EPISODE 1

5000 Words
Dream once more! Hindi lang ito panaginip, patuloy itong bumabalik balik sa akin. Ayaw akong tigilan at ayaw akong iwanan. Napahigit ako ng malalim at humugot pa muli ng isang malalim na hininga at saka sumulyap sa relo mula sa table na nakapatong roon. Halos alas kwatro na ng umaga, subalit gising pa rin ako. Napangiti nalang ako na kinatawa ng makita ang oras sa relo. Puyat na naman ako at walang katulog-tulog buhat sa mga panaginip na nabalikan ko na naman. Ilang beses na, subalit talagang hindi siya mawala-wala kahit minsan sinusubukan ko ring wag ng mabalikan. Sinubukan kong ipikit ulit ang aking mga mata at baka sakali na makabalik ako sa aking pagtulog. Ngunit makalipas lang ang ilang minuto, binuksan ko ulit ito dahil sa hindi na ako makatulog. Ano ba yan, nakakainis at iniwan na ako ng antok. Hindi na talaga ako makatulog at hindi ko na rin ito mahabol. aniya na sambit habang napangiti ng maalala ko na naman ang mukha ni Harry. Si Harry na may ilang taon na rin ang nakakalipas subalit hindi pa rin malimot ng aking isipan. Palaging ganito sa tuwing hindi ako makatulog. Sa tuwing ayaw ako dalawin ng aking pagtulog o kaya naman sa tuwing tinatakbuhan ako ng aking antok. Sa tuwing maalala ko si Harry, sa tuwing makikita ko siya sa aking mga panaginip. Sa tuwing nababalikan ko ang nakaraan kung saan ay akin siyang nakilala at nakasama sa panandaliang oras. Ang gwapong mukha ni Harry na sa una ay kay sungit. Nakasimangot at galit. Subalit kinagulat ko ng magbago at makita siyang nakangiti. Ang napakagwapo niyang mukha na nakangiti habang nakatingin at hindi maalis ang kanyang mga titig. Sa pag-iisip at pag-iimagine na kinangiti ko muli at kinabuntong hininga ng dahil sa nagbalik na naman muli isipin na wala pa rin pala akong tulog hanggang ngayon. Pagising gising lang ako. Walang maayos na tulog ng bigla na naman ako nanaginip ng mga nangyari na sa past na buong akala ko ay makakalimutan ko. Hindi pala dahil lagi lang din siya bumabalik at pinaaalalahanan ako sa mga nakaraan ko na pagkakamali na aking napasok kaya ngayon ang buhay ko. Napahugot pa ako ng isang malalim at kinabuga ko rin agad at muli na nagtalukbong ng kumot upang subukin na makatulog. Nagpa-ikot-ikot ako sa ibabaw ng kama ko. Antok, saan ka na ba? Balikan mo na nga ako. sambit ko habang napatagilid sa aking paghiga. Muli na naman pumasok sa isip ko si Harry at duon ay nakita ko ang kanyang maangas na mukha. Nakakatakot, kinabahan talaga ako ng sobra ng mga sandali na yon na kanya ko siyang unang makita at makilala. Tumaan na naman mga balahibo ko habang naiisip ang mga pagsusungit at mga masasakit na paratang nito buhay ng magawa kong tumakbo sa bahay niya upang humingi ng tulong sa pagkakaospital ng aking ama. Ang galit na boses, ang maangas at nakakatakot na mga titig habang binabaybay niya ang kabuuan ko. Harry! sambit na nasabi. Lumakas na naman maging kabog ng dibdib ko. Maalala ko pa lang talaga siya kung papaano niya ako sigawan at pagsungitan. Napangiti na naman ako habang naalala kung paano naman siya tumawa matapos ang ilang ulit namin... Elise, nababaliw ka na... aniya ko sa mismong sarili ko. Baliw na nga ata ako. Dahil kahit sarili ko hindi rin makalimutan ang nakaraan kung papaano siya tumawa at humirit.... Elise, heto ka na naman eh! Tama na nga pag-iisip sa lalakeng yon. pero kahit anong suway ko sa sarili ko. Matigas talaga rin ang ulo ng dahil sa ayaw rin nitong sumunod. Kasi naman, gwapo nga talaga, ang mabalahibo nitong katawan ang mababangong halimuyak at malalambot na labi niya, ang masasarap niyang halik at matikas niyang pangangatawan na unang nakakuha sa aking atensyon na kinalakas nuon ng kabog ng dibdib ko. Oo, nabastos nga ako nito pero ang makita siyang bigla nalang nagbago na daig pang uhaw at ganoon kasabik ng bigla nalang niya ako.... Elise, ano ba naman. Para akong tanga talaga habang nakahiga naiimagine ko na nakapatong siya mula sa ibabaw ko habang siya naman ang gumagalaw at gumagawa ng paraan para makumpleto ang nais nito. Hahaha Elise, nababaliw ka! Baliw ka na nga sa kakaimagine sa mga nangyari na nakalipas na at dapat mo na rin kalimutan. Kung bakit kasi hindi ko makalimutan eh! Kung bakit hindi ko makalimutan ang gwapong mukha niya at ang paraan niya kung papaano niya ako tingnan nuon. Ang bawat halos, ang bawat dampi ng labi nito. Ang unang dampi ng labi niya sa mga labi ko. Ang unang beses na pumatong ito at pasukin ang walang pang muang kong p********e. Kahit nga humalik nuon, kinakabahan ako. Kahit minsan ay nagawa ko na yon subalit dampi lang. Hindi kagaya ng halik na pinaramdam at pinaranas nito. Ang mga halik niya na wala na atang kasing init ng dumampi sa mga labi ko. Halos hindi ako makahinga ng sa lakas ng mga kaba na nag-uunahan. Bwisit! Dahil ba sa minahal ko siya mula sa ilang oras at magdamag na magkasama kami mula sa kwarto niya. Sa mga oras na naging masaya kami kahit sa saglit na magkasama kaming dalawa? Sa mga oras na kinalakas ng sobra ng dagundong ng aking puso ng dahil sa mga ipinakita niya na hindi ko lubusang maisip na mangyayari rin ng gabing dapat sana ay susuko nalang ako ng biglang umikot at magbago. Bigla nalang naging mas makabuluhan ang gabing magkasama kaming dalawa sa kabila ng mga naging umpisa naming dalawa. Hahaha, Elise, nababaliw ka! Nababaliw ka nga ng dahil sa minahal mo ang isang tao na wala nga sa tabi mo ngayon. Hahaha, dahil kahit anong pag-iisip ang gawin mo, hindi naman maibabalik ang nakaraan. Kahit pa umaasa ka, tiyak rin naman na wala ka na rin sa kanya. Hindi ka na iniisip non, kaya tigilan mo na rin ang pag-iisip sa kanya. Dahil kahit pagbalig-baligtarin pa ang mundo niyong dalawa. Mukhang malabo na magtagpo pa kayong dalawa. Iniwanan ka nga, iniwan ka ng hindi ka man lang nagawang hanapin o kamustahin. Enough! asar na suwayin ko ang mismong sarili ko na kinukutya maging ako. Mula sa labi, hinalikan niya ako sa aking pingi na gumawi sa aking tenga at duon ay bumulong. Tila ba kinilig pa ako mula sa maiinit na hininga na sumalat sa aking balat. Habang bumababa ang kanyang mga halik at naaamoy ko ang kanyang halimuyak. Tama na nga, Elise. nang matawa nalang ako at muli na tumingin sa aking relo. Sinulyapan ko ang aking relo at duon ay nakita ko na alas singko na pala ng umaga. Gumugol ako ng isang oras sa pag-iisip na alam ko naman na wala naman din patutunguhan. Hahaha, Elise talaga! aniya na sambit ng muli ko sitahin aking sarili. Mula sa paghiga higa ko sa ibabaw ng aking kama. Isang oras ang nasayang sa pag-iisip ko lang. Dahil sa hindi ko na nagawa pang mahabol ang aking antok at hindi na rin ako nito nagawa pang balikan. Isang oras ang nawala at nasayang. Siguro ay dapat na rin akong tumayo at mukhang talaga hindi na magagawang balikan ako ng aking pagtulog. Dapat na siguro na bumangon ako at maghanda nalang para sa mga kakainin ng kambal. Oo, kambal. Dahil may kambal na rin akong anak na dapat kong pagtuunan. Dapat kong alagaan at patuloy na gabayan. Lalo at mahirap rin. Dahil mag-isa ko lang sila naitataguyod ng walang silang nakikilalang ama. Walang ama, dahil wala naman talaga. Paano ko ba ipapakilala ang ama nila ng hindi ko nga alam kung nasaan ito. Kaya malabo na maipakilala ko sa kanila. Pero naipapaliwanag ko naman na nasa malayong lugar ang kanilang ama. At buti nalang dahil mababait ang aking kambal ay hindi naman nagiging masyado matanong buhat sa tungkol sa kanilang ama. Tinatamad pa rin akong bumangon. Mula sa pagkakahiga ay nakadikit pa rin ang likod ko sa kama kahit ayaw naman na ako ibalik pa sa aking pagtulog. Nakakatamad pa talagang bumangon. Subalit anong gagawin ko rito hihiga hanggang maubos ang oras at abutin ako ng tuluyan ng pagsikat ng araw. Kahit tinatamad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama. Pinilit ko ang sarili kong maibangon at sa wakas maya-maya pa ay kusa ng umangat ang aking katawan at bumangon ng tuluyan. Dumiretso muna ako sa banyo upang hugasan sana ang aking mukha bago sana maihanda ang mga damit ng kambal para sa kanilang pagpasok sa kanilang eskuwelahan pagkaraan nila mag-agahan. Sinisikap kong makakain muna ang kambal bago mga ito magsipasok sa kanilang paaralan. Mahirap na ang paalisin sila ng walang laman ang mga tiyan. Dahilan kung minsan ay tinawagan ako ng kanilang guro ng dahil sa isa sa kambal ay sumakit ang tiyan ng dahil sa mga hindi kumain ng agahan. Imbis na maghilamos ng mukha, tuluyan na ako naligo sa loob ng banyo. Pagkatapos ng mabilis na pagligo, lumabas ako ng banyo upang magbihis at maghanda para sa aking pagbaba naman sa kusina. Bago tuluyan lumabas ng aking silid, pumunta ako sa salamin upang suriin ang aking repleksyon. Mayroon pa akong dumi sa aking mga mata, may natira pang muta. bulong ko, habang pinunasan ito ng tisyu na nakuha ko sa gilid ng table. Nang sa wakas ay masiyahan na ako sa aking nakita. Nagpasya na ako na bumaba upang tumungo sa kusina. Habang naglalakad pababa, bakas ang madilim na nilalakaran ko papunta sa kusina. Madilim pa rin ruon at mukhang wala pang kahit sino ang nababangon. Sinubukan kong wag makagawa ng kahit anong tunog o ingay upang maiwasan ko na makagawa ng kahit anong bagay na makakagising sa ilan pang mga tulog ko na mga kasama sa bahay. Dahan-dahan pa rin akong lumakad papuntang kusina, at nang buksan ko ang ilaw, namangha ako at kinagulat nang makita ko si Manang Lorie na nagtitimpla ng kape. Si Manang Lorie ang kasa-kasama namin rito sa bahay at tumutulong sa akin sa pag-aalaga sa aking kambal na anak. Katuwang ko rin siya sa mga gawain sa bahay habang si Kuya Bricks, Bea, at ako ay nasa trabaho. Si Manang Lorie ay ang taong kinuha ni Kuya Bricks upang tulungan ako pagkatapos kong maipanganak ang aking kambal na mga anak na lalaki. May dalawang akong anak na lalake. Tulad ng nabanggit ko. Kambal ang aking anak buhat sa naging resulta ng aking nakaraan. Isang nakaraan nga na magpahanggang ngayon ay sariwa at hindi pa rin makalimutan. Si Kuya Bricks nakilala ko nuon ng hindi sinasadya ng bigla nalang ako mawalan ng malay mula sa daan papasok sa aking trabaho. Si Kuya Bricks ang kaisa-isa na taong tumulong sa akin nang himatayin ako patungo sa aking part-time job pagkatapos kong umalis sa paaralan kung saan ay pumapasok ako as college student. Sobrang nagulat ako ng dahil wala talaga akong ideya na ang patuloy na madalas na pagkahilo ko at madalas na masamang pakiramdam na nararanasan ko ay sanhi na pala ng aking pagbubuntis bunga ng nangyari sa amin ni Harry. Napakaswerte ko naman, dahil talaga sa ilang oras, isang gabi na magkasama kami ni Harry ay mag-iiwan pa pala ng isang mas mabigat na pasanin. Pero jowk lang yon, dahil narealize ko naman na isang malaking blessings ang dumating sa buhay ko ng mangyari ito. Si Bea naman ang matalik kong kaibigan na tumulong sa akin noong una akong nakarating rito sa Maynila. Siya rin ang naglagay sa akin sa isang part-time na trabaho upang magtrabaho habang ako ay nag-aaral. Iisang campus lang kami ni Bea, magkaiba lang ng kurso na tinahak subalit iisa ang naging paaralan ng sikapin ko rin na naipasa ang lahat ng pagsusulit upang makalipat sa main branch kung saan ay nauna lang si Bea. I am Mary Elise Madrid, ang mahirap na anak na babae ng isang mag-asawa na naninirahan sa isang bayan sa Cagayan. Pinangangarap ko ang makalipat at makapag-aral sa Manila upang duon ko na maipagpatuloy ang aking pag-aaral at makamit ang lahat ng aking mga pangarap at hangarin sa buhay. Pangarap ko kasi nuon na makatulong sa aking mga magulang oras na makatapos ako ng aking pag-aaral sa Manila at makahanap ng maayos na trabaho na may malaking kita. Yun nga lang, pagdating ko sa Maynila, eksaktong kabaligtaran ang nangyari. Hindi ko kailanman naisip na ang aking sarili ay magiging isang single mother na malayo sa mga pangarap at mithiin ko sa aking buhay. Dahil sa mga nangyari bago ako umalis ng Cagayan at napunta sa Maynila, nasira ang mga pangarap ko at lahat ng plinano ko ay nasira ng dahil sa pagiging maaga kong Ina. Isa na akong single mother na may kambal na anak na kapwa lalake. Oops! nang mapangiti nalang ako ng matingin sa akin si Manang Lorie ng biglang lingon ito. “Good Morning, Manang Lorie!" nakangiti na turan na sabi ko. Pagkatapos ay napabaling ako at napatingin sa kape na hawak niya mula sa kanyang kamay. Napansin ko agad SA kanyang mukha ang pagkagulat ng malingunan niya ako at makita. “Pasenya na p, Manang Lorie. Nagulat ba kita?" Tanong ko sa kanya ng napatawa nalang ako. Lumakad ito papunta sa mesa at naupo duon habang nahigop ng kape niya. Lumakad rin ako at lumapit sa kanyang tapat na silya at duon ay naupo ako. “Nakakagulat ka, Elise. Bakit ang aga mo ata nagising?" turan na naitanong na sabi ni Manang Lorie habang nakaupo sa tapat ko. "Pasensya na, Manang Lorie. Nagulat kita. Hindi na po kasi ako makatulog kaya bumaba nalang ako. Kayo po, bakit ang aga niyong bumangon? Alas singko pa lang ng umaga naririto na agad kayo sa kusina?" Tanong ko sa kanya habang humihigop ito ng kanyang kape. Nang biglang nalang bumagsak ang kutsarita na hawak niya at nag-ingay. Sabay pa kami napabalikwas sa pagkakaupo ng magulat nang magawang mag-ingay ng bumagsak na kutsarita. Sabay nalang kaming natawa ni Manang Lorie ng subukin na niya pa kasi habulin ang biglang nalang niyang natabig na kutsarita. Subalit hindi na nahabol ng tuluyan na itong mahulog. Nagawa ko lang naman magtanong sa kanya kung bakit natabig niya pa iyon at ayun na nga nalaglag ito sa sahig at may kalakasan rin ang naging ingay nuon. Matapos kasi niya haluin ang kape niya ay inilapag niya muna iyon sa gilid kung bakit talaga ay hindi niya napansin. “Ang aga, ang malas." inis na sambit nito na kinatawa ko nalang din. “Si Manang Lorie talaga, ang aga pa inis agad ng dahil lang sa nalaglag na kutsarita. Hayaan niyo na po iyon. Tayo lang naman nakakita." Biro ko rito. Ngumiti lang din ako. “Kaasar kasi, nilagay ng maayos kung bakit bumagsak." aniya na sambit ni Manang Lorie na may inis. “Ikaw bakit nga ba ang aga mo nagising?" “Si Manang talaga, sinabi ko na nga kangina kung bakit ang aga ko nabangon ngayon. Kasi nga po ay hindi ako makatulog mula ng magising po ako." sagot ko sa kanya. “Alas singko pa lang ng umaga." Pagkatapos ay umatras siya at ibinaba ang hawak na tasa. Tumayo siya at nagtanong. “May balak ka bang pumasok sa trabaho mamaya?" Tumango ako at muli na “Ang kambal natutulog pa ba?" anito bago pa makatalikod. "Ihahatid ko muna po yung kambal, then saka ako papasok sa restaurant." sambit ko ng makaayos mula sa aking pagkakaupo. “Ganoon ba? Sige at uminom ka muna ng kape. Heto, habang mainit pa inumin muna." nang makabalik dala ang isang tasa na may mainit na kape. “May tinapay pala ako na nabili, teka lang at kukunin ko." sa pagbabalik isang supot na plastic ang bitbit ni Manang Lorie laman ang mainit na pandesal. “Mainit pa!" sambit na sabi ko ng makakuha ng isa. “Oo, teka at may mantikilya ako na binili rin. Masarap diyan sa pandesal ipareha. Kukunin ko lang at nilagay ko sa ref nang hindi matunaw." aniya na sambit habang nalakad papunta sa ref at kinuha nga ang isang plastic na naglalaman naman ng mantikilya. “Heto!" abot nito na ibinigay ang plastic ng mantikilya. “Mukha 'ngang masarap." nakangiti na sambit ko habang nagpapalaman ng pandesal. Sa pagsubo ko pa lang, nasarapan na ako mula sa nalasahan kong mantikilya. Lalo pa naging mas malasa sa bibig ko ng manguya ko yun matapos kong kumagat. “Kahit kelan, 'da best talaga kapareha ng mainit na pandesal ang ganitong palaman. Mantikilya lang, sapat na at malasa." aniya ko sinabi sa kanya. Nakangiti si Manang ng nakatingin sa akin habang nginunguya ko sa aking bibig ang ibinigay niyang pandesal. “Oo nga, masarap talaga! Kaya nga kahit malamig sa labas. Tinatyaga ko, makabili lang ng mainit na pandesal sa kabilang kanto. Sakto naman at may nakita ako na pinaparte-parte nila na mantikilya. Kaya naman bumili na rin ako, alam mo naman ang kambal. Isa rin sa mga paborito nila yan sa almusal. Kaya bumili na rin ako at dinagdagan. Kung mamimili kayo ni Bricks ng mga gamit rito sa bahay, samahan mo na rin ng mantikilya. Nang hindi na ganyan, mahal kasi sa tindahan." anito na naibiro ng mapangiti at maging ako ay kinangiti ang sinabi ni Manang. “Sige po, sasabihin ko kay Kuya Bricks." sagot ko. “Bakit nga pala ang aga niyo bumangon? Maaga pa, masarap matulog." “Araw ng pamamalengke ko, tanghali na nga at nakwento pa ako sayo." aniya na naibulalas ng makita ang maliwanag na pala sa labas. “Naku, mauna na ako sayo. Maiwan na kita rito at tatanghaliin ako. Baka wala na ako makuha na sariwang karne at isda sa palengke. Baka maubusan na ako, ikaw na bahala rito at mamamalengke lang muna ako." aniya na nagmamadaling tumayo na matapos higupin ang mainit na kape. “Maiwan na kita, kumain ka lang riyan." nakangiti pa ito bilin bago siya tuluyan na lumakad palabas bitbit ang bayong na ginagamit sa kanyang pamimili. “Sige po, ingat po kayo." ang sagot ko sa pagmamadali ni Manang ay namali pa siya ng bitbit pala. Naiwan yung wallet niya kaya nagmamadali na bumalik para kuhanin. Matapos mabalikan ang naiwan ay nagmamadali na rin ito lumabas ng bahay na narinig ko pa ang pagkakasarado ng pinto. Bumuntong hininga ako, habang naiwan ako mag-isa sa kusina at kumakain ng mainit na pandesal habang nahigop ng mainit na kape na dala ni Manang Lorie na tinimpla niya para sa akin. Sarap na sarap ako mula sa mainit na pandesal, mas gusto ko pa kasi ang lasa nito kung ikukumpara ko sa mga pastry na ginagawa sa restaurant. Mas mahal pa nga, ito magkano lang kung ikukumpara sa presyo ng mga pastry sa restaurant. Itong pandesal, mura na masarap pa at napapadami ang kain ko maging ang kambal. Dahil mag-isa lang ako rito sa kusina. Mag-isa umiinom ng mainit na kape at nakailang pandesal na rin ako habang naisip ang Sofia's restaurant. Ilan taon na rin ang lumipas ng mapadpad ako sa Sofia's. Sa restaurant na yon ako nagtatrabaho ng may ilang taon na rin hanggang ngayon. Marami na rin ako hirap at pagod na ibinuhos sa pagtatrabaho sa restaurant. Nag-umpisa ako sa pagiging staff at ngayon ay promoted na rin as Managerial. Napasinghap ako, dahil sa wakas ang lahat ng pagsisikap ko ay napunan ng maganda. “Elise!" nagulat pa ako habang may biglang tumawag sa akin. Kinalingon ko iyon at nakita ang nakangiti na puno at dulo nito. Charot! Si Bea, nakita ko sa aking paglingon. Nakatayo na pala siya sa aking harapan. “Good, morning. Ang aga mo ata?" tanong ni Bea na nakaupo na pala sa tapat ko sa mesa na kinauupuan ko. “Good morning, oo maaga ako nagising. Hindi na ako makatulog kaya bumaba nalang ako." sagot ko ng mapansin na dumukot na pala ito ng pandesal at kasalukuyang nagpapalaman. “Ganun ba, kaya pala." aniya sagot ng turan. “Si Manang?" aniya muli ng mabanggit at kanyang naitanong. “Umalis na, namalengke muna." sagot ko. “Ikaw bumili nito?" tanong habang ngumunguya at puno ang bibig. “Hindi si Manang ang bumili." sagot ko ulit. Natawa ng mahirinan ito bigla. Sakto at may tubig sa mesa at kumuha nalang ako ng baso para mainuman niya. “Dahan-dahan naman, wala naman aagaw sayo ng pandesal." turan ko ng paalalahanan. Grabe naman kasi, talagang sinubo niya yung isang buo na para bang mauubusan at nais pang sundan. Hawak niya kasi ang isa pang pandesal na napalamanan na rin matapos naisubo yung pandesal na pumasak sa kanyang lalamunan. “Salamat!" aniya ng makainom ng tubig at mapatid ang bumara sa bibig. “Unti-unti lang kasi, grabe para ka naman mauubusan at may kaagaw diyan sa pandesal." turan na sabi ko habang ako man ay nagpalaman. “Ikaw, bakit ang aga mo? May lakad ka ba?" tanong ko sa kanya habang muli ay may hawak na naman na isang pandesal. Ako naman ay kumagat sa pandesal na kinuha ko sa plastic. “Ganuon, bakit ang aga mo bumangon?" “Ano ka ba, ihahatid ko yung kambal ngayon." sagot nito. “Diba ako ang nakaschedule ngayon?" tanong ko kinagulat nito. “Nanaginip ka ba? O, nanaginip ka?" sabay tawa at nguya sa kinagat na pandesal. “Ako maghahatid sa kambal ngayon. Hindi ba nakipagpalit ako sayo nung isang araw? Kaya nga ako ang maghahatid ngayon." Nakalimutan ko na yon, nalimutan ko na nagpalit nga pala kami nung isang araw sa paghahatid sa kambal. Nagiging malilimutin na ata ako! nabulong na napakamot sa aking ulo. “Pasensya na, nalimutan ko." “Sabihin mo, ginambala ka na naman ng mga panaginip mo? Tama? Nanaginip ka na?" aniya ni Bea. “Mali, binangungot pala. Hahaha." sabay tumawa pa na tinukso na naman ako mula sa madalas na mga panaginip na hindi ko maalis. Dahil kahit anong gawin ay pabalik-balik lang ito at bumabalik sa akin. “Kalimutan mo na kasi yung nakaraan, kalimutan mo na si Harry. Dahil tiyak na nakalimutan ka na rin ng lalakeng nakaraan na rin sa buhay mo. Isang alaala nalang, ipasok mo sa isip mo." aniya na sambit habang pinagtatawanan ako. “Past na kasi, kung bakit ayaw mo pa rin kalimutan yung dapat na kinakailangan na kalimutan. Hayaan mo na siya, hayaan mo nalang siya sa past. Wag mo na siyang isipin at ayos ka naman na di ba?" Tama si Bea, tama siya na dapat ay kalimutan ko na ang nakaraan. Subalit paulit-ulit naman din kasi ako bumabalik at hindi makalimutan si Harry. Nasa paaralan ako nuon. Nang mangyari ang insidente at makilala ko si Harry matapos kong malaman ang mga nangyari sa aking ama. Inaayos ko nuon ang aking paglipat sa Manila nang mag-apply ako ng exam kung saan ako pumapasok na paaralan. FLASH BACK Masayang masaya ako na tumungo sa aming paaralan. Kausap ko si Ma'am habang nakangiti siya ay sinabi “Miss. Madrid, maaari mo nang makita at mabasa ang mga resulta ng nakapasa na mapapalad na estudyante sa ating website sa loob lamang ng dalawa o tatlong araw." aniya na masayang nakangiti na makita ako habang ipinapasa ko ang papel na naglalaman ng aking exam. "Sana, isa ka sa mga mapalad na makapasa. Dahil masaya kami, kung sakali at maaaring makapag-aral ka na sa Maynila tulad ng pangarap mong makarating ruon." Ang muli na sinabi ng guro na malapit sa akin na siya rin ang namamahala sa mga estudyante na mga kumuha ng exam na nangangarap rin makarating sa Manila. Isang pagkakataon ang binuksan ng aming paaralan para sa mga estudyante na may kwalipikadong marka o para sa mga estudyante na kwalipikado para sa programa. Marami ang mga nagsilahok para sa programa at karamihan ay tulad ko na nangangarap na makarating at makapagtapos sa Manila. Kaya naman isa rin ako sa mga kumuha ng exam upang subukin kung papalarin ba ako na makalipat sa kanilang main branch. Ang main branch ng eskwelahan na pinapasukan ko ay nasa Manila. Kaya naman kung sakali na isa ako sa mga makapasa. Matutupad ko na rin ang isa sa mga pangarap ko na nuon ko pa nais sana makuha. Subalit kapos kami sa pera, hindi kakayanin ng aming pamilya na suportahan ang pangarap ko na duon sa Manila makapagtapos ng aking pag-aaral. Dito pa nga lang sa probinsya ay hirap na rin masuportahan ng aking mga magulang. Duon pa kaya sa Manila, kung sakali na pinilit ko na makapag-aral. Buti nalang din talaga ang programa ng aming paaralan ay full support sa mga estudyante na mapipili. Maliban sa scholarship, may monthly allowance rin na matatanggap ang mga estudyante na mapipili upang hindi mahirapan ang mga mag-aaral sa kanilang pagtatapos ng pag-aaral sa main branch. Bahay nalang ang problema ko... “Elise, ipagdasal ko na isa ka sa mapili." muli na sambit ng aming guro. “Salamat po, Ma'am." ang nakangiti na naisagot. “Ano ka ba, tiyak naman na isa ka sa mapipili. Matalino ka at isa ka sa mga best students namin rito sa paaralan. Kaya natitiyak kong makukuha mo ang isa sa mga slot para sa limang mapipiling mag-aaral." anito na sinabi ng aking guro. “Salamat po, Ma'am." Sagot ko ng ako ay magpaalam. Sa sobrang saya ko na nararamdaman matapos makausap ang guro ko at maipasa ang papel na naglalaman ng aking exam. Mabilis ako na naglakad papalabas ng paaralan upang ihatid ang magandang balita sa aking pamilya. Masayang-masaya ako at nais ko ibahagi sa kanila ang balita mula sa paglahok ko sa programa ng aming paaralan. Tiyak na matutuwa sila Itay at Inay na siyang unang taga suporta ko sa lahat ng mga pangarap na nais kong maabot. Habang naglalakad ilan pa sa mga estudyante ang mga nakasalubong ko, ilan rin sa mga ito ay kumuha ng exam. “Pauwi ka na Elise?" ang tanong nila agad at tumango ako. “Oo, pauwi na ako. Ibabalita ko kila Itay at Inay na kumuha ako ng exam para sa scholarship na inilabas ng school. Ibalita ko rin ang posibleng paglipat ko ng Manila kung sakali na isa ako sa mapipili." sambit na may tuwa. “Ang saya ko, Gail! Sana mapili ako." sabi ko muli. “Matalino ka naman, bakit hindi di ba? Kung gusto ko ay sasabihan ko si Ate Bea na duon ka muna sa kanyang inuupahang bahay. Tiyak na matutuwa iyon. Alam mo naman kung gaano kasaya yun oras na malaman na duon ka na rin sa Manila magtatapos ng iyong pag-aaral. Tiyak na papayag siguro agad siya oras na sabihin ko na duon ka muna sa bahay niya. Alam ko na siya lang naman duon, mabuti na may kasama siya ng hindi naiinip at may nakakausap." masayang at excited pa nga na sabi ng pinsan ni Bea. “Salamat, Gail. Sige, mauna na ako sayo ahh! At ihahatid ko muna ang balita kila Itay at Inay. Si Biboy kasi tiyak na nasa eskwelahan niya pa rin. Tiyak na matutuwa rin yon oras na masabi ko ang tungkol sa pag-aaral ko sa Manila." aniya ko ng makapagpaalam na rin sa pinsan ni Bea. “Sige, mag-iingat ka. Masaya ako sa iyo, Ate Elise. Good luck and alam kong makukuha mong pumasa." sabi at lumakad na rin ako palayo sa kanya. Habang naglalakad muli may ilan pa ako mga nadaan. Binati ako at saglit na nakipagkwentuhan. Matapos ay mga nagsipaalam na rin kami sa isa't-isa. Ako naman ay umuwi na rin at upang maibalita na ang magandang balita na aking dala. Ngunit nang makauwi ako sa bahay, walang Ina na sumalubong at bumati sa akin. Nagtaka ako. “Inay..." tawag ko sa Nanay ko subalit walang kahit isang sagot ang narinig ko mula sa loob ng bahay. Lalo pa ako nagtaka at kinabahan na rin ng dahil hindi mahagip ng aking mga mata ang madalas na nakangiti na aking Ina. Madalas na sinasalubong ako nito ng nakangiti. Subalit ngayon, wala... Nasaan si Inay? Nasa eskwelahan pa lang ako, kinakabahan na ako. At ngayon na naririto na ako sa bahay mas lalo pang lumalakas ang kabang nararamdaman ko. Naalala ko pa ang muntikan na ako mashoot sa isang butas ng nandoon pa ako sa paaralan habang naglalakad. Buti nalang at isang kamay ang bigla nalang humila sa akin ng mawala ako sa aking katinuan. Nagulat talaga ako, dahil kung hindi sa taong yon. Baka sugat at galos ang nakuha ko mula sa malalim na butas na may mabahong tubig ang dapat kong kababagsakan. “Inay? Nasaan ka Inay?" muli ay aking sigaw sa paghahanap ko sa aking Ina. Ano bang nangyayari? Nasaan si Inay at bakit wala siya rito sa bahay? Nabubulong ako habang sinipat-sipat ang loob ng bahay. Pero wala talaga si Inay eh! Wala si Inay sa loob ng aming bahay. Huminga ako, malalim ang paghinga ng bigla nalang lumitaw sa kung saan ang aming kapitbahay na si Eunice. Kapitbahay namin si Eunice na nakatira mula sa may ilang hakbang malapit lang sa aming tinitiran. “Hinahanap mo ang iyong Inay? Elise, wala siya riyan. Umalis siya kangina." ang tanong ni Eunice ng tumango ako matapos na maitanong kung hinahanap ko ba si Inay. “Bakit saan nagpunta si Inay?" tanong ko. “Umalis siya kangina, matapos na may pumuntang mga police at hinanap siya." “Bakit? Bakit raw? Bakit nila hinahanap si Inay? Eunice? Alam mo ba bakit siya pinuntahan ng mga police? Bakit siya hinahanap ng mga police?" sunod-sunod na tanong ko at matapos ay huminga muna ito. Ako naman ay labis na kinakabahan habang nag-iintay sa pagbuka ng bibig ni Eunice upang sagulit ang itinatanong ko sa kanya. “May mga police kasi ako kangina nakita. Hinahanap nila ang iyong Inay, ang Itay mo kasi.." kumabog na dibdib ko ng marinig ko ang salitang Itay. “Bakit, Eunice? Anong nangyari kay Itay?" Nangingilid na ang luha ko ngunit ayaw pa rin sumagot ni Eunice. Napatingin pa ito mula sa likod ng may bigla nalang tumawag rito. Ano kaya ang nangyari kay Itay? nang umalis lang muna saglit si Eunice at nagpaalam ng tawagin ng kanyang Ina. Hindi pa nasasagot ang tanong ko, nawala na si Eunice sa aking harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD