ay nginitian ako. Habang nasubo ng malamig ng pandesal.
Kangina pa kasi kami mga nakaupo rito sa kusina habang nagkukwento naman ako batay sa mga paulit-ulit nalang na kwento na paulit-ulit nalang din nais marinig ni Bea mula sa mga bibig ko.
“Sorry!" sabi ko. Humigop na rin ng kape. Subalit nagulat ako ng wala na palang laman ang tasang aking iniinuman.
Kaya naman pala wala akong mahigop ng dahil wala na siyang laman at kinagulat ko pa ng makita.
Natawa si Bea, pinagtawanan ako nito mula ng makita niya na wala naman pala laman ang tasang aking hinihigupan.
Madalas pa siyang magtanong ng gaya ng itinanong niya ngayon.
“Hindi kaya, kayo ang nakalaan para sa bawat isa? Tingnan mo, may kambal kayo. Tapos ayaw pa siya mawala sa mga panaginip mo. Siguro nga kahit pumikit ka lang mukha niya ang nakikita mo? Malabo na hindi, dahil sa mga napapansin ko sayo. Gusto mo rin siya, tama ba ako?" aniya na bigkas na kanyang tanong.
“Heto na naman po tayo." wala lang, nasambit ko lang. “Tigilan mo na ako, Bea sa mga panunukso mo. Malabong mangyari, wala na nga di ba? Saka matagal na yon. Ikaw na nga ang nagsabi. Kalimutan ko na. Pero heto at nangungulit ka pa, destiny ka diyan. Destiny na maging dalagang Ina ako. Hindi destiny na siya ang makakatuluyan ko. Kaya tigilan mo na ako at baka maisaboy ko sayo itong kape ko." tumawa ito.
Si Bea, tumawa at pinagtatawanan ako.
“Anong isasaboy mo? Wala naman kape, walang laman na iyang tasa mo. Anong isasaboy mo? Mananakot nalang." sabay tawa muli.
Pero tinawanan ko nalang si Bea, kasi naman ng maipikit ko ang aking mata. Mukha na naman ni Harry ang aking nakikita.
Mukha niya na hindi ko talaga makakalimutan ng dahil sa nakatatak na nga ata rito. Sa utak ko.
Napabuntong hininga ako ng maalala na naman ang mga sandali matapos kong humingi ng tawad sa kanya. Isa-isa ko na naihubad ang aking damit nuon, nanginginig pa ang bawat daliri ko na siyang gumagalaw sa pag-aalis ko ng aking suot.
Nag lakas talaga ng kaba ko habang si Harry walang imik at nakatingin lang nuon sa kisame.
Naisip ko pa nuon, ano kayang tinitingnan nito sa kisame?
Nahubad ko na yung mga suot ko subalit si Harry sa kisame pa rin nakatingin.
Ilang minuto pa nuon bago niya ako magawang tingnan na kinamangha ata ng kanyang itsura.
Hindi mo kasi maipinta at walang kibo na nakatingin sa buo kong katawan.
Naglalandas ang bawat sulyap niya sa bawat parte naman ng aking katawan.
Habang ako nakatayo nag-iintay ng susunod na instructions nito.
Kaya ng sabihin niyang ito ang gawin ko, ginawa ko naman at sumunod ako.
Masuka-suka ako, hindi ko maipinta ang aking mukha ng dahil sa kakaibang lasa ng *** niya.
Unang beses ko na sumubo ng ganuon. At hindi ako makapaniwalang ganuon pala ang lasa.
Sabay napangiti na naman ako at sinita ni Bea.
“Baliw na nga!" sambit niya kinatawa ko nalang.
“Tumigil ka na nga sa mga pag-iilusyon mo. Tama na nga iyang pag-iisip mo at maiwan na kita ng magising ko na ang iyong kambal. Sila nalang mamaya ang ilagay mo riyan. Dahil ngayon panigurado, alam mo na." aniya na sabi ng tumayo na.
Exam kasi ng kambal at ngayon gagawin.
“Sige na, igagayak ko nalang din ang mga kakainin nila." sagot ko at tumayo na rin at tumungo sa ref upang kumuha ng malulutong a-almusalin ng aking kambal.
Umakyat na nga si Bea upang gisingin ang dalawang kambal na panigurado na mahihirapan siya ng dahil sa anong oras na ang mga ito ng mga magsitulog.
Naggigisa ako ng bawang amoy na amoy sa kusina. Matapos ay ang kanin lamig na nakita ko sa ref.
Nagprito nalang ako ng itlog at tocino na paborito ng kambal ko.
Maging tuloy ako nagugutom sa mga niluto ko.
Kumuha na ako ng plato at inilagay sa mesa.
Sakto sa pagbalik ko dumating ang aking kambal na masigla at naka-ngiti ng makita ko ng maharap ako gawi sa kanila.
“Good Morning Mommy” bungad agad ng batiin ako ng kambal matapos sila gisingin ng Mama Bea nila. Pagkalapit kaagad ng mga ito ay hinalikan agad ako, tig-isa sa magkabila kong pisngi.
“Maupo na kayo at kumain na." utos ko at inayos ang kanilang mga plato. Inabutan ko rin sila ng mga kutsara at tinidor na tig-isa.
Nang makaupo na sila nasa likod naman ng mga ito si Bea na bitbit na ang mga gamit ng dalawang kambal.
”Halika na rin, Bea at kumain ka na rin at saluhan mo na rin kami." ayaw ko at kumuha pa ng isang pinggan at naupo sa harap ng kambal.
“Gutom na nga ako. Napakahirap gisingin ng kambal lalo na yang si Jeffrey pinahirapan ako. Jusko, ilang minuto na nakalipas ng magising at bumangon ni Jefferson siya naman. Naku po...” reklamo na tumatawa na sabi ni Bea binalingan naman niya ang kambal na masarap ng kumakain habang siya ay ibinababa pa ang mga gamit na bitbit.
“Mommy si Jefferson kaya iyon. Sinungaling si Mama Bea." turo sa kapatid ng biglang sumabat ang puno ang bibig na si Jeffrey.
“Mommy hindi po si Kuya Jeffrey po.”
Nang sumagot rin ang isa. “Kayo kayang dalawa." ang sulsol ni Bea ng makaupo na siya sa tabi ng isang kambal.
“Mama Bea naman. Sinungaling ka po..." sabay na sabi ng kambal.
“Akusahan pa ako na sinungaling ng mga ito." gilas na sagot ni Bea.
“Totoo naman po masamang magsinungaling. Sabihin niyo po ay gising na rin kami ng umakyat kayo at pumasok sa kwarto." sabay sagot at pangangatwiran ng kambal.
Kinatawa ko nalang ng si Bea nalang ang sumuko at nagpaubaya sa kambal.
“Talo na ako. Sige na tapusin niyo na pagkain niyo ng maihatid ko na kayo. Wala akong masabi manang mana kayo sa Mommy niyo. Walang kaduda-duda iisang mga ugali niyong tatlo.” may pagsukong sabi ni Bea.
Hindi kasi siya mananalo at hahaba lang usapan malate na sila kung hindi pa susuko ang isa. Kaya naman si Bea nalang ang unang pumutol sa usapan at mga tumigil na.
Ako naman ang binalingan ni Bea at sabi niya. “Wala akong masabi Elise. Ikaw na ikaw ang mga anak mo ng mga bata pa tayo ganyang ganyan ka. Hindi ni minsan nagpatalo. Natatandaan mo yung unang araw mo sa School ng magtransfer ka galing ibang School napagtripan ka ng mga kaklase natin ng kunin yung baon mo? Hindi ka pumayag na hindi makaganti ng sumunod na araw lagyan mo ba ng isang damakmak na asin, nagkandasuka yung mga pasaway na umagaw ng iyong pagkain ng unang pasok mo.” Natatawang kwento ni Bea ng maalala yung unang araw ko sa School ng malipat ako ng lumipat kami ng bahay nuon at unang araw pa lang ay napagtripan na ako ng mga kaklase namin ni Bea.
Hindi ko makakalimutan yung araw na yon dahil yun rin araw na naging magkaibigan kami ni Bea.
“Kanto Boys? Hindi ko makakalimutan yon. Iyon yung araw na nagkakilala tayong dalawa at sabi mo ay araw na nakaganti ka sa kanila sa pambubully sayo. Grabe naman kasi sila parang hindi nabibigyan ng baon ng kani kanilang magulang. Nakita mo yung mga itsura nila ng araw na yon? Nakakatawa di na ng hindi nila akalain na mayroon pala sa kanila tatapat sa mga kalokohan nila.”
Sabay tawa ni Bea ng muli pa may maalala. “Oo naman, pero hindi lang yon! Nang malaman mo na binubugbog lang yung mga Kanto Boys ng kani kanilang magulang at hindi binibigyan ng baon kung hindi nakapagtrabaho o walang kita sa pamamalimos. Naalala ko pa, halos sa awa mo sa mga batang yon ay araw araw ay pinagbabaon mo na sila at naging kaibigan na araw araw na palamunin mo rin. Dinaig mo pa ang magulang nila sa ginawang pagtulong sa kanila. Kaya hindi ko makakalimutan na halos lahat humanga sa ginawa mo ng araw na yon, isa na rin ako sa mga humanga sayo."
Naalala ko nga iyon.
“Pero may isa... Naalala mo yung sinulatan ko yung desk ng Crush mo na si Harold halos mamula ka ng ituro kong ikaw ang may gawa at napagbintangan ng dahil sa ginawa kong pambubuko sayo. Hahaha, pulang pula yung mukha mo at nangamatis sa sobrang basag ka sa mga panunukso ng mga ka-eskwela natin nuon."
“Bwisit ka! Pinaalala mo pa! Inis na inis ako sayo halos isumpa kita sa sobrang pagkapahiya ko non kay Harold. Pero heto isa pa naalala mo yung mga batang kumuha ng barya ng pulubing bulag na namamalimos?” ani Bea.
“Oo, dinagukan ko isa isa iyon. Halos sumabog sa galit sila ng magawa ko yon.”
“Kaya nga halos pumutok ung Ear Drums nila sa sobrang lakas ng ginawa mo. Tapos heto yung hindi ko makakalimutan at pinakamalupet mong ginagawa. Naalala mo si Eugine?" muli ako napaisip.
“Oo, yung mayamang anak ng Presedente ng School?” sagot ko.
“Tumpak!" bulalas ni Bea. “Sukat sapakin mo ba ng bigla kang umangan ng halik. Tulog pagbagsak sa sahig sa pagkalakas ba naman ng suntok mo sino hindi makakatulog. Ang malupet pa roon ay nakuha mong makipagtalo sa magulang nito ng malaman mong anak pala ng Presedente ng School. Hindi ka man lang nagsorry o nagpatalo man lang hanggat hindi napapalabas ang katotohanan. Lahat nga takot magsalita ng araw na yon dahil sa tinakot ng mga magulang ni Eugene lahat ng witness maswerte ka nalang naniwala sila na nakita ko lahat kahit hindi naman at wala ako ng time na yon sa mismong pangyayari. Siguro, kung hindi sila naniwala ay paniyak na pinatalsik ka na sa School 'ora mismo ng araw na yon. Napakalupet mo, frend." tawang-tawa na natatawa na kwento ni Bea na sabay pang napatingin ang dalawang kambal ng tumawa ng malakas si Bea.
“Oo, nga at maswerte ako dahil may kaibigan akong tulad mo non. Kung hindi lilipad ako ng pagkataas sa pagkakatalsik sa school na yon. At lalong hindi ko malaman pa ang gagawing pagpapaliwanag nuon kila, Inay."
Habang inaalala ko namin ang mga sandaling panahon na naging mga bata kami ni Bea at magkasama na hinarap ang ilang problema. Saka lang pumasok sa isip ko na mala-late na pala ang kambal sa eskwelahan.
“Tama na, kung tapos na kayo. Hala, umalis na kayo at mala-late na yung kambal sa paaralan." tawa ko na pinigilan ang papasubo ni Bea sana ng matigil ito sa pagkain kangina habang dumadaldal.
“Naku, bakit ba hindi ko namalayan ang oras. Oi, kambal. Tapos na kayo? Umalis na tayo at late na kayo sa school." ani ni Bea at tumayo na at sumubo pa ng isa bago bitbitin ang mga gamit ng kambal.
“Mommy papasok na po kami!” nang magpaalam na rin ang kambal at nagpatiuna na rin sa pagtakbo at iniwan ang kanilang Mama Bea.
“Talaga naman itong kambal mo! Iniwanan na naman ako. Sige na, Elise mauna na kami sayo at itong kambal mo kumaripas na naman ng takbo." ani ni Bea at nagmamadali na rin na hinabol ang kambal kong anak.
Natatawa nalang ako habang tanaw-tanaw sila na tumatakbo mula sa labas ng bahay ng magawa ko pa sila sundan ng tingin ng sumilip ako sa pinto ng magawa ko pang habulin si Bea at tawagin ng dahil sa naiwan na baon ng kambal.
Nakahinga na rin ako habang tanaw sila.
******************************
HARRIET'S POV'S
Pitong taon na ang lumipas.
Oo, pitong taon na nga ang lumipas mula ng makakilala ako ng isang babae na pumukaw sa akin.
Hindi ko lubusang akalain na isang babae na gaya niya lang ang makapagpapabago sa mga naging tingin ko pagdating sa babae.
Ang babaeng iyon na may magandang mukha, mabangong amoy at magandang katawan na natatago lang pala mula sa suot niyang uniform.
Hindi ko ini-expect that day ay magiging ganuon ang mga tagpo ng aming pagkakakilala.
Hindi ko akalain na sa mga sandaling yon ay mapupukaw ako at mababago ng dahil sa mga nakakabighani niyang mga ngiti.
Ang kwento niya, ang mga pangarap at adhikain niya sa buhay ang isa pang nakabago sa mga panuntunan ko sa buhay at sa loob ng pitong taon na yon. Nabago ang binuo kong bagong ako.
Ngayon, sa mga lumipas na taon. Talagang malaki ang ipinagbago ng buhay ko, sa pag-uugali pa lang, sa mga sugat ng nakaraan. Sa mga alaala na ayaw ko na sana balikan at nais kong takbuhan na ngayon ay nahaharap ko na at nakakaharap na ako muli sa mga tao.
Nang dahil sa mga ngiti at tawa niya na siyang bumuwag sa pader na pilit kong binuo at ginawang harang para mailayo ko ang mismo kong sarili sa iba.
Naaalala ko pa lahat!
Naalala ko pa ang lahat kung papaano kami nagsimula na dalawa.
Kung papaano kami unang nagkita at nagkakilala.
Hanggang kung papaano kami nagkahiwalay ng walang naiwan na kahit anong contact na maaari kong mapanghawakan sana upang makita siyang muli.
Ang hanapin siya ay hindi ko rin nagawa maliban sa pangalan niya at wala pala ako naiwan na ibang maaari na magamit ko para sa paghahanap ko sana ngayon na nakabalik na rin muli ako matapos ang pitong taon kong nawala rito saa pinas.
That woman, hindi ko talaga siya maalis sa isip ko at madalas ko pa rin maalala ang mga nakaraan, ang mga bawat detalye ng mga nangyari sa amin ng araw na magkalakas siyang sugurin ako sa bahay.
That woman na sa unang kita ko pa lang ay pinag-init agad ang ulo ko.
Napakatapang na babae.
Napakalakas ang loob.
Napaka inosente.
Napaka palaban at higit sa lahat. Hindi ko akalain na virgin pala!
Isang diretsong paghigop ang ginawa ko mula sa laman ng basong hawak ko habang nakatamaw mula sa labas at muli na nababalikan ang nakaraan mula ng pitong taong lumipas.
FLASH BACK
I was scared.
Hindi dahil wala naman ako dapat katakutan. Ano bang dapat ko ikatakot? Kasalanan lahat ng lalakeng yon kung bakit siya nagkaganoon.
Dahil kung hindi siya tumawid ng kalsada at napansin niya ang pagdating ko. Hindi sana siya naaksidente at wala akong kasalanan doon.
“Dude, what happened? Ano ba itong nabalitaan ko na nangyari sayo?"
Hindi ko inexpect na ganuon kabilis makararating ang balita mula sa kanya.
Kay Bricks na matalik kong kaibigan.
Huminga ako ng malalim hawak ang isang bote ng alak na kangina ko pa tinutungga nang hindi mapakali sa mga nangyari.
Wala ako dapat ipangamba. Kasalanan niya lahat.
“Dude, ano? Tahimik ka nalang? Hindi ka magsasabi o magkukwento man lang sa mga nangyari sayo kangina?"
“Nothing! Wag mo na isipin yon. Ako na bahala mag-ayos. Wala akong kasalanan at bakit kailangan ko magbayad duon sa tao. Siya naman yung dumaan ng hindi tumitingin sa daan. Bakit ako dapat magsorry kung siya naman ang may kasalanan. Hindi ba dapat na ako ang hingan ng sorry nung tao na yon? Ako yung naabala rito. Ako yung napuwersisyo rito? Bakit ako ang dapat na makipag-ayos at higit sa lahat wala akong dapat bayaran sa hospital. Siya ang may kasalanan, so wala akong dapat panagutan." pagpupumilit ko at pilit na itinanggi na may kasalanan ako at dapat na managot sa danyos sa mga nangyari sa nasagasaan ko.
“Wala ako dapat ipagbayad. Kaya wag mo na ipagpilitan pa sa akin. I am okay."
“Pero, Dude. Nasa ospital yung nabangga mo at malala ngayon. Hindi ba dapat na ikaw yung nakasagasa sa tao. Ikaw ang dapat humingi ng despensya? Ikaw rin naman may kasalanan. Hindi lang yung taong tumawid at hindi sinasadya na mabundol sa sasakyan na gamit mo. Ilang beses ko ba sayo na sasabihin na wag kang magdrive ng mag-isa? You're not okay. Hindi ka pwede na magdrive ng para sa sarili mo. Nakita mo na? Nakita mo na may aksidente na nangyari sa pamimilit mong ayos ka na, okay ka. Wala naman problema, okay ako. Wag kang mag-alala. Kaya ko, ayos lang ako. Kaya ko nga. Ano, kinaya mo ba? Sa paulit-ulit mong sagot sa akin na okay ka na, ayos ka lang. Ano ang nangyari? Hindi ba at may nangyari na masama at nakasagasa ka pa ng hindi sinasadya ng dahil sa katigasan ng ulo mo?"
“Okay nga lang kasi ako." matigas na sagot ko sa kanya kinahinga ko ng malalim at muli na ininom ang alak na hawak ko.
“Lagi mo sinasabi na okay ka! But I know na umiinom ka na naman sa mga oras na ito? Tama ako?"
“Dude, para kang Nanay ko sa makasita at mapagsabihan ako. Grabe ka kung makatanong at paalalahanan ako na daig mo pang asawa ko." aniya na naibulalas ko sa kanya. “Teka nga, may relasyon ba tayo?" ani ng maibiro kong muli sa kanya.
Habang magkausap kami ni Bricks narinig ko agad ang kumakatok sa pinto.
Nasa kwarto ako, umiinom nga ng alak habang bigla naman itong si Bricks na tumawag upang talakayin ang mga nangyari sa kangina sa akin sa bayan sa aking pag-iikot habang nagdrive ng mag-isa na mahigpit naman bilin ni Bricks na wag na wag kong subukan na ako lang ang mag-isa na lalabas at lalo na ang magdrive ng wala akong kasama.
Huminga muna ako bago pa ako nakasagot at papasukin tiyak na si Manang lang naman.
“Pasok!" sigaw ko may kalakasan at narinig naman iyon ni Manang na dahan-dahan pang binuksan ang pintuan.
“Sir, may gusto pong kumausap sa inyo." agad na sambit ng mabuksan ang pinto.
Sinabihan ko nalang si Bricks na tatawagan ko nalang siyang muli ng dahil sa may dumating na tao na wala naman din ako ini-expect na darating.
Maliban sa mga pulis kung sakali ng dahil sa nangyari nga kangina.
“Lalabas na ako, iwanan ko nalang siya, Sir." aniya na nagpaalam na rin si Manang at lumabas.
Narinig ko na pinaupo ito ni Manang sa sofa kung saan ay iniwan na muna ang sinasabi na nais kumausap sa akin.
Boses babae.
Kinabigla ko iyon at napabuntong hininga.
Wala kasi akong inaasahan na kahit sino ang dadalaw at maliban nga sa mga police na kangina pa naglalaro sa aking isipan.
Babae, sino naman kaya ito?
Muli akong napahugot, isang malalim.
Nang malingon ako upang tingnan.
Laking gulat ko at kinabigla talaga ng dahil isang napakagandang dalaga ang aking nakikita.
“Sino ka? Bakit ka naririto? Anong dahilan at nais mo akong makausap?" Una kong tanong alam ko na ang lakas ng kaba nito.
Malayo man ako.
Alam kong kinakabahan ito.
“Tinatanong kita, sino ka nga ba? Bakit ayaw mong sumagot? Hindi ka naman siguro bingi? Pipi kaya o mahina ang pandinig?" tanong ko muli.
Lumingon muli ako sa bintana at duon ay tumanaw ng magawa kong magsalita ulit at tanungin ito.
Nanginginig ang boses at garalgal ng sumagot. “Ako pala si Elise, Marrian Elise Madrid. Anak ng lalakeng nasagasaan mo kangina sa bayan."
Para ba nagpintig ang tenga ko ng marinig ko nang banggitin nito ang lalakeng nasagasaan ko kangina ng magtungo nga ako sa bayan
“So, anong pakay mo at naglakas ka pa ng loob na dumayo pa rito sa bahay ko?"
“Naririto po ako, para sana makausap kayo. Pasensya na po sa pagpunta ko rito ng walang abiso. Subalit kasi narinig ko sa mga police ang mga nangyari tungkol sa insidente na nangyari ng mabangga mo ang aking ama." napahigit muna ito. Marahil ay napalunok na rin.
“Alam ko po na may pagkakamali rin ang ama ko ng magawa niya tumawid ng hindi napapansin ang pagdating ng sasakyan niyo. Pero kasi, Sir. Nais ko sana makiusap na baka pwede naman tulungan niyo ang aking ama. Hindi sa sinisisi ko sa inyo ang mga nangyari sa ama ko. Subalit po kasi, siya lang ang naghahanap buhay sa aming pamilya. Siya lang ang nagtataguyod sa aming pamilya. Ang tanging Itay ko lang ang bumubuhay sa amin mula sa pagtatrabaho niya at pagtitiis na maitaguyod kami kahit alam kong nahihirapan na rin siya. Kaya nais ko sana po lumapit sa inyo. Dahil si Itay lang talaga, wala kaming ibang pagkukuhanan ng maipanggagastos niya sa ospital. Lalo na sa gagawing operasyon sa kanya. Nakikiusap ako sa inyo, Sir. Baka pwede naman niyo tulungan ang aking ama. Nakikiusap ako, nakikiusap po ako kaya ako nagtungo rito. Pakiusap, tulungan niyo na po kami na maoperahan ang ama ko."
Sa pagkakataon na yon ay narinig ko ang kanyang paghikbi.
Humarap ako at tinititigan siya habang nakayuko at umiiyak.
Napakaganda talaga ng babaeng ito. Subalit ang lakas ng loob niya na tumungo rito. Tunguhin ako para lang sa tulong na hinihingi at pinakikiusap.
Kung titingnan talagang mabuti. Maganda ang anak ng lalakeng nasagasaan ko kangina. Pero, hindi mababago nuon ang aking desisyon na wag tulungan ang lalakeng iyon.
Kahit anong itsura ng babaeng ito, hindi niya mababago. Sarado na at tapos na ako sa pagdedesisyon na nasabi ko na rin sa kanyang Ina at sa mga kapulisan na nakausap ko kangina.
Malinaw ko na rin nasabi at naipaliwanag sa kanyang Ina kung bakit ayaw kong sagutin ang kanyang hinihiling.
“Alam mo na siguro, kung ano ang desisyon ko na isinagot ko sa iyong Ina at sa mga police? Hindi ko sasagutin ang gasto, wala ako balak na kahit piso na ilalabas para sa gagawing operasyon ng iyong ama. Kaya pwede ba? Umalis ka nalang rito sa pamamahay ko at wala kang makukuha na kahit piso na ilalabas ko para sa iyong ama. Nagsasayang ka lang ng pera, kaya umalis ka na." sabi ko at isinagot.
Subalit kinagulat ko ng mas lumakas ang pagbagsak ng luha nito na pinunasan pa ng kanyang isang palad.
“Parang awa niyo na, Sir!" nang mag-angat siya ng kanyang mukha at magtama ang aming mata.
Hindi ako makararamdam ng kahit anong awa sa kanya. Malabong makaramdam ako. Kahit maganda pa siya.
“Sige na po, maawa na kayo. Maawa na kayo sa ama ko." paulit-ulit niyang pakiusap at nagmamakaawa na matulungan ang kanyang ama.
“Sinabi ko na, malinaw. Wala akong balak tumulong sa iyong ama. Kaya, makakaalis ka na. Umalis ka na kung ayaw mong ipakaladkad pa kita." malakas ang boses na bulalas na naiutos sa kanya.
Ngunit hindi man lang ito natinag mula sa mga sinabi ko.
“Pakiusap, maawa ka na!"
“Maawa? Itong ginagawa mo, naisip mo ba bago ka nagtungo rito? Naisip mo ba na nakakagulo lang itong ginagawa mo na panggugulo? Naisip mo ba na walang magagawa iyang pakiusap na ginagawa mo. Kaya please, umalis ka na."
“Pero, Sir. Pakiusap, si Itay lang talaga ang bumubuhay sa amin. Hindi ko makakaya na mawala siya at lalo na ang aking Ina. Please, nakikiusap ako. May sakit rin sa puso ang Inay, kaya naman oras na baka may mangyari na masama kay Itay ay hindi na ito kayanin ni Inay. Parang awa niyo na po. Nakikiusap ako, nakikiusap ako sa inyo. Parang awa niyo na po. Pakiusap tulungan niyo naman ama ko." Muli na pakiusap ng babaeng ito.
Isang malalim na hininga. Ikinabuntong hininga ko pa ulit at nag-isip.
Hindi ako dapat magpadala sa mga pakiusap nito.
“Umalis ka na!" sabi ko, tumalikod at humarap sa bintana muli.
“Sir, nakikiusap ako parang awa niyo na." aniya nito na sinabi.
“Wala akong pakialam sa problema niyo ng inyong pamilya." sabi ko.
Maya-maya ay narinig ko ang pag-ingit ng sofa.
“Sir, sige nakikiusap ako. Tulungan niyo lang ama ko. Gagawin ko lahat ng gusto niyo, kahit pagtatrabahuhan ko po, kahit utang, babayaran ko, o kung ano ang gusto niyo. Gagawin ko po. Maawa lang kayo, nagmamakaawa ako, nakikiusap na tulungan niyo po ang ama ko."
“Sinabi ko na, hindi ako tutulong at wala kang makukuhang tulong." sagot ko malakas na rin ang boses at naiinis na rin.
Ngunit sa aking pagharap nagulat ako ng makita ang anak ng nasagasaan ko. Ngayon nakaluhod mula sa harapan ko.
“Miss, Madrid. Wag kang lumuhod. Walang magagawa iyang pagluhod mo. Tumayo ka." utos ko ngunit hindi pa rin nagpatinag.
"Tumayo ka, Ms. Madrid!"
"Tayo!" Sigaw ko sa kanya.
Naiinis na talaga ako at lumapit rito upang itayo sana ito. Ngunit humawak niya sa magkabila kong mga binti.
“Tumayo ka nga, Miss Madrid."
“Hindi ako tatayo, sabihin mo, Sir. Gagawin ko kahit ano. Tulungan mo lang si Itay."
Napag-isip ako.
“Kung katawan mo ang hihingiin kong kapalit. Ibibigay mo ba?" diretsahan kong tanong.
Napag-isip ito.
“Kung hindi mo kayang ibigay. Umalis ka na, makakaalis ka na. Bukas ang pinto. Umalis ka na." sabi ko utos sa kanya.
Hindi pa rin ito sumasagot. Umatras ako subalit kanyang mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa mga binti ko.
“Kung papayag ba ako, tutulungan mo ang ama ko?"
“May isang salita ako, Miss Madrid. Hindi ako kaylanman nagpapaasa lang sa mga binibitawan kong pangako. Ngayon, kung hindi mo magagawa ang aking kapalit na hinihingi. Umalis ka na at naaabala mo na ako sa mga pinaggagawa mo sa bahay ko. Malaking oras ang nawala sa akin ng dahil sa panggugulo mo rito." aniya na sabi ko pang muli sa kanya.
“Sige, papayag ako. Sa isang kundisyon tutulungan mo ang ama ko. Gagawin ko ang gusto mo." sabi nito paniniguro.
“May salita ako, tutulungan ko ang ama mo." sagot ko nang sabihan ko na siya na tumayo.
Tumayo na ito, lumakad ako papunta sa table ko at dinampot ang cellphone na aking inilapag roon kangina.
Nag-dial ako ng numero. Number ni Bricks ang tinawagan ko.
“Dude, napatawag ka?"
“Pakiayos naman ng bills ng nasagasaan ko. Sasagutin ko na lahat." utos na sinabi ko.
“Nagbago ata ang desisyon mo? Kangina lang galit ka ng sabihin ko sayo at banggitin ang tungkol riyan."
“Nagbago lang isip ko, pa-settled nalang lahat. Ikaw na ang bahala, and please send me all the files na kailangan ko ngayon."
After namin mag-usap. Ibinaba ko na rin ang call ko at lumingon.
Humihikbi pa rin ito, ang magandang babae na nasa harapan ko. Walang tigil pa ito sa kanyang pag-iyak.
END OF FLASH BACK
Nang araw na yon. Hindi ko makakalimutan. Kung ano ang naging itsura ni Elise habang nakaluhod at nakakapit ng mahigpit mula sa mga binti ko.
Hindi ko makakalimutan yon, dahil sa mga pakiusap nito.
Napakaganda niya, at ang bagay na pumasok agad sa isip ko ay ang bagay na yon.
Ang makuha ang magandang babae na yon. Pero, alam kong mahihirapan ako.
At iyon na nga ang nangyari.
Ilang oras rin ang itinagal bago pa tuluyan na may nangyari sa aming dalawa. Pero sa amin oras na mahigit na yon. Nakita ko ang determination nito, pagtitiis sa maraming beses bago pa man tumayo ang aking ***.