EPISODE 2

5000 Words
Ilang sandali pa ay bumalik na rin si Eunice matapos ang makipag-usap sa kanyang Ina. Tinawag raw siya at naitanong rin ang tungkol sa pag-alis ng aking Ina kangina matapos na may mga pulis na mga nagsipunta at hinahanap ito ng dahil sa aking Ama. “Eunice, anong nangyari kay Itay?" ang tanong ko muli ng makalapit. Kumakabog talaga ang dibdib ko sa pagkakatingin ni Eunice. “Elise, ang Itay mo nasa ospital ngayon." Ang kaba ko mas lalo pa mga nagkagulo buhat sa pagkakasambit sa aking ama. “Narinig ko lang, nasa ospital siya ngayon matapos na maaksidente buhat sa pagkakagaling sa kanyang trabaho. Hindi ko rin alam, kung papaano ang talagang nangyari ng nagmamadali na silang umalis kasama na ang Inay mo." Muntikan na ako mapababuwal matapos mapabalikwas sa pagkakatayo. Nahawakan lang ako sa braso ni Eunice. “Okay ka lang?" tanong niya at umayos ako ng tayo. “Okay lang, hindi lang ako makapaniwala sa nangyari kay Itay." ang sagot ko namumutla at biglang nanghihina ang mga tuhod ko at naupo muna sa sementong silya sa labas ng bahay na si Itay ang siyang gumawa. “Elise, magiging okay rin ang iyong Itay. Wag ka na mag-alala pa at tiyak naman okay siya." pampalakas loob na sambit na sinabi ni Eunice. “Salamat, Eunice. Mauna na ako at pupuntahan ko na sila Inay sa ospital. Kung dumating si Biboy, pakiusap paki sabi nalang din sa kanya na nauna na ako sumunod kay Inay. Hindi ko na siya maintay at nag-aalala rin ako kay Inay." turan ko at kinuha ang bag kong nalaglag mula ng mabigla sa balitang nakuha ko mula sa mga sinambit ni Eunice. “Sige, ako na bahala kay Biboy. Sasabihan ko agad siya para makasunod na rin sa iyo." aniya at lumakad na rin ako at umalis sa bahay. Habang naglalakad lumulukso ang kaba at maging isip ko ay napupunta sa kung saan. Wala naman siguro na nangyari na masama kay Itay? Para ipag-alala ko ng sobra. Okay naman siguro si Itay? Walang nangyayari na masama sa kanya. Habang naglalakad ay binubulong ng isip at tanong ng aking sarili. Gulong-gulo na talaga yung isip ko. Mula sa masayang balita na nais ko sana maibahagi sa kanila. Napalitan agad ng isang masamang balita na hindi ko naman ine-expect na mangyayari. Inhale, exhale ang mabibilis at sunod-sunod na ginawa ko habang napara ng tricycle na masasakyan ko papunta sa sakayan ng jeep. May kalayuan pa naman ang ospital kaya naman mahihirapan talaga ako na tunguhin ng mabilis ang nasabing ospital na pinagdalhan kay Itay. Isa kasi ito sa pinakamalaking ospital at nag iisa sa bayan. Karamihan sa aming lugar ay maliit na ospital o clinic lang ang napapalibot na di gaya sa malaking ospital kung saan nasabing nadala ngayon si Itay. Sana talaga ay walang malalang nangyari kay Itay. Nag-aalala ako ng sobra sa kanya at maging kay Inay. Matapos ko makabayad sa tricycle, sumakay agad ako ng jeep at duon ay 'di ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha sa mata. Naiiyak talaga ako sa pag-aalala. Ilang minuto pa, halos isang oras ang naging biyahe ko. Masikip ang bawat paghugot ko ng aking hininga. Hindi ko mahuli ang mabibilis na kabang bumabalot sa sarili ko. “Manong, p-para po." sigaw ko may kalakasan sa driver at narinig naman ng magawa niyang ihinto sa may mga sasakyan na nakaparada sa harap ng ospital. “S-salamat po!" ang sabi ko pa ng makababa na sa jeep na aking nasakyan. Parang ayaw pa umapak ng mga paa ko sa sementong daan na nakakonekta sa mismong pintuan ng hospital. Kahit ang humakbang ay nahihirapan. “Saan tayo, Ma'am?" ang tanong agad ng guard. “Yung Itay ko, pupuntahan ko. Dito raw po nadala ayon sa nagsabi sa akin." sagot ko ng maalala ko ang huling bilin ni Eunice at sinabi na dito sa ospital dinala ang aking ama. “Saan po pwede magtanong rito? Kung saan ko maari makita ang aking ama?" “Dumiretso ka roon, pag makita mo yung puting poste..." “Lahat naman po puti!" “Oo nga naman!" natawa habang nakamot sa ulo. “Kuya guard naman, pinatatawa niyo pa ako. Pero salamat po, dahil naibsan ng konti yung kaba ko." sabi ko na kinatawa nito. “Ikaw kasi, malayo pa lang kita na at mararamdaman talaga ang pagkagulo mg isip mo. Lumilipad kaya, ayaw oh... gusto mo tingnan mo pa mamaya. Umiikot-iikot sa ibabaw ng ulo mo. Wag kang masyado kabahan, chill lang at samahan mo ng makapit na dasal. Dahil siya lang ang unang yayakap sayo sa kabila ng mga problema na bumabalot sa sarili mo. Habang naglalakad ka papunta sa pupuntahan mo. Ibukas mo lang yung puso mo, buksan mo para sa kanya upang makapasok. Magdasal ka, kausapin mo siya at tiyak na nag-aantay lang din siya na ikaw na mismo ang siyang tumawag at kumatok sa kanya." anito na mahabang dialogue na kinagaan ng mga nararamdaman ko ang lahat ng sinambit niya. “Salamat po, Kuya Guard!" “Wala yon, sige na. Lumakad ka na roon at baka mahuli ka ." pabiro na sinabi na kinabigla ko. “Joke lang, ikaw naman nanlaki agad yung mata. Binibiro lang kita, ang bigat kasi ng iyong dala. Para sana gumaan kahit bahagya." aniya na sabi habang turan muli. “Magdasal ka ahh, wag mong kalimutan na tumawag dun..." sabay turo sa taas at kinaangat mg tingin mula sa kisame. “Diyan lang siya nakatanaw at nanunuod." “Kuya naman, kisame naman iyang tinutukoy mo. Nasaan yung nakatanaw at nanunuod na sinasabi mo? Kahit screen ng television wala mahagip yung mata ko maliban sa kisame na gawa sa simento ang natatanaw ng mga mata ko. Ikaw naman Kuya guard, ang hilig mong Mang buang!" aniya na naibulalas ng sakyan ko ang biro. “At least napatawa kita, sa saglit na sandali nakita kong ngumiti ka!" aniya ng may ngiti. “Oh, hindi ba? Ngumiti ka na naman." anito na siyang turo ng mapangiti ako. Talaga naman itong guwardiya na ito, ang laki ng kalokohan sa sarili niya. Maging problema ko saglit na napatid. Nawala, pero agad rin bumalik ng matapos ako makapagpaalam sa kanya. “Sige Kuya, puntahan ko muna yung Tatay ko. Salamat sa pagpapangiti mo, Kuya Guard." aniya na kumaway pa ako matapos na balingan siya bago tuluyan lumayo. “Magdasal ka lang, gagaling rin si Tatay mo." sigaw may kalakasan ng nakangiti. Napabuntong hininga ako habang naglalakad at tinungo ang daan na itinuturo nito. Kinakabahan na naman ako, dahil wala pa akong idea sa mga nangyari kay Itay. Wala akong alam kung ano bang nangyari maliban sa nasambit ni Eunice na naaksidente nga raw ito. Lumalakas na naman. Ang lakas, bumilis muli yung kabog ng dibdib ko sa lakas ng kaba na nararamdaman ko bago makalapit sa nurse na siyang nasa lugar na itinuro ng guard. “Excuse me po! P-pwede po na magtanong?" tanong ko nanginginig yung boses at ang luha ko nais na bumagsak Huminga ako ng malalalim na sinundan ko pa ng isa. “Nurse, nadala rito raw po yung Itay ko, ang sabi naaksidente. Madrid po apilyido ng Tatay ko. Baka po a-alam n-niyo kung nasaan siya na-naroroon?" “Teka, tingnan ko lang." Nang mag-angat ng mukha yung nurse... Kinakurap ng aking mata. Nakatitig lang siya sa akin habang walang salita pa ang lumalabas sa bibig. “Nurse, b-bakit? may problema po ba?" aniya ko... d-dug, dug, dug.. “N-nurse?" tanong ko ulit sa kanya. “Miss, y-yung T-tatay mo..." Bakit ba ang hilig nito mambitin. Bakit hindi nalang sambitin kung nasaan si Itay at kung ano ang nangyari. “Nurse, ano po? Anong nangyari kay Itay?" Huminga muna ako. “Nasa ICU siya. Anduon siya ngayon dahil sa critical na lagay niya mula sa pagkakabundol niya at imilapon ang sabi ng mg police kangina. Ka-kailanganin niya..." nang mapaatras ako at hindi naman nito naituloy ang kanyang sasabihin. “Si Inay ko? Nasaan siya? Si I-inay..." nagsibagsak na ang luha ko. Napaatras ako nang may maatrasan ako at natapakan ko pa ata ang paa ng bigla itong sumigaw. “Sorry po!" sambit ng lingunin at sunod-sunod na paghinga ang aking ginawa. “Nandoon rin ata ang Ina mo. Puntahan mo muna, ang alam ko kangina nag-iiyak siya ng makita ang kalagayan ng iyong ama. Kaya panandalian siyang inilabas ng mga kasama kong nurse hanggang maging stable na rin siya. Nahirapan na kasi siya kangina huminga ng dahil sa pag-iyak." aniya na sabi pa muli at inutusan akong saglitin ang aking Ina. “Sige na, puntahan mo muna ang iyong Ina." nang isang nakaputing uniporme ang lumapit at inutusan ng nurse na babae na samahan ako kung nasaan ang aking Ina. “Samahan mo muna siya sa kanyang Ina, paki turo mo na rin kung saan papunta sa ICU." ang utos na sinabi sa lalakeng nurse na siyang naging guide ko sa pagpunta sa aking mga magulang. “Nasa ICU na rin ang Nanay mo, nakiusap siyang duon sa tabi ng Tatay mo at pinayagan naman siya. Subalit sa labas lang dahil di pwede magtagal sa loob." anito nagsasalita habang kami ay naglalakad papunta sa ICU. Malayo pa lang tanaw ko na si Inay mula sa labas hawak ang salamin habang tiyak na tinatanaw si Itay mula sa labas. Mabilis na akong lumakad at nilakihan ang aking mga hakbang upang mabilis na malapitan si Inay. May ilang hakbang pa ako bago tuluyan na makalapit kay Inay, subalit bigla nalang itong lumingon at nagtama ang mga mata namin dalawa ng agad niya ako nakita sa kanyang paglingon. “Inay!" agad kong wika. “Elise!" umatungal na siya ng iyak. Maging ako ay agad bumagsak ang luha at mabilis na humakbang upang akapin si Inay. Mahigpit ang yakap ko kay Inay at habang tapik nito ang aking likod. “Ano pong nangyari kay Itay?" tanong ko ng maiangat ang aking mukha upang matingnan si Inay. Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang magkabilang palad ni Inay. Tiningnan ko siya sa kanyang mukha. “Inay, ano po nangyari kay Itay?" muli ay aking tanong at sabay kami napalingon mula sa glass na bintana habang tinatanaw si Itay. Mas lalong bumuhos ang aking mga luha ng matanawan si Itay at ang awa na aking nararamdaman para kay Itay ay mas tumindi pa ng makita ang mga tubo at mga makina na naka 'kabit kay Itay. “Itay!" sambit habang tanaw si Itay at hawak ang salamin. Nais kong pumasok sa loob. Subalit pinipigilan ako ng nurse na naghatid sa akin. Hindi na raw maaari na makapasok sa loob dahil tapos na ang oras at maaari na kinabukasan sakali ay makapasok ako. Isang magdamag pa pala ako mag-iintay upang mahawakan at mayakap ang aking ama. Subalit agad sinabi ng nurse na hindi maaari na mahawakan o mayakap ang aking ama. Dahil sa malalang nangyari kay Itay, ang mga ilan sa mga buto nito ay nagkabali-bali at kinakailangan na maoperahan agad upang maisaayos at maagapan. Maliban sa may isang bahagi na siyang nasambit ang hindi ko naunawaan ng dahil sa kakahagulhol ni Inay. Hindi ko na narinig mabuti ang paliwanag nito mula sa mga nasambit tungkol kay Itay. Basta ang pumasok lang sa isip ko ang kinakailangan na maagapan at maoperahan si Itay sa madaling panahon upang maagapan ang napipintong pagbigay ng nasambit na hindi ko rin naintindihan dahil lumakas na naman ang iyak ni Inay at nawalan ito ng malay. Agad naman di ako nataranta at natakot buhat sa pagkakaalam ko na may sakit rin si Inay ng dahil sa mahina nitong puso. Mas lalo pa ako kinabahan. Natakot na maging si Inay ay kung ano ang mangyari sa kanya ng dahil sa kalagayan ni Itay. “Nurse!" sambit ko ng kalalabasan lang sa ICU ng nurse na naghatid sa akin kangina. Tiningnan niya ang mga nakakabit na monitor at kung ano pa na siyang nagsisilbi na mga makina upang makahinga pa si Itay at monitor na nagsisilbi na monitor sa kanyang kalagayan. “Anong nangyari ng bigla rin nagulat at tinulangan ako." “Hinimatay si Inay, habang nag-uusap rin kami dalawa matapos mong pumasok sa loob." sagot ko. Inalalayan niya si Inay na maitayo at mabuhat. Nakarating kami sa isang lugar at duon ay inihiga niya ng maingat si Inay. “Hayaan mo muna makapagpahinga ang iyong Ina rito. Siguro nabibigla pa rin siya at hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa iyong ama. Palagay ko naman maayos siya, nawalan lang siya ng malay. Pag magising siya, kausapin mo lang siya upang gumaan ang mga nararamdaman niya at mabawasan ang pag-iisip niya tungkol sa kalagayan ng iyong ama. Dasal lang, magdasal lang kayo. Kumatok kayo sa taas at tiyak na pagbubuksan niya kayo. Gagaling rin ang iyong ama, makikita mo. Pakikinggan kayo nung nasa taas, nanunuod lang din yon at nag-aantay na kayo mismo ang lumapit at magdasal upang hingiin ang kagalingan para sa iyong ama." anito na sambit ng maalala ko ang mga biro ni Kuya Guard kangina. Pakiramdam ko tuloy ay tumayo ang aking mga balahibo ng dahil sa parang di ito coincidence at parang may ibig iparating ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid. Ang mga nangyayari ay may mga ibig sabihin. Huminga ako ng malalim at konting ngumiti. “Salamat po, Kuya Nurse. Salamat sa pagpapagaan ng loob ko, nabawasan po ang mga nagpapabigat ngayon sa akin ng dahil sa nangyayari sa mga magulang ko. Salamat, Kuya Nurse." na kinaiyak ko pa habang nagpapasalamat sa kanya. “Wala yon, dahil hindi lang naman ikaw, kayo ang dumadaan sa mga ganyang sitwasyon. Hayaan mo at lahat naman ng mga dasal natin sa kanya ay kanyang pinakikinggan. Lahat ng nangyayari sa atin, lahat may kanya-kanyang dahilan. Pero wag ka sana panghinaan ng loob, pagsubok lang lahat na kinakailangan lang natin ilapit sa kanya. Duon!" sabay turo sa kisame. Hindi na napigilan ay natawa ako. “Kuya Nurse naman, kisame naman yung itinuturo mo, sino ba naman ang titingin at makikinig sa akin kung kisame ang kakausapin ko?" biro ko rito kinatawa rin niya. Naalala ko kasi ang sinabi ni Kuya Guard at gaya nito ay itinuro rin nito ang kisama. “Pareho pa kayo nung guard sa entrance!" sabay ngiti ko. “Pareho pa kayo ng mga salita, pati kisame ba talagang dapat gamitin niyo?" kinatawa nito ang naging biro ko. “Sinong guard ba ang tinutukoy mo?" tanong niya at tumawa. “Yung guard sa entrance po ng ospital." sagot na sambit ko na kinatawa na naman. Bakit ba siya tumawa? nagtataka na rin ako bakit natatawa ito. “Si Papa siguro ang tinutukoy mo." sabi nito at nakangiti. “Papa?" “Oo, si Papa! Siya rin siguro ang nasabi mo na nagturo ng kisame sayo." anito ng nakatawa. “As in, Papa? Papa mo po yung guard sa entrance?" tanong ko na kinalakas ng tawa. “Oo, Papa ko. Si Papa nga siguro ang tinutukoy mo. Medyo chubby at smiley lagi?" napaisip ako. “Nakasimangot kaya!" aniya “Seryoso pa, natawa na nga lang siya ng banggitin yung kisame." aniya ko muli. “Hahaha, si Papa nga ang tinutukoy mo. Papa ko, si Papa ko." tawa siya ng tawa. “Baka naman sumakit tiyan mo, Kuya Nurse." “Sorry, natatawa lang kasi ako buhat sa reaksyon mo. Buti nga at hindi pader ang tinukoy sayo." “Tinuro nga niya yung pader, diretsuhin ko raw yung puting pader, lahat naman mga puti. Tapos, natawa ako. Kasi tumawa rin siya." sabi ko. “Pagpasensyahan mo na si Papa, sige at maiwan na muna kita. Ikaw na bahala sa Ina mo at may gagawin pa ako." anito ng magpaalam na rin siya. “Salamat Kuya Nurse." sabi ko at lumabas na rin ito at nawala na sa harapan ko. Nakahinga ako kahit papaano ng sabihin niyang okay naman si Inay at nawalang lang ng malay. Kinabahan talaga ako kangina at ang dagundong ng dibdib ko halos di ko na nga makontrol at masakit kaya iyon. Parang kumikirot yung puso ko, pakiramdam na kinukurot pa at tinutusok tusok ng karayom, stick ata, mali. napaisip tuloy ako bigla. Kasi naman, masakit talaga, kumikirot yung puso ko sa sobrang lakas rin ng kaba at takot ng bigla nalang nawalan ng malay si Inay. Huminga pa muli ako ng mapasinghap. Gusto ko sana bumalik kay Itay ng walang magbabantay kay Inay. Paano kaya, paano kaya ang gagawin ko nito? Muli ako napasinghap ng maalala si Biboy. Wala pa rin kasi ito, siguro ay hindi pa rin nakarating sa kanya ang balita. Balita tungkol sa nangyari kay Itay. “Elise!" Sa wakas ay gising na si Inay. Nakahinga ako muli ng maluwag ng tawagin nito ang pangalan ko. “Inay, wag kayo masyado gumalaw." sabi ko sa kanya at inalalayan siyang bumangon sa pagpupumilit nito. “Inay, bakit hindi muna kayo magpahinga. Baka makasama sa inyo." “Ayos lang ako, ang Itay mo ang iniisip ko." sagot ni Inay. “Magiging maayos rin po si Itay, Inay." “Pero kailangan niya maoperahan." sagot muli ni Inay. “Inay, magagawan rin natin ng paraan." “Saan naman tayo kukuha ng pera? Saan tayo kukuha ng malaking pera na ibabayad sa operasyon ng iyong ama?" umiyak na naman si Inay. Niyakap ko siya. Bumuntong hininga. “Inay, wag ka ng mag-alala." “Paanong wag mag-alala? Gayong ayaw sagutin ng nakasagasa sa iyong ama ang gastos sa gagawing operasyon sa iyong ama. Saan naman tayo kukuha ng pera na gagastusin rito?" bumuntong hininga si Inay at saka umangat ang mukha. “Elise, nag-aalala ako ng sobra sa iyong ama. Pero..." malalim na buntong hininga. Muli ay humugot si Inay. “Inay, gagawan ko po ng paraan. Kahit magkandautang tayo. Gagawin ko po, mailigtas lang si Itay." Kahit ako, nilalakasan ko lang din ang loob ko upang makabawas sa isipin ni Inay. “Inay, tahan na po. Ako na po gagawa ng paraan. Wag na kayo umiyak pa at baka ano pang mangyari sa inyo." sambit ko dahil sa pag-aalala na baka siya naman ang sumunod kay Itay. END OF FLASH BACK "Hoy, Elise..." bulalas ni Bea na kinagulat ko. Kasalukuyang na naglalakbay na naman ang aking isipan mula sa mga nakaraan. Hindi ko napansin na si Bea nga pala ay nasa aking harapan at kangina pa ako tinatawag sa aking pangalan. Buhat sa malalakas niyang pagtawag. Nagising ako, nagulat at nawala sa mga paglalakbay sa nakaraan. Ngumiti si Bea, habang titig na titig pa rin sa akin. “Naniniwala ako, ang bakas ng nakaraan nakakabaliw raw at nakakasira ng utak. Pakiramdam ko, sa nakikita ko. Malamang na isa ka na sa mga taong malapit na mabaliw ng dahil sa iyong nakaraan." sabay tawa. Nagawa pa talaga akong pagtawanan sa kabila na alam naman din niya lahat ang buong kwento ng mga nangyari sa akin nuon. Wala akong naitago, lahat sinabi ko. Kulitin ba naman ako ng isang linggo matapos kong mag-iiyak ng hindi ako makapaniwalang matapos ang problema ko kay Itay. Ako naman pala ang siyang susunod ng dahil sa mga naging resulta ng gabing iyon. “Bakit kasi hindi mo nalang itapon, magfocus ka sa iba. Sa kambal, o kaya naman sa ibang bagay. Mag boyfriend ka kaya?" Ang ganda talaga ng payo niya. Mag boyfriend ng kung siya nga ay wala. Talaga nga itong si Bea, walastik kung mag-isip. Parang walis tingting lang yung utak sa nipis kung magbigay ng idea. Nakakaloka, sabunutan ko na kaya? “Ikaw, Bea. Makapayo ka, ikaw nga walang boyfriend ako pang hinihimok mo sa dapat na ikaw muna bago ako." sambit ko tinawalan lang ako. “Baliw, tawanan bang sinabi ko? Hoy babae, dapat mag jowa ka na. Aba, ako may anak. Kambal pa nga, ikaw kahit botete, wala. Buti pa yung walis tingting maraming kapareha. Maraming nakadikit. Pero, ikaw kahit isa. Wala, Bea. Kawawa ka..." pang-aasar ko sa kanya. “Grabe, walis talaga? Ipapareha mo nalang ako, sa walis pa talaga?" aniya ng nakatawa. “Pero, maiba. Kalimutan mo na nga yung Harry na yon. Jusmiyo, ilang taon na ba ang nakalipas at hanggang ngayon ay siya pa rin ang laman ng utak mo. Bakit, ikaw ba laman din ng utak niya? Sa tingin ko naman, mukhang hindi. Dahil kung nagustuhan ka rin niya bago niyo ginawa 'yang..." sabay tawa muli. “Kainis, ano ba dapat na words... tsuk, tsuk... hahaha, maging ako masisiraan sayo. Nahawa na ako sa mga kabaliwan mo diyan sa nakaraan mo na hindi mo makalimutan. Kung bakit kasi nagpaturok na agad, oo, andoon na yung kailangan mo ng pera. Dahil si Tito, nasa ospital. Pero, sa ginawa mo binenta mo na rin ang sarili mo ng dahil sa pera na..." napailing si Bea na hindi alam kung tatawa ba o kung ano ba. “Tigilan mo na nga ako. Sabi mo nga, past na. Bakit ba natin kailangan pang mapag-usapan? Sige na, hayaan mo at susubukin kong kalimutan ng matigil na ang kakasermon mo." inismiran ko siya at natawa rin naman ako ng tuluyan sa nakasimangot nitong mukha. Sa pagtawa ni Bea, kinasinghap ko nalang. Kasi naman, ang hindi alam ni Bea. Nagawa kong mag-makaawa ng dahil sa pera. Nang dahil sa pera na kakailanganin ni Itay na alam na rin naman niya. Pero ang nagawa kong pagpupumilit at pagmamakaawa ko nuon, kung bakit humantong ako sa pagbibigay ng aking katawan kay Harry. Hindi niya alam, hindi rin niya alam na talagang sa huli. Ginusto ko rin ang lahat ng nangyari sa amin ng gabing magkasama kami ng lalakeng ama ng aking mga anak. Kinabuntong hininga ko muli. Nang maisip ko, ang madalas ko rin naman maisip at isipin. Sana, isang araw. Mag-landas at mag-krus ang aming mga landas ni Harry. Sana, isang araw. Pagtagpuin muli kami ng aming mga kapalaran kung saan matagal ko na rin naman nais at hiling. Isang malakas na buga, malalim na paghinga ang aking nagawa. Siguro nga ay Mahal ko na si Harry, una pa lang nuon. Nuon na magkakilala kami, magkita, magka-krus ang aming mga landas. Magkasama at lahat ng mga nangyari ng gabing iyon ay naging isang napakahalagang araw at alaala sa akin. Hindi ko inaasahan, subalit siguro nga ay iyon siyang naging dahilan. Kung bakit hindi ko siya makalimutan. Kasi nga, mahal ko siya at siya ang laman ng utak maging ang puso ko na naisarado sa iba. Siguro dahil sa siya rin ang ama ng kambal at umaasa ako na baka sakali. Kung mag-krus ang mga landas namin at muli na magkita. Masabi ko sa kanya ang tungkol sa kambal. At kung gaya ko na wala pa rin siyang pamilya. Baka sakali, baka sakali na may pag-asa na mabuo ang pamilya na pinapangarap ko para sa amin ng aking kambal. Yun nga lang, tanong. Gusto niya rin ba ako? “Ano yan? Bakit natatawa ka?" ang tanong ni Bea ng pansinin ang panaglit na pag-ngiti ko. “Wala!" “Wala? O, baka inaalala mo pa rin talaga?" aniya na sabi ng punahin ang aking pagsasabi na wala. “Kita mo na, diyan pa lang sa buntong hininga mo. Malalaman na nagsisinungaling ka sa akin at tama na naman ang aking kon-konklusyon sayo." sabay na naman tumawa si Bea. “Kahit kelan talaga, walang maitago. Lahat napapansin mo." sabi ko. Inirapan na kinatawa na naman nito. “Oh, siya. Sige na, Kamusta nalang sila Tita at Tito?" seryoso na ang mukha na naitanong niya. “Kelan mo balak aminin at sabihin sa kanila? Pagmalalaki na at mga binata na ang kambal?" Bumuntong hininga muli ako. Kangina pa ako kinakabahan at alam kong mauungkat muli ang tungkol sa pagtatago ko sa kambal sa aking pamilya na malayo sa akin ngayon. Hindi ko pa nga masabi-sabi sa kanila eh! Kung bakit itong si Bea ay madalas na ipaalala niya pa. “Ano na? Kelan nga? Elise, malalaki na ang kambal. Hindi na sila bata. Wala nga silang alam sa tungkol sa kanilang ama. Maging ba sa pamilya mo pagkakaitan mo sila na makilala ang mga Lolo at Lola nila?" “Hindi naman sa ganuon, Bea. Hindi ko pa masabi kasi nga wala pa rin ako lakas ng loob na masabi lahat sa kanila. Sa ngayon, alam mo naman. Hindi pa rin nila alam na ganoon ang nangyari ng ma-ospital si Itay. Baka oras na sabihin ko, isipin ni Itay na siya ang may kasalanan at ayaw ko naman na mangyari yon. Ayaw ko na mangyari na sarili niya ang sisisihin niya at panibagong problema na naman sa aming pamilya at siyang ayoko na mangyari. May oras, may oras para sa panahon na handa ko na sabihin sa kanila. Pero sa ngayon mabuti pa na ganito nalang muna kami ng mga anak ko. Tama lang siguro, na wag ko muna ipaalam at baka masira pa lahat ng mga pinaplano ko bago ang oras na pagtatapat na gagawin ko oras na kaya ko na hugutin lahat ng mga sekreto na itinago ko sa kanila ng mahabang panahon. Pero ngayon..." ngumiti ako. Inabutan pa siya ng pandesal na aking pinalamanan. “Hayaan mo muna ako. Hayaan mo muna ako makaipon ng maraming lakas ng loob at bigyan mo pa ako ng oras. May tamang time siguro at hindi pa talaga ngayon." “Bahala ka nga, bahala ka..." anito na may tampo. FLASH BACK Matapos ko sa eskwelahan mag-ayos ng ilang mga importante na mga kailangan. Maging ang pag-sumbit ko ng aking mga credentials. Lahat, ginawa ko sa loob ng isang araw. Matapos ang araw na yon, ay aking naman naalala ang tawagan ang aking pamilya upang kamustahin na rin mula sa ilang araw ko na rin hindi nakakausap sila. Busy kasi ako, busy sa maraming bagay mula ng makarating ako ng Manila. Sa school, sa trabaho. Mula sa trabaho na part-time kong pinapasukan. Kaya naman ng maalala ko sila Inay at Itay. Agad kong dinukot ang aking cellphone at duon ay aking dina-dial ang numero ng aking magulang. Narinig ko agad ang pag-ring ng cellphone ni Inay ng mai-dial ko. Ilang minuto ay sinagot na rin niya iyon. “Elise!" may kalakasan na sambit ng tawagin ako sa pangalan ni Inay. “Inay, kamusta po? Kamusta kayo ni Itay?" Kinakabahan ako, kinakabahan na aking naitanong. Subalit yung kaba na nararamdaman ko. Hindi na gaya nuong naramdaman ko ng iwan ko sila matapos kong makuha ang resulta ng aking exam. Mula ng maiwan ko sila ng Cagayan. Taga, Cagayan ako. Sa bayan ng Cagayan ako lumaki, subalit may bahay rin kami sa Isabela. Bahay na kasing liit lang ng kubo, kasya lang kami na mag-anak at hindi dapat lumagpas sa apat. Kaya nga sakto lang talaga sa amin. Kasi nga ay apat rin kami. Pero ng malipat ng lugar si Itay, nakabili kami ng maliit na lote at duon ay pinatayuan ng maliit na bahay. Hindi naman kaliitan. Sakto pa rin sa isang pamilya pero mas malawak at malaki kumpara sa bahay namin sa Isabela. Hindi pa nasagot si Inay, iniintay ko nga ang kanyang sagot subalit naririnig ko na inaasikaso niya si Itay. Naririnig ko kasi na nagtanong si Itay kung sino ang tumawag. “Si Elise, kausap ko tumawag kinakamusta ka.!" “Sabihin mong okay na ako. Ayos na ako at wag na siyang mag-alala." “Sige at sasabihin ko!" rinig kong sagot ni Inay huling salita niya na itinugon kay Itay. “Ayos lang kami rito, wag kang mag-alala. Pasensya na at inaasikaso ko ang ama mo at pinakakain ko pa ng kanyang miryenda. Nagugutom raw, alam mo na. Nagbabawi lang ang iyong ama. Narinig mo sinabi? Ayos lang raw siya at wag ka na mag-alala pa sa kanya. Maayos na siya. Kaya wag ka na rin pa mag-isip at yung sarili mo diyan ang isipin mo lalo at malayo ka sa amin. Kaya anak, mag-iingat ka!" “Inay naman! Paano ako hindi mag-alala? Sabi mo nga, nabanggit mo na malayo ako sa inyo. Syempre mag-alala ako nuon lalo at mag-isa ako rito. Namimiss ko na kaya kayo." “Ikaw na bata ka, miss ka na rin namin ng Itay mo. Heto nga, madalas ka na maitanong. Buti nga at tumawag ka. Pero ayos lang, naiintindihan namin ng Itay mo. Basta ba ingatan mo lang mabuti ang sarili mo." Marami pang nasambit si Inay maging ang tungkol kay Biboy at ang tungkol sa negosyo na kanilang naitayo ng hindi sinasabi kung saan galing ang kanilang naging puhunan. Basta ang sabi ni Inay, wag na ako mag-alala pa sa kanila at ayos na sila at sarili ko nalang muna ang aking intindihin. “Sige po, tatawag nalang ako ulit. Ingats po, I love you, Inay. Mahal ko kayo ni Itay, kasama si Biboy." sambit ko na narinig ko pa ang pagsigaw ni Biboy bago ako tuluyan nakapagpaalam. END OF FLASH BACK Ang muling pagbubukas ni Bea sa nakaraan ko at sa kambal ang siyang nagpabalik sa akin. Upang muli ay maalala ang aking nakaraan. Muli akong napahinga habang tahimik na kumakain si Bea. “Alam mo, masaya ako para sa pamilya mo. Balita ko nga ay nakakuha ng magandang trabaho so Biboy at sa isang malaki at kilalang kumpanya pa. Sana, tuloy-tuloy na ang swerte sa buhay niyo at sana tuluyan mo na rin masabi sa kanila ang tungkol sa kambal. Specially, ang tuluyan mo na mapalaya ang iyong sarili sa mga nakaraan at kahapon na na matagal ng tapos." aniya na sabi at humigop ng kape. Nagawa pang magreklamo ng lumamig na yung kape niya sa kakadaldal at panay ang tanong at pamumuna. Ayun tuloy, kasing lamig ng kanyang love life yung kape niya na kasing itim rin ng kanyang buhay mag-isa. Kasi naman, kung bakit hanggang ngayon napakaduwag at nakapatorpe hahaha. Ayaw pa kasi mga magsi-amin. Pero, hayaan ko lang muna at makikiramdam muna ako hanggang tuluyan na nila maamin sa bawat isa ang kanilang mga itinatago na hindi mailabas. Isang malalim na hininga at maging kape ko kasing lamig na rin ng love life ko. Walang asawa, walang jowa, walang-wala talaga dahil sa kambal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD