Chapter 4 - Battle of the Bands

3118 Words
Chapter 4 - Battle of the Bands Airin's POV Nakatayo pa rin si Gene at tulala,masidhi nyang pinagmamasdan ang dal'wa sa stage na lumampas na ang 5 minutes ang laplapan. Gusto ko sanang paghiwalayin yung nguso nila eh kung pwede lang umepal sa harapan kaya lang baka masabihan pa kong KJ. Kaya naman lalapitan ko na lang si Gene. Kaya lang ng papalapit na sana ako ay bigla naman syang nag walk out palayo kaya hinabol ko. "Gene!"tawag ko sa kanya pero hindi man lang tumigil ang alien, pero hinahabol ko pa rin sya btw naka killer heels nga pala ako o bonga nakatakbo ako. "Gene! Saglit lang hintayin mo ko!"sigaw ko sa kanya na nakarating na kami sa labas pero dahil kakahabol sa kanya hiningal ako at napahawak sa dalwa kong binti at hinahabol ang hininga. "Sabing hintay eh."sabi ko sa sarili ko habang hinihingal pa rin, pinagpapawisan ako ano ba yan! Nagtataka kayo kung bakit concern ako? Pwes hindi ako concern dyan kay Alien! Naalala ko lang kasi yung sinabi sakin ni Tita Heart (nanay ni Gene) na.... "Pag si Gene sobrang lungkot minsan naiisipan nyang magpakamatay kaya naman kung may ano manyare sa kanya ay alalayan mo makakaasa ba ako sa'yo Heroine?"sabi ng nanay nya noong nasa bahay nila ako. Syempre sagot ko "Paki ko ho ba dyan kung magpakamatay yan. Ang saya pa nga eh kung mangyare yon." syempre joke lang eto sagot ko "Makakaasa kayo Tita,aaalagaan ko ho anak nyo." bait ko noh? Pero syempre may isa ako salita at kung may mangyare kay Genesis na hindi maganda konsensya ko pa hayss nako problema ko pa tuloy sya imbis na sya lang may problema pero grabe lang naman talaga ginawa ni Luhan at Jess may relasyon pala di man lang sinabi ng maaga di man lang ako binulungan,joke. "Hayaan mo na sya." napalingon ako sa kung sino nagsalita sa likod ko, napasinghap ako ng hangin ng nakita ko sya. "Bat ka andito?Baka nabitin ka pa sa kissing scene nyo?"tanong ko sa kanya na kaharap ko ngayon. "Gusto ko lang makita kung gaano sya kawawa." sabi nya na ngumiti pa, sarap hambulusin ah! "Galing mo rin Luhan,actually naging idol tuloy kita,push mo yan ha? Geh bye." sabi ko sa kanya na may pagka sarkastiko ang boses ko kaya naman tumalikod na ko at magsisimula na ng paglalakad kaya lang may humawak sa kamay ko. "Don't touch me."may pagkalalim ang boses ko,actually kahit wala akong concern kay Gene mali pa rin kasi ang nakikita ko ngayon eh kaya medyo galit ako dito sa Luhan na 'to. "Bakit mo sya susundan? Gusto mo ba sya?"tanong nya,kaya naman napatingin tuloy ako sa mga mata nya na ngayon ay.... nakakataas balahibo. "Wag ka magtanong di tayo close bitawan mo na ako." kalma pa rin ako mga pare at mare sayang ang beauty ko kung papatulan ko ang jerk na 'to. "Gusto mo nga sya?" "Bat ba ang usisa mo,wag mo na nga ako paki alaman eh kaw nga eh hindi ko na tinatanong kung paano mo nagawa sa kaibigan mo ang bagay na 'yon. Uso karma Luhan."sabi ko at pagkasabi ko na non tinabing ko yung kamay nya saka sabay flips hair at lakad. Nang medyo malayo na ko nakarinig ako na parang may bumagsak kaya napalingon ako at nakita ko doon si Luhan na nasa lupa at hawak ang pisngi nya. "How stupid it is Luhan?" oh umiinglish ang peg alam na kung sino. E di si Calvs na ngayon ay parang lumabas ang isang side nya. Tumalsik yung eyeglasses nya sa paanan ko siguro gawa ng impact ng pagkakasuntok nya kay Luhan kaya naman pinulot ko agad ito. Lumapit ako sa kanya para iabot. "Calvs."tawag ko sa kanya,agad naman sya napatingin sa akin na kanina ay galit na galit ang mukha na ngayon ay umamo ng nakita ako. Nang mapatingin ako sa mga mata nya may hindi ako maipaliwanag sa sarili ko, parang nakita ko na ang mga mata yan dati. Hindi ko lang alam kung saan at kung kailan. "Thanks."sabi nya na hinihigit sa akin yung eyeglasses nya na napahawak ng mahigpit dahil sa pagkakatulala ko ano ka ba naman Airin! Mata lang yan natulala ka na! Eh kasi naman eh parang pamilyar hindi ko lang matandaan. "I don't know you anymore."sabi nya kay Luhan na hangang ngayon ay nakaupo sa lupa na ngumingisi pa rin ayss sarap talagang gamitan ng flying kick eh "Airin do you know where Gene has been?" hala tinatanong ako,eh bat ako nagpapanic? Waley lang. "Ha? Ah ano eh tumakbo sya hindi ko na alam kung asan na lupalok na punta."saad ko. "Let's find him, I'm on that way and you are on the left street."sabi nya tumungo na lang ako pagkatapos ay nauna na syang umalis tumakbo pa nga eh. Samantala naman ako papaalis na sana nang may humawak sa paa ko "HOY LUHAN MANYAK KA WAG MO KONG SILIPAN!" tinatadyankan ko sya aba baka naninilip eh! Nakadress ako di ba? "Hoy di ako manyak at di kita sisilipan."sabi nya tumatayo na."Ang sakit ng suntok ah."pagpapatuloy nya. "Kulang pa yan,dapat sayo nginungubngub sa inidoro." "Kadiri ka naman."sabi nya na ngumingiti. "Wag mo na ko pipigilan! Hahanapin ko si Gene!"sigaw ko sa kanya. "Bantayan mo sya."sabi nya pagkatapos ay tumalikod na at nagsimula na maglakad pabalik. Whoo concern din naman sya kahit papaano. Wala na kong sinayang na oras at dali dali na ko tumakbo para hanapin si Gene kaliwa at kanan ako tumitingin dahil baka andoon sya. Whoo kaya ako ayoko ma inlove eh masasaktan din naman sa huli. Pero sabi nga kung pumasok ka sa mundo ng pagmamahal may kalapit na sakit ito kaya ganon, oha gumaganon ako. "Genesis!" "GENESIS VALDEZ YOHHOOO CHU~~~" tawag ko sa kanya,ginawa ko pang aso. Malalim na ang gabi kakatakot na kaya naisipan ko ng bumalik hindi ko pa naman alam ang lugar lugar dito sa Pilipinas mahirap na baka ma r**e pa ko. Hangang sa may nakita ako nakaupo sa may swing na malapit sa pinaroroonan ko kaya lumapit ako at ng nakalapit ako nakita ko doon si Gene na nakaupo at nag swing doon. "Hoy Gene,ayos ka lang?" tanong ko sa kanya, tulala sya habang nakaupo doon ng mapansin ko na naiyak sya. Kaya kinuha ko yung panyo ko sa bag ko at inabot sa kanya, ang panget nga tignan eh dapat lalaki nagbibigay ng ganito pag umiiyak ang isang babae. "Eto oh,punasan mo luha mo."inabot ko sa kanya pero parang wala syang naririnig, hayss drama naman ng alien na 'to. Kaya naman lumuhod ako sa harap nya para maabot ko yung height nya plano ko kasi punasan ang mga luha nya. Siguro napansin na nya yung ginagawa ko kaya naman hinawakan nya bigla yung wrist ko na pinagpupunas ng luha nya kaya napatingin ako kanya. "Pinupunasan ko lang ho." sabi ko tapos inalis nya yung hawak nya at tumayo sa swing. "Oh saan ka pupunta? Magsalita ka nga dyan."sabi ko,ayaw kasi magsalita pakainin ko kaya to ng ano ng baboy para dumaldal -_-. "Leave me alone." sabi nya na naglakad palayo,ako naman tumayo na "Hoy Gene! Para kang tanga dyan bat kailangan mong umiyak sa taong hindi ka pinapahalagahan!" sabi ko, ewan ko ba nasabi ko na lang bigla, naiinis kasi ako sa mga taong ganon eh yung nagpapatanga sa taong hindi sila mahal hindi naman kasi tayo ginawa para saktan lang ng kung sino. Humarap sya sa akin na kunot ang noo "You don't know anything of what I feel for her,she's like my water that refleshes my body and a food that makes energy, she's my life Airin." "Wala ako alam sa pagmamahal Gene pero alam ko kung paano na ihihinto ang bagay na walang katuturan,kaya Gene...umuwi na tayo."sabi ko naman sa kanya, aba baka anong gawin eh baka nga magpakamatay yan ako pa masisi! "Yun na nga eh,wala kang alam sa pagmamahal kaya hindi mo ko maiintindihan."oo na! Ako na hindi nagkakalovelife! Pagkatapos non naglakad na sya palayo,hindi ko na sya sinundan wala eh ganun pananaw nya sa buhay saka brokenhearted pa bukas ko na lang kakausapin. Tumalikod na rin ako at uuwi na kaya lang nagulat ako ng may tao pala sa likod ko. "Calvs ikaw pala,kanina ka pa dyan?" Lumapit sya sa akin at hinawakan yung pisngi ko "Did he hurt you?" tanong nya habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko,BAT MAY LUHA AKO? Aba automatic na luha ko ngayon, siguro dahil sa huling salita na binitawan ni Gene. "Hindi siguro napuwing lang,tara balik na tayo."sabi ko habang inalis ko yung pagkakahawak nya,aba awkward kaya! Nauna na ko maglakad hangang sa naramdaman ko na sumusunod sya sa likod ko. "Tingin mo matagal na niloloko ni Jess si Gene?"panimula ko habang naglalakad kami pabalik. "I don't think so." "Huh? Bakit naman." "I don't know but one thing is for sure Luhan didn't did this on purpose maybe there is a reason."sabi nya habang inaayos ang salamin nya. "Eh bat mo sya sinuntok?" "Because I know he's hiding something that he wouldn't want to open up with me." "Ahh kaya pala,sya nga pala talaga bang englishero ka? Hindi ka ba marunong mag tagalog?" "Marunong." sagot nya,HUWAHH parang kanta sa tenga nagtagalog din! "Wahhhh cute ka naman pala nagtatagalog eh,magtagalog ka na lang ha?" sabi ko sa kanya na nakangiti tapos tumingin naman sya sa akin at ngumiti din. *DUGDUGDUG* Napahinto ako sa paglalakad bat ganon? Tumunog yung puso ko? Parang may bomba? "Hey,are you all right?"tanong nya ulit sa kin. "Eh-- wa-wala! Tara na!" tapos naglakad na ko ng mabilis, yung ngiti din nya pamilyar ano bang nangyayare sa akin kanina pa ko ganito sa kanya!? At kapag nga naman sinaniban ka ng kashungaan eh natalisod ako at bumaksak sa lupa! NAKAKAHIYA! Tapos saka ko naalala naka dress nga pala ako! Kaya agad ako napatingin kay Calvs na ngayon ay nasa kaliwa ang tingin at mukhang namumula. "Ma-may nakita ka!?" hala nahihiya ako shemay naman na bato yan! Sumpain! "Don't worry I don't see anything."sagot nya na hindi pa rin tumitingin sa kin. Hayys buti naman nakakahiya kaya! "Just spongebob." "Ano!?" HUWAHH NAKITA NYA YUNG SPONGEBOB SA BOXER KO >."Di pa ba obvious yung ginawa nya?" "Baka may rason lang si Jess." "Eh bat mo ba sya kinakampihan?" "Malamang dahil alam ko hindi nya magagawa 'yon." "Eh paano kung totoo nga lahat?" "Wala na tayo magagawa, wala naman rules pagdating sa pagibig." "Hayss ewan ko sa'yo ngayon ka pa naging ganyan!" tumayo na ko at naglakad papuntang pinto. "Hoy bru san ka pupunta!" "Kung saan walang pagmumukha mo!"lumakad na ko sa pinto at bago ko pa narinig syang nagsalita ng "Pag ako naging artista who you ka sa kin!"sigaw nya bago ko ikalabog ang pinto sus taas talaga mangarap ng bakla yon pero baka malay nyo may magkamali sa kanya. Gusto ko sana hanapin si Gene pero ang init sa labas kaya akyat na lang ako ng roof top ng Chireo high mahangin daw don eh saka masarap ang ambience. Pag-akyat ko sakto walang tao kaya umupo ako malapit sa may railings tanaw doon ang soccer field at sakto rin nakita ko doon si Calvs kasama yung members nya,aba naglalaro pala yon ng soccer wala kasi sa mukha nya ang pagiging sportsman pangpalito kasi ang katawan. Basa na sya ng pawis at lalong naging hot dahil sa pagiging wet look ng buhok nya, parang nagslow motion yung bawat galaw nya sakin may pagkakataon na ngumingiti sya naalala ko tuloy kagabi kung paano ako napanga nga sa mga ngiti nya,bat kaya ganoon? Ano ba 'tong iniisip ko ang hahalay, kinuha ko na lang yung ipad ko sa bulsa ko at nilagay ang headset ko sa magkabilang tenga at pinatugtug yung 'Just A Kiss' by Lady Antebellum habang pinapanuod si Calvin Garcia maglaro ng soccer. "Lyin' here with you so close to me It's  hard to fight these feelings when it feels so hard to breathe  I'm caught up in this moment, caught up in your smile"hindi ko napigilan at napasabay na rin ako sa kanta,ganda eh saka yung kanta kasi favorite ko. "I've never opened up to anyone  So hard to hold back when I'm holding you in my arms  We don't need to rush this, let's just take it slow"kakantahin ko na sana ang kasunod pero laking gulat ko na may kumanta upang sundan ang susunod na lyrics,napalingon ako kung sino iyon at nakita ko si Luhan na nakalagay ang dalwang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Magsasalita pa sana ako para tanungin kung bakit sya andito pero sinenyasan nya ako na ituloy ko yung kasunod. Kaya ginawa ko at nagduet kami sa susunod na lyrics. "Just a kiss on your lips in the moonlight  Just a touch of the fire burning so bright  And I don't want to mess this thing up  No, I don't want to push too far  Just a shot in the dark that you just might  Be the one I've been waiting for my whole life  So baby, I'm alright with just a kiss goodnight" Hindi ko na sinundan yung kasunod matapos namin tapusin ang chorus ngumiti sya pagkatapos ngumiti rin ako,ewan di ko feel magsungit sa kanya ngayon eh. Yung boses nya simple lang hindi maganda at hindi rin panget middle class lang. "Ang galing mong kumanta, pang lullaby."sabi nya habang lumapit sa akin at tumingin din sa mga railings. "Salamat, bat ka andito?"humarap sya sakin matapos ang sinabi ko "Lagi rin ako andito pagtrip ko magcutting,eh kaw?"tanong nya pabalik na konting distansya lamang ang layo namin. "Hahanapin ko sana si Gene kaya lang mainit masyado kaya dito na lang ako, kamusta na kayo ni Jess?" "Ayus lang kami,stay strong. Tsk di sya umuwi ang O.A nya talaga." "Ikaw kaya agawan ng syota magtatalon ka ba sa saya syempre hindi." "Ang daming babae dyan bat ba sya papakabaliw sa isa." "Yun nga point eh daming babae dyan pero si Jess lang talaga mahal nya, at yun din gusto ko itanong sayo ang daming babae papatusin syota pa ng kaibigan mo."umirap ako sa kanya at tumingin sa railings baka masapak ko si Luhan eh nainit nanaman ulo ko. Nagulat na lang ako na ang daming nakapaligid sa may soccer field may away ba? "Eh kasi--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya ng tinanong ko kung may away ba dahil kumpulan sa may soccer field. Napatingin din naman sya at napahawak sya sa railings at inanigan maigi. "Xyrus Perez."sambit nito habang nakatingin. "Sino yon?" tanong ko sa kanya pero bago pa nya sabihin eh hinila nya na ang kamay ko at kinaladkad palabas ng roof top. Hinihila ko nga pabalik ang kamay ko na hawak nya dahil kaya ko naman tumakbo mag isa eh wala eh tsansing si Koya Luhan. Nang makarating kami sa soccer field halos naging center of attraction kami nawala yung kumpulan ng mga studyante at napatingin sa amin at nakita ko na din kung sino ang pinagkukumpulan nila. Lumakad kami ni Luhan palapit kila Calvs na ngayon ay basang basa ng pawis kaharap ang mga taong may mga dalang gitara na nakasabit sa shoulders nila yung isa pamilyar sa kin ang mukha sya yung nakita ko naka jacket sa gitna ng mataas na init ng araw noong unang araw ko sa Chireo High. Napansin ko na nakatingin si Calvs sa kamay namin ni Luhan,ay shunga magkaholding hands nga pala kami! Kaya naman agad kong hinila paalis sa kamay ni Luhan napatingin naman si Luhan sa ginawa ko. "Wala ata ang leader nyo? Wag nyo sabihin na kinalimutan na nya kayo?"sabi nung lalaki na may kasingkitan ang mata sya yung nakajacket dati. Humakbang si Luhan doon sa lalaki yung bang face to face "Xyrus wala ka ng paki don,bat ka ba andito?"maangas na sagot ni Luhan. Ah sya pala si Xyrus Perez na binangit ni Luhan kanina sa roof top. Pasimple kong kinulbit si Calvs at tanungin kung ano ang epal nya sa buhay ng Goodkissers "He is the vocalist of The French toast and also the leader of his band, and his group is the greatest competitor or rival of the Goodkissers."whooo ganon pala astig naman! "Well,may battle of the bands sa susunod na sabado at hinahamon ko kayo."ngumiti ng panget este ng nakakaloko yung Xyrus. "Hindi nanamin papatulan ang mga bagay na yon alam na kasi namin na kami ang mananalo."tumalikod na si Luhan matapos sabihin ang mga mahahangin na bagay na yon. "Tara na guys."sabi nito sa amin dal'wa ni Calvs. "Oh baka natatakot lang kayo kasi wala si Genesis,nanalo lang naman kayo dahil sa kanya hindi ba?"luh yabang nito ah mapatulan nga! "Hoy! X wag ka magsalita ng tapos dyan! Yabang mo ah!"bigla ko hirit ang kapal ko noh? Wala naman ako kinalaman dito pero sinagot ko sya,napatingin tuloy ang lahat ng atensyon sa akin. "X? Astig nabigyan mo agad ako ng palayaw, patunayan nyo pumunta kayo sa Battle Of The Bands kung hindi talunan lang kayo."sambit nito. "Aba sasali talaga sila!" "Oh well,see you then."sabi niya na tumalikod na at sumunod na yung kasama nyang tatlo,napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Luhan na nakalagay ang kanan kamay sa mukha nya "Oh bakit nakafacepalm ka dyan?"tanong ko. "Airin naman eh,wala tayong drummer dahil umalis si Ivan papuntang New York si Genesis naman hindi natin alam kung asan wala tayong lead guitarist kulang tayo."sagot nito sa akin. Napahawak ako sa batok oo nga noh,kaya nya siguro hindi tinanggap yung alok hayss Airin Valdez naman utak din gamitin minsan! "We can fix it."sagot ni Calvs. "Huh?"sabay kami ni Luhan. "We should find a Lead guitarist and a new drummer." sambit ni Calvs. "AY ALAM KO NA!" nagclap pa ng kamay si Luhan. "Ano?"tanong ko. Hinawakan nya bigla ang dalwa kong balikat at hinarap sa kanya na kinagulat ko "Heroine Airin Valdez, you are our new vocalist."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD