bc

Billionaire's Heir and Heiress

book_age16+
2.5K
FOLLOW
10.6K
READ
billionaire
possessive
friends to lovers
dominant
CEO
billionairess
drama
city
childhood crush
seductive
like
intro-logo
Blurb

Marea Zachi Fortejo's princess-like life with her bestfriend, Ivo was crushed when a guys from their company entered the picture.

****

Mala-prinsesa ang buhay ni Zachi. Lahat ng tao paligid niya ay prinsesa ang turing sa kanya lalong lalo na ang bestfriend niya si Ivo. Akala nga ng lahat sila ang magkakatuluyan lalo na noong nagtapat si Ivo sa kanya, pero sadyang iba ang gusto ni Zachi. She found herself being in love with their company's photographer, Joseph. She thought she would have the ideal love story that she dreamt of, she never expected that it's her family who will be hindering her happines.

Is love worthy to fight for? Even if it means throwing away all the people who are there for you ever since namely your family and the guy who treated you so special, every other girl would curl in insecurity?

chap-preview
Free preview
Prologue
Everybody was in their luxurious gowns and jewelries as they entered the ballroom hall of Fermin Hotels. Nabalot ng kulay gold at black ang buong hall. Sa kaliwang gilid nakapuwesto ang orchestra na nanghaharana sa mga bisita. May red carpet na nakalatag pa sa gitna ng aisle na animo’y isang royalty ang dadaan. May isang lalaking nakaputing tuxedo ang pumwesto sa harapan. May hawak itong microphone.  “Guests, may I have your attention, please,” panimula nito. Huminto ang pagtugtog ng orchestra at halos lahat ng guests na nasa kani-kanilang mga table at nagkakamustahan ay bumaling sa Master of the Ceremony. “Thank you, thank you so much. To begin this night, let us please call on our birthday celebrant, Miss Marea Zachi Fortejo with the Fortejo Family!” Napuno ng palakpakan ang buong ballroom hall sa pagpasok ng isang babaeng naka-gold mermaid gown. Ngiting-ngiti ito sa madla habang nakaangkla sa lalaki at babaeng nasa mga mid-forties. Tube ang disenyo ng gown niya at may transparent white gloves siyang suot na hanggang siko. Suot niya sa kanyang leeg ang kumikintab na diamond necklace na tinernohan din ng mga diamond dangling earrings.  Pagdating sa may dulo ng red carpet ay huminto ang tatlo. Lumabas mula sa gilid ng host ang isang lalaking naka-clean cut ang itim na buhok, nakaitim na three piece suit at gold necktie na matching sa gown ni Zachi.  Bumuntong - hininga siya at binalingan ang kanyang mga magulang. Bumuga ng hininga ang kanyang ama at saka tumango bago siya pinakawalan. Natawa na lamang siya at bumaling din sa kanyang ina. Zascha just smiled at her daughter before finally letting her go. Binalingan niya ang lalaki sa kanyang harapan, ang kanyang bestfriend na si Ivo. Ngumiti rin ito sa kanya tapos ay inilahad ang kamay nito sa kanya. Nakangiting inabot niya ang kamay nito. “Thank you,” aniya rito. Inakay siya nito sa gitna. As if on cue ay nagbago ang tugtog ng orchestra.  Nagdilim ang ilaw at tanging spotlight na lang ang nakatutok sa kanila ni Ivo. Ikinawit niya ang kanyang dalawang kamay sa batok nito at iniligay naman ni Ivo ang dalawang kamay nito sa kanyang bewang. Nagsimula silang mag-sway habang sinasabayan ang tugtog ng orchestra.  They were the center of attention. Ramdam na ramdam ni Zachi ang mga tinginan ng mga tao sa kanila.  “Ang lakas ko talaga sa’yo, no. Imagine, you really flew here agad kahit na kagagaling mo lang Venice for the business trip.” Nginitian niya si Ivo. Agad namang umirap ang magaling niyang kaibigan. Nakagat niya na lang ang kanyang labi habang si Ivo naman ay kunot na kunot ang noo sa kanya.  “Huh. You’re so confident with yourself, Zach,” sabi pa nito sa kanya. Tumawa lang siya rito. Inilingan siya ni Ivo. “You never change. You’re so full of yourself,” sabi pa nito sa kanya.  Umirap lang siya at sinimangutan ito. “Nakakainis ka talaga. Aminin mo na lang kasing malakas ako sa’yo. Ako lang bestfriend mo, ‘di ba? Whether you admit it or not. Duhh,” asar niya pa rito. Umirap lang ulit si Ivo sa kanya.  “Whatever helps you sleep at night, Zachi. Whatever,” sagot lang nito. Natawa lang ulit siya rito. “Ayaw mo talaga ako pagbigyan. It’s my birthday, come on!” Nginusuan niya lang ito.  Ngumisi lang si Ivo at saka umiling sa kanya. Mas napanguso pa siya nang hatakin siya nito payakap dito. Agad nilang narinig ang sigawan ng mga tao sa paligid. Mas lumakas pa nga iyong sound ng orchestra nila.  “Happy birthday, Zachi,” bulong ni Ivo sa kanyang tenga. Napangiti na lamang siya rito. Nakagat niya na lamang ang kanyang labi at saka ibinaon ang mukha sa balikat nito. Talagang nakayakap na sila sa isa’t isa ngayon.  “Hmm. I miss you, Ivo,” sabi niya pa rito. Narinig niyang tumawa ito.  “See? Ikaw ang naka-miss sa akin, e,” asar pa nito sa kanya. Napasimangot siya at agad na kumalas dito.  “Whatever!” Inirapan niya ito.  Tumawa lang naman ulit si Ivo. Natigil ang tugtog ng orchestra at saka sila nagsimula na sa program.  It was the usual birthday for her. It’s the birthday greetings first, then kakain na sila pagkatapos. Halos hindi na nga siya nakakakain dahil sa sobrang busy niya sa pagti-table-to-table. Para tuloy siyang bumalik sa kanyang debut kahit na 22nd birthday na niya. Well, every birthday niya naman talaga ay may pa-party na ganito, courtesy of her mother na hindi pumapayag na hindi bongga ang party nilang magkakapatid. She’s the eldest, and she has a little brother and sister. Lahat sila ay may pa-party sa tuwing birthday. Walang palya iyon. Siguro that’s one of her perks being the granddaughter of Lady Addelaide Fortejo and the first granddaughter of the Montecarlos family.  Kadalasan din naman kasi ay nagiging business party na rin naman ang mga parties nila. Minsan, iniisip niyang kaya siguro nagpa-party palagi ang mga magulang nila.  “Oh my gosh, Zachi! Happy birthday!” bati ng isa sa mga bestfriends niya. Natawa siya rito at agad na niyakap ang babae.  “Aww, thank you, Mel!” sabi niya rito at nakibeso pa rito.  “Marea Zachi! Happy birthday!” sigawan naman ng dalawa pang babaeng nagtakbuhan papunta sa kanya.  Napairap pa siya sa mga ito. Halatang kagagaling lang sa buffet table, e. “Thank you, gals!” sabi niya at isa-isang bineso ang mga ito. “Gosh, ang gulo niyo pa rin talagang dalawa,” komento niya sa mga ito.  Tinawanan lang siya ng dalawa. Napailing na lang siya. Nag-stay muna siya ng ilang minuto sa table ng kanyang mga kaibigan bago siya nag-table-to-table ulit sa mga bisita nila. Most of the people that she greeted were her Dad and Mom’s business partners.  “Hi, Mom, Dad!” she greeted her parents when she found them at the table of the Cuancos. Nilingon niya pa ang mga magulang ni Ivo. “Hello po, Tito, Tita,” bati niya pa sa mga ito at bumeso sa mga ito. Bineso niya rin ang kapatid ni Ivo na si Ivy.  “We were just having a little chit chat with our supposed merger, hija,” her mother said. Saglit na kumunot ang kanyang noo rito. “Woah. Merger, Mom?” takang tanong niya pa. Wala naman kasing sinasabi ang mga magulang niya sa kanya at wala rin namang kinukwento si Ivo sa kanya.  “It’s not yet final, Zachi. We are still thinking about it,” her father added.   Nagkorteng - o ang bibig ni Zachi at saka tumango sa mga ito. Bahagya pa siyang napatalon sa gulat nang maramdaman niyang may pumulupot na braso sa kanyang bewang. Nang lingunin niya ito ay bumungad sa kanya ang mukha ni Ivo.  “Ivo, hijo!” Agad na tumayo ang mommy niya at bumeso sa kanyang bestfriend.  “Good thing you’re here, Ivo. We were just talking about the planned merger,” sambit ng Tito Xamuel niya sa anak nito.  Tuamango-tango naman si Ivo sa mga magulang. Napanguso pa si Zachi at umangkla sa braso ng kaibigan. Binalingan niya ang kanyang mga magulang at ang mga magulang ni Ivo.  “Uhm, Parents, Tito, Tita, can we go from table to table first, please?” Nginitian niya ang mga ito tapos ay tiningnan si Ivo na inirapan lang siya. Basang-basa na talaga siya ng kaibigan niya. Mas ngumiti pa siya at tiningnan ang Tita Ivory niya. Ito lang naman kasi ang hindi ganoon ka-grind sa business. Ngumiti ito sa kanya. Muntikan pa siyang mapasigaw ng yes nang makitang hinarap nito ang Tito Xamuel niya.  “Hayaan muna nating i-enjoy ni Ivo at Zachi iyong party. Miss na miss niyan ang isa’t isa,” sabi pa nito. Nakagat na lang ni Zachi ang kanyang labi para pigilan ang pagtawa. Sa huli ay halos sabay pang bumuntong-hininga ang mga tatay nila at pinayagan na silang umalis doon.  Napangisi na lang ulit siya at napahagikhik. Nakita niya pang umiling si Ivo sa kanya. Nginisihan niya lang ito at saka inangkla ang kamay niya sa braso nito.  “What?” tanong nito sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya at mas ngumisi.  “Hmm, nothing. I just really love Tita Ivory. Gosh, she’s our life savior!” sabi niya pa. Umiling lang si Ivo sa kanya.  “Can we just get over this table to table greetings?” sabi pa nito.  Ngumuso lang siya at umirap. “Fine.” At nagsimula na nga silang mag-table to table naman ng mga bisita. She was all smiles as she talked to her friends and acquaintances. Nasa tabi niya lang naman si Ivo at sinasabayan siya sa pag-table to table.  “Nako, kayong dalawa ang cute-cute niyo talaga, Zachi,” a middle-aged woman said to her. Sa hula niya ay isa iyon sa mga negosyanteng ka-business ng Daddy niya.  Abot-tengang nginitian niya lang ang ginang.  “Thank you po. I hope you’re enjoying the party,” aniya. “Of course, hija. Your mother never disappoints us. Oh gosh, you two really look so good together!” Hilaw na napangiti na lamang si Zachi sa kanyang narinig. Medyo nailang pa siya nang magtanong na ang mga ito kung sila ba raw ni Ivo.  “Nako, we’re just friends lang po,” she said humbly pero ang mga mata ng mga kausap nila ay tila hindi naniniwala. Siniko niya pa si Ivo para sana tulungan siya pero ang magaling niyang kaibigan ay ni hindi man lang kumibo at mas ngumisi pa sa mga ito.  They always get these kinds of questions. Kesyo sila na ba raw, ano raw ang sabi ng mga magulang nila at kung ano- ano pa. Sa totoo lang ay nabuburyong na rin siya sa mga tanong ng mga ito. Para kasing mga sirang plaka at hindi makaintindi kahit na paulit-ulit na niyang sinasabing hindi sila ni Ivo at mag-bestfriends lang talaga sila kasi iyon naman talaga ang totoo. Ever since mga bata sila ay magkasama na sila ni Ivo dahil ito lang ang tanging batang nakasundo niya at hindi siya pinaplastik. Siguro kasi pareho sila ng estado sa buhay kaya naiintindihan siya ni Ivo. Iyong iba kasi ay halatang-halata niyang may kailangan lang sa kanya kaya siya nilalapitan o kinakausap. Si Ivo lang talaga ang nagtagal sa kanya pero sa kabila noon, never naman niyang nagustuhan ang binata na higit pa sa pagkakaibigan. Ewan din niya, gwapo naman si Ivo at crush ng bayan pa nga noong school days nila. Siguro talagang bestfriend niya lang talaga ito kaya ganoon.  Ewan ba niya kung bakit hindi maintindihan ng mga tao iyon.  “‘Yong mukha mo, nalulukot na naman.” Dinig niyang sabi ni Ivo.  Nagsawa na siya sa mga bisita niya kaya nagpunta muna sila ni Ivo sa may gift table para maningin ng mga regalo. Sinimangutan niya lang ang lalaki. Agad naman itong nagkunot ng noo sa kanya.  “What did I do again?” takang-takang tanong nito. Umirap siya at pinagkurusan ito ng mga braso.  “Well, you didn’t speak lang naman when they were asking about us,” nagtatampong sabi niya rito.  “Mapapagod ka lang sa mga iyon, Zach. They’ll believe what they want to believe. Just let them be,” sabi nito.  Ngumuso siya. “Para kasing mga sirang plaka. I hate it,” reklamo niya pa.  Ngumisi at umiling lang si Ivo sa kanya tapos ay ginulo ang kanyang buhok. Mas sumimangot siya rito. Bumuntong-hininga si Ivo tapos ay may kinuha pa mula sa lamesa ng mga regalo. Kumunot ang kanyang noo rito.  “What’s that?” tanong niya nang makita ang hawak nitong isang square box. Nagkibit-balikat lang ito tapos ay iniabot ang box sa kanya.  “Open it.” Saglit na tiningnan niya lang ito.  “Is this your gift?” Nagkuros ng braso ang lalaki. “Yup.” Tinaasan niya ito ng kilay. “Wow. And you’re really letting me open it na, ha.” “Ah yeah, ‘cause you’re irritated already. Come on, open it.” Napairap na lang ulit siya at binuksan na ang regalo. Kunot na kunot pa ang kanyang noo habang sinisira ang cover noon pero nang bumulaga sa kanya ang laman ng box ay sandali siyang napahinto at nanlaki ang kanyang mga mata. “Oh my gosh! Is this for real?!” Halos mangiyak-ngiyak niyang binalingan si Ivo na noon ay nakangisi na sa kanya. Sa sobrang saya niya ay impit na napasigaw pa siya at agad na napayakap kay Ivo. “Oh gosh! Oh gosh! How did you find this! Omg!” Halos maiyak na talaga siya habang yakap-yakap ang kaibigan.  Narinig niya lang tumawa ito at mas niyakap siya. Isang Music Box na may customized songs ng kanyang favorite artist lang naman ang ibinigay nito. It was a limited edition merchandise of a Filipino Pop Group that was released worldwide. She was never a fan of music, but that particular group really caught her attention to the point na binibili niya lahat ng merch nito. Nang i-release ang music box na merch ay talagang nag-tantrums siya dahil hindi siya naka-order sapagkat late siyang nagising at sold out na iyon. Si Ivo pa ang nag-comfort sa kanya noon dahil sobrang down niya talaga.  “I told you I’ll buy you one, right?” sabi pa nito. Lumabi siya at kumalas sa yakap.  “You’re really the best,” teary- eyed na sabi niya rito. Natawa na lang si Ivo sa kanya at niyakap siyang muli. Wala na siyang paki kung anong sasabihin ng mga tao sa paligid basta sobrang saya niya lang talaga.  “Best birthday gift ever. Love you, Iv!” 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

His Obsession

read
74.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook